Umiinom ako ng tubig ng makita kong nakatingin sakin si Sir.
"100-200 thousand every week."Dahan dahan akong tumango habang inuubos ang tubig, well, pwede! Tsaka malaki ang pera na yun, mas malaki ang opportunity na tuluyan ko ng mapaganda ang kinabukasan ng mga kapatid ko sa probinsya. Mas malaking pera, mas malaki ang tsansa na makapagtapos sila."Let's make a contract. Ibibigay ko ang sahod mo. Sa oras na magawa mo ng tama ang lahat ng sasabihin ko." Ano naman kaya ang iuutos niya?"Let's get married."Muntik ko pang maibuga sakaniya ang tubig, mabuti nalang at humarap ako sa gilid kaya doon ko nabuga ang tubig.Seryoso siyang nakatingin sakin, nag aantay ng sagot ko."S-Seryoso ka Sir?""I'm dead serious Ramina.""Pero..kase Sir." Hindi ko masundan ang nais ko sabihin dahil kinakain na ako ng kaba. Ano ba to? Bakit bigla bigla siyang nagsasabi nga ganiyan? Hindi niya ba alam kung gaano ka-sagrado ang kasal?!"I need someone to pretend as my wife for 2 years. I need to get the other businesses under my parents' name. At para magawa yun, I need someone that I can introduce to them. I don't have enough time to look for another woman Ramina. Sa ngayon, ikaw ang nakikita kong kayang gawin ang trabahong to."Hindi ako makapagsalita, masiyadong malaking bagay ang gusto niyang ipagawa, kasal. Hindi ko kayang ibigay nalang agad ang bagay na yun, kahit sabihing wala akong boyfriend, mahalaga pa rin naman sakin ang kasal."Pag..iisipan ko muna."Tumango siya at uminom ng tubig.____Bumaba na ako ng sasakyan at nagpasalamat muna bago pumasok sa tinutuluyan kong apartment. Tahimik kami sa naging biyahe pauwi, malalim ang iniisip ng bawat isa. Siguro ang iniisip niya ay ang paghahanap ng ibang babae kung sakaling tumanggi ako. Pero totoo naman. Malaking parte sa sarili ko ang umaayaw sa sinasabi niya, pero ewan ko ba at habang pinag iisipan ko ang perang pwede kong kitain ay mas lumalaki ang parte sakin na gustong pumayag.Humiga ako sa kama ko pagkatapos kong maligo, hindi maalis sa isip ko kung ano ang magiging desisyon ko.Napatingin sa cellphone kong nagvibrate. Si Chesca."Hello? Oh Ches?""Ate..hi!""Oh ano yun? Gabing gabi kana tumawag ah.""Kailan ko kase ate ng extra allowance, malapit na ring yung pasahan namin ng presentation."Umupo ako sa kama at nakinig."Kailan ba?""2 days from now ate.""Magkano?""20-25k po."Napapikit ako ng mariin at tumingin sa malayo. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ganun kalaking halaga. Pero hindi din naman pwedeng hindi ako magbigay."Uh..gagawan ko ng paraan. Matulog kana din, wag ng magpuyat pa. Ipapadala ko agad pag nakakuha na ako ha?""Sige ate, salamat po! Goodnight."Bumuntong hininga ako at binagsak ang katawan sa kama. Masiyadong malaki ang halagang hinihingi ng kapatid ko, saan ako kukuha ng 25k? Hindi ko namalayang habang nag iisip ay hinila na pala ako ng antok.____Pagkabukas ng gate ng apartment ko ay bumungad agad sakin ang landlady ng apartment ko. Hay naku naman talaga, sasabay pa si Aling Tes."Due date na ngayon ng renta mo Mina, kukunin ko na sana.""Uh, mamayang gabi po Aling Tes kung pwede? Idadaan ko nalang sainyo."Kumunot ang noo nito ngunit agad ding tumango, ngumiti din ito at nagpaalam ng aalis. Hays buhay nga naman."Good morning Ma'am, ako po yung kukuha nung pang apat na buwan nyo po para sa hulugang laptop na kinuha niyo."Jusme naman! Bakit nagsasabay sabay pa?!"Uh..kase kuya-""How much?" napalingon ako sa boses na nanggaling sa gilid ko.Ang aga aga, bakit nandito siya?"2,500 po.""Magkano ang babayaran niya pa sa susunod na mga buwan?""15 thousand po Sir."Nilabas nito ang wallet niya at humugot ng hindi ko mabilang na tig iisang libo, sarap sa eyes! Pero anong gagawin niya sa pera?"Here, that's 20 thousand, get out of here and don't ever come back."Napanganga ako sa ginawa niya at sinundan ng tingin ang lalaking naglalakad na pabalik sa motor, malaki ang ngiti dahil may kupit pa siya sa perang binigay ni Sir Ismael. Aba't loko tong lalakeng to ah! Nakikialam ng bubay!"Kaya ko namang bayaran yun Sir.""And I can too. Let's go, we're already late."Pumasok na ito sasakyan niya at binuksan ang bintana ng kabilang pinto. "Hop in Ramina, you're wasting our time."Sumakay na ako at tumikhim."Ibawas nyo nalang po sa sahod ko ang nilabas niyong pera ngayon, ayoko pong magkaroon ng utang kase marami pa akong babayaran. "Then give me the list of your debts, I'll pay for it.""Sir, nirerespeto po kita pero nakakatanga na ang ginagawa nyo. Una, gusto nyo akong bayaran para magpanggap na asawa nyo, ngayon naman binayaran nyo ang utang ko, ganun ba kaliit ang tiwala nyo sakin para isipin na kailangan ko ng tulong niyo para mabayaran at magawa ang lahat ng yun?""It's not what I want you to feel Ramina.""Yun nga Sir, pero sa ginagawa nyo, mas lumiliit ang tingin ko sa sarili ko. Lumaki akong ako lang tumataguyod sa mga kapatid ko at maging sa sarili ko. Kaya kaya ko ang mga bagay, hindi ko kailangan ng tulong lalo na sa pera.""Okay okay. I'm not saying that you need it. I just want to help."Napabuga ako ng hangin dahil sa mga inirarason nya, napakakulit at hindi makaintindi naman. Akala ko ba matalino siya?"Sir, tulong ba talaga o sinusuhulan nyo ako para pumayag sa offer nyo? Alam kong hindi ako mayaman at madalas na kinakapos sa pera pero hindi ako tanga para isipin na bukal sa loob ang ginagawa nyo dahil sa apat na taon kong pagtatrabaho sainyo, ngayon nyo lang to ginawa."Bumuntong hininga siya habang papasok kami ng parking ng kompaniya."You really think so low of me Miss Galvez.""Ako pa ba talaga ang mababa ang tingin sainyo? Kahit anong gawin niyo, hindi ko kayang lokohin ang mga taong walang ginawa sakin, lalo na ang pamilya nyo, kaya hindi ako papayag na magpagpanggap bilang asawa nyo.""You won't? You're rejecting me?""Opo Sir. I will never accept that offer."Akala ko ay magagalit siya ngunit hinarap niya ako at lumapit. Konting distansya nalang ang meron kami at kahit isiksik ko ang sarili ko sa gilid ay hindi na ako makaatras."Then I will make you." pipikit na sana ako dahil sa lapit niya pero nakangisi nitong tinanggal ang seatbelt ko at bumaba na.Darn you, Ismael Ryden Javier.Kumakain ako ng tanghalian ng makita kong pumasok din ang amo kong nagmumukha ng aso sa kakasunod. "Pinahatid ko na po yung tanghalian niyo kanina sa office niyo, dapat doon nalang kayo kumain." ani ko habang nginunguya ang tirang pagkain sa bibig ko. "Why? Can't I eat here?" halos mapairap na ako ng umupo pa ito sa mismong tabi ng upuan ko. "Sir, sabi ko naman na po sainyo. Hindi ako papayag sa gusto niyo. Masiyadong komplikado ang gusto niyong mangyari at..sagrado." ang nakaloloko niyang mukha ay napalitan ng seryoso. "I really need it Ramina. I need to get it before it's too late. I made a promise to my grandparents that I will make sure the company's growth and I can't afford to just watch our business be bankrupt or anything. Maraming trabahante ang maaapektuhan kung sa kabilang parte ng pamilya mapupunta ang kompanya. Just for 2 years Ramina and I won't bother you again." Kumirot ang dibdib ko sa mga sinabi niya, alam kong sinusubukan niyang kunin ang simpatya ko para sa gu
Nagtitimpla ako ng kape sa kusina ng apartment ko ng may kumatok sa pinto. Si Aling Tes ata, kinuha ko na ang wallet ko sa kwarto at binuksan na ang pinto, abala ako sa pagkuha ng pera sa wallet ko ng maamoy ko ang pamilyar na pabango. "Ang bango ng bago niyong pabango Aling Tes a-"Nag angat ako ng tingin habang nakangisi pero hindi ang mukhang bagong gising na mukha ni Aling Tes ang bumungad sakin. Nagtaas ng kilay si Sir Ismael at pinasadahan ng tingin ang suot kong white spaghetti sando at pink cotton shorts. Wtf. Sinarado ko muli ang pinto at agarang pumasok sa kwarto ko para maghanap ng maayos na tshirt at maong shorts na abot tuhod. Ang aga aga naman kase nandito siya! Hindi pa nga ako nakakapagkape! Jusme naman! Nagspray ako ng konting pabango at lumabas na ng kwarto para pagbuksan siya ng pinto. Akala ko ay umalis na siya sa harap ng pinto pero halos mapasinghap ako sa lapit niya dahil nakasandal siya sa gilid at yamot na nakatingin sakin, muling bumaba ang tingin niya sa
Nakaupo ako ng maayos sa mini dining table ng kusina ko habang hinahayaan ang kasama na titigan ako ng masama. "Kailan ka pa natutong maglihim sa akin ha?""Hindi naman..hindi ko naman siya inililihim kase wala namang ano.""Ano Mina?! Walang ano?! Dadalhin mo ba yun dito kung wala lang?! Ginagawa mo akong tanga ha!" Napabuntong hininga ako at tiningnan ang kaibigan ko. Si Leslie Aguillar, she's a licensed teacher from a public school. She's been my friend since we were in highschool at anak din sya ng dean ng campus namin when we're in college. Tinitigan ko siya, wala naman talaga kase akong balak na ipangalandakan na ako ang kumakalat na girlfriend ni Ismael. Since hindi naman yun totoo at ginagawa ko lang din naman ay para sa trabaho pero ano nga ang maitatago ko sa babaeng to?"Ganito kase.."Kinwento ko ang lahat sakanya at hinayaan siyang ilabas ang nararamdaman at sabihin ang gusto niyang sabihin. Well, kahit naman siguro ako, kung sasabihin niya sakin na pumayag siya sa isan
Ang mahigpit na hawak Ma'am Thereese sa aking buhok ay biglang nawala ng iwaksi siya ng isang braso. "Call the security. Get her ass out of my building." agad na ani nito at binalingan ako ng tingin. Mahigpit ang hawak nito sa bewang ko. "Are you okay?" matagal pa bago ako makasagot ng maayos sa kaniya. Kunot ang noo nito at kahit na sinong balingan nito ng tingin ay tiyak na mapapayuko. "Ayos..lang ako, konting galos lang naman to at kaya ko namang gamutin." "I'll bring you to the hospital.""Hindi na..Ismael"Hindi ko alam kung bakit parang may mga kung ano ang gumagalaw sa tyan ko dahil sa pagtawag ko ng pangalan niya. Hindi naman ako ganito dati. Pero ngayon parang iba na ang dating ng pagbanggit ng pangalan niya, may kung ano at sabihin ko mang nakakapanibago ay hindi ko din naman masabing ayoko sa nararamdaman. Tatanggi pa sana ako ulit pero hinila na ako nito palabas ng building, mabilis man ang hila niya ay hindi masakit ang paghawak niya sa kamay ko. Magaan at maingat an
Nagising ako sa ingay ng ringtone ng cellphone ko. "Uhmm..hello?" Hindi na ako nag abalang tingnan pa kung sino ang tumawag dahil halos nakapikit pa ako ng sagutin yun. "Wake up Ramina. We'll have our lunch together with my cousins later and dinner with my family after. I'm infront of your apartment. Get up and fix yourself.." "Oh-Oh. Okay po!" Hindi na ito nag abalang sumagot pa at agad na binaba ang linya, walang pagdadalawang isip akong bumangon at agad na naligo. Gustuhin ko mang madaliin ang pagligo ay hindi ko nagawa dahil hindi ko na din alam sa sarili ko kung bakit naisipan ko pang kuskusin ng mabuti ang mga parteng hindi naman na kita sa damit.Paimpress ka Ramina? Parang di ka naoffend sa sinabi niyan kahapon ah? Nagsuot lang ako ng isang puting fitted dress para sa lunch namin kasama ang mga pinsan ni Ismael. Iilan lang ang mga pinsan niyang nakikita ko sa opisina dahil madalang lang din magsiuwi ang iba pero ngayong ibinalita na malapit na ang pagpapakasal ng pinaka
Natapos ang lunch namin habang nag uusap ang mga lalake at kami ding mga babae, panay ang pang uusisa nila Gretchen na madalas namang sinusuway ni Ismael. "Let's see each other sa wedding nyo ha?" humagikhik pa si Gretchen at inalog alog ang nananahimik na si Dione. "Ano ka ba Chen! Wag mong ipressure ang dalawa.." saway nito kay Gretchen kahit na nakaplaster naman ang mapanuksong ngiti sa labi niya. "Magkita nalang tayo sa engagement nyo..yun kung sisipot si Ramina." pang aasar pa ni Raj kay Ismael na may halong ngisi at iling. "Yun kung iimbitahan kita?" seryoso ngunit iritadong sambit ni Ismael na abala sa paghaplos ng bewang ko. "Let's go?" bumaling ito sa akin kaya agad ko namang hinarap ang mga pinsan niya. "Uhmm, mauuna na kami ha? Salamat pala tsaka..nice meeting you all po." kumaway nalang si Eugene, Noah at ang dalawang babae habang ang iba naman ay tumango nalang sakin. Iginiya na ako ni Ismael sa sasakyan kaya sumakay na ako. Pinaander niya na ang sasakyan kaya tul
Kinuha ko ang cellphone ko ng mag-ring yun sa pouch ko."Ah yes?" "Hey.. I'm outside of you apartment."Hindi ko na binaba pa ang tawag at dali daling lumabas ng bahay, kumaway muna ako kay Ismael at ngumiti ng konti bago nagmamadaling i-lock ang pinto ng apartment ko. "What the..Ramina."Napalingon ako sa kanya dahil sa narinig sa linya niya. Napakurap ito at dali daling pinatay ang tawag."May problema ba? Hindi ba..okay ang suot ko?" Mabilis itong umiling. "No, no, you're..I mean it's good." Pinasadahan ako nito ng tingin na siyang nagbigay naman ng kakaibang kiliti sa tyan ko. Bakit naman ganito? Ako pa ba to?Mas naging matikas ang kanyang bulto dahil sa kanyang suot na maroon na longsleeve na pinaresan niya ng itim na slacks, nakatuck in lang din siya at okininam..wala na akong maipipintas pa. "We should go." agad akong tumango sa sinabi niya kaya sumakay na kami sa sasakyan at bumyahe papunta sa mansyon nila. Aminado akong kabado na ako kanina bago pa man kami bumyahe per
"Did you..liked the food?" pagbasag ni Ismael sa katahimikang namamayani sa loob ng sasakyan. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung naproseso na ba ng utak ko ang lahat ng sinabi ng mommy ni Ismael. Ganun na pala talaga ang takbo ng buhay ng tao ngayon. Kapag galing ka sa hindi kagandahang pamilya, ilugar mo ang sarili mo dahil tiyak na maaapakan ka lang ng naglalakihang pride at kayamanan ng mga nakakaangat. "Oo..Oo naman! Masarap at..nag enjoy ako sa usapan namin ng mommy mo." "That's good, Papa is also very fond of you." ngumiti ako ng marinig ang sinabi niya. His father is somewhat more approachable than his mother. Napatingin ako kay Ismael. Kahit papaano naiintidihan ko ang reaksyon ng mommy niya. He's close to be perfect. He's a successful man of his batch. Matalino at masipag. His eyes are hooded, na kapag tiningnan ka ay talagang manghihina ka. He's just like a hawk, observing and waiting for the right time to get his prey. Siguro nung panahon na gumagawa ang Diyos ng kawan
Ang kanyang kamay ay lumandas sa aking katawan na para bang ito ay mapaghanap, isang nagmamay-aring espiritu na nagmamarka ng teritoryo. Mula sa aking leeg, pababa sa aking dibdib, sa aking tiyan, at sa aking hita—ang bawat pagdampi ay tila ba'y isang pag-angkin, isang pagpapahayag ng pagmamay-ari. Hindi ito isang simpleng paghaplos; ito ay isang pagmamarka, isang pagtatatak ng kanyang presensya sa aking katawan.I bit my lip, my eyes drawn to the same thing as his—a small hut nestled in the shadowy part of the beach. The sight of it, so secluded and mysterious, sent a shiver down my spine. We walked towards it, the silence between us thick with unspoken anticipation. The closer we got, the more palpable the tension became. By the time we reached the hut, Ismael's remaining patience seemed to snap. He pulled me close, his lips finding mine in a hungry kiss that stole my breath away. It was a kiss that spoke volumes—a kiss of longing, of desire, of a passion that had been sim
Preskong hangin ang dumampi sa balat ko ng makababa kami ng yate. Nasa palawan na kami. Maganda at tahimik ang buong lugar. "Did you like it?" hindi ko namalayang nasa likod ko na pala si Ismael, bitbit ang mga maleta namin. He's wearing a V-neck white shirt and khaki shorts paired with his white crocs. Gwapo!Agad akong bumungisngis at muling inilibot ang paningin sa lugar. "This is a real life paradise Ismael." natawa siya at naglakad na papunta sa lobby ng resort na tutuluyan namin. Dapit hapon na kami nakarating sa isla, nagcheck in at kumain ng pang miryenda. Ismael is in our room. Nagpaalam ako habang naliligo siya. I want to watch the sun setting. Kung paano palaging nag aagaw ang liwanag at dilim. I always watch this and always end up seeing the sun surrendering it's light to the darkness, na kahit gaano pa siya kaliwanag, darating ang panahon na kailangan niyang isuko ito para hayaan ang buwan at mga bituin naman ang maghasik ng liwanag.Parang buhay, the light will not alw
Madaming natirang pagkain sa binili ni Azrael, kaya ang iba ay pinalagay ko nalang sa fridge, ang iba naman ay pinamigay na nila sa mga homeless sa may labasan daw ng subdivision. Mag aalas tres na ng magpaalam si Leslie dahil may trabaho pa daw siya kinabukasan, hindi din nagtagal ay nagpaalam na din si Azrael. Nakahinga ako ng maluwag dahil kahit papaano ay wala na akong aawating mga aso’t pusa. Ako na lang siguro ang bibisita sa susunod kay Leslie at baka magpang abot na naman sila ni Azrael dito.Hindi pa tumutungtong ng alas siyete ay narinig ko na ang sasakyan ni Ismael, mas maaga siya ngayon ah?Bumaba na ako galing study room para salubungin siya. Pumasok siya ng tahimik sa bahay at nilibot ang paningin na para bang may hinahanap siya. Nang matagpuan ng mga mata niya ang mata ko ay unti unting kinain ng mga hakbang niya ang distansya naming dalawa. Nang makalapit ay pinulupot agad ang kamay niya sa aking bewang, hinigit ako para sa isang matamis na halik sa noo. “How’s you
Abala ang lahat dahil sa nalalapit na kaarawan ni Ismael, gusto kasi ng mommy niya na magkaroon ng bonggang party para sa anak. Madalas na ding kaming kumain ng sabay ni Ismael, maaga na din kasi siyang umuuwi galling sa trabaho. Nabanggit kong gusto ko ulit na magtrabaho dahil nabuburyo lang naman ako sa loob ng bahay. Pumayag naman siya kaso ang sabi niya ay pakatapos na lang ng birthday niya dahil masiyadong hassle sa kompanya.Tinitingnan ko ang malawak nilang hardin, dito gaganapin ang party, nililinis at tinitrim na din ng mga hardinero ang mga halaman dahil ilang araw mula ngayon ay kaarawan na ni Ismael.Napaigtad ako mula sa pagmumuni muni dahil sa mga brasong umakbay sa aking balikat, bumungad sa aking mata ang nakangising mukha ni Azrael. Agad akong lumayo dahil baka may makakita pa sa amin at kung ano pa ang isipin at makarating pa kay Ismael.“Para namang nakakita ka ng multo.” He laughed at tsaka siya umayos ng tayo. He handed me a paper bag.“I bought some souvenirs
Lumipas ang ilang linggo na maayos ang nagaganap sa pagitan namin, he's treating me so good na para bang isa akong babasaging kristal na kàilangan niyang pangalagaan at ingatan. "Good morning Ma'am!" Nakabungisngis ang mga kasambahay sa akin sa pagpasok ko sa kusina, abala na silang lahat sa pagluluto ng agahan. Tulog na tulog pa si Ismael dahil late na din siyang natulog kagabi dahil mayroon siyang zoom meeting sa mga canadian board members. Humikab ako at nakipag apir sa kanila. Tuwang tuwa ang mga ito dahil sa pinaunlakan ko na naman ang mga kalokohan nila. "Mukhang tuwang tuwa kayo ngayon ah?" agad na naghagikhikan ang mga ito nang marinig ang sinabi ko. "Si Jen kase Ma'am! Nagpropose na ang jowa niya!" niyugyog pa ng ito ang dalaga kaya hindi na din mapigilan ang pagtawa. Kilig naman ang babaita. "Kase naman Ma'am! Nagpropose siya mismo dun sa harap ng pinagseselosan ko dati! Sinong hindi kikiligin ang pempem dun diba?" nagtawañan ang mga kasamahan niya kaya hindi ko na din
Sabi nila, ang pag ibig ay sing tamis ng asukal, minsan ay sing pait ng ampalaya o di kaya'y sing tabang ng tubig. Kailanman ay hindi ko naisip na maaari kong maramdaman o iparamdam yun kahit na sa kaninong tao, tanging pagmamahal lang sa kapamilya ang gumabay sa akin simula pagkabata. This strong connection is unfamiliar to me. Para bang isa itong mainit na apoy at ako ay isang inosenteng gamo gamo, sabik na malapitan para maramdaman ang init na binibigay ng apoy na ito. Na kahit alam kong..tutupukin ako ng apoy sa init nito ay paulit ulit pa din akong lalapit at dadamhin ang init ng kalinga nito.Bumaba na ako ng hagdan suot ang brown kong one sided dress, it's above the knee and made my skin looks brighter than the usual color of it. Nakita kong nasa may pintuan si Ismael, he's wearing a button down long sleeve at itim na pants. Abala siya sa pakikipag usap sa telepono kaya hindi niya napansin ang presensya ko, napalunok ako ng mapatingin sa bawat kibot ng kanyang labi habang n
Nakaupo kami sa sala ngayon, sa harap namin ay si Myra at ang kaniyang asawa. Katabi ko si Ismael na abala sa paglalaro ng kamay ko, kunot na kunot ang noo ni Myra, na para bang pinagsukluban siya ng langit at lupa. "What are you doing these past few days?" "We're working..and of course enjoying our married life as a young couple." sagot ni Ismael, Myra doesn't look so impressed with his answer. "How about you Ramina? I heard that you walked out last time when you came to the company?" sabi ko na e. Sakin patungo ang tanong niyang yun. "Something happened Mom. Anyway, what brings you here?" Inabot sa akin ni Ismael ang juice para makainom ako, ayoko mang uminom ay ininom ko nalang din dahil parang natutuyo ang lalamunan ko sa paraan ng paninitig ni Myra Javier. "I told your mother to at least visit you and your wife here. Thinking that maybe, you're already making our grandkids!" Halos maibuga ko ang iniinom ng marinig ang sinabi ni Mr. Javier. Grandkids?!Tama ba ang pagkaka
Hindi pa rin ako makapaniwala. Nakatitig ako kay Ismael na abala sa paglalaba ng bed sheet ng kama namin. Ipapalaundry nalang sana niya kanina kay Linda pero giniit ko na ako nalang dahil nakakahiya namang magpalaba na may..dugo ang tela no!"Ako na magsasampay." lumapit ako sa kanya at humawak na din sa basang tela. "Hindi mo to kaya ng mag-isa, it's heavy." napanguso ako at tiningnan ang bedsheet na sobrang kapal. Napatingin ako ng bahagya siyang tumawa. "Let's go, I'll just help you." inangat na niya ang bed sheet kaya agad akong tumango at hinawakan na ang kabilang dulo nito para tulungan siya. Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang natumba. "Fuck!" sinilip ko siya at natawa ng makitang halos matakpan siya ng tela, nadulas ang loko. Lumapit na ako at inabot ang kamay ko para tulungan siyang makatayo ngunit hindi ata nakatakas sa tenga niya ang naging tawa ko ilang segundo palang ang nakakalipas. Halos mapasigaw ako ng hilahin niya ako pabagsak sakanya. "Ismael!" Siya naman n
His kisses are too sweet and sensational to be ignored. Hindi ko maisantabi ang nararamdaman, he pinched my peak that sent a lot of butterflies inside my stomach. It feels so good that I can't even think straight. He claimed my lips once again and plays my tongue using his. Ang pag diin niya sa aking katawan ang naghahatid ng bolta boltaheng kuryente na ngayon ko pa lang nadama. It makes my body shivered with intensity. Napaawang ang labi ko ng maramdaman ko ang kamay niya sa aking kaselanan, and for the second freaking time, hindi ko na naman matandaan kung paano niya nahubad ang suot kong pang ibaba. Fuck!He teased my folds using his fingers, he touched it very gently, ang mabilis kong paghinga ay mas lalong lumalim dahil hindi ko alam kung bakit gustong gusto ng katawan ko ang ginagawa niya. I can't even decline! "Open it baby..please make it wide." Nakaliliyo ang pakiramdam, para akong nahihilo na hindi ko maintindihan. He spread my legs wide enough for him to access the thi