Matapos ang halos sampung minuto ay saka lamang lumabas ulit ang mga nurse. Napalingon ako sa pintuan.“I-Isles? Anong nangyari? A-Ayos lang ba siya?” tanong ko nang salubungin si Isles. Tumango siya. Sinulyapan ko ang loob ng kwarto at nakitang mapayapa na itong natutulog sa higaan nito.“Hmm. Sorry, Miss Nathalia. Akala ko ay ayos ang lagay niya ngayong araw. I thought we’d have the chance to talk to her...”Napalunok ako at napababa ng tingin.“Pasensya na, hindi kita naipakilala. Maybe next time...” marahang sabi ni Isles. Nag-angat ako ng mga mata at tumango. He caressed my cheeks. Lumamlam ang mga mata ni Isles nang makita ang bakas ng luha sa pisngi ko. “Let’s go. You should rest now,” napapaos niyang sinabi.Alam kong nagpipigil lang siya ng mga emosyon. I’ve always thought of him negatively for being secretive. Of being so reserved. Na wala akong mabasa sa mga mata niya bukod sa puno ng paglalaro na madalas kong ikagalit at ikareklamo. Pero ngayon, naiintindihan ko na... mayb
Dumating ang araw ng yacht party ni Esekia. Of course, I had no choice but to... fulfill what I had promised her, at iyon ay ang maging date si Isles sa kaniyang party. Engrandeng event iyon at talagang pinaghandaan. Esekia invited lots of high-profile socialites, even those who are professional and are no longer studying.Parehas kaming business student. Esekia came from a good and well-off family as well. Her dad is a business tycoon.Tuwang-tuwa siya nang malamang si Isles talaga ang magiging date niya sa kaniyang birthday party, which will happen in Visayas. Napag-alaman kong kasabay ng kaniyang yacht party ay ang launching ng bagong proyekto ng kaniyang ama. They own resorts and hotels. Sa katunayan ay stockholder nila si Dad, that’s why Esekia and I became friends aside sa classmates kami ngayong kolehiyo.Dahil sa engrande ang event na iyon, hindi lahat ng kaklase namin ay makakapunta. Karamihan ay mga kilalang tao at mayaman. Mga artista, anak ng artista, o anak ng mga busin
“Excuse me...” paalam ko muna sa kanila at kay Esekia na rin. Nagpunta muna ako sa isang tabi at naghanap ng servers.Marami pang dumarating kaya naman abala pa rin si Esekia sa kanila. Siguradong mamaya ay busy na siya sa date niya, which is Isles.“Thank you,” sabi ko sa isang server na nahingian ko ng tissue at akmang pupunasan na ang dibdib kong natapunan ng alak, ngunit bago ko pa iyon magawa ay may humila na sa ‘kin.Napasinghap ako nang dalhin ako nito palayo sa natatanaw ng grupo nina Esekia. Nag-angat ako ng tingin at nagulat noong nakita si Isles.“Isles!” mahinang tawag ko. “Anong ginagawa mo?”Hindi siya nagsalita. Napaikot ang tingin ko sa paligid bago sumama sa kaniya na magtungo sa loob ng mga pasilyo, kung saan mas kaunti ang mga tao.Binitawan niya lang ako noong wala nang tao sa paligid. Tiningnan niya ako at nakita ko ang kunot na kunot niyang noo, puno ng iritasyon at parang galit. His jaw clenched.“Change your date,” malamig niyang sinabi.Napaawang ang mga labi
MALAKAS NA um-echo ang putok ng baril pagkalabas ko sa elevator. Its loud bang covered the whole place. Halos sumabog ang tunog niyon sa tainga ko kung kaya’t napayuko ako. Sa kabila niyon ay sinikap ko na huwag sumigaw o gumawa ng ingay para hindi nila matunton ang kinaroroonan ko.“Hanapin n’yo!” ang maawtoridad na utos ng isang boses.Nawala ako sa mga pasilyo. I don’t even know where the hell I’m going!I ran back to the other side, palayo sa narinig kong pinanggalingan ng boses na iyon. Nasa itaas na ako at nasa baba ang function hall. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na namatay ang ilaw sa function hall kanina kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makatakbo pero itong kinaroroonan ko ngayon ay bukas na bukas ang mga ilaw. Isang galaw ay mabilis nila akong mahahanap!“Sigurado ba? Iyong naka-gold na bestida?!”“Bobo ka ba? Hindi ba pinakita na sa atin ang itsura no’n ngayong gabi? Siya lang iyon, wala nang iba!” galit na sagot ng isang boses at narinig ko ang mga papal
“Did you miss me?” Mr. Morteo’s deep voice echoed on the four corners of the function hall.Tumindig ang mga balahibo ko sa kaniyang presensya. It wasn’t like the last time we’ve seen him. Hindi iyon katulad noong... noong nagpapanggap pa lang siya.Suot ang isang itim na suit at nasa loob ng bulsa ang isa niyang kamay, naglakad siya palapit sa kinaroroonan ko. May balbas siya ngayon at ang buhok ay nakasuklay palikod. He looked differently... like a devil who finally revealed himself and is now lurking in the darkness freely. Like he is given freedom to finally become who he really is.“W-Why did you do this? What do you need from me?!” mariin kong tanong.Naglakad siya palapit na ikinaatras ko ngunit nanatili ang mahigpit kong hawak sa baril.“Don’t come near me. I might blow your skull with one wrong move because you’re triggering me.” Pagod na ako sa kaniya. I’m tired of all the things he had been causing me! Why can’t he just leave me alone?“Oh! Sino ang nagturo sa iyo, Miss Nat
“Mom!” tawag ko at agad na lumapit kay Mommy. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap habang hindi ko maiwasang maluha.“Oh, my goodness, Nathalia! What happened? Ano itong nabalitaan namin? Are you okay?!” alalang-alala na tanong ni Mommy Thaliana at inihiwalay ako sa kaniya. Tiningnan niya ang kabuuan ko at halos mapatakip sa bibig nang makita ang mga galos ko.“Ayos lang po ako. You don’t need to worry.”“Where is Isles?” tanong ni Daddy na bumaba sa hagdan, bakas ang galit sa kaniyang tono. “Ano ba ang ginagawa ng lalaking iyon, Nathalia Amaris?! Why can’t he take care of you? Hindi ba’t magkasundo naman kayo o baka naman ay niloloko ninyo kaming dalawa, huh? Are you two faking a damn show in front of us?” Sarkastiko ang kaniyang boses na sinasabayan ng pag-iling.Napalingon ako kay Daddy. Hindi ako makapaniwala sa kaniya. Halos mapunta ako sa kapahamakan, sa kamay ng mga kaaway, at sa halip na tanungin kung ayos lang ba ako ay ito ang inaalala niya? Na baka niloloko namin siya n
Mataas na sikat ng araw ang gumising sa ‘kin. Parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko sa sobra nitong sakit. Nakapikit pa ang mga mata ko at ramdam na ramdam ko ang epekto ng lahat ng mga ininom ko kagabi. I reached for my phone when a familar deep voice echoed in my mind.“Nathalia...” Napabalikwas ako ng bangon. My head spinned but I did not mind it. Hinagilap ko ang cellphone ko habang parang binabanda ang dibdib ko. Was it true? S-Si Isles ba iyon? O baka ay panaginip ko lamang iyon?Hindi ko na matandaan kung ano pa ang pinagsasabi ko sa tawag na iyon, ni hindi ko alam kung may sumagot ba talaga. I was drunk! Nakatulugan ko na nga iyon at hindi ko alam kung sinong tumapos sa tawag.I checked the call history. Parang lumukso ang dibdib ko nang makita rito ang isang tawag kagabi. It was a two-hour long call.Numero iyon ni Isles. S-Sigurado ako! Sinagot niya ang tawag ko? Nakausap ko ba siya kagabi? But I don’t think so. Lasing na lasing ako kagabi kaya paniguradong nakatulog
Matapos naming kumain ay nag-usap kami ni Isles tungkol sa nangyari. He wanted everything in details kaya naman kinuwento ko sa kaniya ang lahat magmula sa pagkakagulo sa function hall hanggang sa paghabol sa akin ng mga tauhan ni Mr. Morteo, at ang pagtulong ni Yael na makatakas ako.“And I didn’t know that Yael is in Cebu nang mangyari iyon...” saad ko. Nanatili ang kalmadong tingin ni Isles sa akin habang pinapakinggan ang bawat sinasabi ko. “Hindi mo sinabi sa akin na naroon si Yael... inutusan mo ba siyang bantayan ako?” tanong ko kay Isles.“Hmm, you could say that.”Napabuntonghininga ako. Hindi ko na ‘yon sinundan pa ng komento. He told me what happened, too, that Mr. Morteo’s on the loose once again. I also asked him about Esekia’s father. Kung totoo nga ba talaga ang tungkol sa s*x trafficking kung saan ito involved na hanggang ngayon ay kalat na kalat pa rin sa mga balita at internet.Hindi na rin pumapasok pa si Esekia. Maybe she’s being protected by her parents. Mukhang h
Tahimik si Isles nang makauwi kami. Kahit noong gabi na ay malalim pa rin ang kaniyang iniisip kahit na kinakausap niya naman si Thaddeus kanina.Pagtapos kong maihatid si Thad sa adjacent room ng kwarto naming mag-asawa ay naabutan ko si Isles na inaayos na ang higaan namin. Mukhang malalim talaga ang iniisip niya dahil halos hindi niya napansin ang pagpasok ko sa kwarto.Suot ang mahabang puting long sleeves ni Isles ay lumapit ako sa kaniya. I want to feel the comfort of his clothes tonight.Malalim akong napabuntonghininga. Niyakap ko siya mula sa likod at inikot ang aking mga braso sa kaniyang tiyan.I rested my head on his firm back as I hugged him tightly.I just want to hold him. Kapag ganitong malalim ang kaniyang iniisip. It’s something I learned from him. Dahil sa tuwing malalim din ang iniisip ko ay may personal na pinagdadaanan sa aking emosyon, niyayakap niya lang din ako. He doesn’t talk or scold me. Kinukulong niya lang ako sa mga bisig niya para iparamdam na nandito la
Sa sumunod na araw ay nagtungo kami sa mga mansyon ng Sandoval dahil gustong makita ni Mommy si Thaddeus. Nandoon din sina Kuya Cielo at Mauve at ang anak nilang si Celestine Iris, pinsan ni Thaddeus. They have a second baby, too.“Cillian Lorenzo,” Isles greeted my older half-brother.“Hey,” nakangising bati rin ni Kuya Cielo at nag-apir sila.“Mauve!” I called and hugged my friend. “Buti nakarating kayo?! I thought you were going to have a vacation in NY?”“Oo, Thalia. Pero sabi ko nga kay Cielo ay next week na lang para makapunta kami rito! Minsan lang kung magtagpo ang oras natin, eh,” sabi ni Mauve at niyakap ako nang mahigpit. “How’s Thaddeus?”“He’s doing great. Iyan at ang daming natutunan sa magaling niyang tatay,” sarkastikong sabi ko at tinawag si Thad na nakikipaglaro na sa Kuya Camren niya, ang ikalawang anak nina Mauve.“Baby, greet your Tita Mauvereen.”“Kamukhang-kamukha ng tatay niya, ah? Ikaw ba talaga nanay niyan?” natatawang tanong ni Mauve na binabati si Thad.Ngu
“Hubby, you’re driving!” paalala ko sa takot na mabunggo kami. Hindi siya nakinig. He lowered his lips on my neck. Kung paanong hindi pa rin gumegewang ang sasakyan ay hindi ko na alam!Napakagat ako sa aking labi. Pinaikot ko ang aking mga braso sa leeg niya at hinagis ang baril sa backseat.Tinted ang sportscar, so no one will mind us.“Remove my belt,” Isles whispered commandingly. I stared at him, hindi malaman kung susunod o ano. Sa huli ay kinagat ko na lamang ang aking labi at sinunod iyon.“Make sure we will not die in a car accident!” I said and kissed him, too. Binaba ko ang zipper ng kaniyang pantalon. Hawak niya ang bewang ko at tinulungan pa akong alisin ang underwear ko sa isang binti.I bit my lip when I stared at his hard on. And I was right, kanina pa iyon ganoon! Noong umupo lang ako sa kandungan niya!Tiningnan niya ako habang nakakulong pa rin ako sa mga braso niya at minamaneho niya ang sasakyan. “Isles! Are you serious?”“Don’t be too shocked. You were shoving yo
“Ready?”Tumango ako habang mahigpit na hawak ang rifle gun at nakasandal sa likod ng pinto. Nakaharap siya sa akin habang hawak ang door knob at nakikiramdam kami sa labas.“I’ll count to three,” Isles whispered. Ang sabi niya ay sigurado siya, nasa labas lamang ang mga tauhan ni Mr. Kitagawa at alam nilang nagtatago ako sa isa sa mga hotel rooms.“Go, hubby.”Kinagat ko nang bahagya ang aking labi, naghahanda na para sa anumang pag-atake sa oras na buksan niya na ang pinto. Tumango ako nang magtama ang paningin namin. Isles opened the door smoothly. Hindi siya nagkamali dahil hindi pa man kami tuluyang nakakalabas, nakita ko na ang mga nakaitim na kalalakihan, may kaniya-kaniyang armas at nagmamasid sa paligid.Lumingon ang isa ngunit bago niya pa maiangat ang baril ay naunahan ko na siya. Mabilis itong bumagsak sa sahig na ikinalingon ng iba pa.“She’s here!” anunsyo ng isa at inulan kami ng mga bala. I fired bullets at anyone who tried to shoot us.Masiyado silang marami. Years
“Isles, what the hell—”Naputol ang mga salita ko dahil sa halik. Umangat ang kamay niya sa dibdib ko at agad iyong sinakop ng mainit at malaking palad niya na ikinaawang ng mga labi ko.“Isles, s-sandali—” We’re in the middle of work!He didn’t listen and instead, he became more aggressive. Ramdam ko ang matinding galit niya dahil sa pagsuway ko. Tinulak niya ako padiin sa matibay na pinto gamit ang mararahas na halik habang pinaghihiwalay ang mga binti ko.Binuhat niya ako at sinandal. Sa rahas ng galaw ni Isles ay napadaing ako. He brought me at the table and put me on top of it. He quickly unbuckled his belt, bago inangat ang madilim na tingin habang nag-iigting ang panga sa matinding iritasyon na parang sasabog siya kapag hindi niya ako naparusahan.Sa sandaling natanggal ni Isles ang suot na sinturon ay hinila niya ang binti ko palapit hanggang sa halos nasa dulo na ako ng mesa. Pinarte niya ang mga hita ko hanggang magkasya ang malaking katawan niya sa pagitan ng mga ito.He gl
Lumikha ng matinis na tunog ang gulong ng sasakyan ko nang ihinto ko ito sa parking lot ng hotel. Mabilis ang pag-park ko at agad nang bumaba para makapasok sa loob ng building.Nakita ko ang mga nagtatakbuhang mga tao. Sunod-sunod na rin ang mga balang umuulan dahil may mga tauhan din kami rito. Siguradong hinahabol na sila ng security ng target namin.Dahil sa mga nangyayari ay halos hindi na mapigilan ng security ang kilos ng mga tao, giving me a chance to enter the hotel easily.Sunod-sunod ang mga alarm. Nararamdaman ko rin ang impact ng barilan at iilang mga bagay na sumasabog tuwing natatamaan ng bala.I ran to the opposite direction. Palabas ang mga tao sa hotel habang ako ay papasok. Agad kong inokupa ang elevator at pumindot sa palapag na sampu ang taas mula sa kinaroroonan ko.Nilabas ko sa dala kong bag ang rifle at nilagyan ng panibagong mga bala. Pagtapos ay sinukbit ko iyon nang maayos sa aking balikat.Tumunog ang elevator. Nag-angat ako ng tingin at agad na inangat an
“Miss Nathalia?”Nilingon ko ang tumawag. One of the girl agents smiled at me.“Tumatawag po ang asawa n’yo...” saad nito sabay angat sa telepono.Awtomatikong umikot ang aking mga mata. Binalik ko ang tingin sa scope ko habang nasa tuktok kami ng isa sa matataas na building sa buong lungsod, halos hindi pansinin ang kaniyang sinasabi dahil tutok sa pinagkakaabalahan.“Tell him I’m at the mall... kasama ko si Klara at nagsha-shopping,” saad ko habang ginagala ang aking scope para makita ang target namin na nasa isang hotel.Kung hindi ako titingin sa scope, sobrang layo nila sa amin. It’s impossible to see them in naked eye.“Mr. Privello, nasa mall po ang asawa ninyo. She’s with Miss Klara for their usual shopping routine,” masunuring sagot nito. Tinuon ko lamang ang atensyon sa target namin. I can’t lose sight of that businessman’s son.I bit my lip as I try to check the target’s surrounding. Nasa penthouse ito at kasalukuyang may kinakausap na isa pang lalaki habang may dinaraos na
“How’s Nathalia?” tanong ni Klara noong patakbong lumapit sa kinaroroonan ko.Nanatili akong tahimik. My mind is f*cking clouded while I’m sitting just outside the emergency room. Pinipigilan ko na lamang magsalita dahil baka kung ano pa ang masabi ko sa kung sinumang sumubok na kumausap sa ‘kin.Lumapit si Klara at napasinghap nang makita ang nagdurugong balikat ko.“You’re wounded,” deklara niya at mabilis na tumawag ng nurse.I didn’t care about it. Ni hindi ko nga naramdaman na may dumaplis na bala sa balikat ko. My mind went blank and all I can see is my hands that were full of blood stains, Nathalia’s...Dumating ang nurse pero hindi pa rin ako nagsalita. Umangat lang ang tingin ko nang may humahangos na lumapit.“Nasaan si Nathalia?” tanong ni Ezro Quintin. My jaw moved and before I could even think, hawak na ng mga kamay ko ang kuwelyo niya.“Isles!&
“Raise your hands,” ang malamig na utos ko sa babaeng nakatalikod. And when she faced me, I wasn’t wrong.Nathalia Amaris.What the hell is she doing in an illegal gambling? Kailan pa siya natuto sa mga ganitong bagay?Alam kong wala akong karapatan pero nakaramdam ako ng galit.“Who brought you here?” matalim kong tanong.She looks lost just a while ago, pero nang magtama ang paningin naming dalawa ay walang kasinglamig ng mga mata niya.And she will always have this effect on me. Natitigilan ako kapag tinitingnan niya ako habang malamig o walang emosyon ang mga mata niya. Hindi ako sanay. She never fails to scare me with one cold look. Maybe it was my greatest fear...To know that she’s over me.Hindi ko alam kung anong gagawin ko o kung paano ko tatanggapin kapag nalaman kong hindi na ako. She shouldn’t be done with me.Because I’m not done with her yet. She can’t be... f*cking... over me.Kaya nang makita ko siyang kasama si Ezro at ang mag-asawang Sandoval sa isang family dinner