Samantha Pov...Halos ala singko na ng hapon ako nakarating mismo sa bagong hotel na pag - aari ngayon ni kuya! Napakaganda nga ang desenyo at maganda ang lokasyon. Mukhang dito nga niya ibinuhos ang kanyang oras para makapagdesenyo siya ng ganito. Binago niya ang desenyo ng Vida Corp. Ito na ang latest kung sakali man.“Mam Samantha!" Bungad bati ni Lea pagkakita sa akin.“Hi Lea, dito ka pala inilipat ni kuya. Nasaan na siya?”“Nasa office niya po maam! Bibihira naman siyang lumabas sa kanyang opisina kapag may meeting at kakain lang siya.” Kanyang may lungkot na sagot. Lahat yata ng sympatya ay nasa kay kuya ngayon. Ngumiti ako sa kanya bago pumasok sa kanyang opisina na hindi niya namamalayan. Seryoso at busy siyang nakatitig sa mga larawan na nakasabit sa dingding. Tinignan ko ang mga larawan na kanyang tinitigan at nakakahabag siyang tignan, dati siyang masayahin at makulit. Kayang pagsabayin ang kanyang luho at negosyo, pero ngayon para siyang patay na nabubuhay dahil kailanga
Last Updated : 2023-01-02 Read more