Jordan Pov...Hindi ako mapakali simula sabi ni daddy na hindi okay ang itsura ni Samantha tuwing umuuwi pero sigurado naman akong hindi siya sasaktan ni Rex. Hindi sinasagot ni Rex ang tawag ko kaya napilitan akong pumunta sa kanyang opisina. Anu ba ang nangyayari sa dalawang yun!"Hi Lucy." Bungad ko sa opisina ni Rex."Hi sir Jordan, napadaan po kayo ngayon?" Tanong niya."Ah! Oo, dadalawin ko lang si Rex." Sagot ko naman sa kanya."Po! Eh! Sir, wala po si sir Rex dito ngayon. Ngayon po kasi ang hearing nila kay Georgia.""What?" Gulat kong sagot sa kanya. Bakit hindi niya ako tinawagan? Nagmadali akong umalis at iniwan si Lucy na nakatulala. Kailangan kong makarating sa korte ngayon. Pinatakbo ko ng mabilis ang aking sasakyan para makarating agad kaso minamalas naman akong matrafic. Naman, bakit ngayon pa nagkabuhol - buhol ang trapiko dito.Buti nalang may parkingan na available dito. Nagmadali akong makapagpark para makaattend sa hearing ni Rex. Ito ang pinakaaantay kung kaso. S
Rex Pov... Gulong - gulo ang utak kong umuwi sa bahay. Masakit ang ulo at dibdib ko. Kung pwede ko lang ibalik ang araw na nakilala ko si Georgia ay pinilipit ko na ang kanyang leeg. Isa siyang hayop para magawa ang mga krimen na iyon dahil lang sa kanyang paghihiganti. Bakit kailangan idamay niya ang lahat ng mga tao kung pwede naman niya akong kausapin. She is dangerous! Hindi pagmamahal din ang mayroon sa puso niya kundi obsession at nakakatakot yun! Dahil sa nawawala ako sa aking sarili hindi ko napansin na wala si Samantha sa bahay. Dumeretso ako sa aking study room at humiga sa sofa. Ipinikit ko agad ang aking mata pagkalapat pa lang ng likod ko sa malambot na sofa. Gusto kong matapos na ang araw na ito at makalimutan ko ang kaganapan kanina.Nagising ako malalim na ang gabi. Pumunta muna ako sa banyo para magmidnight shower bago bumaba sa kusina. Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng kusina nung mapansin kung marami ang nagbago sa loob ng bahay. Naiba ang kulay ng kurtina, mga
Jordan Pov Nasaan na ba si Samantha, kailangan ko siyang makausap para masabihan ko kung anu ang nangyari sa hearing ni Georgia. Kailangan siya ngayon ni Rex pero kung kailan naman siya kailangan saka naman siya nawawala. Isa pa si Rex hindi nanaman matawagan, wala sa condo at bahay niya! Nasaan nanaman ba siya pumunta? Tama baka nasa sementeryo ngayon at nalaman na niya kung sino at kung paano talaga namatay si Coleen. Tama nga ang hinala ko, andito siya ngayon. Ganito naman siya kapag nasasaktan at may problema. Kung sana nagsasalita ang puntod sinagot na siya kaso hindi eh! Hindi ako lumabas sa aking sasakyan at hinintay siyang matapos kung anuman ang sadya niya rito. Lumabas na ako sa aking sasakyan nung makita ko siyang pabalik dito sa kanyang sasakyan. "Rex!" Tawag ko agad sa kanya. "Jordan?" Gulat niyang patanong na sagot. "Kanina pa kasi kita tinatawagan eh, hindi ka sumasagot. Dito lang ang alam kung puntahan mo kapag wala ka sa bahay mo at opisina." Sabi ko sakanya. "S
Samantha Pov...Pagakarating namin ni Luigi dito sa Pilipinas ay nagpahatid muna ako sa kanya pauwi sa bahay. Gusto kong makita muna sina mommy at daddy bago bumalik ng Hawaii. I finally decided to live abroad rather than to live here. This place isn't my comfort place to stay. Pakiramdam ko habang tumatagal ang pagtira ko dito bumibigat ang laman ng aking dibdidb. Siguro kapag nilisan ko muli ang lugar na ito ay mapapanatag na ang aking kalooban. Makakalimutan ko rin ang masalimuot na dumaan sa buhay ko. Salamat kay Vivian sa walang tigil niyang pagsuporta sa akin at madalas pagdalaw sa akin sa Hawaii. Sa kanya ko rin ipinagkatiwala ang pagsilip sa aking negosyo sa New york at Australia. Naging busy na rin si Luigi simula nag expand ang kanyang European cuisine sa Australia. Ngayon magtatayo naman siya ng Filipino cuisine with a twist. Maraming pinoy doon sa Hawaii kaya ako naman ang magtatayo ng Filipino cuisine kasama ang mga tuhog tuhog pero ako ang gagawa ng mga resipe."Samantha
Jordan Pov "Dad, what are we going to do now?" Tanong ko kay daddy. Hindi ko pa nakakausap si Rex simula umalis kami sa bilibid nung isang araw. Kailangan kung bumalik sa ospital para masiguradong okay na si Jay-ar. "I don't know Jordan. Find Rex and talk to him! Hindi ko na alam kung anu ang gagawin kay Samantha. Tumatanda siyang paurong!" Bagsak ang balikat na sagot ni daddy. Sino ba ang hindi naguguluhan sa kanyang mga ginagawa. Pwede namang simplehan nalang niya at manatili siya sa tabi ni Rex habang buhay. "I will dad, but I need to go back to the hospital. Ayaw kong mapagod si Anita." Sagot ko sa kanya. "What are going to do there? Bakit naman nasa ospital si Anita ngayon?" Gulat niyang tanong pagkasabi ko ng ospital. Mga lugar na nakakatakot banggitin sa aming pamilya. "Jay-ar almost got poisoned sa school canteen nila. Saka lang ako umalis kanina nung sabi ng doktor okay na siya pero hindi ko pinayagan na lumabas ngayon na hindi cleared ang lahat and I just learned Anita
Rex PovAlam kung hindi tama na iniwanan ko si Jordan pero wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. Totoo naman ang sinabi ni Georgia kasalanan ko ang lahat. I'm overwhelmed to what is happening forgeting what is the most part needed my attention. Isinisi ko ang lahat ng kasalanan sa kanya kahit ako ay may kasalanan din. When will this hatred engulfing me get out of my system? Paulit - ulit kong sinasabi sa sarili ko na hindi ako galit kay Samantha that I just hated what she did. Pero hindi iyon ang ibinubulong ng sarili ko! Paulit - ulit ko siyng pinapaalis sa buhay ko at sinsabing hindi ko siya kailangan pero bakit abot sa langit ang galit ko tuwing nakikita ko sila ni Luigi? Fuck! Galit kong sigaw sabay binaliktad ang mesa sa aking harapan. Tumilapon lahat ang mga pagkain at bote ng alak na aking iniinom. I hate this feeling!Tumayo ako para pumunta sa kusina at kumuha ng panibagong bote kaso natapakan ko ang mga nabasag na plato at bote. "Aahh! Shit!" Mura kung muli sa sakit. Pin
Samantha Pov... "Samantha?" Pagpukaw sa akin ni Lui. Simula kasi nasa biyahe kami papuntang airport ay malalim na ang aking iniisip. "Samantha anung iniisip mo? Masyadong malalim!" Kanyang tanong habang binababa ang aming gamit. Nakatulala nanaman pala ako imbes na tulungan siya. Nawawala ako sa aking sarili. "Ah! Wala naman Lui. Inip lang ako. Gusto ko ng makarating sa Hawaii agad!" Pagsisinungaling ko sa kanya. Gustong magpaiwan kasi ng puso ko samantalang nagmamadali naman ang aking utak na gustong lisanin ang lugar. Tanging ang malalim niyang pagbuntong hininga ang aking narinig. Ang akala ko noon na masama tao ngayon ay aking tagapagligtas at nakakaintindi sa akin. Totoo talaga ang kasabihan na don't judge a book by it's cover. Pumasok na ako sa airport at nakasunod naman si Luigi sa aking likuran. Tama lang ang desisyon ko noon pa na huwag manirahan o mamuhay dito. Hindi dito ang lugar na para sa akin kundi sa malayong lugar. Dito sa lugar na ito nakabaon sa kumunoy ang aki
Rex Pov..Sa sobrang pagkamiss ko sa mga bata nakalimutan ko si Samantha. I cut all my appointment the next day to play with my children at home and planning more itineraries with them. Nagpagawa ako ng swing sa ilalim ng puno ng mangga at slides sa di kalayuan sa mangga para may libangan ang mga bata kapag nasa trabaho ako. Matatapos ang mini park na laruan nila ngayon at pwede na nilang paglaruan bukas. Inakay ko ang aking mga anak at umakyat sa taas para patulugin sila para sa kanilang afternoon nap. Pagkatulog ng mga bata ay pumunta ako sa aking study room at tinawag ang dalawang yaya. I want to know what happened to that four years. Tuwing maaalala ko yung araw na namatay sila hindi maipaliwanag na sakit ang bumabalot sa aking dibdib at mahirap huminga. Pagkarating nila sa aking study room ay mukha silang kabado at natatakot. "Umupo po kayo manang." Sabi ko sa kanila ngunit atubili silang umupo. "Manang hindi ko po kayo papagalitan kaya umupo po muna kayo at marami tayong pag
Rex Pov... Bumalik ako sa aking trabaho at nanatili si Samantha sa aming bahay ganun din si Anita na hindi na pinabalik ni Jordan sa kanyang bakery pero siya pa rin ang gumagawa ng mga special bestseller cakes na siya lang ang gumawa at nagpasikat. Isang buwan lang ang pagitan nila ni Sam para manganak kaya naman laging nakadikit ang aming telepono sa aming katawan para madaling matanggap ang importanteng tawag. Hindi ako makapaghintay na masilayan ang aking bagong kambal. Pinaghandaan ko na sila sa bahay. May sarili na silang kwarto at gamit. Hindi ako mapigilan ni Sam palakihin pa ang aming bahay. Luigi and Vivian is planning to get married on May next year too, naiinggit daw siya sa amin ni Samantha at isa pa nilang kaibigan na may anak na. Ayaw naman ni Luigi na magkaanak muna sila bago ikasal pero itong si Vivian ay may sariling plano. Binutas lang naman ang condom na ginagamit nila.Natapos din ang unos na dumaan sa aming pamilya. Totoo talaga nag rainbow after the rain. Sa
Rex Pov... After the wedding, we both decided to travel locally for a month for our honeymoon since she is already almost 4 months pregnant with our twins again. Una pinili ko muna ang pagpunta ng Baguio, then Bulacan bago Subic for our honeymoon. After almost 2 weeks, we plan to go to Boracay and back to Palawan. Then I suggested the last week staying in Manila Marriott Hotel to relax. Kakain at matutulog nalang ang aming gagawin. Samantha supported us all the way and gave some suggestions. Hindi ko muna siya pinayagan na bumalik ng Australia at New York. I asked her best friend to take care of her business there while she is away. I will let her travel when she has already given birth and is capable of moving comfortably. At the moment, I'm still in bliss na gusto ko silang kasama at nakikita anumang oras, especially my lovely wife, who amazes me all the time.Andito kami ngayon sa Baguio Country Club and this is our second day. Masarap mamasyal, around 5 pm onwards, feeling th
Raul Pov...Pagkatapos ng kasalan ni Rex ay bumalik ako sa London para ipagpatuloy ang aking naudlot na buhay. Tapos na ang mahabang bakasyon.Sinubukan kong kalimutan ang naging pagbabago sa aking sarili pero mukha yatang mahirap kalimutan kapag tinamaan ka ni cupido. Ngayon naiintindihan ko si Samantha kung bakit siya nabaliw kay Rex at lahat ng pagpapansin ay ginawa niya. Nakakabaliw at nakakasira pala talaga ng konsentrasyon kapag nagmahal ka. Maraming magbabago higit sa lahat ang kalmado mong pakiramdam. Thanks god it's Friday! Pagbulalas ko pagpatak ng alasingko ng hapon. Umuwi ako sa bahay para makapagbihis at maligo muna bago lumarga sa kung saan mapapadpad ang aking paa. Lumabas akong muli at dumaan sa isang pub na sikat dito sa London. First time kong papasukin ang pub na ito kaya hindi ko alam kung anu ang nasa loob. Hindi ako si Rex na nakakapasok sa ganito dahil kay Jordan noon pero tignan mo naman ngayon kapwa na sila one woman man.Si Jordan inuubos ang oras sa traba
Rex Pov... Kung kailan dumating ang araw na pinakahihintay ko ay siya naman ang lakas ng kaba sa aking dibdib. Para akong aatakihin sa sakit sa puso sa nerbiyos! Ngayong araw ang kasal namin ni Samantha pero hindi ako mapakali sa nerbiyos. Tatlong araw bago ang aming kasal ay umuwi siya sa kanila, kailangan daw muna naming magkalayo ng tatlong araw bago ang nasabing araw ng kasal. Sa tatlong araw na hindi ko siya kasama ay hindi ako makatulog ng maayos at makakain. Namimiss ko ang mga luto niya at pag - aasikaso sa akin. Ilang oras nalang ang hihintayin mo Rex makikita mo na siya. Sabi ko sa aking sarili. Ang dalawa ko pang kaibigan ay walang ginawa kundi kantiyawan ako. Sumama pa si kuya Raul. "Pare, relax sandali lang makikita mo na siya, dati ayaw mo siyang makita." Kantiyaw ni Jordan. "Noon yun pare!" Nahihiya kong sagot. "Anu na ngayon kung noon lang yung ayaw mo siyang makita?" Balik niyang tanong. "Ngayon mahal ko siya at ayaw kung mawala siya sa akin." Tumitig ako sa k
Samantha Pov... Kinikilig akong nakayakap siya sa akin habang panay halik niya sa aking ulo, buti nalang naligo ako kanina. My safe place is when held by his strong arms. Wala na akong mahihiling pa ngayon na nasa akin na siya at ipinapakita ang kanyang pagmamahal. Pagmamahal na dati kong ipinagdarasal na makamtan ko kahit sandali lang pero heto hindi sandali lang kundi panghabambuhay. Hindi pa rin ako makapaniwala at makamove on na tinatamasa ko na ang mga pinagrap ko. Si Rex, ang pamilyang gusto ko at higit sa lahat ang pagmamahal na araw araw kung dinadalangin. Masarap ang ngiti kong gumising. Nagpanggap akong tulog kanina kaya narinig ko ang mga sinabi ni Rex.Kinikilig akong bumangon at hinahaplos ang aking mukha na kanyang hinahaplos kanina. Muli akong pumikit para damhin ang kanyang mga haplos. I'm sorry din Rex na umalis ako noon, sana hindi na lang ako umalis para hindi tayo nasaktan ng ganito. Sadyang masakit ka lang yatang mahalin pero ngayon naman ay heaven na ang say
Rex Pov... Our upcoming wedding is taking a toll on us, but in a nice way. Kahit si Samantha nakalimutan niyang buntis siya dahil sa excitement. Marami na siyang nagawa na hindi nakakaramdam ng pagod. Lagi lang naman akong nasa kanyang likuran handang saluhin siya kapag kailangan niya ng pakpak. Sino ba naman ang hindi ma-eexcite kung ikakasal kana sa wakas sa taong mahal na mahal mo!Ako na nga ang nag aalala sa kalagayan niya. Ayaw kong mapahamak sila ng anak ko! Madalas ko siyang buhatin papunta sa aming kwarto dahil sa kapaguran ay nakakatulog na siya sa sofa. Kapag dumadalaw ang kanyang magulang ay napapagalitan na nga siya dahil para siyang hindi nag iingat kasi! Pero kapag talagang excited mahirap pigilan ang sarili. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman kong saya na umabot kami sa ganitong estado. Ang minsang pangarap na sa pagkakaalam ko kay pangarap nalang. Excited akong maikasal na kami at makasama ko siya ng walang hangganan. Yung masasabi ko talagang akin na siya! Ang p
Raul Pov...Hindi ko kilala ang kapatid ni Lino o nakaharap man lang para may ideya ako kung sino siya dahil nung nagkakaroon ng hearing ay wala siya. Sino ba naman ang mag aakala na may kapatid siyang magandang babae pero mabagsik ng lihim. Ang unang araw na makita ko siya ay sa hearing ni Georgia. Hindi ko alam na siya ang kapatod ni Lino. Tinulungan ko siya dahil kailangan niya ng tulong. May reflexes were quick to help her! Hindi ko rin aakalain na ang babaeng nagpatorete sa akin ng ilang sandali sa mall ay siya tapos siya rin pala ang babaeng isusuka ako dahil sa nakaraan. Tanggap ko na! Ito siguro ang tadhana ko.Bakit kailangan mabighani niya ako kung makikialam naman pala ang nakaraan. Ito ba ang tinatawag na butterflies and goosebumps pero hindi ganun ang naramdaman ko eh. Breathless and speechless! Yan ang nangyari tuwing nakikita ko siya. Isipin ko pa lamang siya ay lumalamig ang paligid. Hindi rin ako aasa ma makikipag areglo siya sa akin. Sa kanyang titig at imik ay
Lamara Pov...Hindi ko inaasahan na tutulungan ako ni Raul. Ang atorney na kinakainisan ko dahil sa pagkakakulong ni Lino noon. Sino ba ang mag aakala na ang lalaking nakabangga ko sa mall noong isang araw na natulala sa akin ay si Atty. Raul Jimenez pala!Wala akong nagawa kundi kumapit sa kanyang balikat dahil masakit ang aking katawan at parang kakapusin ng hininga. Hayop ang babaeng yun! Hindi ko napaghandaan ang kanyang pagsipa! Dapat pala inalam ko lahat ang tungkol sa kanya. Nawala sa isip ko na siya ay malakas na babae dahil sa nagawa niya noon sa Solace Condominium.Hindi biro ang lakas ng kanyang pagtadyak sa akin. Kung hindi ako natulungan agad ni Raul baka hinimatay ako or worst pa ang pwedeng mangyari sa akin.Aba! Kahit sa kabilang buhay ibibigti ko siya kapag namatay ako o maving patay na buhay sa ospital. Wala siyang imuurungan. Nakakatakot ang pagihing obsessed niya kay Rex. Yung titig niya sa fiance niya ay nakakatakot. Handa aiyang pumatay para sa pagmamahal niya.
Rex Pov... Umakyat ako at ihinanda ang mga kailangan ko ngayon. Matatapos din ang minsang nakaraang pighati sa nakakarami sa amin. Matutuldukan ang kademonyuhan ni Georgia na ugat ng lahat. Palabas na ako ng kwarto nung pumasok si Samantha na nakabihis din. "Sam, are you going somewhere else?" Tanong ko sa kanya."Nope, I'm going with you." Nakangiti niyang sagot."Okay lang ako baby. Dito ka nalang sa bahay at magpahinga. I'm fine with kuya Raul." Protesta ko sa kanya. Ayaw ko siyang mapagod."Gusto kong makita ka paano magtrabaho." Naglalambing niyang sagot at umabrisiyete sa aking braso. Ngumiti ako at kinintalan ng halik ang kanyang noo."Sure baby." Sagot ko sa kanya na kanyang ikinatuwa.Hinawakan ko ang kanyang kamay palabas sa aking study room. Tiningala naman kami ng magulang ko at si kuya Raul na napapailing na nakangiti. I would love her to be clingy with me just like when she was 10 years old. Always running towards me and choosing to sit on my lap kaysa sa hita ni Jor