Home / Romance / Broken Vows / Kabanata 1

Share

Broken Vows
Broken Vows
Author: shiri_shen

Kabanata 1

Author: shiri_shen
last update Huling Na-update: 2024-01-11 19:59:00

Agad na bumungad ang maitim na usok pagkababa ko pa lang ng pampasaherong sasakyan, jusme alam ng may big day ang opisina ngayon pa ito magpapausok ng sobrang baho, bagong plansta pa naman ang damit ko.

"Good morning Miss Ganda!" ani Guard ng pumasok na ako kompanya.

"Good morning din po kuya" ngumiti ako pabalik habang naglalakad at inaayos ang halos magbuhol buhol kong buhok dahil sa hangin kanina sa biyahe.

Nadaanan ko ang mga tao sa lobby na hindi magkandaugaga sa papunta rito at roon, marahil parating na ang dragon dahil wala namang ibang pwedeng maging dahilan ng pagkakataranta ng mga ito. Dumiretso na ako sa opisina.

"Shit!"

"Pasensya na Miss! Sorry!"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig, si Miss Thereese Sandoval, nakasuot ito ng itim na fitted dress na halos lumuwa na ang hinaharap nito, expose din ang hita niya. Naku naku, nandito nanaman ata to dahil natunugan na darating ang dragon, tiyak na masisira nanaman ang araw ng boss ko.

”Ano ba! Ang tanga tanga mo naman! Bago ka lang ba dito ha?!" tinulak nito ang halos mas bata pang babae sakaniya, tiningnan ko ang nagkalat na maduming tubig sa sahig, mukhang natapon ito kay Ma'am Thereese na ang sarap tirisin sa kulit, sa lumipas na dalawang taon ay pabalik balik na ito doon.

Ang balita kase ay nagcheat kuno ito sa amo niya at nahuli kaya tinapos agad ng amo niya ang relasyon dito.

Nilipitan ko na ang dalawa at tinulungan na ang babaeng nakatapon kay Ma'am Thereese.

"Pansensya na po Ma'am, bago lang kase siya at hindi pa masyadong sanay." ako na ang nagpaumanhin at tiningnan na ang dalaga na halos hindi na makatingin at makatayo ng maayos.

"Sige na, balikan mo nalang to mamaya." halos humikbi na ito at tumango bago nagmamadaling umalis.

"And who the hell do you think you are?! Secretary ka lang ng Boyfriend ko!" Sigaw nito sakin at bahagyang tinuro turo pa ako nito.

"Eh kase naman po Ma'am, bakit ang aga aga, nandito kana agad? Hindi ba-"

"Who's your boyfriend here Ms. Sandoval? As far as I know, you're already an outsider here 2 years ago." nanlamig ang kalamnan ngunit nakahinga na ako ng maayos kahit papaano.

Blessing in disguise ang dragon ngayon ah.

Nilingon ko ito at agad kong inilugar ang sarili sa gilid na parte ng likod ng amo ko, nanliit ako ng muli ko nanamang mapagmasdan ang height ni Sir Ismael mula sa likod. A 5'5 like me won't even equal his 6ft height kahit na magtakong pa ako o ano. Napakaganda ng genes talaga.

Napatingin ako sa halos mamulang mukha ni Ma'am Thereese dahil sa sinabi ni Sir Ismael, sinubukan itong hawakan ng mga guard pero mabilis nalang itong nag walk out. Kakahiya naman girl.

Hinahabol ko pa ang nag walk out na babae ng marinig ko ang tikhim sa aking unahan.

"You're late Miss Galvez." malamig na turan nito bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kaniyang opisina.

Huh? Late? Eh 8:58 am nandito naman na ako. OA masiyado.

Napairap ako at nagmamadaling sumunod sakaniya, pagpasok ko ay nagtatanggal palang ito ng coat niya,

Shit, biceps.

Iniling ko ang ulo para maiwaksi ang nasa isip.

"What are you looking at?" nanlaki ang mata ko at agad na umiling

"Wala ah! I-I mean wala po!" dali dali na akong umupo sa upuan ko at sinimulan na rin ang trabaho ko at baka pag nanatili pa akong nakatayo ay mawalan pa ako ng trabaho.

Almost lunch time na ng icheck ko ang orasan ko pero hindi pa rin lumalabas si Sir, ano? Hindi siya kakain? Aba! huwag niya akong idamay kase ako, gutom na. Tatayo na sana ako ng mahuli ko ang titig niya.

"Where are you going?" Kumunot ang noo ko, lutang ba siya? Hindi ba niya nakikitang lunch time na?

"Kakain po?" mahina kong sagot at nanatiling nakatayo.

"At this hour Miss Galvez?"

"Yes Sir, lunch time na po at gutom na rin ako pero kung kayo ay gusto niyong ipagpatuloy ang trabaho niyo wala namang problema sakin yun kase empleyado nyo lang naman ako pero sana po wag niya naman akong pigilang kumain kung busog pa-"

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil naglakad na ito palapit sakin habang dala ang mini clock niya na nakalagay sa ibabaw ng lamesa niya, ang kaba sa dibdib ko ay biglaang umahon na halos hindi na ako makahinga.

"I don't know if you're being serious right but..I think your clock is advanced." iniwan niya sa harap ko ang orasan na hawak niya. Umawang ang labi ko ng makita kong halos alas diyes palang ang oras sa orasan niya, tiningnan ko muli ang orasan ko at nakitang alas dose na ang oras doon kaya para makasigurado ay tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at doon halos gumuho ang mundo ko sa mismong kinatatayuan ko. Alas diyes palang. Bago pa man ako makapagreact ay nagsalita na muli si Sir.

"So instead of being embarrassed, go and make me some coffee. Make sure you won't add sugar."

Bumalik na ito sa lamesa niya at iniwan akong nakanganga.

Bwesit! Bwesit na orasan! Bwesit na gutom! Bwesit lahat!

Nasa pantry ako ngayon at tulalang hinahalo ang black coffee ni Sir. Hindi ko alam kung paano pa ako haharap sa kaniya o kung meron pa ba akong mukhang maihaharap sa kaniya. Sobrang nakakahiya ang nangyari.

Bago pa man ako makalabas sa pantry dala ang kape nito ay napalunok ako ng makitang nakatayo si Sir sa pintuan ng pantry.

"Wala na bang ibibilis yan? I have something to discuss with you."

Bakit ganoon? Parang ang ganda pakinggan ng tagalog sakaniya, bakit sakin parang ang normal lang, ang unfair naman ng mundo.

At anong something to discuss with me? Tatanggalin na ba ako?! O baka ilipat ako bilang janitress?! Ayoko! Sayang ang itinagal ko dito sa kompanyang ito kung ibababa lang ako sa janitress! Hindi pwede! Kailangan mapigilan ko agad ang plano ni Sir!

Hindi ko na naisip pang dala ko ang kape dahil walang pagdadalawang isip kong tinakbo ang distansya namin.

NATAPON ANG KAPE!

"Sir! Don't make me a janitress! Please!"

"Wtf Ramina Galvez!"

Kaugnay na kabanata

  • Broken Vows   Kabanata 2

    Maayos akong nakaupo sa visitor chair ng lamesa ni Sir Ismael. Hindi ako umiimik dahil nakikita ko pang mariing nakapikit si Sir habang nakaupo siya sa swivel chair niya. Mabibigat ang paghinga nito. "Why are you so clumsy today?" Napapitlag ako sa boses nito. "Akala ko po kase gagawin nyo akong janitress dahil-""What made you think of that?" Huminga ako ng malalim at napaisip. Oo nga no? Masiyado namang mababaw ang dahilan ko para sabihin. "Eh kase.." "What?" "Pwede po ano..wag ko ng sabihin ang rason ko? Kase you know Sir! Privacy ang tawag ko at may karapatan akong manahimik at hindi sabihin ang-""Go back to your work. You're making my head ache." Pagkarinig ko ng mga katagang yun ay dali dali akong tumayo at bumalik agad sa lamesa ko, shit nakaligtas na naman. Sinimulan ko na muli ang trabaho ko habang tahimik na iniinom ang chuckie ko, hays chuckie walang kupas ang sarap mo. "Ang sarap talaga." sumipsip pa ako sa straw nito at masayang ginagawa ang trabaho. Abala ako

    Huling Na-update : 2024-01-11
  • Broken Vows   Kabanata 3

    Tinapos ko ang trabaho ng hindi na umiimik pa, tama nga naman siya, wala ako sa lugar para makialam. Amo ko siya at trabahante niya ako. That's it. We shouldn't cross the line. Niligpit ko na ang gamit ko at hindi na sumulyap pa sa lamesa niya, it's almost 8pm at overtime na din ako dahil 7pm palang dapat ay out ko na kaso dahil sa mga iniisip ay natagalan pa ako ng konti. Sumulyap ako sa table ni Sir habang dala na ang bag ko. "Mauna na po ako. Have a great night." Bago pa man ako makalabas ng opisina ay pinutol na ako ng tinig niya. "Wait for me at the lobby." dahan dahang akong lumingon at tumango nalang. Pero kung tumagal siya ng 30 minutes, syempre mauuna na ako. Bumaba ako sa lobby at umupo na muna sa couch na nasa gilid. Hindi pa nag iinit ang pwetan ko ay nakita ko siyang palabas na ng elevator. Very good, kase kung hindi, iiwan talaga kitang dragon ka. Tumayo na ako at hinintay siyang makalapit. "Let's go." sumunod nalang ako sakaniya at agad na napahinto ng pum

    Huling Na-update : 2024-01-15
  • Broken Vows   Kabanata 4

    Umiinom ako ng tubig ng makita kong nakatingin sakin si Sir. "100-200 thousand every week." Dahan dahan akong tumango habang inuubos ang tubig, well, pwede! Tsaka malaki ang pera na yun, mas malaki ang opportunity na tuluyan ko ng mapaganda ang kinabukasan ng mga kapatid ko sa probinsya. Mas malaking pera, mas malaki ang tsansa na makapagtapos sila. "Let's make a contract. Ibibigay ko ang sahod mo. Sa oras na magawa mo ng tama ang lahat ng sasabihin ko." Ano naman kaya ang iuutos niya?"Let's get married." Muntik ko pang maibuga sakaniya ang tubig, mabuti nalang at humarap ako sa gilid kaya doon ko nabuga ang tubig.Seryoso siyang nakatingin sakin, nag aantay ng sagot ko. "S-Seryoso ka Sir?""I'm dead serious Ramina." "Pero..kase Sir." Hindi ko masundan ang nais ko sabihin dahil kinakain na ako ng kaba. Ano ba to? Bakit bigla bigla siyang nagsasabi nga ganiyan? Hindi niya ba alam kung gaano ka-sagrado ang kasal?!"I need someone to pretend as my wife for 2 years. I need to get t

    Huling Na-update : 2024-01-15
  • Broken Vows   Kabanata 5

    Kumakain ako ng tanghalian ng makita kong pumasok din ang amo kong nagmumukha ng aso sa kakasunod. "Pinahatid ko na po yung tanghalian niyo kanina sa office niyo, dapat doon nalang kayo kumain." ani ko habang nginunguya ang tirang pagkain sa bibig ko. "Why? Can't I eat here?" halos mapairap na ako ng umupo pa ito sa mismong tabi ng upuan ko. "Sir, sabi ko naman na po sainyo. Hindi ako papayag sa gusto niyo. Masiyadong komplikado ang gusto niyong mangyari at..sagrado." ang nakaloloko niyang mukha ay napalitan ng seryoso. "I really need it Ramina. I need to get it before it's too late. I made a promise to my grandparents that I will make sure the company's growth and I can't afford to just watch our business be bankrupt or anything. Maraming trabahante ang maaapektuhan kung sa kabilang parte ng pamilya mapupunta ang kompanya. Just for 2 years Ramina and I won't bother you again." Kumirot ang dibdib ko sa mga sinabi niya, alam kong sinusubukan niyang kunin ang simpatya ko para sa gu

    Huling Na-update : 2024-01-15
  • Broken Vows   Kabanata 6

    Nagtitimpla ako ng kape sa kusina ng apartment ko ng may kumatok sa pinto. Si Aling Tes ata, kinuha ko na ang wallet ko sa kwarto at binuksan na ang pinto, abala ako sa pagkuha ng pera sa wallet ko ng maamoy ko ang pamilyar na pabango. "Ang bango ng bago niyong pabango Aling Tes a-"Nag angat ako ng tingin habang nakangisi pero hindi ang mukhang bagong gising na mukha ni Aling Tes ang bumungad sakin. Nagtaas ng kilay si Sir Ismael at pinasadahan ng tingin ang suot kong white spaghetti sando at pink cotton shorts. Wtf. Sinarado ko muli ang pinto at agarang pumasok sa kwarto ko para maghanap ng maayos na tshirt at maong shorts na abot tuhod. Ang aga aga naman kase nandito siya! Hindi pa nga ako nakakapagkape! Jusme naman! Nagspray ako ng konting pabango at lumabas na ng kwarto para pagbuksan siya ng pinto. Akala ko ay umalis na siya sa harap ng pinto pero halos mapasinghap ako sa lapit niya dahil nakasandal siya sa gilid at yamot na nakatingin sakin, muling bumaba ang tingin niya sa

    Huling Na-update : 2024-01-24
  • Broken Vows   Kabanata 7

    Nakaupo ako ng maayos sa mini dining table ng kusina ko habang hinahayaan ang kasama na titigan ako ng masama. "Kailan ka pa natutong maglihim sa akin ha?""Hindi naman..hindi ko naman siya inililihim kase wala namang ano.""Ano Mina?! Walang ano?! Dadalhin mo ba yun dito kung wala lang?! Ginagawa mo akong tanga ha!" Napabuntong hininga ako at tiningnan ang kaibigan ko. Si Leslie Aguillar, she's a licensed teacher from a public school. She's been my friend since we were in highschool at anak din sya ng dean ng campus namin when we're in college. Tinitigan ko siya, wala naman talaga kase akong balak na ipangalandakan na ako ang kumakalat na girlfriend ni Ismael. Since hindi naman yun totoo at ginagawa ko lang din naman ay para sa trabaho pero ano nga ang maitatago ko sa babaeng to?"Ganito kase.."Kinwento ko ang lahat sakanya at hinayaan siyang ilabas ang nararamdaman at sabihin ang gusto niyang sabihin. Well, kahit naman siguro ako, kung sasabihin niya sakin na pumayag siya sa isan

    Huling Na-update : 2024-02-10
  • Broken Vows   Kabanata 8

    Ang mahigpit na hawak Ma'am Thereese sa aking buhok ay biglang nawala ng iwaksi siya ng isang braso. "Call the security. Get her ass out of my building." agad na ani nito at binalingan ako ng tingin. Mahigpit ang hawak nito sa bewang ko. "Are you okay?" matagal pa bago ako makasagot ng maayos sa kaniya. Kunot ang noo nito at kahit na sinong balingan nito ng tingin ay tiyak na mapapayuko. "Ayos..lang ako, konting galos lang naman to at kaya ko namang gamutin." "I'll bring you to the hospital.""Hindi na..Ismael"Hindi ko alam kung bakit parang may mga kung ano ang gumagalaw sa tyan ko dahil sa pagtawag ko ng pangalan niya. Hindi naman ako ganito dati. Pero ngayon parang iba na ang dating ng pagbanggit ng pangalan niya, may kung ano at sabihin ko mang nakakapanibago ay hindi ko din naman masabing ayoko sa nararamdaman. Tatanggi pa sana ako ulit pero hinila na ako nito palabas ng building, mabilis man ang hila niya ay hindi masakit ang paghawak niya sa kamay ko. Magaan at maingat an

    Huling Na-update : 2024-03-16
  • Broken Vows   Kabanata 9

    Nagising ako sa ingay ng ringtone ng cellphone ko. "Uhmm..hello?" Hindi na ako nag abalang tingnan pa kung sino ang tumawag dahil halos nakapikit pa ako ng sagutin yun. "Wake up Ramina. We'll have our lunch together with my cousins later and dinner with my family after. I'm infront of your apartment. Get up and fix yourself.." "Oh-Oh. Okay po!" Hindi na ito nag abalang sumagot pa at agad na binaba ang linya, walang pagdadalawang isip akong bumangon at agad na naligo. Gustuhin ko mang madaliin ang pagligo ay hindi ko nagawa dahil hindi ko na din alam sa sarili ko kung bakit naisipan ko pang kuskusin ng mabuti ang mga parteng hindi naman na kita sa damit.Paimpress ka Ramina? Parang di ka naoffend sa sinabi niyan kahapon ah? Nagsuot lang ako ng isang puting fitted dress para sa lunch namin kasama ang mga pinsan ni Ismael. Iilan lang ang mga pinsan niyang nakikita ko sa opisina dahil madalang lang din magsiuwi ang iba pero ngayong ibinalita na malapit na ang pagpapakasal ng pinaka

    Huling Na-update : 2024-03-16

Pinakabagong kabanata

  • Broken Vows   Kabanata 33

    Madaming natirang pagkain sa binili ni Azrael, kaya ang iba ay pinalagay ko nalang sa fridge, ang iba naman ay pinamigay na nila sa mga homeless sa may labasan daw ng subdivision. Mag aalas tres na ng magpaalam si Leslie dahil may trabaho pa daw siya kinabukasan, hindi din nagtagal ay nagpaalam na din si Azrael. Nakahinga ako ng maluwag dahil kahit papaano ay wala na akong aawating mga aso’t pusa. Ako na lang siguro ang bibisita sa susunod kay Leslie at baka magpang abot na naman sila ni Azrael dito.Hindi pa tumutungtong ng alas siyete ay narinig ko na ang sasakyan ni Ismael, mas maaga siya ngayon ah?Bumaba na ako galing study room para salubungin siya. Pumasok siya ng tahimik sa bahay at nilibot ang paningin na para bang may hinahanap siya. Nang matagpuan ng mga mata niya ang mata ko ay unti unting kinain ng mga hakbang niya ang distansya naming dalawa. Nang makalapit ay pinulupot agad ang kamay niya sa aking bewang, hinigit ako para sa isang matamis na halik sa noo. “How’s you

  • Broken Vows   Kabanata 32

    Abala ang lahat dahil sa nalalapit na kaarawan ni Ismael, gusto kasi ng mommy niya na magkaroon ng bonggang party para sa anak. Madalas na ding kaming kumain ng sabay ni Ismael, maaga na din kasi siyang umuuwi galling sa trabaho. Nabanggit kong gusto ko ulit na magtrabaho dahil nabuburyo lang naman ako sa loob ng bahay. Pumayag naman siya kaso ang sabi niya ay pakatapos na lang ng birthday niya dahil masiyadong hassle sa kompanya.Tinitingnan ko ang malawak nilang hardin, dito gaganapin ang party, nililinis at tinitrim na din ng mga hardinero ang mga halaman dahil ilang araw mula ngayon ay kaarawan na ni Ismael.Napaigtad ako mula sa pagmumuni muni dahil sa mga brasong umakbay sa aking balikat, bumungad sa aking mata ang nakangising mukha ni Azrael. Agad akong lumayo dahil baka may makakita pa sa amin at kung ano pa ang isipin at makarating pa kay Ismael.“Para namang nakakita ka ng multo.” He laughed at tsaka siya umayos ng tayo. He handed me a paper bag.“I bought some souvenirs

  • Broken Vows   Kabanata 31

    Lumipas ang ilang linggo na maayos ang nagaganap sa pagitan namin, he's treating me so good na para bang isa akong babasaging kristal na kàilangan niyang pangalagaan at ingatan. "Good morning Ma'am!" Nakabungisngis ang mga kasambahay sa akin sa pagpasok ko sa kusina, abala na silang lahat sa pagluluto ng agahan. Tulog na tulog pa si Ismael dahil late na din siyang natulog kagabi dahil mayroon siyang zoom meeting sa mga canadian board members. Humikab ako at nakipag apir sa kanila. Tuwang tuwa ang mga ito dahil sa pinaunlakan ko na naman ang mga kalokohan nila. "Mukhang tuwang tuwa kayo ngayon ah?" agad na naghagikhikan ang mga ito nang marinig ang sinabi ko. "Si Jen kase Ma'am! Nagpropose na ang jowa niya!" niyugyog pa ng ito ang dalaga kaya hindi na din mapigilan ang pagtawa. Kilig naman ang babaita. "Kase naman Ma'am! Nagpropose siya mismo dun sa harap ng pinagseselosan ko dati! Sinong hindi kikiligin ang pempem dun diba?" nagtawañan ang mga kasamahan niya kaya hindi ko na din

  • Broken Vows   Kabanata 30

    Sabi nila, ang pag ibig ay sing tamis ng asukal, minsan ay sing pait ng ampalaya o di kaya'y sing tabang ng tubig. Kailanman ay hindi ko naisip na maaari kong maramdaman o iparamdam yun kahit na sa kaninong tao, tanging pagmamahal lang sa kapamilya ang gumabay sa akin simula pagkabata. This strong connection is unfamiliar to me. Para bang isa itong mainit na apoy at ako ay isang inosenteng gamo gamo, sabik na malapitan para maramdaman ang init na binibigay ng apoy na ito. Na kahit alam kong..tutupukin ako ng apoy sa init nito ay paulit ulit pa din akong lalapit at dadamhin ang init ng kalinga nito.Bumaba na ako ng hagdan suot ang brown kong one sided dress, it's above the knee and made my skin looks brighter than the usual color of it. Nakita kong nasa may pintuan si Ismael, he's wearing a button down long sleeve at itim na pants. Abala siya sa pakikipag usap sa telepono kaya hindi niya napansin ang presensya ko, napalunok ako ng mapatingin sa bawat kibot ng kanyang labi habang n

  • Broken Vows   Kabanata 29

    Nakaupo kami sa sala ngayon, sa harap namin ay si Myra at ang kaniyang asawa. Katabi ko si Ismael na abala sa paglalaro ng kamay ko, kunot na kunot ang noo ni Myra, na para bang pinagsukluban siya ng langit at lupa. "What are you doing these past few days?" "We're working..and of course enjoying our married life as a young couple." sagot ni Ismael, Myra doesn't look so impressed with his answer. "How about you Ramina? I heard that you walked out last time when you came to the company?" sabi ko na e. Sakin patungo ang tanong niyang yun. "Something happened Mom. Anyway, what brings you here?" Inabot sa akin ni Ismael ang juice para makainom ako, ayoko mang uminom ay ininom ko nalang din dahil parang natutuyo ang lalamunan ko sa paraan ng paninitig ni Myra Javier. "I told your mother to at least visit you and your wife here. Thinking that maybe, you're already making our grandkids!" Halos maibuga ko ang iniinom ng marinig ang sinabi ni Mr. Javier. Grandkids?!Tama ba ang pagkaka

  • Broken Vows   Kabanata 28

    Hindi pa rin ako makapaniwala. Nakatitig ako kay Ismael na abala sa paglalaba ng bed sheet ng kama namin. Ipapalaundry nalang sana niya kanina kay Linda pero giniit ko na ako nalang dahil nakakahiya namang magpalaba na may..dugo ang tela no!"Ako na magsasampay." lumapit ako sa kanya at humawak na din sa basang tela. "Hindi mo to kaya ng mag-isa, it's heavy." napanguso ako at tiningnan ang bedsheet na sobrang kapal. Napatingin ako ng bahagya siyang tumawa. "Let's go, I'll just help you." inangat na niya ang bed sheet kaya agad akong tumango at hinawakan na ang kabilang dulo nito para tulungan siya. Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang natumba. "Fuck!" sinilip ko siya at natawa ng makitang halos matakpan siya ng tela, nadulas ang loko. Lumapit na ako at inabot ang kamay ko para tulungan siyang makatayo ngunit hindi ata nakatakas sa tenga niya ang naging tawa ko ilang segundo palang ang nakakalipas. Halos mapasigaw ako ng hilahin niya ako pabagsak sakanya. "Ismael!" Siya naman n

  • Broken Vows   Kabanata 27

    His kisses are too sweet and sensational to be ignored. Hindi ko maisantabi ang nararamdaman, he pinched my peak that sent a lot of butterflies inside my stomach. It feels so good that I can't even think straight. He claimed my lips once again and plays my tongue using his. Ang pag diin niya sa aking katawan ang naghahatid ng bolta boltaheng kuryente na ngayon ko pa lang nadama. It makes my body shivered with intensity. Napaawang ang labi ko ng maramdaman ko ang kamay niya sa aking kaselanan, and for the second freaking time, hindi ko na naman matandaan kung paano niya nahubad ang suot kong pang ibaba. Fuck!He teased my folds using his fingers, he touched it very gently, ang mabilis kong paghinga ay mas lalong lumalim dahil hindi ko alam kung bakit gustong gusto ng katawan ko ang ginagawa niya. I can't even decline! "Open it baby..please make it wide." Nakaliliyo ang pakiramdam, para akong nahihilo na hindi ko maintindihan. He spread my legs wide enough for him to access the thi

  • Broken Vows   Kabanata 26

    "Ramina..alam mo namang nagtatrabaho ako diba? What do you want? Manatili ako sa tabi mo oras oras kahit na nagpapanggap lang tayo?" Tinulak ko siya ng lumapit pa siya sa akin, tuluyang naglalandas ang mainit kong luha sa aking pisngi. "Oo nga e..yung nga! Nakakainis kase..kahit nagpapanggap lang tayo, hindi ko maiwasang isiping baka espesyal din ako sayo. You always makes me feel so special then after that you'll drop me again. Ismael ano ba talaga? Nahihirapan din akong mag adjust! Ginagawa ko lang ang trabaho ko pero bakit naman..pinapahirapan mo ako?" I sobbed. Hindi ko na matandaan kung gaano katagal ako muling umiyak ng ganito, my heart throbbing too much. Ang sakit sakit na parang hindi na ako makahinga ng maayos. "Umiiwas na nga ako! Patuloy ka pa din. Paano ko maiiwasang hindi ka gustuhin?" Hindi siya nagsasalita. He's just staring somewhere na para bang hindi niya alam ang gagawin dahil sa mga sinabi ko. He's being selfish..a self centered type of man. Hindi ko dapat s

  • Broken Vows   Kabanata 25

    Sinubukan kong ignorahin sa mga sumunod na araw ang lalake, upang hindi na din siya maglakas ng loob na lumapit pa sakin. Ilang beses niyang sinubukang sumabay sa akin ng hapunan ngunit sinisikap kong kumain ng mas maaga kaysa sa natural na hapunan para pag uwi niya ay nasa kwarto na ako. "Ma'am, malilate daw po si Sir ng uwi mamayang gabi dahil may mga ka-meeting siya sa kompanya." Ani Linda habang nag aalmusal ako. So ibig sabihin nun, wala siya gaano sa opisina? Madalas kase nasa conference lang siya lagi kapag ganitong maraming meetings.Kaya pwede akong pumasok at nasisiguro kong ako lang ang nasa opisina ngayon, wala siyang oras na pumunta pa sa opisina. Dali dali kong tinapos ang pagkain ko at ininom na ang natitirang kape. "Papasok ako sa trabaho Linda, wag mo ng sabihin pa kay Ismael ha?" ngumiti ako ngunit parang hindi siya kumbinsido. "Magkikita..naman kase kami dun." Tumango ito kaya agad na akong umakyat at nagbihis. I'm wearing a black pencil skirt and gold silk ta

DMCA.com Protection Status