Nang bumalik si Liam, mas mahinahon na ang mukha niya at ang tono ng pananalita niya kay Lizzy ay kalmado. Alam ni Lizzy na isinasaalang-alang niya ang sinabi niya. Sa halip, mas naging komportable si Lizzy na makipag-usap sa ganitong paraan.“Kaya ano na ang plano mo? Tinawag mo ako rito, may gusto ka bang ipagawa sa akin?”Tumango si Lizzy. “Alam ko, matagal na nilang gustong makuha ang iniwan ni Lolo para sa akin. Hayaan mo akong hulaan, gusto nilang baguhin ang nakasaad sa testamento—gawing si Lianna ang tagapagmana, tama ba?”Hindi iyon itinanggi ni Liam. Mukhang tama ang hinala niya, kaya nagpatuloy si Lizzy. “Babalik ako sa bahay, pero bago 'yan, kailangan mo munang tulungan akong hanapin ang isang tao.”Pagkarinig sa hinihingi ni Lizzy, kumunot ang noo ni Liam at tila naiinis. “Kapag hinanap ko siya, parang pinapalabas ko na rin na susuwayin ko sila. Lizzy, kahit gusto mong talikuran ang pamilya, hindi ibig sabihin na gusto ko rin.”May halong panunuya ang sagot ni Lizzy, “Lia
Si Lianna ay nagtago sa likod ni Liston habang patuloy na nagkukunwaring mahina at inosente, ngunit kitang-kita ang pagkamuhi at kawalang-kasiyahan sa kanyang mga mata habang nakatingin kay Lizzy."Ano ba ang ipinagmamalaki niya?" sa isipan ni Liana."Ate, nasa'yo na ang lahat ngayon. Alam ko rin na balak mong gamitin si Lysander laban sa Del Fierro. Ano pa ba ang kulang sa'yo? Kahit galit ka sa akin, hindi mo naman puwedeng balewalain ang mga kapatid at nanay mo!"Umupo si Lizzy at malamig ang tono ng kanyang boses. "Ang ganda ng sinasabi mo. Saan naman nanggaling ang sinasabing kapatid at ina ko? Hindi ba't ulila na ako? Sino ba ang maniniwala na ang tunay na pamilya ay handang baliin ang binti ng anak para lang pilitin itong sumunod sa kanila? Oo, maayos na ang lakad ko, pero nandiyan pa rin ang sugat. Kung nakalimutan mo na, gusto mo bang ipakita ko sa’yo?"Habang nagsasalita, nagkunwari si Lizzy na itataas ang laylayan ng kanyang palda.Agad na umiwas ng tingin si Lianna, at hala
“Miss Lizzy, nasa hotel na po ang pinagawa ninyong wedding dress. If you have any questions, please don’t hesitate to contact us. Thank you for trusting us.” Nang matanggap ni Lizzy ang balitang iyon mula sa receptionist, nagalak ang kanyang puso. Sa susunod na linggo ay ikakasal na siya sa boyfriend niya na minahal niya ng walong taon. Nakapag-book na ng hotel, naipadala na rin ang mga invitation. Lahat ay planado na at maayos na rin. Kaya nang matapos siya sa trabaho, hindi na siya makapag-antay na pumunta sa hotel para tikman ang bagong putahe at desert para sa kasal, at makita ang wedding dress niya. Nang makita siya ng manager ng hotel pagpasok sa pintuan, agad siyang binati habang natataranta. “Ma’am Lizzy, nandito po kayo. May gusto po ba kayong order-in?” tanong ng manager. Nasa mood si Lizzy, at mapapansin sa boses niya na sobra siyang nagagalak. “Hindi ba na-deliver na ang pinagawa kong wedding dress? Gusto kong i-try sana.” Nakangiti niyang sabi. “Yes, Ma’am. Just a
“Nahihibang ka na ba?! Anong ginawa mo? Sanchez na iyon, pinakawalan mo pa! Kailangan mo pa bang mag insayo nang paulit-ulit para tumatak sa isipan mo ang mahalagang bagay?!” Nang makauwi si Lizzy sa bahay nila, agad siyang dinuro ng kanyang ina na si Madel. Hindi agad nakasagot si Lizzy dahil nagulat siya sa pagsigaw ng kanyang ina at nagpatuloy pa ito sa pagsesermon sa kanya na para bang mali niya pang iwanan si Jarren. “That's Sanchez, Lizzy. A big family. Ano bang mali kung marami siyang babae? Hindi ba pwedeng maging mabait ka na lang at i-share siya sa iba?” ‘Mom, do you hear yourself? Ako ang niloko dito…” Hindi na napigilan ni Lizzy ang sumagot sa ina niya. Buong buhay niya ay wala siyang ibang ginawa kundi sumunod sa kanya, kung hindi lang dahil sa pamilyang Sanchez ay hindi siya nito magugustuhan bilang anak. “Sana hindi ka na lang nagsalita sa kanya, sinira mo ang kasal. Para ano? Para sirain din ang pamilya natin?” Uminit lalo ang ulo ni Lizzy sa narinig niya, kahit a
Nagkaroon ng biglaang katahimikan. The dark green dress... Hindi ba’t nagpapahiwatig ito na "niloko" siya ni Jarren? "Ha." Sa gitna ng grupo, hindi alam kung sino ang biglang humagikhik, na lalo pang nagpalala sa nakakahiya nang sitwasyon. Lumingon si Lizzy para makita kung sino ang may kakaibang sense of humor. Pagtingin niya, nakita niyang nakaupo si Lysander sa sofa na hindi kalayuan. Naalala niya ang nakita niya sa banyo kanina, kaya't medyo nailang siya at umiwas ng tingin. Samantala, nag-iba-iba ang ekspresyon ni Jarren—halatang hindi siya mapakali. “Lizzy.” Malalim ang hininga niya at mukhang pinipilit niyang maging kalmado. “Maipapaliwanag ko ang nangyari noon, ang totoo kasi…” Hindi pa man siya tapos magsalita, biglang nabitawan ng waiter na may dalang maliit na cake ang hawak nitong mangkok. Tumilapon ito sa sahig at nabasag. Parang natakot na kuneho, agad na yumuko ang waiter para pulutin ang mga basag na piraso. Kahit naka-maskara ito, hindi maitatago ang namumula
Si Lizzy ay nakatingin kay Lysander nang tulala, kitang-kita sa mga mata ng lalaki ang malamig na titig. “Hindi ko alam kung paano mo nagagawa ‘to…” parang may gusto pa siyang sabihin pero napigilan niya ang sarili. Sabay silang napatingin sa pintuan nang may kumatok.Narinig nila ang boses ni Amanda na humihikbi. “Mr. Sanchez, okay ka lang? Ang nangyari kanina kasalanan ko, gusto kong humingi ng tawad sa’yo nang personal.” Hindi sigurado si Lizzy kung imahinasyon lang niya, pero nang marinig ni Lysander ang pagtawag ni Amanda kay Lysander bigla na lang sumiklab ang galit nito. Ang malamig niyang mga mata ay lalong naging matalim. “Magpapahinga muna si Mr. Sanchez, ako na ang bahala rito.” Sinamantala ni Lizzy ang pagkakataon, hinila niya ang kamay ni Lysander niya at tumayo. Pagbukas niya ng pinto, bumulaga sa kanya si Amanda na namumula ang mata sa pag-iyak. Sinamahan niya ito ng mapaklang ngiti. “Ang kapal ng mukha mo. Hindi ko alam kung saan ka humugot ng lakas ng loo
Nang makapasok ang apat na lalaki, ang isa na may kulay blue ang buhok ay biglang lumuhod sa harap ni Lizzy, agad namang sumunod ang tatlo. Nagtaka ang mga taong naroon."Miss Lizzy, tulungan mo kami. Hindi na namin kaya ang ginawa nila sa amin. Sobra na kaming nasaktan.””Tama, Miss Lizzy. Ikaw ang nag-utos sa amin na gawin iyon, binayaran mo kami. Hindi mo kami pwedeng hayaan.”Kumunot ang noo ni Lizzy at umatras mula sa kanila. “What are you talking about? I don’t know you all!”Kinakabahan siya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin at gagawin niya. Pinilit niyang ayusin ang mga iniisip niya at tumingin ng deritso sa mga lalaki. “What the hell are you talking about?!” inis niyang sigaw. “Is this true, Liz?”tanong ni Madel. Bumaling si Lizzy sa mga tao na naroon din sa loob, naguguluhan sa nangyayari. Pero tumigil ang tingin ni Lizzy kay Jarren na tila ba kinamuhian siya. Umiling lamang si Lizzy.“N-no..of course not! Hindi ko sila kilala, at sobrang baliw ko ba para gawin ang b
"Sir, may insidente kami rito ng droga at tangkang panggagahasa. Pakiimbestigahan po agad."Pagkababa ng tawag, malinaw na nakita niyang kinakabahan si Lianna, pilit na hinihila ang laylayan ng kanyang palda. Kung gusto nitong sirain ang lahat, wala siyang balak umatras—mas sisirain niya ito nang husto.Natapos ang welcome party ng pamilya Del Fierro sa isang malaking kahihiyan.Dumating ang pulis at nahanap si Lizzy."Alam na po namin ang lahat ng sitwasyon, pero dahil may ilang suspek na nagsasabing may kinalaman ka sa insidenteng ito, hinihiling namin na sumama ka sa amin para sa imbestigasyon."Ayaw ng pamilya Del Fierro na mas lalong masira ang kanilang pangalan, kaya tumahimik silang umalis.Tila gustong may sabihin si Jarren kay Lizzy, ngunit nang muling sumandal si Amanda sa kanyang balikat, walang alinlangan itong binuhat ni Jarren gaya ng isang prinsesa. Iniwan niya si Lizzy at lumakad palayo nang hindi man lang lumingon.Sa malamig na hangin ng gabi, ang likod ni Lizzy ay t
Si Lianna ay nagtago sa likod ni Liston habang patuloy na nagkukunwaring mahina at inosente, ngunit kitang-kita ang pagkamuhi at kawalang-kasiyahan sa kanyang mga mata habang nakatingin kay Lizzy."Ano ba ang ipinagmamalaki niya?" sa isipan ni Liana."Ate, nasa'yo na ang lahat ngayon. Alam ko rin na balak mong gamitin si Lysander laban sa Del Fierro. Ano pa ba ang kulang sa'yo? Kahit galit ka sa akin, hindi mo naman puwedeng balewalain ang mga kapatid at nanay mo!"Umupo si Lizzy at malamig ang tono ng kanyang boses. "Ang ganda ng sinasabi mo. Saan naman nanggaling ang sinasabing kapatid at ina ko? Hindi ba't ulila na ako? Sino ba ang maniniwala na ang tunay na pamilya ay handang baliin ang binti ng anak para lang pilitin itong sumunod sa kanila? Oo, maayos na ang lakad ko, pero nandiyan pa rin ang sugat. Kung nakalimutan mo na, gusto mo bang ipakita ko sa’yo?"Habang nagsasalita, nagkunwari si Lizzy na itataas ang laylayan ng kanyang palda.Agad na umiwas ng tingin si Lianna, at hala
Nang bumalik si Liam, mas mahinahon na ang mukha niya at ang tono ng pananalita niya kay Lizzy ay kalmado. Alam ni Lizzy na isinasaalang-alang niya ang sinabi niya. Sa halip, mas naging komportable si Lizzy na makipag-usap sa ganitong paraan.“Kaya ano na ang plano mo? Tinawag mo ako rito, may gusto ka bang ipagawa sa akin?”Tumango si Lizzy. “Alam ko, matagal na nilang gustong makuha ang iniwan ni Lolo para sa akin. Hayaan mo akong hulaan, gusto nilang baguhin ang nakasaad sa testamento—gawing si Lianna ang tagapagmana, tama ba?”Hindi iyon itinanggi ni Liam. Mukhang tama ang hinala niya, kaya nagpatuloy si Lizzy. “Babalik ako sa bahay, pero bago 'yan, kailangan mo munang tulungan akong hanapin ang isang tao.”Pagkarinig sa hinihingi ni Lizzy, kumunot ang noo ni Liam at tila naiinis. “Kapag hinanap ko siya, parang pinapalabas ko na rin na susuwayin ko sila. Lizzy, kahit gusto mong talikuran ang pamilya, hindi ibig sabihin na gusto ko rin.”May halong panunuya ang sagot ni Lizzy, “Lia
Hindi na napigilan ni Ericka ang sarili at mabilis na lumapit, itinulak si Jennica palayo. "Tito? Nabaliw ka na ba?! Ganito na ba kayo ka-close ng tatay ko?"Hindi naman malakas ang pagtulak niya, pero parang nasaktan si Jennica. Mapupula ang mga mata nito na tila naiiyak. Bahagyang napabuntong-hininga si Marvin. "Ericka, wala namang ginawang masama si Jennica. Wala siyang kasalanan."Halos mabaliw si Ericka sa narinig. "Hindi iyon ang punto! Ang punto, dapat man lang may natitira kang dignidad at prinsipyo. Ganoon ka na ba kababa para sa babaeng 'yon? Isang babaeng iniwan ka noon?"Tumayo si Marvin at malakas na pinukpok ang mesa. "Ericka, siya ang nanay mo! Ang tunay mong ina! Alam mo bang dapat mo siyang igalang kahit papaano?"Namuo ang luha sa mga mata ni Ericka. "Nanay?" Parang nakarinig siya ng biro at natawa nang mapait. Itinuro niya ang namumula at bahagyang maga niyang pisngi. "Anong klase ng tunay na ina ang mananampal ng sariling anak sa harap ng maraming tao?"Doon lang
Mabilis na umiling si Ericka, "Wala, nalulungkot lang ako dahil sa naranasan mo. Pero ayos lang, kitang-kita naman na maayos ka na ngayon, at pinoprotektahan ka ni Lysander, kaya magiging maayos din ang lahat."Umiling si Lizzy, binaba ang boses, at mahinang sinabi, "Ang kasal namin ni Lysander ay isang kasunduan lang, at pansamantala lang ito. Kailangan kong maging matatag bago kami maghiwalay, para kahit papaano may maasahan ako at maka-survive, kung hindi, kakainin lang ako ng mga tao sa paligid."Nagulat si Ericka, "Ano? Anong hiwalayan ang sinasabi mo? Kahit pa kasunduan lang ang lahat, halata namang talagang pinoprotektahan ka niya ngayon. At kung titignan, maayos naman ang relasyon niyong dalawa, hindi ba? Hindi naman mukhang hahantong sa hiwalayan. Tandaan mo, sa circle natin, karamihan sa mga mag-asawa walang emosyon sa isa’t isa, gaya ng tatay at nanay ko."May bakas ng lungkot sa tono niya. Nagulat si Lizzy, "Bakit. Anong nangyari?"Akala niya noon pa man na single parent si
Sandaling natigilan ang mukha ni Amanda, ngunit agad itong kumalma at muling ngumiti.“Oo, tama ka,” aniya. “Sa totoo lang, parang nakatakda na ang lahat ng ito. Kita mo, kayo ni Jarren, ang tagal ninyong magkasama, pero sino’ng mag-aakala na sa huli, iba ang pipiliin niyang pakasalan. Mabait si Jarren sa akin. Sabi pa niya, huwag na raw akong magtrabaho sa Fanlor, at magpakabait na lang daw ako bilang Mrs. Sanchez sa bahay. Nang malaman niyang may nangyari sa'yo, natakot siya nang husto at nagpadala ng maraming tao sa akin. Sinabi niya na huwag na huwag akong magagaya sa sinapit mo. Pero sa totoo lang, ayos lang ako. Oo, mahirap lang ang pamilya namin, pero hindi ko magagawa ang pumatay ng sariling anak.”Malinaw na sinasadya ni Amanda ang mga salitang ito para saktan si Lizzy. Ngunit sa halip na magalit, bahagyang ngumisi si Lizzy. Wala pa ring bakas ng emosyon sa kanyang mukha.Tumingin siya sa likuran ni Amanda at nagsalita. “Parang maganda naman ang samahan niyo ni Jarren bilang
Binitiwan ni Lizzy si Lysander. "Kahit ano pa man, kailangan kong magpasalamat sa’yo. Kung hindi mo ako sinagip, siguradong magiging miserable ang kapalaran ko."Napuno ng kaunting guilt ang mga mata ni Lysander. "Ako ang dahilan kung bakit ako na-late. Inanunsyo ko ang kasal natin, kaya maraming tao ang mapapansin tayo. Bago iyon, kailangan kong ayusin ang lahat. Akala ko mabilis na ako, pero hindi ko inaasahan..."Hindi niya inaasahang magiging ganoon kabangis ang pamilya Del Fierro. Kahit si Lizzy na kadugo nila, hindi sila nagdalawang-isip na saktan siya.Napangiti si Lizzy, pero halos maluha. Higit pa siyang naantig sa sinabi nito. "Gano’n naman sila palagi, kaya huwag mo nang alalahanin."Kung may dapat sisihin, sarili niya iyon, dahil wala siyang kakayahang iligtas ang sarili.Hindi niya inasahan na agad siyang ililigtas ni Lysander kinabukasan para maayos ang lahat. Matagal na palang handa si Lysander na gawing opisyal ang relasyon nilang dalawa.Kahit hindi niya pinansin ang
Ang katulong ay biglang nagsalita nang malakas, na parang nananadya, “Ang magiging tagapamahala ng pamilya Sanchez, si Lysander, ay pinakasalan si Lizzy. Bakit, hindi ba sinabi ng magiging asawa mo sa'yo?”Ang mga tao sa paligid ay tila sinasadya siyang inisin, malinaw na wala siyang lugar sa kanila.Ngunit hindi iyon ang pinakamasakit.Ang pinakamasakit ay ang katotohanang si Lizzy ang nagtagumpay laban sa kanya.Pinaghirapan niyang makarating sa kinaroroonan niya ngayon, paano siya papayag na magapi?Halos nanginginig siya sa galit, ang kanyang mga mata ay mabilis na nag-iisip ng paraan para pabagsakin si Lizzy.Ngunit si Jarren, maaari pa rin niyang subukan.Ang problema ay si Lysander. Ano pa bang paraan ang magagawa niya laban dito?Sa sobrang galit, muling sinampal ni Amanda ang katulong.Ang katulong naman, kahit galit na galit, ay hindi nakapagsukli ng galit at tahimik na umalis habang napapamura.Ang lahat ng ito ay napanood ni Jenny mula sa second floor. Napaasim ang kanyang
Nakita ni Lysander ang luha sa mga mata ni Lizzy at naisip niyang sabihin na kung nalulungkot siya, mas mabuti nang ilabas ito at umiyak.Ngunit kilala niya ang pagiging matigas ang ulo nito.Bahagya siyang napabuntong-hininga. "Sa ngayon, dito ka muna manatili. Kapag naging busy ako at may tanong ka, puwede mong kontakin si Roj, at siya na ang bahala sa’yo.""Salamat." Medyo paos ang boses ni Lizzy.Tumingin ulit si Lysander sa kanyang binti. "Kapag nakapagpahinga ka na nang maayos, dadalhin kita sa ospital para ipa-check ito."Tumango si Lizzy. Dumating ang antok; sobrang pagod na siya.Nilibot niya ang paningin sa silid. Mukhang hindi ito ang guest room. Ang simple at seryosong istilo nito ay tila naaayon sa panlasa ni Lysander.Sa pagitan ng unan at kumot, naramdaman niyang may kakaibang halimuyak na tila kay Lysander. Kaya napagtanto niya na kay Lysander nga ang kwartong ito.Bagamat pakiramdam niya’y medyo hindi tama, sobrang antok at pagod na siya. Hindi na rin niya ininda ang
Malambot at parang walang buto ang kamay ni Lizzy na nakapatong sa kanyang dibdib, tila isang ibon na tao. Hindi pa niya kailanman ipinakita ang ganitong uri ng pagdepende sa harap niya.Maingat din ang galaw ni Lysander, takot na masaktan ang babaeng nasa kanyang mga bisig.Kahit walang salita ang lumabas mula sa kanilang dalawa, naintindihan ni Jarren ang nangyayari sa mga mata ni Lysander—dahil lalaki rin siya.Isang malaking takot at pagkataranta ang bumalot sa kanya. Habang medyo nahihiya, hinabol niya ang dalawa at nakita ang mga ito na pumasok sa parehong kwarto.Pakiramdam niya’y niloko siya. Dahil sa galit, nagmadali siyang sumugod at tinangka niyang sipain ang pinto.Ang pakiramdam ng pagiging nasa taas ng moralidad ay tila nagbigay sa kanya ng higit na lakas ng loob. Ngunit bago pa man tumama ang kanyang paa sa pinto, biglang bumunot ng kutsilyo ang guwardiya sa labas at itinapon ito sa kanyang direksyon.Agad na naglaho ang kanyang tapang at kumpiyansa. Napaurong si Jarren