Kitang-kita ko ang matalim niyang titig sa akin bago bumaling kay Hayes. Napakurap-kurap ako at lumunok.
Nilingon ko si Hayes na nanatiling nakatingin sa akin, ni hindi naapektuhan sa pagdating ni Zanila. Umigting ang kaniyang panga bago sumulyap dito.
"I wouldn't know that you're here kung hindi lang sinabi sa akin ng maid ninyo. Lola Herenia is waiting for us in the dining. Shall we go now?" malambing ang kaniyang tono.
Tumaas ang altapresyon ko sa narinig. Nanginig ang kalamnan ko sa galit. Kinagat ko ang labi ko at pinilit na kinalma ang sarili.
"I'm sorry, Zanila. I still have to drive Marwa home. I might ditch the dinner. Just tell Lola about it," pormal na sinabi ni Hayes.
Naramdaman ko ang kamay niya sa aking baywang at hinapit ako palapit sa kaniya.
"Baby, let's go?" bulong niya.
Umawang ang mga labi ko at nilingon si Zanil
Nalaglag ang panga ni Zanila at nanatili sa kaliwa ang mukha niya matapos ng aking sampal."Zanila! Oh my god!" Dinig ko ang singhap ni Minerva at mabilis na dinaluhan ang kaniyang anak.Nanginginig ang kamay ko habang tinatanaw siya. Sukdulan na ang galit ko sa bibig niyang puro kasiraan ang lumalabas.Hawak niya ang kaniyang pisngi at mas lalong tumalim ang mga mata niya nang bumaling sa akin."Bitch!" sigaw niya at akmang susugurin ako nang tinulak siya ni Tita Margaret.Nanatili lamang akong nakatayo, matalim ang titig sa mag-ina dahil sa matinding galit at pagkasuklam sa kanila."Huwag mong ma-bitch bitch ang pamangkin ko, bruha ka! Umalis na nga kayo rito! Gulo lang palagi ang dala niyong mag-ina! Mga salot!" Nanlalaking mga matang sigaw ng aking tiyahin.Kinagat ko ang labi ko at humugot ng malalim na hining
Kinagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan siyang kausap ang nasa kabilang linya. Umo-order ng kung anu-ano. Paulit-ulit niyang hinaplos ang kaniyang buhok at tumingin sa kawalan habang nakikinig sa sinasabi siguro ng kausap niya.Pinanood ko lamang siya hanggang sa ibaba niya ang telepono."Neal, kumain ka na muna," wika ko.Hinagis niya ang telepono sa kama habang naglalakad palapit sa akin."A-Are you going to leave now? I ordered a lot of foods. Paano iyon?" He looked so worried.Ang mga mata niya ay punung-puno ng lumbay habang tinatanaw ako. Na tila ba sa oras na iwan ko siya rito ay mas masasaktan siya.Kinagat ko ang labi ko at umiling."I'll stay, Neal." Ngumiti ako.Tinitigan niya ako nang ilang sandali bago siya tumango."Umupo ka na muna, Marwa. I'l
Tumakbo ako hanggang sa makalabas ako ng bahay nina Neal. Hindi ako lumingon dahil sa takot. Pakiramdam ko ay anumang oras ay masusundan niya ako ngunit hindi iyon nangyari. Nakasalubong ko ang isang kasambahay. Nilagpasan ko lamang siya, hindi pinansin ang kaniyang sinabi at hindi ko rin naman naintindihan kung ano iyon dahil gulung-gulo ang isip ko.Hanggang sa makasakay ako ng taxi ay nanatiling naglalaro sa aking isipan ang ginawa niya sa akin.Walang humpay ang mga luha ko. Nanginginig ang aking mga labi pati na ang balikat ko. Tulala ako at hindi sigurado kung nasabi ko ba sa driver ang aking pupuntahan. Wala na akong pakialam kung saan man niya ako dalhin. Tuliro ang utak ko dahil sa nangyari."Miss, tissue?" Dinig kong sinabi ni manong kaya sumulyap ako sa kaniya.Ngumiti ako at nagpasalamat nang kinuha ko ang inalok niyang tissue. Siguro ay nagtataka na ito kung bakit ako umiiyak. Wala siyan
Naging normal ang mga sumunod na araw. Isang linggo na lang ay pasukan na. Nag-apply ako ng scholarship sa isang unibersidad. Kahapon lumabas ang resulta at salamat sa Diyos dahil naipasa ko iyon.Naglalaro na ang mga bata sa feeding program. Kanina pa nagsimula ang programa at mag-aalas sais na ng hapon. Noong Biyernes ay tumulak si Hayes patungong Manila dahil may kailangan siyang asikasuhin doon."Sino rito si Marwa?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng isang kasambahay.Sumulyap sa akin ang mga kasama ko sa mesa na sina Sania. Nagtataka ang mga mata nilang nakatingin sa akin. Maging ako man ay nagtataka rin."A-Ako po," sagot ko.Ngumiti sa akin ang kasambahay. Pumalakpak pa ito na para bang may nagawang maganda."Naku! Oo nga! Ikaw! Pinapatawag ka ni Donya Herenia. Nasa dining room siya ngayon, nagkakape."
He pressed his lips in a thin line. Titig na titig siya sa akin, mabibigat at madilim ang mga mata.Sumisikip ang dibdib ko. Nag-iwas ako ng tingin. Walang saysay ang pagpahid ko sa mga luha ko dahil patuloy lang silang umaagos."You're not going to break up with me, Marwa," mahina niyang sinabi.Sumulyap ako sa kaniya at nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga. He leaned closer to me. Nanlambot ako nang abutin niya ang aking pisngi. He did not look at me when he gently wiped my tears away."You can't just cry like this while you are pushing me away," he whispered. Binaba niya ang kaniyang kamay at umayos ng upo.Kitang-kita ko ang pag-angat-baba ng kaniyang dibdib na tila ba nahihirapan siyang huminga."T-Tingin ko ay mas mabuting ganoon, Hayes." Nanginig ang boses ko. Tila sa sinabi ko ay ako mismo ay hirap na hirap.&n
Sa unang buwan ko bilang college student, normal naman ang lahat. Maraming mga pamilyar na mukha ang nakikita ko sa loob ng unibersidad na ito na nagmula rin sa paaralang pinasukan ko noon. Maayos ang lahat. Tama lang. Hindi masaya pero okay na. Iyong tipong ngumingiti ka pero hindi mo kayang tumawa. Iyong nabubuhay ka lang dahil hindi ka pa namamatay. Iyong tipong sumasabay ka na lang sa agos ng buhay.Ganoon ang pakiramdam.Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Payapa ang paligid dito sa malawak na field ng aming paaralan. Matatayog ang mga puno at masarap talagang tambayan sa tuwing may libreng oras. Nag-angat ako ng tingin kay Tyrell mula sa aking libro.Hinihipan ng hangin ang kaniyang buhok. Umaabot iyon sa kaniyang kilay. Naamoy ko kaagad ang kaniyang mamahaling pabango. Agaw pansin din ang kaniyang diamond earrings."Mag-isa ka na naman?" Nag-angat siya ng kilay. Palip
Pagkatapos ng klase ko ay diretso kami ni Vrela palabas ng classroom. Sinusundo siya ng driver nila kaya sa huli ay ako lang ding mag-isa ang lumalabas ng eskwelahan. Halos pasalamatan ko ang lahat ng sinasamba nang walang Tyrell na nakaabang. Siguro ay may klase pa iyon. Madalas kasi kapag alam niyang tugma ang uwian namin ay nakaabang na iyon sa labas ng classroom.Maaga akong natulog sa gabing ito dahil bukas na ang kasal nina Trixi at Royd. Hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal na ang dalawang iyon. At magkakaanak na!Kulay asul ang gown ng mga kababaihan sa kasal. Nagsisimula na ang seremonya at tahimik na ang lahat. Hindi ko mapigilang maluha habang nakikinig sa pagpapalitan nila ng pangako.Kung iisipin, hindi naman sinadya ang lahat sa kanila. They were not totally in a relationship. Nagbunga ang isang gabi nila dahil sa kalasingan. Who would have thought that in just one night of being drunk
"Huh? Hindi nga raw. Tanong mo sakaniya." dinig kong wika ni Vrela. Kausap niya ang nasa tabi niyang si Jerson. Nagbubulungan ang dalawa ngunit dahil katabi ko si Vrela ay mas naririnig ko siya.Kumunot ang noo ko at siniko siya. Nagdidiscuss ang professor namin sa harapan tungkol sa subject namin naFurniture Design and Construction.Nilingon niya lang ako bago tumingin sa harapan.Nang mag-lunch break ay diretso kami ni Vrela sa cafeteria. Luminga ako sa paligid habang nasa pilahan. Umangat ang kilay ko nang matanaw si Tyrell na tila may hinahanap. Iniwas ko ang tingin sakaniya.Humalukipkip ako habang naghihintay sa aking pwesto. Tumango ako habang nakikinig sa kwento ni Vrela na nasa aking harapan. Ang lakas ng boses niya pero mukhang wala siyang pakealam. Ilang sandali pa nang makita ko si Tyrell na papalapit at nakangiti ngayon sa akin.Kinunotan ko lang