Share

Chapter 3

Author: MisssNoir
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Chapter 3

Sophie’s POV

"Sir?" tawag ko kay sir habang kinukuha ang mga gamit ko at handa ng umuwi.

Lumingon naman kaagad ito sa gawi ko.

"Yes?" Nakita nito ang bag ko na nakasabit sa aking balikat.

"Uuwi ka na?" tanong nito. Tumango ako.

"Oho." Nagulat ako nang kaagad nitong iniligpit ang mga kalat sa lamesa niya saka dali-daling itinapon sa basurahan. Pagkatapos, naglakad ito pabalik sa lamesa niya saka kinuha ang briefcase nito, at cellphone na nakapatong sa lamesa.  Lumingon siyang muli sa akin.

"Hatid na kita." Napakurap ako.

"Ho?" gulat kong tanong ‘tsaka umiling.

"I said, ihahatid na kita. Let's go." Saka ako nito hinihila palabas.

"Bakit mo naman po ako ihahatid?" takang tanong ko dito habang pasakay kami ng elevator.

"To keep you safe," maikling sagot nito at saka ako tuluyang hinila papalabas. Tumunog ang elevator. Hudyat na nasa ground floor na kami.

"Bakit? Hala! May kikidnap ba sa akin? Sir, sabihin niyo, sino? Hala! Bakit naman po ako kikidnapin, eh wala naman po akong ginagawang masama ah? Ang bait-bait ko naman ‘di ba sir?" naghihisterical kong sabi.

“Sinabi ko bang may kikidnap sa 'yo. Ang daldal mo." Huh? ’Di ba sabi niya—

“'Wag ka ng mag-isip ng kung ano-ano. Ihahatid lang kita kasi gabi na, at baka mapahamak ka pa."

Hindi na lamang ako nagtanong ngunit nagtataka parin ako sa sinabi nito. Sino naman ang gagawa ng masama sa akin, eh wala naman akong kaaway. Napapitik ako sa hangin nang may maalala. Tama! Ang halaman! Nag-away nga pala kami noong isang araw. Hala! Baka siya ang kikidnap sa akin. Pero, bakit naman niya gagawin 'yon? Eh, makikipagbati na nga ako sa kaniya eh. Ganyan ba siya kagalit? Huhu.

"Ano na naman ang iniisip mo babae?" pukaw nito sa iniisip ko habang bumabyahe kami pauwi. Nakasakay na pala kami sa sasakyan niya nang hindi ko namalayan.

"Ang halaman kuyang anghel," sumbong ko dito.

Nagtataka naman ako nitong tiningnan.

"What do you mean?" nagtatakang tanong nito habang tutok parin ang mata sa daan.

"Ang halaman ba ang kikidnap sa akin? Eh, makikipagbati na nga ako sa kanya eh. Bakit niya ako kikidnapin? ‘Tsaka, simpleng away lang naman iyong naganap sa amin pero hindi naman ‘yon gano'n kalaki. Huhu. Paano 'yan kuyang anghel? Paano na ako makikipagbati sa kaniya niyan?" naiiyak kong sumbong dito habang iniyugyog ang kaniyang magkabilang braso.

"Stop that kung hindi mabubunggo tayo." Kaagad akong tumigil.

"Ano ba ang kasalanan mo sa halaman mo?" tanong nito kaya kaagad naman akong napakuwento sa kanya.

"Eh kasi, pinagalitan ko. Ayaw kasing tumubo eh. Todo dilig ako tapos ang resulta, wala lang pala? Sayang pa naman no'ng tubig na ginamit kong pandilig. Haay! Todo tipid na nga kami sa kuryente tapos sa tubig pa. Tapos siya, ayaw makipag-cooperate? Hmmp. Nakakatampo lang. Naiinis ako," mahabang kwento ko sa kanya.

Nakarinig ako ng hagikgik kaya naman lumingon ako sa gawi niya. Kaagad itong tumigil sa pagtawa nang makita niya akong nakatitig sa kanya. Pangalawang tawa na niya ngayong araw. Mukha ba akong clown? Huhu.

Humalukipkip na lang ako saka kagat labi na tumingin sa labas ng bintana. May bigla akong naalala kaya napalingon ulit ako sa gawi niya.

"Bakit nga pala naisipan mong ihatid ako sir?" kuryoso kong tanong sa kanya.

"Eh ‘di ba 'yong nanliligaw lang ang humahatid sa babae?” dagdag ko pa. “Pero, pwede namang tatay pero hindi naman kita tatay. Mas bata ka kumpara sa tatay ko pero hindi naman kita manliligaw. Ikaw ang boss ko saka--" napatigil ako pagsasalita nang may napagtanto. Hindi ko napigilang batukan ang sarili ko. Ang tanga mo talaga kahit kailan Sophia.

"Hey! Why are you hitting your head?" may pag-alalang sabi nito. Teka? Pag-aalala? Umiling-iling ako.

"Nababaliw ka na ba?" dagdag na tanong niya nang makita niyang umiiling-iling akong mag-isa.

"Itigil mo ang sasakyan," utos ko dito. Gulat naman itong napalingon sa akin.

"What?"

"Dali na, diyan oh. Ihinto mo riyan sa may kanto. Bilis na." Sinamaan ako nito ng tingin ngunit nginisihan ko lamang siya.

"What now?" kaagad na tanong nito matapos ihinto ang sasakyan.

"Ako diyan. Dali!" Tinutulak-tulak ko siya papalabas ng sasakyan.

"What? Are you crazy?"

"Ano? Hindi ako si crazy ah, ako si Sophia, Sir. Hehe. May amnesia po ba kayo? Sige na sir, ako na diyan. Palit tayo ng puwesto. Dali na po." Pinilit ko pa ito ‘tsaka itinulak-tulak papalabas pero ang lakas nito kaya hindi ko siya matulak-tulak. Huhu. Ilang kilo ba 'tong taong to?

"Tch. Tabi nga." Saka nito sinimulang paandarin ang sasakyan.

"Teka lang, Sir. Ako na kasi, hehe,” pamimilit ko pa.

"Bakit ba gusto mong ikaw ang magdrive? I can't let a woman drive by herself lalo na' t narito naman ako para ipagdrive ka." Bumuntong hininga ako,

"Kasi sir ‘di ba, dapat ako ang gumagawa niyan kasi trabahante niyo ako, ‘tsaka dapat hindi ito ginagawa ng isang boss para sa trabahante nila," paliwanag ko.

"Bakit? May policy bang gano'n?" Natahimik ako.

Ngumisi naman ito. "See? You can't even explain your side. Let's get you back home. " Pinaandar na nito ang kotse.

Napanguso na lang ako saka sumandal sa upuan. Hmmp. Bahala nga siya riyan. Dahil malayo-layo pa ang byahe, naisip kong makipagkwentuhan muna sa kanya kaysa manahimik lang. Natatakot ako sa sobrang tahimik eh. Baka may multong bigla na lamang bubulong sa'kin. Naku! Naku! Ayoko!

"Ahm ... sir?" tawag ko dito. Sinagot naman ako nito nang hindi tumitingin sa akin.

"What is it?"

"Ahm ... wala lang, hehe. Naisip ko lang makipagkwentuhan. Ang tahimik kasi baka may mumu na bigla na lang bumulong, " takot kong sabi.

"Tch. Ghost? Naniniwala ka sa ganon?" Tumango ako,

"Oo noh. Kapag nga nanunuod ng horror movies ang tatay ko. Naku! Magkukulong na lang ako sa kwarto kaysa ang manuod no'n. Alam mo ba one-time, muntikan na akong atakehin sa puso dahil bigla na lang may multong bumulaga sa TV. Umiyak nga ako nang umiyak no’ng time na 'yon eh. Tapos sila nanay at tatay, ang sasama. Tawa lang sila nang tawa. Alam mo bang nagtampo ako sa kanila sa loob ng dalawang araw? Hehe, oo dalawang araw lang. Love ko kasi sila eh kaya hindi ko sila matiis. Ikaw ba?" Siya naman ang tinanong ko. Tinuro naman nito ang sarili,

"Ako?” Tumango ako.

"I'm not scared of ghost. Tch. They're just peace of shit."

"Ows? Talaga?! Waaah! Galing naman," may paghangang sabi ko rito.

"Tch. You're that amazed, huh? Funny." Ey?

"Anong nakakatawa? Hoy! Alam mo, kanina ko pa napapansin na kanina ka pa tawa nang tawa. Mukha ba akong clown ah?"

"You're just funny," tawang-tawa pa rin nitong sabi habang nakahawak sa bibig ang kaniyang kaliwang kamay.

"Ewan ko sa 'yo. Baka magtampo ako sa 'yo, Sir. Matulad ka pa sa mga halaman ko," babala ko dito.

"Kinompara pa ako sa halaman. I can't believe this," natatawang bulong nito.

"Ewan ko sa 'yo, Sir. Diyan ka na nga,” pikon kong sabi.

"Hahahaha! You're the first person who makes me smile like this. Thanks for being here," biglang pagpapasalamat nito na ikinagulat ko.

"Bakit ka naman nagpapasalamat?"

"Nothing." Bumalik ito sa pagiging seryoso saka nagfocus muli sa pagda-drive.

"Sige na, sabihin mo na. Nagkwento kaya ako sa 'yo kanina, kaya dapat ikaw rin."

"Ikaw ang kusang nagkwento."

"Hmph. Ang daya mo," nagtatampo kong sabi. Bahala nga siya diyan.

Narinig kong ilang beses itong bumuntong hininga, at makalipas ang labing limang minuto ay nagsalita ito.

"I used to have a peaceful life before, but shit happens. All the happiness. All that peacefulness was gone. I can't wait to get back on what they did to us. I can't wait to get ki—er, never mind." Pinagmasdan ko ang mukha nito. I can sense his anger.

Masiyado siguro itong madaming pinagdaanan kaya ito ganito ngayon. Mukha siyang masungit pero pag tinitigan mo nang mabuti ang mukha niya. Makikita mo ang maamo nitong mukha. Nakaguhit ang kasiyahan dito ngunit natabunan lamang ng galit at hinanakit. Hindi ko maiwasang malungkot para sa kanya.

“Don't pity me. I hate it." Pukaw nito sa diwa ko.

"Hindi naman kita kinakaawaan. Nalulungkot ako para sa 'yo. Alam mo, kung ano man ang problemang pinagdadaraanan mo ngayon, alam kong malalampasan mo rin ito. Ang swerte mo nga eh, kasi na sa 'yo na ang lahat. Honestly, I envy you." Tumingin ako sa gawi niya saka nginitian ito ng totoo. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin kung bakit ko nasabi ang mga iyon.

But all I know is, I want to know him more.

"Tch."

"Haay! Ang drama mo." Humalakhak ako. Sinabayan niya rin akong tumawa. Napailing-iling siya. This joyride makes me know him more that I want to go deeper.

"Maraming salamat sa libreng hatid, Sir," pagpapasalamat ko nang makarating kami sa bahay.

"Paalam ho."

"This is not for free."

"Po? Naku! Hindi po kita mababayaran ng pamasahe, Sir. Naubos na po kasi ang pera ko kanina, huhu. Pwede po bang utang nalang? Hehe." Ngumiti ako ng malapad para naman ma konsensya siya. Akala ko pa naman libre.

"I'm not asking you a money. Give me your number." Inabot nito sa akin ang samsung nitong cellphone. Tingnan mo 'to. Nalulungkot pa siya eh ang yaman-yaman naman niya. Samsung pa nga ang cellphone eh.

"Ay! 'Yon lang pala. Sana lahat ng driver katulad mo sir noh. Libre ang pamasahe, at saka number lang ang ibinabayad. Hehe. Marami na siguro akong ipon kung ganon. Naku naku!"

"Do I look like a driver to you?" pikon nitong sabi.

"Hehe. Hindi noh. Ang pogi mo kaya para maging driver," pambobola ko sa kanya sabay ngisi. Bumaba na ako pero bago 'yon, kinuha ko muna ang bag ko ‘tsaka binuksan ang pinto.

"Ay! Muntik ko ng makalimutan. Heto pala ang number ko, hehe."

Kinuha ko sa bag ang aking cellphone saka ipinakita sa kaniya ang number ko. Imbis na kunin nito ang number ko, cellphone ko ang kinuha nito. May kung ano itong tinype sa cellphone niya at ilang sandali pa, inabot ulit nito sa akin ang cellphone ko.

"Nakuha mo na ba ang number ko?" Tumango ito,

"I'll call you later."

"Bakit niyo nga po pala kinuha ang number ko? ‘Tsaka, bakit po kayo tatawag sa akin mamaya?" sunod-sunod kong tanong dito. Bumalik ako sa pagkakaupo sa loob ng sasakyan niya habang itinatanong ang mga bagay na iyon.

"For ... business purposes. 'Wag ka na nga umangal diyan. Remember? I'm your boss." Hindi na lang ako nagsalita saka bumaba na ulit sa kotse niya. Yumuko ako ng konti para makapagpaalam sa kanya.

"Bye po sir." Kumaway pa ako niyan.

"See you tomorrow." Huling sabi nito bago pinaharurot ang sasakyan paalis.

"Anak? Ikaw na ba 'yan? Bakit gabi ka na umuwi?" tanong ni nanay nang makapasok ako sa loob ng bahay. Nagmano muna ako saka siya sinagot,

"Marami lang po ginagawa sa opisina, Inay. Nasaan nga po pala si tatay?" tanong ko dito habang naglalakad papuntang kusina.

Nagugutom na kasi ako.

"Hindi pa umuuwi galing sa trabaho, anak. Kumain ka na ba? May ulam tayong tuyo diyan. 'Yan na muna ang ulam natin anak ah, medyo gipit tayo ngayon dahil ang daming gastusin."

Nanlumo ako, hindi dahil sa tuyo ang ulam namin kundi dahil naaawa ako kina nanay at tatay. Kumakayod sila upang may maipakain sila sa amin at para may panggastos sa pag-aaral ng mga kapatid ko. Pero kahit na ganon, masaya kami. 'Yong saya na parang walang pinoproblema.

Kaya nga dapat, pagbubutihan ko ngayon sa trabaho ko at magsisikap ako para hindi ako masesesante. Ang hirap pa naman humanap ng trabaho lalo na sa panahon ngayon. Nilapitan ko si nanay saka hinaplos-haplos ang likod nito,

"'Wag kang mag-alala, Inay. Magsisikap po ako upang yumaman tayo, at para hindi tayo maghihirap ng ganito."

"Pasensiya ka na, anak ah. Kung may sapat lang kaming ipon no'ng mga panahong 'yon, edi sana nakapagtapos na ng pag-aaral ang mga kapatid mo ngayon.”

"Inay, okay lang po iyon. Naiintindihan ko naman po. Ang mahalaga, magkakasama tayo ngayon. Hehehe." Yinakap ko si nanay.

"Hayaan niyo, Inay, kapag sapat na 'yong ipon ko, gagamitin ko 'yon para sa pag-aaral ng mga kapatid ko." Yinakap din ako pabalik ni nanay. Kaysarap talaga ng yakap ng isang ina. Walang katulad.

"Napakaswerte ko talaga sa 'yo, anak."

"Ako ang maswerte sa iyo, Inay noh."

"Anong drama 'yan? Huh? Kay lalim na ng gabi," sabi ng kakapasok lang na si tatay. Kumalas ako sa pagkakayakap kay nanay saka niyakap din si tatay.

"Tay! Welcome home hihi."

"Hmm. Kumusta naman sa trabaho mo? Mabait ba ang boss mo?" Tumango ako.

"Opo, Itay. Ang bait-bait niya po at saka inihatid niya pa nga ako pauwi rito sa bahay," may galak kong sabi kay tatay. Marahas ang pagbaling ng tingin ni tatay sa akin na ikinagulat ko at ni nanay.

"Ano?! Hinatid ka?" Tumango ulit ako.

"Fabio, wala namang masama sa bagay na 'yon. Hatid lang naman at hindi pamamanhikan," sabad ni nanay. Siguro, pinapakalma si tatay.

"Hindi magandang tingnan para sa isang babae ang magpahatid sa boss niya, Felicia. Ano nalang ang sasabihin ng mga katrabaho niya? Na pinapaboran siya ng boss niya? Mapapahamak pa ang anak natin." Humarap si tatay sa akin.

"Kaya ikaw anak, 'wag ka na ulit magpapahatid sa boss mo ah? Hindi magandang tingnan 'yon." Bilang masunuring bata ay tumango ako.

"Naubusan din po kasi ako ng pera kanina tay eh. Mabuti na lang din nag-alok si sir na ihatid ako, kaya hindi na ako tumanggi. Pero promise po, hindi na ako magpapahatid pa ulit sa kanya." Tinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nanunumpa. Ginulo naman ni tatay ang buhok ko saka ngumiti.

"Mabuti naman. Iyan ang gusto ko sa 'yo, anak eh. Sumusunod ka kaagad nang walang pagtutol." Ngumiti naman ako.

"Kumain ka na ba?" Umiling naman ako.

"Ala ey! Bakit hindi ka pa kumakain, aber?"

"Kararating ko lang din ho kasi, Itay. Saka nag-eemote pa kasi itong si nanay. Hahaha. Kaya, nadatnan niyo ako na hindi pa kumakain. Sabay na po tayo?" aya ko kay tatay.

Tumango naman ito saka nilapag ang dalang backpack sa may sofa saka kami naglakad papunta sa kusina.

"Kumain ka ng marami, anak. Alam kong pagod ka dahil sa daming trabaho sa opisina," sabi ni tatay habang sinasandokan ako ng kanin.

"Paano niyo naman po nalaman tay? Manghuhula po ba kayo?" gulat kong sabi kay tatay. Ngumiti ito na hindi ko nang maipaliwanag kung anong ibig sabihin. Kakaiba kasi ang ngiti nito.

"Oo, manghuhula ako kaya kumain ka na riyan at 'wag ka nang madaldal." Tumango na lamang ako saka nagsimula ng kumain.

Nakahilata ako sa kwarto ngayon. Kanina ko pa naayos ang higaan ko kaya kaagad akong humilata sa kama dahil sa sakit ng likod ko. Ilang oras din kasi akong nakayuko lamang kanina dahil sa mga papeles na pinapagawa ni kuyang anghel, ay este ni sir pala. Napukaw ang aking pagmumuni-muni nang biglang tumunog ang cellphone ko.

It's really hurts, ang magmahal ng ganito~

"Hello? Sino po ito?" tanong ko pagkasagot na pagkasagot ko sa tawag.

Unknown number kasi kaya hindi ko kilala kung sino ang caller.

"Sophia--"

"Kuya, ako po si Sophia. Sino po kayo? Maaari po ba kayong magpakilala?" Boses lalaki at parang pamilyar siya.

"Is that how you greet your boss?" Napahawak ako sa bibig. Hala!

"Ay, hehehe. Sir, ikaw po pala 'yan. Sophia rin po ba pangalan mo? ‘Di ba po Leo?"

"Tch. I was calling your name." Napa ‘ahh’ naman ako.

"Bakit po kayo napatawag sir?"

"I just want to remind you to be early tomorrow. May pupuntahan tayong business meeting."

"Huh? Saan naman po? " nagtatakang tanong ko rito. Napaisip ako. Saan naman kaya? Sana naman sa ibang bansa. Hihi. Naeexcite tuloy ako.

"Don't ask any questions. Don't forget to pack some clothes that will last for about 3 days. Anyways, that's all. Goodnight, Sophia," paalam nito.

"And oh, by the way," pahabol nitong sabi ng akmang ibaba ko na sana ang tawag.

"I will pick you up tomorrow." 'Yon lang at binaba na niya ang tawag.

Saan naman kaya kami magbu-business trip? Sana naman sa Singapore. Gusto kong pumunta sa Disney Land!

Related chapters

  • Bon Garçon Series 1: Leo Bandemer   Chapter 4

    Chapter 4 Sophie’s POV Sobrang nalulungkot talaga ako ngayon kasi akala ko sa Singapore kami magbabakasyon-ay hindi pala magbi-business trip pero hindi pala. Gusto ko pa naman pumunta sa Disney land. Sinamaan ko ng tingin si kuyang anghel dahil ang damot niya. Disney land lang eh. “What are you looking at?” biglang tanong nito na ikinagulat ko. Nakita ba ako nitong nakatingin? Baka naman nahalata niya na sinamaan ko siya ng tingin. Naku! Hindi pwede yon. Baka masesante ako. Huhu. “Ano? Wala ah. Hindi ko kaya iniisip na ang damot mo dahil hindi tayo sa Disney lang pumunta. Ikaw ah! Masama ang mambintang. Tsk. Tsk.” Maniwala ka please. Cross hand. ”Tss. Let’s go.” Nauna na itong maglakad pero dahil hawak ang kamay ko ay napasama ako dito. Ang resulta, parang kinaladkad ako nito. Para naman akong aso nito. Huhu. &nb

  • Bon Garçon Series 1: Leo Bandemer   Chapter 5

    Chapter 5 Sophia's POV Nagmamadali kaming umuwi ng Pilipinas ni Sir kasi may emergency daw sa opisina. Kaya rush booking na lang ang ginawa namin dahil nga hindi planado ang pag-uwi namin ngayon at dalawang oras na lang, lilipad na ang eroplano. Lakad-takbo ang ginagawa namin ngayon. Mabuti na lang ang wala akong dalang maleta kaya napapantayan ko sa paglalakad si sir kahit na ang laki ng mga hakbang niya. After the plane is safely in the air, flight attendants check for our comfort. They deliver headphones or pillows to us. After landing, attendants assist us in safely deplaning the aircraft. Nakauwi na kami ng Pilipinas. Hindi man ako nakapunta sa Disneyland pero masaya naman dahil may nakilala akong bagong mga kaibigan. Kanina pa kami nakarating sa opisina. Sobrang bored na bored na ako kasi kanina pa ako walang ginagawa. May emergency meeting kasi si sir pero hindi niya na ako isinama dahil sabi niya hi

  • Bon Garçon Series 1: Leo Bandemer   Chapter 6

    Chapter 6 Sophia’s POV Wala akong magawa sa bahay kay naglalaro na lang ako ng solitaire sa phone. Malapit na akong matapos nang mahawakan ko ang kwintas na nakasabit sa leeg ko. Nasa akin na ito mula nang bata pa ako pero kahit kailan hindi ko naitanong kina nanay at tatay kung para saan ito. Baka kasi pwedeng ibenta, magka pera pa ako. Hihi. Sigurado akong mahal to kasi sobrang kakaiba nitong kwintas na ito. Pagod na akong maglaro ng solitaire nang paulit-ulit kaya lumabas na lang ako ng kwarto para hanapin si nanay. Wala si tatay, nasa trabaho. Bukas pa kasi ang day-off nila. “Naay?!” tawag ko kay nanay nang makarating ako sa may sala. Nakita ko itong nanunuod ng telebisyon habang nagtutupi ng mga nilabhan niyang damit. Lumingon ito sa gwai ko at nagtatakang tumingin sa akin. “Oh anak! Bakit?” Umupo muna ako sa sofa namin bago ko sinagot s

  • Bon Garçon Series 1: Leo Bandemer   Chapter 7

    Chapter 7 Yuri’s POV “What the fuck are you doing here?!” galit na sabi ni sir. Sa galit niya ay napatayo ito mula sa pagkaka-upo. Bakit ba siya nagagalit e wala naman ginagawang masama si ate ah. Haaay! Wrong timing ka naman kasi ate girl, mainit ang ulo ni sir ngayon kaya bakit ngayon mo pa naisipang bumisita? “Leo babe, don’t you miss me?” malambing na sabi nito saka ito naglalakad papalapit kay sir at niyakap ito. Napatutop ako ng bibig. Mukhang may dramang mangayayari yata rito at mukhang kailangan ko ng lumabas. “Get out of my office before I call the security,” medyo mahinahon nitong sabi saka hinilot-hilot ang bridge ng kanyang ilong. “I wouldn’t do that if I were you, Leo.” “Oh really? Is that a threat?” “Depends on you.” “I’m not a fool like I was before, Ms. Brown. So, leave befor

  • Bon Garçon Series 1: Leo Bandemer   Chapter 8

    Chapter 8 Sophia's POV Sumulyap akong muli kay sir habang napaisip kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang sinasabi na sesante na ako. Hindi ba? Huhu. Salamat naman. Pero nagtataka talaga ako sa inasta ko kanina. Parang kasing hindi ako yon at may ibang taong sumapi sa akin. Basta ang naalala ko ay bigla na lang nag init ang ulo ko sa sinabi ng ex ni sir kanina at nasabj ko ang mga katagang iyon. Hala! Sinapian ba ako? Ng... Ng... Mga lolo ko? "WAAAAAAH! HINDIIII!!" "The fuck! Why are you suddenly yelling?" naiiritang sabi ni sir habang ang kanyang mga kamay ay nakatakip sa kanyang tenga. "Sinapian po yata ako sir!! Huhuhu!" "What?! What are you talking about?" naliliting sabi nito habang inaayos ang suot nitong black suit. Pagkatapos, lumakad ito patungo sa lamesa niya. Sinundan ko naman ito

  • Bon Garçon Series 1: Leo Bandemer   Prologue

    PROLOGUE"What did you say?" I nervously ask him when he walks closer to me. So close, that I can smell his fresh breath. I can also feel my urges from inside na siya lang ang nakakapagpalabas."Why are you doing this to me? Why? Huh?! Why?! Tell me!" he suddenly shouted that almost break my eardrums. What the hell?!"I don't know what you are talking about! What the hell?!" Napailing-iling naman ito."Fuck!" Tinakpan ko ang baba nito dahil ang bad."Waaah! 'Wag ka ngang magmura," inis kong sabi dito sabay nguso.Nabigla ako nang hinila nito ang baba ko na nakanguso."Teka! Anong ginagawa mo?"Nandito kami ngayon sa garden ng bahay niya dahil gusto ko sanang sabihin ang nangyari kanina ngunit bigla na lamang itong nagkaganito kaya nagtataka ako. Nakainom ba ito ng main

  • Bon Garçon Series 1: Leo Bandemer   Chapter 1

    Chapter 1 Sophie's POV”Sophia Nicole P. Mendoza, hindi ka pa ba bababa riyan?! Male-late ka na!” sigaw ni nanay sa akin mula sa baba. Sakto naman pababa na rin ako ng hagdan.“Si nanay naman, tinawag pa ang buong pangalan ko. Pwede naman Sophie na lang,” reklamong bulong ko sa sarili.“Aba, e kung hindi pa kita tinawag sa buo mong pangalan, hindi ka pa bababa riyan,” sermon ni nanay sa akin. Narinig pala ni nanay ang bulong ko.Kailangan ba talaga buong pangalan? Ma-try nga, baka sakaling bumaba rin ang mga ulap sa langit. Hihi!Tinapos ko agad ang pagkain at saka ako humalik sa pisngi nina nanay at tatay bago ako nagpaalam sa kanila na aalis na."O’sige. Mag-iingat ka. "Wag maging lutang ang utak," paalala ni nanay at tatay.

  • Bon Garçon Series 1: Leo Bandemer   Chapter 2

    Chapter 2 Sophie's POV"What are you doing?" gulat ngunit may galit na sabi nito sa akin nang bigla ko na lang hablutin ang kinuha nito sa drawer."Alam mo bang masama ang magnakaw? Sabi ni mommy, dapat 'wag daw tayo magnakaw kasi kasalanan 'yon sa mata ng Diyos at saka mapapagalitan tayo ni God," pangungonsensiya kong sabi rito. Tama naman ang sinabi ko. Masama talaga ang magnakaw."Tss. Ang daldal mo," walang pake nitong sabi saka kinuha ulit ang bagay na kinuha ko sa kaniya kanina. "Here." May hinagis itong kung ano sa akin at mabuti na lamang at mabilis ang mga reflexes ko kaya nasalo ko ito kaagad. Napatingin naman ako sa bagay na ibinigay nito.Ano 'to? Inobserbahan ko ito at saka sinuri ng mabuti. ‘Di ba eto yong kinuha ko sa kaniya kanina? Kinuha pa sa akin e, ibibigay rin naman pala ulit.“Teka, appoinment planner? B

Latest chapter

  • Bon Garçon Series 1: Leo Bandemer   Chapter 3

    Chapter 3 Sophie’s POV"Sir?" tawag ko kay sir habang kinukuha ang mga gamit ko at handa ng umuwi.Lumingon naman kaagad ito sa gawi ko."Yes?" Nakita nito ang bag ko na nakasabit sa aking balikat."Uuwi ka na?" tanong nito. Tumango ako."Oho." Nagulat ako nang kaagad nitong iniligpit ang mga kalat sa lamesa niya saka dali-daling itinapon sa basurahan. Pagkatapos, naglakad ito pabalik sa lamesa niya saka kinuha ang briefcase nito, at cellphone na nakapatong sa lamesa. Lumingon siyang muli sa akin."Hatid na kita." Napakurap ako."Ho?" gulat kong tanong ‘tsaka umiling."I said, ihahatid na kita. Let's go." Saka ako nito hinihila palabas."Bakit mo naman po ako ihahatid?" takang tanong ko dito habang pasakay kami

  • Bon Garçon Series 1: Leo Bandemer   Chapter 2

    Chapter 2 Sophie's POV"What are you doing?" gulat ngunit may galit na sabi nito sa akin nang bigla ko na lang hablutin ang kinuha nito sa drawer."Alam mo bang masama ang magnakaw? Sabi ni mommy, dapat 'wag daw tayo magnakaw kasi kasalanan 'yon sa mata ng Diyos at saka mapapagalitan tayo ni God," pangungonsensiya kong sabi rito. Tama naman ang sinabi ko. Masama talaga ang magnakaw."Tss. Ang daldal mo," walang pake nitong sabi saka kinuha ulit ang bagay na kinuha ko sa kaniya kanina. "Here." May hinagis itong kung ano sa akin at mabuti na lamang at mabilis ang mga reflexes ko kaya nasalo ko ito kaagad. Napatingin naman ako sa bagay na ibinigay nito.Ano 'to? Inobserbahan ko ito at saka sinuri ng mabuti. ‘Di ba eto yong kinuha ko sa kaniya kanina? Kinuha pa sa akin e, ibibigay rin naman pala ulit.“Teka, appoinment planner? B

  • Bon Garçon Series 1: Leo Bandemer   Chapter 1

    Chapter 1 Sophie's POV”Sophia Nicole P. Mendoza, hindi ka pa ba bababa riyan?! Male-late ka na!” sigaw ni nanay sa akin mula sa baba. Sakto naman pababa na rin ako ng hagdan.“Si nanay naman, tinawag pa ang buong pangalan ko. Pwede naman Sophie na lang,” reklamong bulong ko sa sarili.“Aba, e kung hindi pa kita tinawag sa buo mong pangalan, hindi ka pa bababa riyan,” sermon ni nanay sa akin. Narinig pala ni nanay ang bulong ko.Kailangan ba talaga buong pangalan? Ma-try nga, baka sakaling bumaba rin ang mga ulap sa langit. Hihi!Tinapos ko agad ang pagkain at saka ako humalik sa pisngi nina nanay at tatay bago ako nagpaalam sa kanila na aalis na."O’sige. Mag-iingat ka. "Wag maging lutang ang utak," paalala ni nanay at tatay.

  • Bon Garçon Series 1: Leo Bandemer   Prologue

    PROLOGUE"What did you say?" I nervously ask him when he walks closer to me. So close, that I can smell his fresh breath. I can also feel my urges from inside na siya lang ang nakakapagpalabas."Why are you doing this to me? Why? Huh?! Why?! Tell me!" he suddenly shouted that almost break my eardrums. What the hell?!"I don't know what you are talking about! What the hell?!" Napailing-iling naman ito."Fuck!" Tinakpan ko ang baba nito dahil ang bad."Waaah! 'Wag ka ngang magmura," inis kong sabi dito sabay nguso.Nabigla ako nang hinila nito ang baba ko na nakanguso."Teka! Anong ginagawa mo?"Nandito kami ngayon sa garden ng bahay niya dahil gusto ko sanang sabihin ang nangyari kanina ngunit bigla na lamang itong nagkaganito kaya nagtataka ako. Nakainom ba ito ng main

DMCA.com Protection Status