Samantha Pov...Ayaw ko pang umalis sa ospital dahil gusto kung makita si Rex pagkagising niya pero mabigat ang paligid namin.Wala akong nagawa kundi umalis kasama nina Luigi at Vivian palabas ng ospital. Wala akong tigil sa kakaiyak at hindi umiimik. Oo, tama sila kasalanan ko ang lahat kung hindi ako umalis hindi siya naaksidente ng ilang beses. Ako nga ang dahilan ng lahat ng kanyang pasanin sa buhay. Napaupo ako sa labas ng ospital na umiiyak. Masakit ipamukha sa'yo kung gaano ka kasama pero hindi mo pa rin naiintindihan at paulit ulit mong ginagawa ang gusto mong gawin. Mahal ko siya pero bakit ko nagawa ang lahat ng mga ito sa kanya?"Sam, tama na! Kanina ka pa umiiyak eh!" Pakiusap sa akin ni Vivian. I can't help, tuwing umaalingawngaw sa pandinig ko ang mga sinabi ni kuya ay hindi ko mapigilan ang hindi umiyak. "Viviiiaaan!" Palahaw kong tawag sa kanya. "Tara na muna kumain para may lakas kang humarap sa kanila. Dumadami na silang galit sa'yo. Sinabi ko naman kasi sa'yo no
Jordan Pov...Hindi ko gustong sumbatan si Samantha dahil parehas lang naman silang nasasaktan pero siya ang may pinakamalaking parte sa lahat ng mga nangyayari.Naiinis ako sa kanya dahil patuloy siyang gumagawa ng mga bagay na hindi dapat. Gusto ko na nga siyang sampalin ng malakas para matauhan siya pero hindi ko kayang manakit ng babae lalo pa at kapatid ko siya.Mahal na mahal ko si Samantha pero nakakagigil ang kanyang ugali ngayon. Sa pagtira niya sa ibang bansa naging makitid na ang kanyang utak at makasarili. Hindi siya dating ganun. Mapagbigay, mapagmahal at maaalalahanin siya kaya naman nakakagalit ang ugali niya ngayon. Minsan gusto ko rin sisihin ang mga kaibigan niya.Nung malaman kong siya ang dahilan kung bakit naaksidente si Rex ay nag alburuto talaga ang dugo ko. Muntik ko talagang masuntok siya sa ospital.Nakakainis na makita siya sa labas ng operating room na umiiyak pero siya naman may kakagawan. Kaya naman hindi ko napigilan ang aking sarili na sigawan siyang um
Samantha Pov...Bumalik ako sa ospital pagkatapos naming kumain. Hinintay kung umalis si Aviana at kuya Jordan bago pumasok sa loob. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. This is my first time being with him since he got a multiple accidents before. Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanyang kama. Inayos ko ang kanyang manipis na kumot bago hawakan ang kanyang kamay. Unti - unting pumapatak ang aking luha habang nakatigtig sa kanyang kamay papunta sa kanyang mukha. He look different right now, makikita mo ang mga wrinkles sa kanyang mukha at nagtutubuan na balbas."Rex." Mahina kong sambit. I don't know where to start or what to say. Pinunasan ko ang aking luha. Tama sila wala akong karapatang makaramdam ng sakit at umiyak. Hinaplos ko ang kanyang mukha habang ayaw masaway ang aking luha sa pagpatak. Ito ang pagkakataon na malapitan ko siya na hindi kami nag - aaway."Rex, I'm sorry." Ito ang alam kung mga salita na pwede kong sabihin kahit alam kung hindi sapat para gamutin ang
Rex Pov...Nakakabibingi ang katahimikan sa aking kwarto. Dahan dahan kong iminulat ang aking mata at nakita ko si Jordan na nakaupo sa tabi ng aking kama pero sa cellphone at laptop niya nakatutok. Seryoso siyang nakatitig doon kaya hindi niya napansin na gising na ako.Muli kong ipinikit ang aking mata, what should I expect when she loves running away. Alangan namang mananatili pa siyang nakaupo dito eh, hindi iyon ang forte niya! Muli kong iminulat ang aking mata dahil gusto kung umupo. Pagod na ang katawan ko na nakahiga lalo na kung dito sa ospital. Gusto ko pa sanang magpanggap na tulog pero alam ko naman na hindi aalis si Jordan hangga't hindi niya ako nakikitang gising. "Jordan." Tawag ko sa kanya na seryosong nagbabasa sa kanyang mga emails sa kanyang laptop. "Hmn, Gising ka na? Nagugutom ka na ba? May masakit ba sa'yo? Kumusta pakiramdam mo pare?" Agad niyang sunod sunod na tanong sabay ibinaba ang kanyang laptop at tumayo palapit sa akin. "Hindi naman, nauuhaw lang. Gus
Jordan Pov....Nagpanggap akong walang alam pagkagising niya. Hihintayin ko siya mismo ang magsabi sa akin ng tungkol sa kanila at ang plano niya. Narinig ko lahat ang kanilang banggayan kahapon. Bumalik ako para magbantay sana sa kanya kaso nakita ko si Samantha kaya nanatili ako sa labas ngunit hindi ko inaasahan na magsumbatan sila sa mga nangyari sa kanila hanggang sa umamin si Rex na hindi naman inasahan ni Samnatha. Hindi ako umawat at nanatili sa labas, kailangan nila yun para mailabas nila ang kanilang saloobin lalo na si Rex na kinikimkim niya lahat sa kanyang puso ng mahabang panahon kaya nahihirapan siyang mag move on. Akala ko sasaktan niya si Samantha nung hinaklit niya ang kanyang dextrose kahit ako nag - aalala na baka may mangyari sa kanya ngunit hindi ko inaasahang aamin siya ng tunay niyang nararamdaman. Kaming mga lalaki ay hindi showy sa aming nararamdaman pero kapag mahal naman namin ang isang tao lahat gagawin namin masigurado lang silang ligtas sa anumang ora
Samantha Pov... Simula sa nangyaring sagutan sa amin ni Rex sa ospital ay hindi na nasundan pa. Nung lumabas na siya sa ospital at umuwi sa kanyang bahay ay bumalik na rin ako sa bahay ng magulang ko. Doon na ako tumira habang tatlong beses sa isang linggo ko lang dinadalaw sa bahay ni Rex ang mga bata. Kapag linggo iniuuwi ko sila rito para makalaro ng mga magulang ko. Minsan dinadala ni kuya Jordan ang mga anak niya sa bahay ni Rex. Naging hindi kami komportable ni Rex tuwing kami ay nagkikita sa kanyang bahay. Hindi ko rin alam kung anu ang gagawin ko. Nahihiya na natataranta ako kapag nasa paligid ko siya. Nawala na yung tapang ko dati sa harapan niya. Kapag wala siya saka ako lumalabas at nagluluto ng mga paborito niyang pagkain na paborito rin ni Xander at Sandra. Para akong aatakihin lagi sa nerbiyos at nawawala sa sarili kapag nasa malapit lang siya. Haaay! Samantha pull yourself together. Sabi ko sa aking sarili. Bago dumating ang ikalimang kaarawan ng mga bata ay nirenta
Rex Pov Tinanghali ako ng gising dahil ako lang naman ang tao rito sa bahay. Nagpaalam ang mga magulang ni Samantha na hiramin ang mga bata. Bakit hindi ang mga anak kasi ni Jordan ang hiramin nila at buntis ngayon si Anita, kailangan niya ng sapat na pahinga. Muli kong padabog na ibinagsak ang aking katawan sa aking kama. Dumapa akong muli para matulog nung magulantang ako sa walang tigil na pagtunog ng doorbell, nasaan ba si manang? Wala ako sa mood na bumangon para kung sino ang bisita ko ngayon! "Rex." Gulat na bati ni Jordan. Napadilat ako sa aking mata. "Jordan?" Balik kong patanong na sambit. Nagulat ako sa pagdalaw niya ngayon, nagulat din siyang tinignan ako mula ulo hanggang paa. Ako lang ang tao sa bahay kaya nakaboxer at sando lang ako. Nakalimutan kong hablutin kanina ang robe buti si Jordan ang dumalaw. "Kakagising mo lang?" Kunot noo niyang tanong. Pinapasok ko muna siya bago sinagot. "Wala akong kasama at gagawin kaya hindi ako gumising ng maaga Jordan. Anu pala gi
Rex Pov...Iniuwi ni tito James sina Xander at Sandra. Nakipagtalo pa si mommy na sila daw muna ang makakasama dahil ngayon lang daw sila nagawi rito. Habang sila ay nagtatalo doon sa rooftop ng restaurant inaya ko si Samantha na umuwi sa bahay. Fuck! I miss her so much. I didn't know how much I missed her until that kiss I gave her. Sabik na sabik akong makaulayaw siyang muli pagkatapos ng tatlong buwan nung may mangyari sa aking condo. Her action naman sa bahay two weeks ago sa study room is out of the box, but I enjoyed. May itinatago siya talagang kalaswaan sa sarili. Okay lang basta sa akin lang niya gagawin ang bagay na yun.I'm excited to reach home as I drive so fast. Gusto kong makarating sa bahay pero biglang nagbago ang isip ko.Iniliko ko ang sasakyan at sa condo ko siya dinala. No one is there at walang didistorbo sa amin. I will mark what is mine, this time with love. Napangiti ako at lumingon sa kanya na nakaidlip. Nasa Nasugbu ang aming Hills View Paradise Restaurant