Misha's POV
After the crazy encounter I had sa tagong eskinita na 'yon ay kaagad na umuwi ako.Nang makauwi ako ay nagtungo ako sa kwarto ko. I locked my door at inilabas ko ang librong binigay saakin ng matanda.I scanned the cover of the book and it looked... very magical.I tried to open the book pero nagulat ako no'ng ayaw nitong bumukas. I searched for the lock but I could not find any.Bakit ayaw mabuksan, e, wala naman palang lock? Inikot ikot ko na ang libro pero wala talaga akong nakita.I sighed at napaisip na naman. Mukhang wala na nga talagang pag-asa.I was about to set aside the book nang bigla itong umilaw. My eyes widened when letters appeared in front of me."This is an agreement note. If you agree to bind your soul to this book then you will have access to this."Ayan ang nakasabi sa mga letrang biglang lumitaw sa harapan ko. Hindi na ako nagdalawang isip at sumagot."Yes.""We got that. There is no turning back. May your decision bring you what you want."Those were the last things I read at bigla ng nawala ang mga letra sa harapan ko. I suddenly felt a force went inside me at umilaw saglit ang libro.Tinignan ko ang libro at muli kong sinubukang buksan 'yon. And unlike kanina, nabuksan ko na ito.I scanned the book and the language used was ancient. Buti na lang ay mahilig ako magbasa kaya kahit papaano ay naiintindihan ko naman kung ano ang mga nakasulat dito.This book was all about the zodiac goddess from the other world. No one knew exactly kung saan ang mundong ito pero ayon sa libro ay nasa dulo ito ng hangganan.The book said that the goddesses knew every answer sa lahat ng mga katanungan na mayroon ang mundong ito and if you are lucky enough, they might grant you great power.Kaya marami ang sumubok na hanapin ang daanan papunta sa mundong 'yon but all of them failed. Wala ng nakakabalik na buhay o buo.Lahat sila ay either patay na o nasiraan ng bait.No one knew exactly kung ano ang mga pinagdaanan nila sa paghahanap sa lagusan ng mundong iyon, but one thing was very sure. Hindi madali ang mga pagsubok sa daan.Kaya naman pinatago ang librong ito because we noticed that many people were dying because of the desire to seek power sa mundong hindi naman namin sigurado kung totoo talaga.Before, I never dared to read this book. Siguro ay hindi naman ako interesado rito noon. Hindi ko akalain na ganito pala ang laman nito. It could really draw a person's interest.Sino ba naman ang hindi mabubulag sa mga posibilidad nandito? And, of course, people love to take risks. Kahit pa walang kasiguraduhan ay handa silang sumubok.I closed the book after reading some of its contents. I looked at myself in the mirror and I saw how motivated my eyes look.Alam kong wala pang nakapagpatunay na totoo ang mga nakasulat sa librong ito pero this could still be a chance, right?Kung totoo ngang kaya nilang sagutin ang lahat ng tanong sa mundo ay baka matulungan nila ako.Baka nasa kanila na ang sagot na hinahanap ko. I just have to take the risk or I will lose this chance forever.Alright... Since maliwanag pa naman at kakaunti pa lang ang mga bampira sa labas ay ngayon ko sisimulan ang paglalakbay ko.I will just left my brother a note. Hindi ko naman hahayaang mamatay ako along the way.I wil be the first one to go there, sisiguraduhin ko 'yan. I will do my best para mahanap ang gusto ko.Feeling determined, I packed some important things na kakailanganin ko sa paglalakbay ko, lalo na ang mga armas.Hindi naman pwedeng lagi akong umaasa sa kapangyarihan ko. Nakakaubos din naman ng lakas 'yon.After packing all my important stuff ay tahimik na lumabas ako ng bahay. I hid my presence so my brother would not notice me go.Kapag nahuli niya kasi ako ay siguradong hinding-hindi ako makakaalis.After successfully going out ay dumeretso ako sa likod ng aming palasyo. Dito kasi ay purong gubat ang mayroon.Mas makakagalaw ako nang maayos dito dahil walang ibang bampira sa palibot. I wouldn't need to hide my identity here as well.Naglakad lang ako nang tahimik and everything seemed to be normal. Siguro ay sakop pa naman ito ng kapangyarihan namin kaya ayos pa ang daloy ng lakad ko.Hindi rin naman ako masyadong nakakalayo pa dahil natatanaw ko pa rin ang aming palasyo.I continued walking hanggang sa marating ko ang parte ng gubat na nababalot ng hamog.Mula rito ay hindi ko na matanaw ang aming palasyo. Ibigsabihin ay nasa malayo na ako.Nagsisimula na rin mag iba ang pakiramdam ko sa lugar. Nakalabas na ako sa barrier ng Vampire World.Ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang maaari kong makasalamuha sa daan.I continued walking silently when I felt someone behind me. I stopped walking at inihanda ko ang sarili ko."Sssss. Ano ang ginawa ssss ng issssang prinsssssesssaa rito?"I looked behind me and saw a half human and half snake in front of me. He looked vicious."How did you know?" I asked him calmly.I tried my very best to sound calm para hindi ako makagawa ng gulo.I once read about this creature at alam kong delikado sila kapag nagalit. Malakas sila and they are very venomous.Their venom is lethal to vampires like me kaya kailangan kong mag-ingat. Ayaw ko rin na may makasalubong na gulo.Masyado pang maaga. Hindi pa nga ako nakakarating sa kalahati ng pupuntahan ko tapos bigla akong napaaway."Eassssy. You're wearing the royal family'sssss cresssst ssssss," He replied.Tinignan ko ang suot kong coat at nandoon nga ang crest na sinasabi niya. I didn't know na alam nila ang mga ganitong bagay.Ang layo nila saamin, e, kaya it never occured to me."Right. If you'll excuse me. May importante pa akong pupuntahan," Sabi ko sa kanya.He laughed when he heard what I said. "Alam ko kung ano ang balak mo ssssss. Kung ako pa ssssssa' yo ay hindi ko itutuloy sssss ang balak mo.""And why is that?""Hindi mo ba sssss nabalitaan na sssss lahat ay hindi na nakabalik nang maayos sssss?" He asked."I am aware of that. I am also aware of the danger but I want to take my shot. This is the only chance that I have," Sagot ko sa kanya.He looked at me seriously at maya-maya pa ay yumuko siya. "I ssseee. Goodluck, then, princessssss. Jusssst remember to keep your ssssoul sssstrong."Tumango ako sa sinabi niya at nagpatuloy ako sa paglalakad. Buti na lang at hindi ako napaaway doon.Mukha lang talaga siyang matapang pero maayos naman siyang kausap. Hindi naman siya basta-bastang umaatake.Madilim na ang buong lugar kaya naman mas pinatalim ko pa ang aking pakiramdam dahil gising na ang halos lahat sa mga oras na ito.Habang naglalakad ay bigla akong nakaramdam ng hilo. Kumunot ang noo ko dahil hindi naman ako pagod kaya bakit ako mahihilo?Wala rin namang kakaiba sa lugar. I just brushed the thought away at nagpatuloy ako sa paglalakad.Hindi rin naman na bumalik ang pagkahilo kong 'yon.I thought the whole journey would be quiet when I encountered ten wolves in front of me.Lahat sila ay mukhang gutom na gutom and they see me as their prey.These wolves looked like from a strong pack. Mukhang mahihirapan ako, considering na marami rin sila rito.The wolf in the middle started attacking me at sumunod naman ang iba. I avoided all their attacks at naghahanap ako ng paraan para makabawi sa kanila.Using my ice magic, I froze the ground kaya naman ay nadulas sila. However, they went back up immediately by making themselves float.Damn... Hindi nga basta-basta ang mga ito. Mahihirapan nga talaga ako ng sobra.I tried freezing them pero mabilis silang umiwas. I made an ice sword at may nasaksak akong isa.That's one down and nine more to go.Time to get serious, I guess.I attacked them with all I got and in just a snap ay nadurog ang mga katawan nila.I really hate using my power para sa mga ganitong bagay pero wala akong choice. Kung nagpigil pa ako ay ako lang din ang malalapa nila. Wala naman sa plano na maging pagkain ako ng mga wolf na 'yon.Naglaho na sa ere ang katawan ng mga wolf na 'yon kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.Bigla na naman akong nahilo kaya naman tumigil na muna ako saglit upang magpahinga.Uupo na sana ako sa ilalim ng puno when I felt hundreds of daggers going in my way.Naiwasan ko ang ilan ngunit nasugatan pa rin ako sa iba't-ibang parte ng katawan ko."Bold of you to travel here alone. Minamaliit mo ba ang mga nakatira rito?"In the fog, a woman holding a dagger appeared. A swordswoman?Sila ang mga nakatira sa vampire world pero hindi naman talaga mga bampira. They are good in swords, talagang mahirap silang kalabanin.Para bang parte nila ang mga armas. Nabibigyan nila ito ng buhay."I am not here to fight you," I said.She stared at me and down to the crest I was wearing."A royalty? I see. Kaya pala malakas ang loob na maglakbay mag-isa," She said.So, most of the people here knew about us, huh? Akala ko ay hindi nila ako makikilala since nasa labas naman na sila ng boundary namin."Hindi naman ako naghahanap ng gulo," I said.She laughed hard na halos marinig na sa buong gubat. "So? Ako, gulo hanap ko, e."I was about to prepare myself when she laughed after. "Ang seryoso mo naman!"I looked at her unbelievably nang mawala ang matapang na aura niya."What?""Nagbibiro lang. Ang seryoso mo kasing naglalakad, e," Sabi niya saakin.Alangan naman tumawa ako habang naglalakad? Ang weird naman yata no'n."Uh... What do you need?" I asked her.Hindi ko alam kung tama ba ang naitanong ko o hindi. As much as possible ay gusto kong mag ingat sa mga iba't-ibang uri na nakakasalamuha ko rito.Hindi ko naman kasi sakop ang lugar na ito. E, kahit nga roon saamin ay sigurado akong walang makikinig saakin because I am just their mateless princess.Hanggang doon na lang ako para sa kanila."Wala naman. You will need a companion along the way, you know. Baka mabaliw ka kapag wala kang kausap habang naglalakbay," Sabi niya saakin.Hmm. I guess hindi niya alam ang mga isyu tungkol saakin. All she knew was that I was a member of the royal family and nothing more.Buti naman. At least I could act normally here, right? Without feeling judged by others."How can I make sure that you are trustworthy?" I asked her. She laughed and shrugged her shoulders."I'm sure you won't trust me with just words, right? Just keep your guard up until I earn your trust. Bored lang talaga ako, e, tapos nakita kita," Sabi niya saakin.I sighed and nodded my head. "Alright, then."Naglalakad lang kami habang siya ay daldal nang daldal sa gilid ko. "Alam mo bang hindi naman lahat ng nandito ay masasama?""I don't know. I can't say for sure dahil kaunti pa lang naman ang nakikita ko rito," I answered her."You will see once you go deeper," She said.Doon ay may naalala naman ako bigla sa nabasa ko sa librong dala dala ko ngayon."Matagal ka na rito, 'di ba? Sigurado akong hindi lang ako ang nakita mong bampirang naglakbay dito," I said."Oo naman. Ang dami nila, pero lahat sila ay nahihirapan ng makabalik. Iyong iba naman wala na sa katinuan habang pabalik," Sagot niya saakin.She knew about it. Siguro ay may makukuha akong importanteng impormasyon mula sa kanya."Do you know why?" I asked her.Tumahimik siya saglit bago siya lumingon saakin. "Ang sabi nila may hinahanap silang lagusan, e. Hindi ko alam kung anong lagusan 'yon pero pareho silang lahat ng dahilan.""Alam mo ba kung saan ang hangganan ng pinuntahan nila?" I asked her again."Oo naman. May sinundan ako isang beses, e. Tapos narating namin 'yong pinakadulo ng Vampire World," She answered.Doon ay nagising ang diwa ko. May makukuha nga talaga ako sa kanya. Buti na lang at hinayaan ko siyang sumama saakin."Alam mo ba kung ano ang mayroon doon at kung bakit namamatay halos lahat ng napupunta roon?" I asked her."I don't know. Bigla-bigla na lang silang nagsisigaw sa sakit, e. Para bang may nananakit sa kanila tapos ayon, iyong iba hindi nakakayanan kaya namamatay. Iyong iba nawawala sa katinuan at 'yong iba ay hindi ko na ulit nakitang nakalabas," She answered.I wonder kung ano ang mayroon doon? Ano ang dahilan ng sakit na nararamdaman nila at kung bakit nawawala iyong iba sa katinuan?Ang daming tanong sa isipan ko. Gustong-gusto ko na mahanap ang kasagutan dito.But most of all... Gusto kong mahanap ang lagusan na iyon para mahanap ko na rin ang mate ko."Do you know why I am here?" I asked her.Ngayon ko lang narealize na hindi ko pala alam kung ano ang pangalan niya."Oo naman. Para sa lagusan din na 'yon, tama ba?" She asked me. I nodded my head and smiled a little."Before that, may I know your name?" I asked her. Ang awkward naman kasi. Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanya."Phine. And you are?""Misha.""Oh! I think I know you. I heard some things about you," She said.I smiled bitterly when I heard what she said. Bad things, I suppose? Ano pa nga ba? Akala ko hindi niya ako makikilala, mukhang nagkamali ako."I understand if you won't like me," I said.Kumunot ang noo niya at tinaasan niya ako ng kilay."What are you saying? Ang weird niyong mga bampira, 'no? Kapag walang mate 'yong babae iisipin niyo kaagad na wala ng kwenta. Hindi naman kayo ginawa para iasa sa lalaki 'yong buhay niyo, e," Sabi niya.Doon ay bahagya akong nagulat. Hindi ko akalaing may tao pa palang hindi ako kinamumuhian."Yeah... And they think I am not capable of leading them just because I am mateless," I said bitterly."You should've fought, Misha. Dapat hindi mo hinayaang ginaganon ka nila. Prove them wrong, be the best version of yourself without a mate...""...After all, you are born as princess. You should become Queen because that's what you are made for.""Is there any other way to know where my mate is?" Misha asked."I am very sorry, Misha. You know how much we tried to find your mate pero wala talaga, e. I think it's time... It is now time for you to give up," Her friend, Fiery, said."You're... you're telling me to give up? Ganoon na ba talaga kawalang pag-asa, Fiery?" Misha asked her with a broken voice. She was so close to crying."It's been 200 years already, Misha. Ganoon na katagal natin hinahanap kung sino ang posibleng mate mo, but we always fail. Give it a rest, Misha. Ako na 'yong nasasaktan para sa 'yo, e," Fiery told her. She was also close to crying but she did her best to act tough in front of her best friend, Misha.Of course, what would a real friend want? She just wanted to give Misha her peace. Kasi sa tuwing nakikita niya ang dismayadong mukha ni Misha araw-araw ay nasasaktan din siya.Hindi na niya kayang makita ang kaibigan sa ganoong sitwasyon. "Go away, Fiery. Give me space."Misha was then left alone inside
Misha's POV"You are eighteen now, Misha. Makikilala mo na ang mate mo na makakasama mo sa pamamahala rito," Sabi ng aking nakakatandang kapatid.I smiled excitedly habang nakatingin saaking sarili sa salamin. I looked extravagant tonight. Pinaghandaan ko talaga ang gabing ito kasi ngayon ko na makikilala ang mate ko. "You think he will be great just like you, Kuya?" I asked my brother, Tim."Of course. Hindi naman pwedeng sa asungot ka ibigay, 'di ba?" Natatawang sabi ni Kuya.I smiled when I heard what he said. Oo nga naman. Magiging reyna ako, e. Siyempre matino talaga ang ibibigay saakin na mate."It's almost 12 midnight. We must go now, Misha. Everyone is waiting for you outside," Sabi saakin ni Kuya.I glanced at the mirror once again before I stood up upang lumabas na.Nang makapunta kami ni Kuya Tim sa malaking garden ng aming kaharian ay doon ko naabutan ang napakaraming tao.Everyone was just as excited as me. Siyempre, malalaman din nila kung sino ang magiging hari nila.