James Pov... Masarap maging magulang pero mahirap magpakamagulang lalo kung hindi mo na kilala ang mga anak mo. Ang mga anak ko ang aking kaligayahan at pinalaki ko ayun sa alam kung tama pero hindi pa pala sapat ang ginawa ko. Pangatlong araw na kasi ngayon na umuuwi dito si Samantha na pagod na pagod ang hitsura. Hindi rin siya umiimik tuwing darating ay deretso sa kanyang kwarto. Para siyang may sariling mundo at umuuwi lang dito para matulog. Nakalock din lagi ang kanyang kwarto na hindi naman niya dating ginagawa. Nag - aalala akong baka may masamang nangyayari na sa kanya simula pinalayas ko rito. Pinalayas ko para habulin niya ang lalaking kinababaliwan niya at dahilan ng mga ito. Hindi ko siya pinalayas para magrebelde. Tinawagan ko si Jordan na pumunta dito baka sakaling kinakausap siya ng kanyang kapatid. Siguro kinakasuklaman na ako ni Samantha dahil sa ginawa ko. Naglagay na kasi siya ng boundary sa amin. "Dad.. What happened?" Humahangos na tawag ni Jordan pagkabukas
Jordan Pov...Hindi ako mapakali simula sabi ni daddy na hindi okay ang itsura ni Samantha tuwing umuuwi pero sigurado naman akong hindi siya sasaktan ni Rex. Hindi sinasagot ni Rex ang tawag ko kaya napilitan akong pumunta sa kanyang opisina. Anu ba ang nangyayari sa dalawang yun!"Hi Lucy." Bungad ko sa opisina ni Rex."Hi sir Jordan, napadaan po kayo ngayon?" Tanong niya."Ah! Oo, dadalawin ko lang si Rex." Sagot ko naman sa kanya."Po! Eh! Sir, wala po si sir Rex dito ngayon. Ngayon po kasi ang hearing nila kay Georgia.""What?" Gulat kong sagot sa kanya. Bakit hindi niya ako tinawagan? Nagmadali akong umalis at iniwan si Lucy na nakatulala. Kailangan kong makarating sa korte ngayon. Pinatakbo ko ng mabilis ang aking sasakyan para makarating agad kaso minamalas naman akong matrafic. Naman, bakit ngayon pa nagkabuhol - buhol ang trapiko dito.Buti nalang may parkingan na available dito. Nagmadali akong makapagpark para makaattend sa hearing ni Rex. Ito ang pinakaaantay kung kaso. S
Rex Pov... Gulong - gulo ang utak kong umuwi sa bahay. Masakit ang ulo at dibdib ko. Kung pwede ko lang ibalik ang araw na nakilala ko si Georgia ay pinilipit ko na ang kanyang leeg. Isa siyang hayop para magawa ang mga krimen na iyon dahil lang sa kanyang paghihiganti. Bakit kailangan idamay niya ang lahat ng mga tao kung pwede naman niya akong kausapin. She is dangerous! Hindi pagmamahal din ang mayroon sa puso niya kundi obsession at nakakatakot yun! Dahil sa nawawala ako sa aking sarili hindi ko napansin na wala si Samantha sa bahay. Dumeretso ako sa aking study room at humiga sa sofa. Ipinikit ko agad ang aking mata pagkalapat pa lang ng likod ko sa malambot na sofa. Gusto kong matapos na ang araw na ito at makalimutan ko ang kaganapan kanina.Nagising ako malalim na ang gabi. Pumunta muna ako sa banyo para magmidnight shower bago bumaba sa kusina. Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng kusina nung mapansin kung marami ang nagbago sa loob ng bahay. Naiba ang kulay ng kurtina, mga
Jordan Pov Nasaan na ba si Samantha, kailangan ko siyang makausap para masabihan ko kung anu ang nangyari sa hearing ni Georgia. Kailangan siya ngayon ni Rex pero kung kailan naman siya kailangan saka naman siya nawawala. Isa pa si Rex hindi nanaman matawagan, wala sa condo at bahay niya! Nasaan nanaman ba siya pumunta? Tama baka nasa sementeryo ngayon at nalaman na niya kung sino at kung paano talaga namatay si Coleen. Tama nga ang hinala ko, andito siya ngayon. Ganito naman siya kapag nasasaktan at may problema. Kung sana nagsasalita ang puntod sinagot na siya kaso hindi eh! Hindi ako lumabas sa aking sasakyan at hinintay siyang matapos kung anuman ang sadya niya rito. Lumabas na ako sa aking sasakyan nung makita ko siyang pabalik dito sa kanyang sasakyan. "Rex!" Tawag ko agad sa kanya. "Jordan?" Gulat niyang patanong na sagot. "Kanina pa kasi kita tinatawagan eh, hindi ka sumasagot. Dito lang ang alam kung puntahan mo kapag wala ka sa bahay mo at opisina." Sabi ko sakanya. "S
Samantha Pov...Pagakarating namin ni Luigi dito sa Pilipinas ay nagpahatid muna ako sa kanya pauwi sa bahay. Gusto kong makita muna sina mommy at daddy bago bumalik ng Hawaii. I finally decided to live abroad rather than to live here. This place isn't my comfort place to stay. Pakiramdam ko habang tumatagal ang pagtira ko dito bumibigat ang laman ng aking dibdidb. Siguro kapag nilisan ko muli ang lugar na ito ay mapapanatag na ang aking kalooban. Makakalimutan ko rin ang masalimuot na dumaan sa buhay ko. Salamat kay Vivian sa walang tigil niyang pagsuporta sa akin at madalas pagdalaw sa akin sa Hawaii. Sa kanya ko rin ipinagkatiwala ang pagsilip sa aking negosyo sa New york at Australia. Naging busy na rin si Luigi simula nag expand ang kanyang European cuisine sa Australia. Ngayon magtatayo naman siya ng Filipino cuisine with a twist. Maraming pinoy doon sa Hawaii kaya ako naman ang magtatayo ng Filipino cuisine kasama ang mga tuhog tuhog pero ako ang gagawa ng mga resipe."Samantha
Jordan Pov "Dad, what are we going to do now?" Tanong ko kay daddy. Hindi ko pa nakakausap si Rex simula umalis kami sa bilibid nung isang araw. Kailangan kung bumalik sa ospital para masiguradong okay na si Jay-ar. "I don't know Jordan. Find Rex and talk to him! Hindi ko na alam kung anu ang gagawin kay Samantha. Tumatanda siyang paurong!" Bagsak ang balikat na sagot ni daddy. Sino ba ang hindi naguguluhan sa kanyang mga ginagawa. Pwede namang simplehan nalang niya at manatili siya sa tabi ni Rex habang buhay. "I will dad, but I need to go back to the hospital. Ayaw kong mapagod si Anita." Sagot ko sa kanya. "What are going to do there? Bakit naman nasa ospital si Anita ngayon?" Gulat niyang tanong pagkasabi ko ng ospital. Mga lugar na nakakatakot banggitin sa aming pamilya. "Jay-ar almost got poisoned sa school canteen nila. Saka lang ako umalis kanina nung sabi ng doktor okay na siya pero hindi ko pinayagan na lumabas ngayon na hindi cleared ang lahat and I just learned Anita
Rex PovAlam kung hindi tama na iniwanan ko si Jordan pero wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. Totoo naman ang sinabi ni Georgia kasalanan ko ang lahat. I'm overwhelmed to what is happening forgeting what is the most part needed my attention. Isinisi ko ang lahat ng kasalanan sa kanya kahit ako ay may kasalanan din. When will this hatred engulfing me get out of my system? Paulit - ulit kong sinasabi sa sarili ko na hindi ako galit kay Samantha that I just hated what she did. Pero hindi iyon ang ibinubulong ng sarili ko! Paulit - ulit ko siyng pinapaalis sa buhay ko at sinsabing hindi ko siya kailangan pero bakit abot sa langit ang galit ko tuwing nakikita ko sila ni Luigi? Fuck! Galit kong sigaw sabay binaliktad ang mesa sa aking harapan. Tumilapon lahat ang mga pagkain at bote ng alak na aking iniinom. I hate this feeling!Tumayo ako para pumunta sa kusina at kumuha ng panibagong bote kaso natapakan ko ang mga nabasag na plato at bote. "Aahh! Shit!" Mura kung muli sa sakit. Pin
Samantha Pov... "Samantha?" Pagpukaw sa akin ni Lui. Simula kasi nasa biyahe kami papuntang airport ay malalim na ang aking iniisip. "Samantha anung iniisip mo? Masyadong malalim!" Kanyang tanong habang binababa ang aming gamit. Nakatulala nanaman pala ako imbes na tulungan siya. Nawawala ako sa aking sarili. "Ah! Wala naman Lui. Inip lang ako. Gusto ko ng makarating sa Hawaii agad!" Pagsisinungaling ko sa kanya. Gustong magpaiwan kasi ng puso ko samantalang nagmamadali naman ang aking utak na gustong lisanin ang lugar. Tanging ang malalim niyang pagbuntong hininga ang aking narinig. Ang akala ko noon na masama tao ngayon ay aking tagapagligtas at nakakaintindi sa akin. Totoo talaga ang kasabihan na don't judge a book by it's cover. Pumasok na ako sa airport at nakasunod naman si Luigi sa aking likuran. Tama lang ang desisyon ko noon pa na huwag manirahan o mamuhay dito. Hindi dito ang lugar na para sa akin kundi sa malayong lugar. Dito sa lugar na ito nakabaon sa kumunoy ang aki