Jordan Pov...Hindi ko gustong sumbatan si Samantha dahil parehas lang naman silang nasasaktan pero siya ang may pinakamalaking parte sa lahat ng mga nangyayari.Naiinis ako sa kanya dahil patuloy siyang gumagawa ng mga bagay na hindi dapat. Gusto ko na nga siyang sampalin ng malakas para matauhan siya pero hindi ko kayang manakit ng babae lalo pa at kapatid ko siya.Mahal na mahal ko si Samantha pero nakakagigil ang kanyang ugali ngayon. Sa pagtira niya sa ibang bansa naging makitid na ang kanyang utak at makasarili. Hindi siya dating ganun. Mapagbigay, mapagmahal at maaalalahanin siya kaya naman nakakagalit ang ugali niya ngayon. Minsan gusto ko rin sisihin ang mga kaibigan niya.Nung malaman kong siya ang dahilan kung bakit naaksidente si Rex ay nag alburuto talaga ang dugo ko. Muntik ko talagang masuntok siya sa ospital.Nakakainis na makita siya sa labas ng operating room na umiiyak pero siya naman may kakagawan. Kaya naman hindi ko napigilan ang aking sarili na sigawan siyang um
Samantha Pov...Bumalik ako sa ospital pagkatapos naming kumain. Hinintay kung umalis si Aviana at kuya Jordan bago pumasok sa loob. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. This is my first time being with him since he got a multiple accidents before. Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanyang kama. Inayos ko ang kanyang manipis na kumot bago hawakan ang kanyang kamay. Unti - unting pumapatak ang aking luha habang nakatigtig sa kanyang kamay papunta sa kanyang mukha. He look different right now, makikita mo ang mga wrinkles sa kanyang mukha at nagtutubuan na balbas."Rex." Mahina kong sambit. I don't know where to start or what to say. Pinunasan ko ang aking luha. Tama sila wala akong karapatang makaramdam ng sakit at umiyak. Hinaplos ko ang kanyang mukha habang ayaw masaway ang aking luha sa pagpatak. Ito ang pagkakataon na malapitan ko siya na hindi kami nag - aaway."Rex, I'm sorry." Ito ang alam kung mga salita na pwede kong sabihin kahit alam kung hindi sapat para gamutin ang
Rex Pov...Nakakabibingi ang katahimikan sa aking kwarto. Dahan dahan kong iminulat ang aking mata at nakita ko si Jordan na nakaupo sa tabi ng aking kama pero sa cellphone at laptop niya nakatutok. Seryoso siyang nakatitig doon kaya hindi niya napansin na gising na ako.Muli kong ipinikit ang aking mata, what should I expect when she loves running away. Alangan namang mananatili pa siyang nakaupo dito eh, hindi iyon ang forte niya! Muli kong iminulat ang aking mata dahil gusto kung umupo. Pagod na ang katawan ko na nakahiga lalo na kung dito sa ospital. Gusto ko pa sanang magpanggap na tulog pero alam ko naman na hindi aalis si Jordan hangga't hindi niya ako nakikitang gising. "Jordan." Tawag ko sa kanya na seryosong nagbabasa sa kanyang mga emails sa kanyang laptop. "Hmn, Gising ka na? Nagugutom ka na ba? May masakit ba sa'yo? Kumusta pakiramdam mo pare?" Agad niyang sunod sunod na tanong sabay ibinaba ang kanyang laptop at tumayo palapit sa akin. "Hindi naman, nauuhaw lang. Gus
Jordan Pov....Nagpanggap akong walang alam pagkagising niya. Hihintayin ko siya mismo ang magsabi sa akin ng tungkol sa kanila at ang plano niya. Narinig ko lahat ang kanilang banggayan kahapon. Bumalik ako para magbantay sana sa kanya kaso nakita ko si Samantha kaya nanatili ako sa labas ngunit hindi ko inaasahan na magsumbatan sila sa mga nangyari sa kanila hanggang sa umamin si Rex na hindi naman inasahan ni Samnatha. Hindi ako umawat at nanatili sa labas, kailangan nila yun para mailabas nila ang kanilang saloobin lalo na si Rex na kinikimkim niya lahat sa kanyang puso ng mahabang panahon kaya nahihirapan siyang mag move on. Akala ko sasaktan niya si Samantha nung hinaklit niya ang kanyang dextrose kahit ako nag - aalala na baka may mangyari sa kanya ngunit hindi ko inaasahang aamin siya ng tunay niyang nararamdaman. Kaming mga lalaki ay hindi showy sa aming nararamdaman pero kapag mahal naman namin ang isang tao lahat gagawin namin masigurado lang silang ligtas sa anumang ora
Samantha Pov... Simula sa nangyaring sagutan sa amin ni Rex sa ospital ay hindi na nasundan pa. Nung lumabas na siya sa ospital at umuwi sa kanyang bahay ay bumalik na rin ako sa bahay ng magulang ko. Doon na ako tumira habang tatlong beses sa isang linggo ko lang dinadalaw sa bahay ni Rex ang mga bata. Kapag linggo iniuuwi ko sila rito para makalaro ng mga magulang ko. Minsan dinadala ni kuya Jordan ang mga anak niya sa bahay ni Rex. Naging hindi kami komportable ni Rex tuwing kami ay nagkikita sa kanyang bahay. Hindi ko rin alam kung anu ang gagawin ko. Nahihiya na natataranta ako kapag nasa paligid ko siya. Nawala na yung tapang ko dati sa harapan niya. Kapag wala siya saka ako lumalabas at nagluluto ng mga paborito niyang pagkain na paborito rin ni Xander at Sandra. Para akong aatakihin lagi sa nerbiyos at nawawala sa sarili kapag nasa malapit lang siya. Haaay! Samantha pull yourself together. Sabi ko sa aking sarili. Bago dumating ang ikalimang kaarawan ng mga bata ay nirenta
Rex Pov Tinanghali ako ng gising dahil ako lang naman ang tao rito sa bahay. Nagpaalam ang mga magulang ni Samantha na hiramin ang mga bata. Bakit hindi ang mga anak kasi ni Jordan ang hiramin nila at buntis ngayon si Anita, kailangan niya ng sapat na pahinga. Muli kong padabog na ibinagsak ang aking katawan sa aking kama. Dumapa akong muli para matulog nung magulantang ako sa walang tigil na pagtunog ng doorbell, nasaan ba si manang? Wala ako sa mood na bumangon para kung sino ang bisita ko ngayon! "Rex." Gulat na bati ni Jordan. Napadilat ako sa aking mata. "Jordan?" Balik kong patanong na sambit. Nagulat ako sa pagdalaw niya ngayon, nagulat din siyang tinignan ako mula ulo hanggang paa. Ako lang ang tao sa bahay kaya nakaboxer at sando lang ako. Nakalimutan kong hablutin kanina ang robe buti si Jordan ang dumalaw. "Kakagising mo lang?" Kunot noo niyang tanong. Pinapasok ko muna siya bago sinagot. "Wala akong kasama at gagawin kaya hindi ako gumising ng maaga Jordan. Anu pala gi
Rex Pov...Iniuwi ni tito James sina Xander at Sandra. Nakipagtalo pa si mommy na sila daw muna ang makakasama dahil ngayon lang daw sila nagawi rito. Habang sila ay nagtatalo doon sa rooftop ng restaurant inaya ko si Samantha na umuwi sa bahay. Fuck! I miss her so much. I didn't know how much I missed her until that kiss I gave her. Sabik na sabik akong makaulayaw siyang muli pagkatapos ng tatlong buwan nung may mangyari sa aking condo. Her action naman sa bahay two weeks ago sa study room is out of the box, but I enjoyed. May itinatago siya talagang kalaswaan sa sarili. Okay lang basta sa akin lang niya gagawin ang bagay na yun.I'm excited to reach home as I drive so fast. Gusto kong makarating sa bahay pero biglang nagbago ang isip ko.Iniliko ko ang sasakyan at sa condo ko siya dinala. No one is there at walang didistorbo sa amin. I will mark what is mine, this time with love. Napangiti ako at lumingon sa kanya na nakaidlip. Nasa Nasugbu ang aming Hills View Paradise Restaurant
Rex Pov... Malapad ang ngiti kong pumasok sa trabaho. Isipin ko pa lamang si Samantha ay umaapaw na galak at puno ng pangarap ang aking isip. Samantha mahal na mahal kita! Bulong ko sa aking sarili. Dahil wala sa amin ang mga bata ay iniwanan ko si Samantha na tulog pa sa condo. Ipinagluto ko nalang siya ng mga paborito niyang pagkain. I'll fetch her later para umuwi sa bahay. Sana ibalik din ni tito James ang kambal at namimiss ko na sila. I miss them running towards me when I come home. Those are the precious moments I can't exchange for anything. Now, that I have Samantha beside me, I can't contain my happiness engulfing me. Sana noon pa ako nagpakatotoo sa sarili ko. Masarap pala talaga ang malayang magmahal at mahalin. Minahal ko naman si Coleen noon ngunit hindi ganito kasaya at kagaan sa pakiramdam. Kapatid lang naman din talaga ang pagmamahal na mayroon ako para kay Samantha noon pero hindi pala. I already loved her before. I just neglected, thinking she is still a teen
Rex Pov... Bumalik ako sa aking trabaho at nanatili si Samantha sa aming bahay ganun din si Anita na hindi na pinabalik ni Jordan sa kanyang bakery pero siya pa rin ang gumagawa ng mga special bestseller cakes na siya lang ang gumawa at nagpasikat. Isang buwan lang ang pagitan nila ni Sam para manganak kaya naman laging nakadikit ang aming telepono sa aming katawan para madaling matanggap ang importanteng tawag. Hindi ako makapaghintay na masilayan ang aking bagong kambal. Pinaghandaan ko na sila sa bahay. May sarili na silang kwarto at gamit. Hindi ako mapigilan ni Sam palakihin pa ang aming bahay. Luigi and Vivian is planning to get married on May next year too, naiinggit daw siya sa amin ni Samantha at isa pa nilang kaibigan na may anak na. Ayaw naman ni Luigi na magkaanak muna sila bago ikasal pero itong si Vivian ay may sariling plano. Binutas lang naman ang condom na ginagamit nila.Natapos din ang unos na dumaan sa aming pamilya. Totoo talaga nag rainbow after the rain. Sa
Rex Pov... After the wedding, we both decided to travel locally for a month for our honeymoon since she is already almost 4 months pregnant with our twins again. Una pinili ko muna ang pagpunta ng Baguio, then Bulacan bago Subic for our honeymoon. After almost 2 weeks, we plan to go to Boracay and back to Palawan. Then I suggested the last week staying in Manila Marriott Hotel to relax. Kakain at matutulog nalang ang aming gagawin. Samantha supported us all the way and gave some suggestions. Hindi ko muna siya pinayagan na bumalik ng Australia at New York. I asked her best friend to take care of her business there while she is away. I will let her travel when she has already given birth and is capable of moving comfortably. At the moment, I'm still in bliss na gusto ko silang kasama at nakikita anumang oras, especially my lovely wife, who amazes me all the time.Andito kami ngayon sa Baguio Country Club and this is our second day. Masarap mamasyal, around 5 pm onwards, feeling th
Raul Pov...Pagkatapos ng kasalan ni Rex ay bumalik ako sa London para ipagpatuloy ang aking naudlot na buhay. Tapos na ang mahabang bakasyon.Sinubukan kong kalimutan ang naging pagbabago sa aking sarili pero mukha yatang mahirap kalimutan kapag tinamaan ka ni cupido. Ngayon naiintindihan ko si Samantha kung bakit siya nabaliw kay Rex at lahat ng pagpapansin ay ginawa niya. Nakakabaliw at nakakasira pala talaga ng konsentrasyon kapag nagmahal ka. Maraming magbabago higit sa lahat ang kalmado mong pakiramdam. Thanks god it's Friday! Pagbulalas ko pagpatak ng alasingko ng hapon. Umuwi ako sa bahay para makapagbihis at maligo muna bago lumarga sa kung saan mapapadpad ang aking paa. Lumabas akong muli at dumaan sa isang pub na sikat dito sa London. First time kong papasukin ang pub na ito kaya hindi ko alam kung anu ang nasa loob. Hindi ako si Rex na nakakapasok sa ganito dahil kay Jordan noon pero tignan mo naman ngayon kapwa na sila one woman man.Si Jordan inuubos ang oras sa traba
Rex Pov... Kung kailan dumating ang araw na pinakahihintay ko ay siya naman ang lakas ng kaba sa aking dibdib. Para akong aatakihin sa sakit sa puso sa nerbiyos! Ngayong araw ang kasal namin ni Samantha pero hindi ako mapakali sa nerbiyos. Tatlong araw bago ang aming kasal ay umuwi siya sa kanila, kailangan daw muna naming magkalayo ng tatlong araw bago ang nasabing araw ng kasal. Sa tatlong araw na hindi ko siya kasama ay hindi ako makatulog ng maayos at makakain. Namimiss ko ang mga luto niya at pag - aasikaso sa akin. Ilang oras nalang ang hihintayin mo Rex makikita mo na siya. Sabi ko sa aking sarili. Ang dalawa ko pang kaibigan ay walang ginawa kundi kantiyawan ako. Sumama pa si kuya Raul. "Pare, relax sandali lang makikita mo na siya, dati ayaw mo siyang makita." Kantiyaw ni Jordan. "Noon yun pare!" Nahihiya kong sagot. "Anu na ngayon kung noon lang yung ayaw mo siyang makita?" Balik niyang tanong. "Ngayon mahal ko siya at ayaw kung mawala siya sa akin." Tumitig ako sa k
Samantha Pov... Kinikilig akong nakayakap siya sa akin habang panay halik niya sa aking ulo, buti nalang naligo ako kanina. My safe place is when held by his strong arms. Wala na akong mahihiling pa ngayon na nasa akin na siya at ipinapakita ang kanyang pagmamahal. Pagmamahal na dati kong ipinagdarasal na makamtan ko kahit sandali lang pero heto hindi sandali lang kundi panghabambuhay. Hindi pa rin ako makapaniwala at makamove on na tinatamasa ko na ang mga pinagrap ko. Si Rex, ang pamilyang gusto ko at higit sa lahat ang pagmamahal na araw araw kung dinadalangin. Masarap ang ngiti kong gumising. Nagpanggap akong tulog kanina kaya narinig ko ang mga sinabi ni Rex.Kinikilig akong bumangon at hinahaplos ang aking mukha na kanyang hinahaplos kanina. Muli akong pumikit para damhin ang kanyang mga haplos. I'm sorry din Rex na umalis ako noon, sana hindi na lang ako umalis para hindi tayo nasaktan ng ganito. Sadyang masakit ka lang yatang mahalin pero ngayon naman ay heaven na ang say
Rex Pov... Our upcoming wedding is taking a toll on us, but in a nice way. Kahit si Samantha nakalimutan niyang buntis siya dahil sa excitement. Marami na siyang nagawa na hindi nakakaramdam ng pagod. Lagi lang naman akong nasa kanyang likuran handang saluhin siya kapag kailangan niya ng pakpak. Sino ba naman ang hindi ma-eexcite kung ikakasal kana sa wakas sa taong mahal na mahal mo!Ako na nga ang nag aalala sa kalagayan niya. Ayaw kong mapahamak sila ng anak ko! Madalas ko siyang buhatin papunta sa aming kwarto dahil sa kapaguran ay nakakatulog na siya sa sofa. Kapag dumadalaw ang kanyang magulang ay napapagalitan na nga siya dahil para siyang hindi nag iingat kasi! Pero kapag talagang excited mahirap pigilan ang sarili. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman kong saya na umabot kami sa ganitong estado. Ang minsang pangarap na sa pagkakaalam ko kay pangarap nalang. Excited akong maikasal na kami at makasama ko siya ng walang hangganan. Yung masasabi ko talagang akin na siya! Ang p
Raul Pov...Hindi ko kilala ang kapatid ni Lino o nakaharap man lang para may ideya ako kung sino siya dahil nung nagkakaroon ng hearing ay wala siya. Sino ba naman ang mag aakala na may kapatid siyang magandang babae pero mabagsik ng lihim. Ang unang araw na makita ko siya ay sa hearing ni Georgia. Hindi ko alam na siya ang kapatod ni Lino. Tinulungan ko siya dahil kailangan niya ng tulong. May reflexes were quick to help her! Hindi ko rin aakalain na ang babaeng nagpatorete sa akin ng ilang sandali sa mall ay siya tapos siya rin pala ang babaeng isusuka ako dahil sa nakaraan. Tanggap ko na! Ito siguro ang tadhana ko.Bakit kailangan mabighani niya ako kung makikialam naman pala ang nakaraan. Ito ba ang tinatawag na butterflies and goosebumps pero hindi ganun ang naramdaman ko eh. Breathless and speechless! Yan ang nangyari tuwing nakikita ko siya. Isipin ko pa lamang siya ay lumalamig ang paligid. Hindi rin ako aasa ma makikipag areglo siya sa akin. Sa kanyang titig at imik ay
Lamara Pov...Hindi ko inaasahan na tutulungan ako ni Raul. Ang atorney na kinakainisan ko dahil sa pagkakakulong ni Lino noon. Sino ba ang mag aakala na ang lalaking nakabangga ko sa mall noong isang araw na natulala sa akin ay si Atty. Raul Jimenez pala!Wala akong nagawa kundi kumapit sa kanyang balikat dahil masakit ang aking katawan at parang kakapusin ng hininga. Hayop ang babaeng yun! Hindi ko napaghandaan ang kanyang pagsipa! Dapat pala inalam ko lahat ang tungkol sa kanya. Nawala sa isip ko na siya ay malakas na babae dahil sa nagawa niya noon sa Solace Condominium.Hindi biro ang lakas ng kanyang pagtadyak sa akin. Kung hindi ako natulungan agad ni Raul baka hinimatay ako or worst pa ang pwedeng mangyari sa akin.Aba! Kahit sa kabilang buhay ibibigti ko siya kapag namatay ako o maving patay na buhay sa ospital. Wala siyang imuurungan. Nakakatakot ang pagihing obsessed niya kay Rex. Yung titig niya sa fiance niya ay nakakatakot. Handa aiyang pumatay para sa pagmamahal niya.
Rex Pov... Umakyat ako at ihinanda ang mga kailangan ko ngayon. Matatapos din ang minsang nakaraang pighati sa nakakarami sa amin. Matutuldukan ang kademonyuhan ni Georgia na ugat ng lahat. Palabas na ako ng kwarto nung pumasok si Samantha na nakabihis din. "Sam, are you going somewhere else?" Tanong ko sa kanya."Nope, I'm going with you." Nakangiti niyang sagot."Okay lang ako baby. Dito ka nalang sa bahay at magpahinga. I'm fine with kuya Raul." Protesta ko sa kanya. Ayaw ko siyang mapagod."Gusto kong makita ka paano magtrabaho." Naglalambing niyang sagot at umabrisiyete sa aking braso. Ngumiti ako at kinintalan ng halik ang kanyang noo."Sure baby." Sagot ko sa kanya na kanyang ikinatuwa.Hinawakan ko ang kanyang kamay palabas sa aking study room. Tiningala naman kami ng magulang ko at si kuya Raul na napapailing na nakangiti. I would love her to be clingy with me just like when she was 10 years old. Always running towards me and choosing to sit on my lap kaysa sa hita ni Jor