Home / Romance / CEO ROMANCE SERIES (JAKE & YESHA) / CHAPTER 1-THE NEW FAMILY

Share

CEO ROMANCE SERIES (JAKE & YESHA)
CEO ROMANCE SERIES (JAKE & YESHA)
Author: itchay principio

CHAPTER 1-THE NEW FAMILY

last update Huling Na-update: 2022-05-27 12:35:10

“Yesha, anak, pinapakilala ko nga pala sa’yo ang Tita Clarisse mo at ang anak niyang si Claire. Mula ngayon ay dito na sila titra kasama natin,” saad ni Romualdo sa anak na si Yesha. Tiningnan ni Yesha ng maigi sina Clarisse at Claire, bago niya ibinaling ang tingin sa ama na nakangiti sa kanya habang tinitingnan ang magiging reaksyon niya. Disi-siete pa lang siya noon, at nasa fourth year high school. 

“Bakit po, Papa? Bakit po sila dito titira?” tanong niya sa ama ng diretsahan. Nakita niya ang pag-aalangan sa mga mata nito, bago siya sagutin.

“Si Tita Clarisse mo at ako ay magpapakasal na sa linggo. Siya na ang magiging bago mong mommy at si Claire ay magiging ate mo na dahil pagkatapos ng kasal ay ipapalipat ko na siya sa pangalan ko,” sagot sa kanya ng ama.

“Pero hindi pa po nagtatagal simula ng mawala si Mama, nagawa niyo na siya agad palitan?” may bahid ng panunumbat na saad niya sa ama.

“Ayesha Mae! Hindi ko sinasabi sa iyo ito upang hingin ang permiso mo. Ipinapaalam ko lang sa’yo. Gustuhin mo man o hindi ay matutuloy ang pagpapakasal ko sa Tita Clarisse mo at dito na sila titira mula ngayon. Naiintindihan mo?!” bahagyang mataas na ang tonong saad sa kanya ng ama.

Hindi napigilan ni Yesha ang luhang pumatak sa kanyang mga mata, hindi siya makapaniwala na napagtaasan siya ng boses ng ama. Simula nung maliit siya ay hindi ito nagtataas ng tinig sa kanya, lahat ng gusto niya ay nakukuha niya dito. She was his daddy’s princess anyways. Pero nang dahil sa simpleng pagtatanong lang niya ngayon ay nataasan siya nito ng boses.

“Hindi niyo na rin naman po pala kailangan ang approval ko kung ganon, kaya wala na rin po palang dahilan upang manatili ako dito at makinig pa sa mga sasabihin ninyo, Pa. Buo na rin naman po pala ang desisyon niyo,” nangingilid ang luhang saad niya sa ama. Sabay tayo sa kinauupuan, hindi niya man lang muling tinapunan ng tingin ang mag-inang Clarissa at Claire. Patakbo siyang pumasok sa kanyang kwarto at saka binagsak ang kanyang katawan sa kama at humagulgol ng iyak.

Simula ng araw na iyon ay hindi na naging maganda ang relasyon nilang mag-ama. Naging malayo ang loob niya sa ama, lalo na kapag nakikita niyang masaya ito sa bago nitong pamilya. Pakiramdam ni Yesha ay hindi na siya importante sa ama. Ang atensyon nito ay nakuha nang lahat ni Claire. Lagi na lang siyang walang ginawang tama sa paningin ng ama, at si Claire na lang lagi ang mali. Ini-enroll nito si Claire sa paaralang pinag-papasukan niya. Nung unang araw ni Claire doon ay hinatid pa ito ng ama niya, samantalang siya ay hinayaang driver ang mag-hatid. Tuwing mag-a-out of town travel ito ay hindi nito nakakalimutan na dalhan ng kung ano-ano mula sa lugar na pinanggalingan nito si Claire at personal pa nitong inaabot iyon sa step-daughter. Samantalang siya, may dala man ang ama ay driver na nito ang nag-aabot sa kanya. 

“Naranasan mo na ang mga luhong iyan, dati pa. Hayaan mong ang Ate Claire mo naman ang makadanas niyan sa ngayon,” iyon ang laging katwiran sa kanya ng ama, kapag nagta-tangka siyang mag-reklamo dito. Ang tingin na nito sa kanya ay isang spoiled brat na dalagita. 

Sabay silang grumaduate ni Claire ng high school, bagama’t siya ang valedictorian pero si Claire pa rin ang paka-puri nito. Samantalang nasabitan lang naman ng with honor si Claire ng dahil sa tulong na rin niya.

“You have my blood and my brains. Kaya hindi na nakapag-tatakang grumaduate ka ng may mataas na parangal. We need to commend the will of your Ate Claire for trying so hard na mabigyan siya ng parangal,” saad pa sa kanya ng ama. Parang balewala lang dito ang medalya at diplomang dala niya. Sa halip ay dinala pa nga nito sa ibang bansa ang mag-inang Claire bilang pag se-celebrate daw sa pag-graduate ng may parangal ni Claire. Inaya naman siya ng mga ito pero siya na ang tumanggi dahil feeling niya ay sabit lang siya sa lakad ng mga ito. Her father’s attitude towards her wasn’t the same as before. She was no longer his princess and an apple of his eyes. Nagawa ng kunin ni Claire ang atensyon at pagmamahal nito. He became distant and always angry with her, thinking that she was whining and she grew up as a spoiled brat.

Years have passed, nagawa na niyang kasanayan ang malamig na pakikitungo sa kanya ng ama. Unti-unti niya ring nakikita ang tunay na ugali ng kanyang madrasta at ng kanyang step-sister. Napakabait ng mga ito sa kanya na animo isang anghel kapag nandyan ang kanyang ama. Pero kapag wala naman ito at nasa abroad at nag ta-travel for business ay saka lumalabas ang totoong ugali ng mga ito.

Noong una, nagtangka pa siyang magsumbong sa ama. Pero ng hindi siya muling katigan nito ay doon na tuluyang gumuho ang pag-asa niyang muling maibalik ang pagmamahal sa kanya ng ama. She felt betrayed and alone. Ang kahuli-hulihang taong inaasahan niyang kakampi sa kanya ay tuluyan nang nawala ang pagmamahal sa kanya. Because of it, she started to become rebellious. Party doon, at party dito ang ginagawa niya. Na lalong naka-pag-padagdag ng galit sa kanya ng ama. She stop studying well, dahil pakiramdam niya ay balewala na rin naman sa ama kung makatapos siya o hindi. She went out everyday and came back late at night na lalong ikinagalit ng ama. He always nagged at her, pero manhid na ang puso niya. Wala na rin siyang pakialam sa kung ano pa ang sasabihin sa kanya ng ama dahil alam naman niyang buo na rin ang opinyon nito sa kanya at wala na ring silbi ang lahat ng sasabihin niya dito. She stopped seeking for his approval, she stopped seeking for his fatherly love. 

Ang pagkakalayo ng loob nilang mag-ama ay lalo pang lumaki ng lumaki. Wala na itong nakitang tama sa lahat ng ginawa niya. Tanging si Claire na ang pakapuri nito. Hindi na rin itinago ng mag-inang Clarissa at Claire ang totoong pakikitungo ng mga ito sa kanya sa harapan ng ama, dahil nagawa na ng mga itong bilugin ang ulo ng kanyang ama.

Isang araw ng umuwi siya galing sa galaan ay ganun na lang ang gulat niya ng salubungin siya ng ama ng sampal sa may pintuan pa lang. HIndi nakapag-react si Yesha agad ng dahil sa ginawa ng ama. Hawak-hawak niya ang nasaktang pisngi at napatigalgal.  They may be distant to each other, pero ni minsan ay hindi siya napag-buhatan ng kamay ng kanyang ama. Punong-puno ng hinagpis at katanungan ang kanyang mga mata, habang nakatitig sa galit na galit na ama.

“Is this how lowly you can get Ayesha?” saad sa kanya ni Romualdo.

“What did I do now, this time?” frustrated na tanong niya dito. She can’t see any reason para pag-buhatan siya nito ng kamay. Bagama’t gustong tumulo ng kanyang luha ng dahil sa sakit na naramdaman mula sa sampal ng ama, ay pinilit niyang pigilan iyon. She won’t give to her stepmom and step-sister to see her broken. Lalong-lalo na at nakikita niya ang pag-ngisi ng mga ito ng nakakaloko sa kanya sa sulok ng kanyang mga mata.

“Hindi kita pinalaki ng ganito. HIndi ko alam kung saan ako nagkulang sa iyo. I gave you everything, pero hindi ko alam kung bakit ka nagkaganito,” frustration was evident on her father’s voice.

“Huh! Hindi ka nagkulang? Really, Pa? Are you sure about it?” sagot niya sa ama na may bahid pa ng pangungutya sa tono ng kanyang pananalita. “Tell me, ano na naman ba ang naging kasalanan ko ngayon to earn a slap from you?!” galit na rin niyang saad sa ama.

Nakita niya ang pag-igting ng panga ng kanyang ama sa pagpipigil ng galit nito, gayon din ang pagkuyom ng kamao nito. “Wala ka ng galang, Ayesha. Ayusin mo ang pananalita mo!” saad nito sa kanya sa pagitan ng nagngangalit nitong ngipin.

“Tsss…umamin ka na kasi Yesha,” saad naman ng kanyang madrasta na kanina lang ay nanonood sa kanilang dalawang mag-ama. Kitang-kita ni Yesha ang pagsilay ng nakakaloko nitong ngiti. 

“Ano ang aaminin ko dahil wala naman akong alam na kasalanan ko!” frustrated na saad niya sa mga ito.

“This!” sabat naman ni Claire, sabay hagis sa kanya ng mga larawan niyang kuha sa isang club sa Malate.It scattered in the floor in front of her, kaya kitang-kita niya ang nilalaman ng bawat larawan. She looked drunk and wasted in that picture. Wala na rin siyang pakialam sa paligid niya, at sa taong nakapalibot sa kanya sa dance floor na saka niya lang namalayan ay puro lalaki pala. They are encircling her in that picture, at base sa kuhang iyon ay parang nakikita pang nag-eenjoy siya habang naka-ikot sa kanya ang mga kalalakihan. 

In another picture she looked like making out with the three guys that were cornering her at the corner of the dance floor, and in another picture she looked like a slut dancing at the top of the counter.

“Saka mo sabihin sa akin na wala kang kasalanan,” saad sa kanya ng ama na may bahid ng lungkot ang tinig. “I was so lenient with you, it was entirely my fault dahil masyado kitang ini-spoiled. Hinayaan kong gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin. I didn’t forvade you kahit na nakikita ko na minsan ay hindi na tama ang lahat ng ginagawa mo. I never been so strict of you kagaya ng pagiging strikto ko sa Ate Claire mo, but I guess, it was wrong,” dagdag na saad sa kanya ng ama ng may bahid ng paghihinagpis ang tono ng pagsasalita. “Tell me Yesha, are you on drugs?” maya-maya ay tanong nito sa kanya.

“Papa! How could you think that?” hindi niya naitago ang bahid ng pait sa tono ng kanyang pagsasalita ng dahil sa sinabi ng ama.

“Sa mga pinaggagawa mo,at base na rin sa mga litrato na ito ay hindi na ako magtataka,” sagot naman sa kanya ng ama. Napanganga na lang si Yesha sa tinuran ng ama, sabay unti-unti siyang napatawa ng pagak. 

“Hah! Ano pa ba ang ini-expect ko, ang paniwalaan mo ako? Matagal ko ng tanggap na wala na akong ginawang tama sa paningin mo. Kahit naman na ano ang sabihin ko, at itanggi ko ang mga pinaparatang mo ay alam ko rin naman na buo na ang desisyon mo, so why do I need to waste my breath to explain to you?” saad niya sa ama sa tonong nakakapang-insulto.

PAK! Isang malakas na sampal na naman ang dumapo sa pisngi niya.

“Wala ka ng galang, wala ka ng modo! Alalahanin mo Ayesha, nasa pamamahay kita at pinapakain pa rin kita. Pera ko pa rin ang pinanggagastos mo sa lahat ng kalokohan mo. Kaya I need a proper explanation from you. If you don’t want to follow my rules and obey me in this house, you are free to get out! Leave this house and all the things that make your life easier. Wala kang dadalhin kahit na isang cards na binabayaran ko. Let’s see if you can live in the harsh world outside. Saka ka magmalaki sa akin kapag kinaya mo na!” galit na saad sa kanya ng ama. “Hindi mo na ako iginalang bilang ama mo!” dagdag pa nito.

“Because ever since na dumating sila sa buhay mo, hindi ka na naging ama sa akin!” galit na sagot niya din sa ama. Saka niya dinuro ang madrasta at si Claire.

“Ganun? Nagmamalaki ka na? Kaya mo na bang tumayo sa sarili mong paa ha, Ayesha? Go! Get out of this house, lumayas ka sa pamamahay ko. Lumayas ka na at baka kung ano pa ang magawa ko sa’yo. Get lost and never come back! Don’t you ever dare to show your face to me ever again!” galit na pagtatabuyan sa kanya ng ama. 

Yesha became fed up also with the treatment that she got from her father. Hindi na niya hinintay pang mag dalawang salita ito. Agad siyang umakyat sa kwarto at inempake lahat ng kanyang importanteng gamit at ilang damit. Katulad ng sinabi ng ama ay iniwan niya lahat ng credit cards niyang nakapangalan dito. Pati ang mga alahas na bigay nito ay wala siyang dinala. Tanging ang kanyang wallet na mayroong cash at ang cash na naipon niya ang kanyang binitbit. Saka siya dali-daling lumabas na sa bahay na iyon. Walang lingon-likod siyang tuloy-tuloy na lumayo sa lugar kung saan puro pighati ang kanyang naramdaman. Simula ng araw na iyon ay pinangako niya sa sarili na hinding-hindi na siya muling tatapak sa bahay na iyon at hinding-hindi na rin siya makiki-pag-ugnayan sa ama. Nang may dumaang taxi sa labas ng gate ng kanilang bahay ay agad niya itong pinara at sumakay. Nang tuluyan nang makalayo ang taxing kanyang sinakyan ay saka lang tuluyang bumagsak ang kanina pa niya pinipigilang luha.

Kaugnay na kabanata

  • CEO ROMANCE SERIES (JAKE & YESHA)   CHAPTER 2-THE STRANGER

    “Miss saan po tayo?” tanong sa kanya ng taxi driver ng taxing sinakyan niya. Saka lang napukaw si Yesha sa kanyang malalim na pag-iisip. Ang luhang tumulo sa kanyang mga mata ay kanina pa naampat, pero lumilipad pa rin ang isip niya.“Pasensya ka na, Miss, pero kanina pa kasi tayo paikot-ikot. Simula kasi kanina ay hindi ko matanong kung saan ka pupunta,” bahagyang napakamot pa sa kanyang batok ang taxi driver. “Pasensya na rin po, Manong. Napalalim lang po ang iniisip ko,” hinging paumanhin din niya sa driver. Bahagyang malat pa ang kanyang tinig gawa ng matinding pag-iyak. Alam niyang nahalata nito ang pagluha niya kanina, at base na rin sa tono ng boses niya ay hindi niya maitatago dito ang dalamhating nadarama. “Nasaan na po ba tayo, Manong?” tanong niya sa driver.“Nasa may Malate na po tayo, Miss,” sagot ng driver sa kanya.“Pwede pong paki-hatid na lang ako sa pinakamalapit na hotel dito, Manong?” saad niya sa driver.“Sige po, Miss,” saad din ng driver saka siya nito itinuon

    Huling Na-update : 2022-05-27
  • CEO ROMANCE SERIES (JAKE & YESHA)   CHAPTER 3-WILD NIGHT

    “Jake by the way,” inilahad ng lalaki ang kamay nito sa kanya, kasabay ng pagpapakilala nito ng sarili. Nag-palipat-lipat ang tingin niya sa kamay nitong nakalahad at sa mukha nito. Nakangiti ito sa kanya at pakiramdam niya ay nahi-hipnotismo siya tuwing napapatitig siya sa mga mata nito. Bahagya pa siyang nagdalawang-isip kung makikipagkamay sa lalaki. Sa huli ay nagpasya siyang abutin na lang din ang kamay nito at magpakilala.“I’m Yesha,” saad niya. Akala niya ay simpleng pakikipag-kamay lang ang gagawin nito. Napanganga siya ng biglang dinala nito ang kamay niya sa labi nito at dinampian ng halik ang likuran ng kanyang palad. Pakiramdam niya ay may kuryenteng dumaloy mula sa labi nito tungo sa likuran ng kanyang palad at naglandas patungo sa kanyang pisngi. Parang may maliit na paro-paro na nagliparan sa kanyang tiyan. “Is this still caused by the alcohol?” lihim niyang tanong sa kanyang sarili. Bahagya niyang ipinilig ang ulo upang mawala ang init na naglandas sa pisngi niya. Hi

    Huling Na-update : 2022-05-27
  • CEO ROMANCE SERIES (JAKE & YESHA)   CHAPTER 4-AFTERMATH

    Nagising si Yesha sa naka-sisilaw na liwanag na pumapasok sa may bintana ng kwarto. “Ugh!” d***g niya ng maramdaman ang pag-guhit ng sakit sa kanyang ulo ng bigla niyang imulat ang mga mata. Agad siyang muling napapikit ng dahil doon. “I hate hangovers,” she mumbled. Ilang segundo siyang nanatiling naka-pikit. Pina-lilipas ang sakit ng ulo na nadarama. Nang sa pakiramdam niya ay makakaya niya na ang nadaramang sakit ay unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Bagamat bahagya pa siyang nasilaw sa liwanag na diretsong tumatama sa kanya mula sa bintana ay pinilit niya ng imulat ang kanyang mga mata. Rumehistro ang pagtataka sa kanyang mukha ng tuluyan niyang masilayan ang kwartong kanyang kinalalagyan, “Wait,” saad niya sa kanyang isip. “This is not my room,” bulalas niya. Agad siyang napabalikwas ng bangon ng mapag-tantong wala siya sa kwartong kanyang inukopa. Nang dahil sa ginawa ay bigla siyang napangiwi ng maramdaman ang sakit na gumuhit sa katawan niya, partikular sa pang-ibabang

    Huling Na-update : 2022-06-07
  • CEO ROMANCE SERIES (JAKE & YESHA)   CHAPTER 5-JAKE MENDELLIN

    Jake slowly opened his eyes. Napangiti siya ng maramdaman ang malambot na katawan ng babaeng mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. He slowly turn to his side, dahan-dahan niyang tinanggal ang braso mula sa pagkaka-unan nito. He heard her hum, but she continued sleeping. Iniangat niya ng bahagya ang katawan, at itinukod ang isa niyang kamay sa kanyang ulo, saka pinagmasdan ang kagandahan ng babaeng nakaniig niya kagabi. She was truly a beauty. His attention was rarely caught by a woman. Pero pagkapasok pa lang niya kagabi sa bar, ay nakuha na agad nito ang attention niya. For the first time in his life na nakaramdam siya ng insecurities sa katawan ng tarayan siya nito on his first approach. But his persistence paid. Ngayon ay malaya niyang napag-mamasdan ang kagandahan nito. Bahagya niyang hinawi ang tumabing na buhok nito sa mukha ng dalaga. “You're beautiful,” nakangiting bulong niya. Pinagsawa niya ang sarili sa pagtitig sa mala-anghel nitong mukha. Kahit bahagyang naka-nganga

    Huling Na-update : 2022-06-08
  • CEO ROMANCE SERIES (JAKE & YESHA)   CHAPTER 6-TRUE FAMILY

    “Ayesha Mae!” narinig ni Yesha ang pagtawag sa pangalan niya, pagka-babang-pagkababa niya sa may terminal ng bus. Hinagilap niya kung saan nanggagaling iyon, nakita niya ang pinsan niyang si Ben na papalapit sa kanya. “Benjamin!” tuwang-tuwa na tawag niya sa buong pangalan ng pinsan. Yumakap siya agad dito ng tuluyan na itong makalapit sa kanya. Agad din namang gumanti ng yakap ito sa kanya. “Buti naman at nakarating ka ng maayos dito. Ginulat mo kami ni Mama, buti na lang at hindi pa ako nakaka-alis paluwas ng Maynila, nang sabihan ako ni Mama na sunduin kita dito sa may terminal,” nakangiting saad sa kanya ng pinsan ng maghiwalay na silang dalawa. “Pasensya na kayo ni Tita Alice at hindi man lang ako nakapag-abiso agad,” nahihiyang saad niya sa pinsan. “Ano ka ba, para sa prinsesa namin, walang problema iyon. Abah, miss ka na namin ni Mama. Tagal din naming walang balita sa iyo,” saad ni Ben sa kanya. Saka siya nito inakbayan pagkatapos nitong makuha ang gamit niya sa konduktor.

    Huling Na-update : 2022-06-10
  • CEO ROMANCE SERIES (JAKE & YESHA)   CHAPTER 7-MOVING ON

    Dalawang buwan at mahigit na ang lumipas simula ng umuwi si Yesha sa Quezon. Nitong mga nakaraang buwan ay nabawasan ang kanyang lungkot at sama ng loob na nadarama. Isang malaking tulong ang pagmamahal na binibigay sa kanya ng tiyahin at ng pinsang si Ben. Ganoon din ang malugod na pagtanggap sa kanya ng mga tauhan ng mga ito sa taniman at sa rancho. Kasalukuyan siyang nasa loob ng kubong nagsisilbing opisina ng kanyang tita kapag nandoon sa bukid ng bumungad ito doon. “Iha, tara at pumunta tayo sa babuyan, mukhang manganganak na yata ang inahing si Tiny, sabi ni Mang Andoy,” yakag sa kanya ng tiyahin. “Talaga tita? Saglit lang po at tatapusin ko lang ito,” saad niya sa tiyahin, saka niya mabilis na tinapos ang binabasang papeles at inimis. Pinayagan siya ng tiyahin na tumulong sa pangangalaga at pag-aayos ng mga paperworks sa rancho ng hilingin niya ditong kailangan niyang mag-trabaho upang malibang. “I'm ready na po, Tita,” saad niya sa tiyahin na naghihintay na sa kanya sa la

    Huling Na-update : 2022-06-12
  • CEO ROMANCE SERIES (JAKE & YESHA)   CHAPTER 8-PREGNANT

    “Yesha, iha?” narinig ni Yesha na tawag sa pangalan niya ng tiyahin. Bagamat bahagyang masakit ang ulo ay pinilit niyang imulat ang kanyang mga mata. Nabungaran niya ang nag-aalalang mukha ng tiyahin. “Tita?” tawag niya dito sa mababang boses. “Oh my, thank God you’re awake now, iha,” saad ng kanyang tiyahin ng makita nitong nagmulat na siya ng mata. Inalalayan siya nito ng magtangka siyang tumayo. “What happened po, Tita?” she asked. Habang ini-ikot ang kanyang mga mata. Saka niya lang na-realize na nasa kwarto niya na siya. “You passed out, dear,” saad sa kanya ng tiyahin. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na masama pala ang pakiramdam mo, bakit sumama ka pa sa babuyan?” panenermon sa kanya ng tiyahin. “Hindi naman po masama ang pakiramdam ko no’n, Tita. Pero nung habang pinagmamasdan ko si Tiny eh bigla na lang po akong nahilo, hindi ko po namalayan na nahimatay na po pala ako,” paliwanag niya sa tiyahin. “Pinag-alala mo ako ng sobra, Iha. Mabuti na lang at nandoon pa sila Mang A

    Huling Na-update : 2022-06-12
  • CEO ROMANCE SERIES (JAKE & YESHA)   CHAPTER 9-THE FATHER

    “SINO ANG AMA?” Umecho sa buong kwarto ang boses ni Ben na nasa hamba ng pinto. Base sa itsura nito ay handa itong makipag-patayan sa kung sinumang umagrabyado sa kanya. “Benjamin, anak. Huminahon ka,” saad ng kanyang Tita Alice saka nito nilapitan ang anak. Pero hindi ito pinansin ni Ben, sa halip ay dumiretso ito sa kanya. “Sabihin mo sa akin, Yesha. Sino ang walang-hiyang gumawa niyan sa’yo?” saad nito sa kanya sa mataas pa ring tono. Hindi niya magawang sumagot sa pinsan dahil unang-una ay hindi niya naman talaga kilala kung sino ang kasama niya ng gabing iyon. Pangalawa ay natatakot siya sa nakikitang galit sa mukha ng pinsan. Napayuko na lang siyang bigla dahil hindi niya kayang salubungin ang galit sa mga mata nito. “Damm*t, Yesha! Answer me! Kailangang managot ang gumawa ng katarantaduhan sa’yo na yan!” asik sa kanya ng pinsan. Napa-suntok ito sa pader sa sobrang galit. Nang dahil sa ginawa nito ay napa-pisik si Yesha at napa-siksik lalo sa uluhan ng kanyang kama. “Ben!” n

    Huling Na-update : 2022-06-14

Pinakabagong kabanata

  • CEO ROMANCE SERIES (JAKE & YESHA)   EPILOGUE

    Kakaba-kaba si Jake habang naghihintay sa harapan ng altar. Maya't maya ang pagpupunas niya ng gitla-gitlang pawis sa kanyang noo at leeg. Para siyang nilalamig na mai-ihi na ewan. Halo-halo na ang emosyong kanyang nararamdaman. Kanina pa siya pasulyap-sulyap sa suot na relo. Fifteen minutes na lang naman at magsisimula na ang seremonya, pero parang feeling niya ay napakatagal tumakbo ng oras.He seemed like a supermodel sa suot niyang ternong tuxedo na kulay dark blue at mayroong panloob na kulay cream na long-sleeved shirt, may pares din itong patterned blue na necktie na lalong nakapagbigay ng pormal na aura sa kanya. His hair was styled in slickback side part, na lalong bumagay sa kanyang squared-shaped na mukha. Lalong naging matikas ang kanyang dating na taliwas naman sa kanyang kabang nararamdaman. Wala siyang pakialam kung marami man ang humahanga sa kanya, iisang tao lang ang gusto niyang ma-impress sa kanya ngayon, and he is waiting for her like forever.Ito ang araw na pina

  • CEO ROMANCE SERIES (JAKE & YESHA)   CHAPTER 60-SHE WAKES UP

    It has been three days since the accident happened, and still, Yesha is not waking up. The doctor said that she is already stable, at malayo na sa kapahamakan, but maybe because of the trauma on her head, kaya hindi pa rin siya nagigising. Ini-assure naman si Jake ng mga doctor na walang dapat ikabahala kahit na nasa state of coma pa si Yesha, malalaman lamang kung may komplikasyon ito kung sakaling magising na ang babae. Jake never left Yesha's side during those days, ayaw niyang umalis dahil gusto niyang pagkagising ng babae ay nandoon siya sa tabi nito. Even for a few seconds, ay hindi niya nilisan ang tabi ng dalaga. He put her in the suite room at the top floor of the Mendellin Hospital. Kung saan mas mabilis ang access nito sa lahat ng facilities ng hospital. She was attended by the best of the best in the medical industry. Pero magka-gayunman ay hindi pa rin magawang maniwala ni Jake sa mga ito na okay na si Yesha at ligtas na sa kapahamakan. Jake wanted to see her open her ey

  • CEO ROMANCE SERIES (JAKE & YESHA)   CHAPTER 59-DON'T LEAVE ME

    “Magandang hapon po, Sir,” agad na bati ng mga nakaka-salubong ni Jake na empleyado ng University. Halos lahat ng mga tauhan at professor na nadadaanan niya ay nagkukusang gumilid at yumuyukod bilang pagbati sa kanya. Ilag ang mga ito sa kanya, pero hindi pa rin maiwasan ng mga ito ang tingnan siya ng buong paghanga at kuryusidad. Hindi niya naman masisisi ang mga ito, dahil hindi naman siya araw-araw nakikita ng mga ito na naglalakad sa loob ng University. Bagama't nag-oopisina siya doon ay madalang siyang makita ng mga ito na nasa labas ng kanyang opisina o nakiki-salamuha sa mga empleyado. Kapag napunta siya ng University ay madalas sa private elevator niya siya dumadaan at sa private parking lot naman na nakalaan para lang talaga sa kanya, si David naghihintay sa lumabas kapag uuwi na siya. Kaya naman parang isang napakalaking oportunidad para sa mga empleyado na makita siya ngayong araw na naglalakad mula sa kanyang opisina patungo sa gate papuntang labasan. Wala ni isa man sa m

  • CEO ROMANCE SERIES (JAKE & YESHA)   CHAPTER 58-ACCIDENT

    Kasalukuyang nagla-log out si Yesha ng lumapit sa kanya si Bret. Bahagya lang niyang sinulyapan ang lalaki. Nang matapos siyang mag log out ay ito naman ang sumunod. Kapansin-pansin ang hindi nito pag-imik at parang napaka-lalim ng iniisip. “Is there something wrong?” kapagdaka ay hindi napigilan ni Yesha na tanungin ang lalaki.“Huh?” saad nito sa kanya, mukhang nagulat pa ito ng magsalita siya.“You seemed out of yourself lately. May dinaramdam ka ba?” tanong muli ni Yesha dito. Hindi na niya napigilan ang sariling mag-usisa kay Bret, dahil halos ilang araw na niyang napapansin na parang may bumabagabag dito. She saw kung paanong lagi na lang nitong pinagse-self study ang mga estudyante nito, dahil hindi ito makapag-focus sa pagtuturo. His mind seemed elsewhere, parang lagi itong lutang. Hindi ito ang usual na Bret na nakilala niya. He was usually a jolly and fun guy, kaya kataka-taka para kay Yesha ang biglang pananahimik nito, at pagkawala ng pagka-kulit nito.“I-I am fine,” sag

  • CEO ROMANCE SERIES (JAKE & YESHA)   CHAPTER 57-DISASTER

    Claire was lurking in the shadows. Bagamat may suot siyang wig ay pilit pa rin niyang itinatago ang mukha upang hindi siya makilala ng mga taong dumadaan. After all, mas sikat siya ngayon kesa noong siya pa ang mukha ng Valdez Clothing Line. Her face was on the most wanted person’s lists. Silang dalawang mag-ina, kung hindi lang dahil sa tulong ng kanyang lover na si Bret ay malamang wala silang maayos na mapag-tataguan.Being at the house the whole day makes her suffocated. Hindi din nakakatulong ang pagta-tantrum ng kanyang ina. Ang dating well composed na imahe nito at ang sharp na utak upang makapag-isip ng plano ay bigla na lang nag-laho. Her mom was like a kid these days, always whining.Their assets were all frozen, mula sa credit cards niya hanggang sa kanyang savings sa banko. Ang condo unit niya at apartment na nabili nung nasa poder pa sila ng kanyang Papa Romualdo ay naka-lock din. May mga mata ng pulis ding nakabantay sa lugar, kaya wala silang ibang matuluyan kundi sa ma

  • CEO ROMANCE SERIES (JAKE & YESHA)   CHAPTER 56-WELCOME HOME

    Unang araw ng paglabas ni Don Romualdo sa ospital. Jake made sure that everything was alright kahit na hindi ito kasama ni Yesha upang sunduin ang ama.Hindi katulad ng unang kita ni Yesha sa ama, ngayon ay mas malakas at mas masigla na ito. Don Romualdo can walk on his own now. Hindi na nito kailangang gumamit ng wheelchair at ng oxygen tank to help him breath. Malayong-malayo na ang itsura nito kesa noon. He looked the same as Yesha remembered him, before the accident happened. Although, medyo payat pa rin ito, pero mas maaliwalas na ang aura nito. “Are you going to stay with me at the house, sweetheart?” tanong ni Don Romualdo kay Yesha habang lulan sila ng sasakyan pauwi sa mansion nito sa Forbes. “The house is too big for me to live alone there,” saad pa nito.“I will, Pa. I need to prepare some arrangements first,” pahayag niya sa ama. “I need to talk with Tita Alice and Ben too, para mag-paalam sa kanila ng maayos,” paliwanag pa niya.“Thank you, anak. Even though I am a failu

  • CEO ROMANCE SERIES (JAKE & YESHA)   CHAPTER 55-NICE VIEW

    Jake was sitting quietly at the balcony ng kwartong ginamit nila ni Yesha. Nag-timpla siya ng kape bago lumabas doon. The truth is ayaw pa sana niyang bumangon at iwan ang napaka-gandang nilalang na natutulog sa kama. He keeps staring at Yesha’s sleeping form, and wondering how lucky he is, seeing her in this vulnerable and beautiful state. She was sleeping soundly, bahagya pa ngang naka-nganga ang labi nito. Habang nakatitig sa labi nito ay muling sumagi sa isipan niya ang matamis at mapangahas na halik na pinagsaluhan nila kagabi. Kung hindi niya pinigilan ang sarili ay hindi niya alam kung hanggang saan sila napunta.He groaned lightly, and shook his head to let out the naughty thoughts that were starting to form in his mind. Bahagyang gumalaw ang dalaga at dahil doon ay tumambad sa kanya ang napaka-kinis na balikat nito. His eyes automatically travelled to the bare skin that was exposed in his eyes, nahinto iyon sa may puno ng dibdib ng dalaga na bahagyang naka-labas din dahil sa

  • CEO ROMANCE SERIES (JAKE & YESHA)   CHAPTER 54-SPENDING THE NIGHT

    “Love wake up, we are here,” banayad na tinig ang bahagyang naririnig ni Yesha na pumupukaw sa diwa niya. Umungol lang siya pero hindi niya minulat ang mga mata. Ayaw pa niyang gumising dahil napakaganda ng panaginip niya. Inayos pa niya ang sarili sa pagkakasandal hanggang sa maging komportable siya. “Love, kapag hindi ka pa gigising bubuhatin na kita,” saad ni Jake malapit sa tenga ni Yesha. He slightly chuckled dahil tanging ungol lang ang isinagot dito ni Yesha habang inayos pa ang sarili sa pagkakasandal sa balikat ng lalaki.Sa naalimpungatan na diwa ni Yesha ay narinig niya ang binulong ni Jake sa kanya. Nang dahil doon ay bigla siyang napa-dilat. Her mind was haze with sleepiness, kaya hindi niya mawari kung ano ang unang nakita niya. When her foggy eyes cleared ay bigla siyang napa-upo ng maayos ng ma-realize niyang ang side view ng magandang mukha ni Jake ang nakikita niya. Saka lang niya napag-tantong nakasandal pala siya sa balikat ni Jake. Biglang namula ang mukha ni Yes

  • CEO ROMANCE SERIES (JAKE & YESHA)   CHAPTER 53-COMPLETE FAMILY

    Lumipas ang mga araw at linggo na walang naging balita ang lahat lalong-lalo na ang mga kapulisan kung saan nag-tago ang mag-inang Clarisse at Claire. Walang mahagilap na trace ang mga pulis kung saan ang mga ito matatagpuan. Naglaho na lang ang mga ito bigla na parang bula. Ayon naman sa mga pulis ay siguradong hindi makakalabas ng bansa ang mag-ina, dahil sa mayroon ang mga itong hold departure order na isinampa din ni Jake upang masiguro na mahuhuli ang mga ito, at hindi makapunta sa ibang bansa.Sa kabilang banda naman ay naging mabilis ang pag-galing ni Don Romualdo. In a few days ay muling bumalik ang sigla nito at unti-unting nakakabawi ang kalusugan sa gabay na rin ng mga health experts ng hospital ni Jake. Meron na rin itong sariling bodyguard at private nurse na si Jake mismo ang nag-rekomenda. Napagpasyahan ni Yesha na kapag tuluyang gumaling na ang ama ay ipakikilala niya ito sa mga anak. She didn’t told her father yet about the kids, naghihintay siya ng tamang panahon u

DMCA.com Protection Status