“Ayesha Mae!” narinig ni Yesha ang pagtawag sa pangalan niya, pagka-babang-pagkababa niya sa may terminal ng bus. Hinagilap niya kung saan nanggagaling iyon, nakita niya ang pinsan niyang si Ben na papalapit sa kanya.
“Benjamin!” tuwang-tuwa na tawag niya sa buong pangalan ng pinsan. Yumakap siya agad dito ng tuluyan na itong makalapit sa kanya. Agad din namang gumanti ng yakap ito sa kanya.
“Buti naman at nakarating ka ng maayos dito. Ginulat mo kami ni Mama, buti na lang at hindi pa ako nakaka-alis paluwas ng Maynila, nang sabihan ako ni Mama na sunduin kita dito sa may terminal,” nakangiting saad sa kanya ng pinsan ng maghiwalay na silang dalawa.
“Pasensya na kayo ni Tita Alice at hindi man lang ako nakapag-abiso agad,” nahihiyang saad niya sa pinsan.
“Ano ka ba, para sa prinsesa namin, walang problema iyon. Abah, miss ka na namin ni Mama. Tagal din naming walang balita sa iyo,” saad ni Ben sa kanya. Saka siya nito inakbayan pagkatapos nitong makuha ang gamit niya sa konduktor.
“Sa bahay na tayo mag-kwentuhan at malamang ay sabik na rin si Mamang makita ka,” yakag na sa kanya ng pinsan. Hindi pa rin nito bumitaw sa pagkaka-akbay sa kanya habang sabay silang naglalakad patungo sa owner type jeep nito.
Bahagyang nalimutan ni Yesha ang problema, habang kausap ang pinsan. They both catch up with each other habang binabagtas nila ang daan pauwi sa bahay ng mga ito. Ninanamnam din niya ang simoy ng sariwang hangin ng probinsya. Marahil kaya doon at sa mainit na pagsalubong sa kanya ng pinsan ang siyang dahilan kung bakit bahagyang napawi sa isip niya ang sakit ng loob na nararamdaman.
“Ayesha Mae!” tawag ng kanyang Tita Alice sa buo niyang pangalan. Agad itong sumalubong sa kanila ng pagka-babang-pagkababa niya ng sasakyan ni Ben. Naghihintay na ito sa kanila sa may balkonahe ng bahay ng mga ito.
“Tita,” salubong na tawag niya sa tiyahin, saka siya nagmano dito. Agad naman siyang niyakap nito ng mahigpit na ginantihan niya rin ng yakap.
“I’ve missed you so much, Iha,” bahagyang nanginginig pa ang boses na saad ng kanyang Tita Alice habang yakap siya nito.
“I missed you too, Tita. Sorry po at ngayon lang ako naka-balik dito,” malungkot na saad niya sa tiyahin ng magbitaw na silang dalawa sa pagkaka-yakap.
“Huwag kang mag-alala anak. Naiintindihan ko,” nakangiting saad ng kanyang tiyahin habang tinapik-tapik nito ang likuran ng kamay niya na hindi na nito binitawan. “Tara na at pumasok na tayo sa loob. Sa loob na natin ituloy ang pagku-kwentuhan. Naghanda ako ng makakain mo at malamang ika’y gutom na,” dagdag saad sa kanya ng tiyahin.
“Salamat po, Tita,” saad niya naman dito at sumunod na sa pag-yakag nito sa kanya papasok sa loob ng bahay.
“Naku, hayaan mo ng si Ben ang magdala ng gamit mo papasok. Napakalaki naman ng katawan ng batang ‘yan,” saad sa kanya ng kanyang Tita Alice na may halong panunukso sa anak.
“Yes, Princess, don’t worry. Ako na ang bahala sa gamit mo,” sabad naman ni Ben sa usapan nilang mag-tiyahin habang bitbit na nito ang kanyang maleta papasok sa loob.
“Nak, doon mo ulit ilagay ‘yan sa kwartong ginagamit nila dati,” utos naman ng kanyang Tita Alice kay Ben.
“Yes, Ma,” sagot naman nito.
Ang bahay ng Tita Alice niya ay ang lumang bahay ng mga ito, kung saan ipinanganak at lumaki ang kanyang mama. Nag-iisang kapatid ito ng kanyang mama, simula ng mapa-ngasawa ng kanyang ina ang kanyang ama ay lumipat na ang mga ito sa Manila dahil nandoon ang buong kabuhayan ng kanyang Papa. Hinayaan na ng kanyang mama sa Tita Alice niya at sa pamilya nito ang mga lupain na iniwan ng magulang ganun din ang kanilang ancestral house.
HIndi naman kalakihan ang ancestral house ng kanyang mama. Maliit ito kumpara sa mansyon nila sa Maynila. Isang simpleng double story house lang ang bahay ng mga ito na mayroong apat na kwarto. Nai-adjust na ito at napa-renovate ng kanyang Tita Alice kaya hindi na ito kagaya noong mga panahong umu-uwi pa sila ng kanyang mama doon upang bumisita. Marami na rin ang nagbago sa lugar.
“There’s a lot that changed here, Tita,” saad niya sa tiyahin habang iniikot ang mga mata sa loob ng bahay.
“Ay oo, Anak. Pina-renovate ni Ben itong bahay. Pinapalitan yung ibang bahagi kasi nga madali ng masira dala ng katandaan, pero he maintained kung ano ang dating itsura nito sa labas. Sabi niya ay ilang generation na ang dumaan sa bahay na ito, kaya kailangan ma-preserve para sa mga susunod pa daw na henerasyon,” nakangiting pag-ku-kwento sa kanya ng kanyang Tita Alice. Bakas sa boses nito ang pagka-proud sa anak. “Tara na sa kusina, Anak. Doon na natin hintayin si Ben. Yung kwarto na gagamitin mo ay ang kwarto doon sa taas, yung dating kwartong ginagamit niyo kapag umuuwi kayo dito. Pina-panatili kong malinis pa rin iyon, dahil baka sakaling umuwi kayo dito ng daddy mo eh maayos pa rin ang kwarto,” nakangiting saad sa kanya ng kanyang Tita Alice. Bagamat pilit nitong tinatago sa kanya ang lungkot ay hindi pa rin nito naitago iyon sa boses nito.
“Sorry, Tita. Sorry po kasi simula nung mawala si Mama hindi na po ako ulit nakadalaw dito,” saad niya sa tiyahin saka muling yumakap dito.
“Wala kang kasalanan, anak. Teenager ka pa lang ng mawala ang mommy mo. Kaya naiintindihan ko kung bakit hindi ka nakakapunta dito. It should be your Dad’s responsibility. Hindi porke nawala na si Allira ay hindi na niya naisipang pumunta dito at dalhin ka,” saad ng kanyang tiyahin sa kanya na may bahagyang bikig sa lalamunan. Halata ang hinampo nito sa kanyang ama sa tono ng pananalita nito.
“Hindi na po mai-isipan talaga ni Papa na dalhin ako dito,Tita. He was busy with his new family a few months after Mom died,” saad niya sa tiyahin.
Biglang kumalas sa pagkaka-yakap sa kanya ang tiyahin. Tiningnan siya nito ng maigi na parang inaarok ang kanyang sinabi. Bahagyang napa-nganga pa ito sa pagka-bigla.
“Anong ibig mong sabihin, anak?” tanong nito sa kanya ng makabawi na ito sa pagka-bigla sa sinabi niya.
“It’s true, Tita. Dad got married again, after a few months Mom died. Hindi nga rin po niya pinaalam sa akin, basta nalaman ko na lang sa kanya na may i-uuwi na siyang bagong pamilya. Pinakilala niya sa akin ang madrasta ko at ang anak nito, the day na ititira na po niya sila sa mansion,” kwento niya sa tiyahin.
Napahawak sa bibig nito ang kanyang Tita Alice sa pagkabigla sa kanyang sinabi. “Hindi ko naisip na gagawin ni Romualdo iyon. He was a good husband and a good father to you, hindi ko akalain na sa maikling panahon ay nakahanap na agad siya ng kapalit ni Allira,” saad ng kanyang Tita Alice na parang mas kinakausap nito ang sarili kesa sa kanya.
“Mukhang ang lalim na ng pinag-uusapan ninyong dalawa ah. Lumalamig na ang pagkain, kumain po muna tayo, Ma, bago mo interview-hin itong prinsesa natin,” bungad na saad ni Ben sa kanila. Base sa itsura nito ay narinig na nito ang napag-usapan nila ng kanyang tiya.
“Mabuti pa nga, tara na at maupo ka na, Ben, ng tayo ay makakain na,” pagsang-ayon naman ng kanyang tiyahin dito. Pinasigla nito ang tinig upang pawiin ang namuong lungkot dito kanina.
Pilit na pinasisigla ni Ben ang hapag-kainan, hanggat maari ay iniwasan nito ang topic ng tungkol sa ama niya. Ipinag-pasalamat naman ni Yesha iyon sa pinsan, dahil hindi niya alam kung kaya na niyang ikwento sa mga ito ang lahat ng nangyari sa kanya.
“Ako na po ang mag-iimis nito, Tita,” saad niya sa matandang babae ng makitang nagsisimula na itong magligpit ng kanilang pinagkainan pagkatapos nilang kumain.
“Naku, manahimik kang bata ka. Hayaan mong ako na ang magligpit nito, magpahinga ka na muna sa ngayon at alam kong pagod ka sa byahe,” pagsaway sa kanya ng tiyahin. Mag-pupumilit pa sana siya pero pinandilatan na siya nito ng mata. Natatawang itinaas na lang niya ang mga kamay tanda ng pag-surrender sa kagustuhan ng tiyahin.
“Naku, Pinsan, hayaan mo na si Mama at ‘yan lang ang libangan niyan. May kasambahay kami dito pero hindi niya naman pina-tutulong sa kusina,” natatawang saad sa kanya ni Ben.
“At anong gagawin ko dito sa bahay aber? Aba lalo akong mang-hihina kapag wala akong ginagawa,” sabat naman ng kanyang tiyahin.
“Eh di magbuhay donya, magpaganda, at mag-mahjong kasama ng iyong mga amiga,” saad ni Ben sa ina, sabay akbay dito.
“Naku, tigil-tigilan mo nga ako, Benjamin. Alam mong wala akong ka-hilig-hilig sa mga ganyang bagay. Kung ikaw ba naman ay nag-aasawa na, eh disin sana ay may mga apo na akong inaalagaan,” sermon ng kanyang Tita Alice dito.
“Ma, alam nyo namang wala pa sa plano ko yan. Tsaka ayaw mo non, ikaw lang ang nag-iisang reyna sa buhay ko?” saad ni Ben sa ina, sabay kindat dito. Napangiti naman ang kanyang Tita Alice sa tinuran ng anak, sabay yakap ng may paglalambing dito.
Napapangiti na lang si Yesha habang pinapanood ang mag-ina. Natutuwa siya sa pagiging malambing at mapagmahal na anak ng kanyang pinsan sa kanyang Tita Alice, hindi niya tuloy maiwasang maalala ang ina. Ang ngiting naka-paskil sa labi niya kanina ay unti-unting napawi. Hindi niya naitago sa mga ito ang pagguhit ng lungkot at pangungulila sa kanyang mukha, lalong-lalo na at hindi niya namalayang pumapatak na pala ang kanyang luha.
“Yesha, Iha,” marahang sambit ng kanyang tiyahin. Saka ito lumapit sa tabi niya at kinabig siya ng yakap. Lumapit din sa kanila si Ben saka sila niyakap na dalawa. Nang dahil sa ginawa ng mga ito ay lalong lumakas ang pagpatak ng kanyang luha. Hindi niya namalayang humahagulgol na siya habang yakap-yakap ng kanyang tiyahin at pinsan. Ang init ng yakap ng mga ito ay lalong nakapag-palakas ng kanyang iyak. Ngayon niya lang naramdaman na mayroong mga taong nagmamahal pa rin sa kanya. Mayroon pala siyang pamilyang matatakbuhan. Lahat ng kanyang pighating nadama ng mga nakalipas na taon ay naibuhos niya sa pagluha niyang iyon. Lahat ng sakit na sinolo niyang kinimkim ay nailabas niya. Hindi na nga niya namalayan kung gaano sila katagal sa ganoon posisyon. Ang tangi niya lang nararamdaman ay ang mga paghaplos sa kanyang buhok at likuran ng kanyang tiyahin at pinsan.
Hindi nagsasalita ang mga ito, hinahayaan lang siya sa kanyang pag-luha. Walang sinuman sa dalawa ang umawat sa kanyang pag-iyak. Nang pakiramdam niya ay tuluyang lumuwag na ang kanyang dibdib ay saka niya naramdaman ang pagluwag ng yakap sa kanya ng tiyahin.
“Ayos ka na ba, Iha? Magaan na ang pakiramdam mo?” buong pagmamahal na tanong nito sa kanya. Humihikbing tumango lang siya sa tiyahin. Nginitian siya nito, saka marahan nitong pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi.
“Pangit mo na tuloy, Pinsan,” nakangiting panunukso sa kanya ni Ben. Saka nito hinaplos ang kanyang buhok. Natawa lang siya ng dahil sa tinuran nito, kahit na tumutulo pa rin ang kanyang mga luha.
“Benjamin,” saway dito ng ina.
“Ma, pinapatawa ko lang si Yesha. Syempre maganda pa rin yang prinsesa natin kahit maga ang ilong at mata,” nakangiting saad ni Ben sa ina, sabay kindat sa kanya.
Muli siyang natawa sa sinabi ng pinsan, “Naku, ikaw talagang bata ka, puro ka kalokohan,” natatawang saad muli ng kanyang Tita Alice sa anak.
“Pogi naman,” muling saad ni Ben, saka nagpa-cute sa kanilang dalawa ng kanyang tiyahin. HIndi na napigilan ni Yesha na humalakhak dahil sa ginawa ng pinsan, nang dahil doon ay napatawa na lang din ang kanyang tiyahin.
“Thank you po, Tita, Ben,” saad niya sa mga ito, nang bahagya ng umayos ang kanyang emosyon. “I soaked your shirt po tuloy, Tita,” nahihiyang saad niya sa tiyahin.
“Sus, hayaan mo ‘yan at malalabhan iyan,” balewalang saad naman ng kanyang tiya sa kanya.
“Oo nga, Pinsan. Pero tingnan mo yung sipon mo naiwan pa sa damit ni Mama,” muling saad ni Ben na alam niyang inaalaska lang siya.
“Benjamin!” muling saad ng kanyang tiyahin dito, sabay hampas sa braso ng anak.
“Ouch! Si Mama bayolente na,” nanunuksong saad ni Ben sa ina, saka muling napuno ng halakhakan ang buong kusina ng dahil sa kanila.
Ang mga tawa at ngiting lumalabas kay Yesha ay genuine. Hindi na ito katulad dati na parang pinipilit niya lang talagang maging masaya. “This is my home, my truly home,” saad niya sa kanyang isip. “I can start my new life with them. With my real family, a family who truly loves me.”hello lovelies, thank you for reading...don't forget to add this book to your library and leave me a rating kung nagustuhan niyo po ang kwento. I will appreaciate it a lot. Maraming salamat po!
Dalawang buwan at mahigit na ang lumipas simula ng umuwi si Yesha sa Quezon. Nitong mga nakaraang buwan ay nabawasan ang kanyang lungkot at sama ng loob na nadarama. Isang malaking tulong ang pagmamahal na binibigay sa kanya ng tiyahin at ng pinsang si Ben. Ganoon din ang malugod na pagtanggap sa kanya ng mga tauhan ng mga ito sa taniman at sa rancho. Kasalukuyan siyang nasa loob ng kubong nagsisilbing opisina ng kanyang tita kapag nandoon sa bukid ng bumungad ito doon. “Iha, tara at pumunta tayo sa babuyan, mukhang manganganak na yata ang inahing si Tiny, sabi ni Mang Andoy,” yakag sa kanya ng tiyahin. “Talaga tita? Saglit lang po at tatapusin ko lang ito,” saad niya sa tiyahin, saka niya mabilis na tinapos ang binabasang papeles at inimis. Pinayagan siya ng tiyahin na tumulong sa pangangalaga at pag-aayos ng mga paperworks sa rancho ng hilingin niya ditong kailangan niyang mag-trabaho upang malibang. “I'm ready na po, Tita,” saad niya sa tiyahin na naghihintay na sa kanya sa la
“Yesha, iha?” narinig ni Yesha na tawag sa pangalan niya ng tiyahin. Bagamat bahagyang masakit ang ulo ay pinilit niyang imulat ang kanyang mga mata. Nabungaran niya ang nag-aalalang mukha ng tiyahin. “Tita?” tawag niya dito sa mababang boses. “Oh my, thank God you’re awake now, iha,” saad ng kanyang tiyahin ng makita nitong nagmulat na siya ng mata. Inalalayan siya nito ng magtangka siyang tumayo. “What happened po, Tita?” she asked. Habang ini-ikot ang kanyang mga mata. Saka niya lang na-realize na nasa kwarto niya na siya. “You passed out, dear,” saad sa kanya ng tiyahin. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na masama pala ang pakiramdam mo, bakit sumama ka pa sa babuyan?” panenermon sa kanya ng tiyahin. “Hindi naman po masama ang pakiramdam ko no’n, Tita. Pero nung habang pinagmamasdan ko si Tiny eh bigla na lang po akong nahilo, hindi ko po namalayan na nahimatay na po pala ako,” paliwanag niya sa tiyahin. “Pinag-alala mo ako ng sobra, Iha. Mabuti na lang at nandoon pa sila Mang A
“SINO ANG AMA?” Umecho sa buong kwarto ang boses ni Ben na nasa hamba ng pinto. Base sa itsura nito ay handa itong makipag-patayan sa kung sinumang umagrabyado sa kanya. “Benjamin, anak. Huminahon ka,” saad ng kanyang Tita Alice saka nito nilapitan ang anak. Pero hindi ito pinansin ni Ben, sa halip ay dumiretso ito sa kanya. “Sabihin mo sa akin, Yesha. Sino ang walang-hiyang gumawa niyan sa’yo?” saad nito sa kanya sa mataas pa ring tono. Hindi niya magawang sumagot sa pinsan dahil unang-una ay hindi niya naman talaga kilala kung sino ang kasama niya ng gabing iyon. Pangalawa ay natatakot siya sa nakikitang galit sa mukha ng pinsan. Napayuko na lang siyang bigla dahil hindi niya kayang salubungin ang galit sa mga mata nito. “Damm*t, Yesha! Answer me! Kailangang managot ang gumawa ng katarantaduhan sa’yo na yan!” asik sa kanya ng pinsan. Napa-suntok ito sa pader sa sobrang galit. Nang dahil sa ginawa nito ay napa-pisik si Yesha at napa-siksik lalo sa uluhan ng kanyang kama. “Ben!” n
Nasa bahay na sila pero hindi pa rin nakaka-recover si Yesha sa mga natuklasan. “Yesha, bakit ang tanga-tanga mo. Kilala mo si Jake Mendellin, but you don’t even recognized him nung nakasama mo siya ng gabing iyon. Now you are bearing his children, ano na ang plano mo?” tanong niya sa kanyang sarili. Habang palakad-lakad sa kabuuan ng kanyang kwarto. Simula nung dumating sila mula sa pagpapa-check up at paggo-grocery ay hindi pa siya bumababa. Nagpaalam siya sa tiyahin at sa pinsan na magpapahinga muna dahil bahagya siyang napagod sa lakad nila. Pero ang totoo ay hindi pa rin siya makapag move on sa natuklasan. “Ano na ang plano mo ngayon, Yesha?” muli niyang tanong sa sarili. “You can’t just barged in his life and tell him, na ‘hoy’ ako nga pala yung naka one night stand mo noong mahigit dalawang buwan na ang nakaraan at buntis ako ngayon. D*mn! Sinong maniniwala sayo, Yesha? Nasaan na ang utak mo? Di ba matalino ka?” pagkas-tigo niya sa sarili. Her thought was interrupted ng may ku
“Honey I was looking for you, what took you so long?” isang tinig ng babae ang siyang nagpa-hinto kay Jake Mendellin sa mga sasabihin nito kay Yesha. Kitang-kita niya ang paglambot ng ekspresyon nito ng mapa-dako ang tingin nito sa pinagmulan ng tinig. “I will be there in a sec,” sagot nito sa babae. Hindi alam ni Yesha kung bakit pakiramdam niya ay pinipiga ang puso niya. A pang of hurt shot through her heart, sa kung anong dahilan ay hindi niya alam. Here he was, ang lalaking gusto niyang makita at makausap, pero sa kung anong dahilan ay hindi niya magawang ibuka ang bibig niya upang magsalita at sabihin dito ang mga bagay na dapat ay sasabihin niya dito. “Princess,” narinig niya ang boses ni Ben na tinatawag siya. “There you are,” saad nito sa kanya ng makita siya nito sa may labas ng bathroom. Bahagya nitong tiningnan ng masama si Jake dahil nakaharang ito sa dadaanan niya. “Nice to see you here again, Sir,” saad niya kay Jake saka na niya inakay si Ben paalis sa lugar na iyon
Hindi maiwasan ni Jake ang mapatulala sa babaeng kaharap. She was still beautiful as he remembered her. Hindi niya alam kung naurong ba ang dila niya dahil walang namutawi na salita sa kanyang bibig, hindi niya masabi dito ang mga bagay na ipinangako niya sa kanyang sarili na sasambitin niya sa dalaga once na matagpuan niya ito. And yet here he was, nanatiling nakatitig lang dito. “Honey, I was looking for you, what took you so long?” narinig ni Jake ang pagtawag ni Claire sa kanya. “Honey?” tanong niya sa isip niya, “Kailan pa naging kami?” nangungunot ang noong tanong niya sa kanyang isip. Pero ng mapadako ang tingin niya sa babaeng kaharap ay biglang umaliwalas ang mukha niya. “What if–?” saad niya sa kanyang isipan. Naisip niyang gamitin ang opportunity na ito upang malaman ang totoong saloobin ng babaeng kaharap. “I will be there in a sec,” sagot niya kay Claire, sinadya niyang tumingin ng malamlam sa gawi ni Claire upang makita ang magiging reaksyon ni Yesha. “Princess,”
Pagkarating nila ng Manila ay agad na silang dumiretso sa apartment na kanilang tutuluyan. Pagkapasok ng sasakyan nila sa gate ay agad silang sinalubong ng isang matandang lalake. “Mabuti at nakarating kayo ng matiwasay, Sir Ben,” bungad saad sa kanila ng matandang lalaki pagkababang-pagkababa pa lang nila ng sasakyan. “Inihabilin na po kayo sa akin ni Sir Alex, heto po ang susi ng apartment niya,” dagdag saad ng matandang lalake, sabay abot ng susing hawak nito kay Ben. “Maraming salamat po, Tay,” nakangiting sagot naman ng pinsan niya sa matanda. “Siya nga po pala ang pinsan ko, si Yesha,” pagpapakilala sa kanya ni Ben sa matandang lalake. “Princess, si Tatay Ando, ang katiwala nila Alex dito sa apartment,” baling saad naman sa kanya ng pinsan. “Magandang araw po,” nakangiting saad niya sa matanda. “Magandang araw naman iha, naku napakagandang bata mo naman. Ang kaibigan ni Sir Alex ay parang mga anak ko na rin, kaya huwag kang mahiyang magsabi sa akin kung may kailangan ka,” nak
Clarisse walks on her daughter’s bedroom, nakita niya ang dalaga na nag-gagayak upang matulog. She was applying a cream on her face.“Did you watch the news?” Clarisse asked her daughter. Watching her twirl herself in the mirror, nakita niya ang pagsulyap nito sa gawi niya sa pamamagitan ng salamin.“Yeah, you did that, Mom?” tanong ni Claire sa kanya. Bahagya nitong hininto ang ginagawang paglalagay ng cream sa mukha, saka tiningnan ang ina sa repleksyon nito sa salamin. Nakataas pa ang isa niyang kilay ng tanungin ang ina.“Of course, we need to push your relationship with Jake Mendellin. It seems that you are getting nowhere with that,” saad ni Clarisse sa anak. Humalukipkip siya sa likuran nito habang nakatingin din sa repleksyon ng anak sa salamin.“I told you, Mom. The man isn’t interested in me. Ano na lang ang sasabihin nito sa akin? Na desperada na akong mapangasawa siya? Don’t you think you overstepped your boundaries, Mom?” sagot naman ni Claire sa ina. Tuluyan na nitong hi
Kakaba-kaba si Jake habang naghihintay sa harapan ng altar. Maya't maya ang pagpupunas niya ng gitla-gitlang pawis sa kanyang noo at leeg. Para siyang nilalamig na mai-ihi na ewan. Halo-halo na ang emosyong kanyang nararamdaman. Kanina pa siya pasulyap-sulyap sa suot na relo. Fifteen minutes na lang naman at magsisimula na ang seremonya, pero parang feeling niya ay napakatagal tumakbo ng oras.He seemed like a supermodel sa suot niyang ternong tuxedo na kulay dark blue at mayroong panloob na kulay cream na long-sleeved shirt, may pares din itong patterned blue na necktie na lalong nakapagbigay ng pormal na aura sa kanya. His hair was styled in slickback side part, na lalong bumagay sa kanyang squared-shaped na mukha. Lalong naging matikas ang kanyang dating na taliwas naman sa kanyang kabang nararamdaman. Wala siyang pakialam kung marami man ang humahanga sa kanya, iisang tao lang ang gusto niyang ma-impress sa kanya ngayon, and he is waiting for her like forever.Ito ang araw na pina
It has been three days since the accident happened, and still, Yesha is not waking up. The doctor said that she is already stable, at malayo na sa kapahamakan, but maybe because of the trauma on her head, kaya hindi pa rin siya nagigising. Ini-assure naman si Jake ng mga doctor na walang dapat ikabahala kahit na nasa state of coma pa si Yesha, malalaman lamang kung may komplikasyon ito kung sakaling magising na ang babae. Jake never left Yesha's side during those days, ayaw niyang umalis dahil gusto niyang pagkagising ng babae ay nandoon siya sa tabi nito. Even for a few seconds, ay hindi niya nilisan ang tabi ng dalaga. He put her in the suite room at the top floor of the Mendellin Hospital. Kung saan mas mabilis ang access nito sa lahat ng facilities ng hospital. She was attended by the best of the best in the medical industry. Pero magka-gayunman ay hindi pa rin magawang maniwala ni Jake sa mga ito na okay na si Yesha at ligtas na sa kapahamakan. Jake wanted to see her open her ey
“Magandang hapon po, Sir,” agad na bati ng mga nakaka-salubong ni Jake na empleyado ng University. Halos lahat ng mga tauhan at professor na nadadaanan niya ay nagkukusang gumilid at yumuyukod bilang pagbati sa kanya. Ilag ang mga ito sa kanya, pero hindi pa rin maiwasan ng mga ito ang tingnan siya ng buong paghanga at kuryusidad. Hindi niya naman masisisi ang mga ito, dahil hindi naman siya araw-araw nakikita ng mga ito na naglalakad sa loob ng University. Bagama't nag-oopisina siya doon ay madalang siyang makita ng mga ito na nasa labas ng kanyang opisina o nakiki-salamuha sa mga empleyado. Kapag napunta siya ng University ay madalas sa private elevator niya siya dumadaan at sa private parking lot naman na nakalaan para lang talaga sa kanya, si David naghihintay sa lumabas kapag uuwi na siya. Kaya naman parang isang napakalaking oportunidad para sa mga empleyado na makita siya ngayong araw na naglalakad mula sa kanyang opisina patungo sa gate papuntang labasan. Wala ni isa man sa m
Kasalukuyang nagla-log out si Yesha ng lumapit sa kanya si Bret. Bahagya lang niyang sinulyapan ang lalaki. Nang matapos siyang mag log out ay ito naman ang sumunod. Kapansin-pansin ang hindi nito pag-imik at parang napaka-lalim ng iniisip. “Is there something wrong?” kapagdaka ay hindi napigilan ni Yesha na tanungin ang lalaki.“Huh?” saad nito sa kanya, mukhang nagulat pa ito ng magsalita siya.“You seemed out of yourself lately. May dinaramdam ka ba?” tanong muli ni Yesha dito. Hindi na niya napigilan ang sariling mag-usisa kay Bret, dahil halos ilang araw na niyang napapansin na parang may bumabagabag dito. She saw kung paanong lagi na lang nitong pinagse-self study ang mga estudyante nito, dahil hindi ito makapag-focus sa pagtuturo. His mind seemed elsewhere, parang lagi itong lutang. Hindi ito ang usual na Bret na nakilala niya. He was usually a jolly and fun guy, kaya kataka-taka para kay Yesha ang biglang pananahimik nito, at pagkawala ng pagka-kulit nito.“I-I am fine,” sag
Claire was lurking in the shadows. Bagamat may suot siyang wig ay pilit pa rin niyang itinatago ang mukha upang hindi siya makilala ng mga taong dumadaan. After all, mas sikat siya ngayon kesa noong siya pa ang mukha ng Valdez Clothing Line. Her face was on the most wanted person’s lists. Silang dalawang mag-ina, kung hindi lang dahil sa tulong ng kanyang lover na si Bret ay malamang wala silang maayos na mapag-tataguan.Being at the house the whole day makes her suffocated. Hindi din nakakatulong ang pagta-tantrum ng kanyang ina. Ang dating well composed na imahe nito at ang sharp na utak upang makapag-isip ng plano ay bigla na lang nag-laho. Her mom was like a kid these days, always whining.Their assets were all frozen, mula sa credit cards niya hanggang sa kanyang savings sa banko. Ang condo unit niya at apartment na nabili nung nasa poder pa sila ng kanyang Papa Romualdo ay naka-lock din. May mga mata ng pulis ding nakabantay sa lugar, kaya wala silang ibang matuluyan kundi sa ma
Unang araw ng paglabas ni Don Romualdo sa ospital. Jake made sure that everything was alright kahit na hindi ito kasama ni Yesha upang sunduin ang ama.Hindi katulad ng unang kita ni Yesha sa ama, ngayon ay mas malakas at mas masigla na ito. Don Romualdo can walk on his own now. Hindi na nito kailangang gumamit ng wheelchair at ng oxygen tank to help him breath. Malayong-malayo na ang itsura nito kesa noon. He looked the same as Yesha remembered him, before the accident happened. Although, medyo payat pa rin ito, pero mas maaliwalas na ang aura nito. “Are you going to stay with me at the house, sweetheart?” tanong ni Don Romualdo kay Yesha habang lulan sila ng sasakyan pauwi sa mansion nito sa Forbes. “The house is too big for me to live alone there,” saad pa nito.“I will, Pa. I need to prepare some arrangements first,” pahayag niya sa ama. “I need to talk with Tita Alice and Ben too, para mag-paalam sa kanila ng maayos,” paliwanag pa niya.“Thank you, anak. Even though I am a failu
Jake was sitting quietly at the balcony ng kwartong ginamit nila ni Yesha. Nag-timpla siya ng kape bago lumabas doon. The truth is ayaw pa sana niyang bumangon at iwan ang napaka-gandang nilalang na natutulog sa kama. He keeps staring at Yesha’s sleeping form, and wondering how lucky he is, seeing her in this vulnerable and beautiful state. She was sleeping soundly, bahagya pa ngang naka-nganga ang labi nito. Habang nakatitig sa labi nito ay muling sumagi sa isipan niya ang matamis at mapangahas na halik na pinagsaluhan nila kagabi. Kung hindi niya pinigilan ang sarili ay hindi niya alam kung hanggang saan sila napunta.He groaned lightly, and shook his head to let out the naughty thoughts that were starting to form in his mind. Bahagyang gumalaw ang dalaga at dahil doon ay tumambad sa kanya ang napaka-kinis na balikat nito. His eyes automatically travelled to the bare skin that was exposed in his eyes, nahinto iyon sa may puno ng dibdib ng dalaga na bahagyang naka-labas din dahil sa
“Love wake up, we are here,” banayad na tinig ang bahagyang naririnig ni Yesha na pumupukaw sa diwa niya. Umungol lang siya pero hindi niya minulat ang mga mata. Ayaw pa niyang gumising dahil napakaganda ng panaginip niya. Inayos pa niya ang sarili sa pagkakasandal hanggang sa maging komportable siya. “Love, kapag hindi ka pa gigising bubuhatin na kita,” saad ni Jake malapit sa tenga ni Yesha. He slightly chuckled dahil tanging ungol lang ang isinagot dito ni Yesha habang inayos pa ang sarili sa pagkakasandal sa balikat ng lalaki.Sa naalimpungatan na diwa ni Yesha ay narinig niya ang binulong ni Jake sa kanya. Nang dahil doon ay bigla siyang napa-dilat. Her mind was haze with sleepiness, kaya hindi niya mawari kung ano ang unang nakita niya. When her foggy eyes cleared ay bigla siyang napa-upo ng maayos ng ma-realize niyang ang side view ng magandang mukha ni Jake ang nakikita niya. Saka lang niya napag-tantong nakasandal pala siya sa balikat ni Jake. Biglang namula ang mukha ni Yes
Lumipas ang mga araw at linggo na walang naging balita ang lahat lalong-lalo na ang mga kapulisan kung saan nag-tago ang mag-inang Clarisse at Claire. Walang mahagilap na trace ang mga pulis kung saan ang mga ito matatagpuan. Naglaho na lang ang mga ito bigla na parang bula. Ayon naman sa mga pulis ay siguradong hindi makakalabas ng bansa ang mag-ina, dahil sa mayroon ang mga itong hold departure order na isinampa din ni Jake upang masiguro na mahuhuli ang mga ito, at hindi makapunta sa ibang bansa.Sa kabilang banda naman ay naging mabilis ang pag-galing ni Don Romualdo. In a few days ay muling bumalik ang sigla nito at unti-unting nakakabawi ang kalusugan sa gabay na rin ng mga health experts ng hospital ni Jake. Meron na rin itong sariling bodyguard at private nurse na si Jake mismo ang nag-rekomenda. Napagpasyahan ni Yesha na kapag tuluyang gumaling na ang ama ay ipakikilala niya ito sa mga anak. She didn’t told her father yet about the kids, naghihintay siya ng tamang panahon u