Walang ibang naririnig kundi ang malalalim na buntong-hininga ni John at ang tunog ng yelo sa basong hawak niya.Pinipigilan ni Fortuna ang luhang gustong pumatak."Hindi mo na ba talaga kayang subukang mahalin ako?" mahina niyang tanong.Sa pagkakataong ito, napatingin si John sa kanya, deretso sa mga mata niya.At ang sagot niya ay hindi niya kailangang sabihin.Dahil kitang-kita na ni Fortuna sa mga mata ni John—Hindi.Nangangatog ang kamay niyang kumapit sa gilid ng kanyang bestida. Hindi niya alam kung bakit patuloy siyang humahawak sa isang pag-ibig na hindi kailanman mapupunta sa kanya.Pero bago siya tuluyang mawala sa sarili, lumapit si John, inilapit ang mukha sa kanya."Kung iniisip mong babagsak ako sa bitag mo, nagkakamali ka," aniya, mababa ang tinig ngunit puno ng galit. "Hindi mo kailanman mapapalitan si Senyora sa puso ko."Isang matalim na kirot ang dumaloy sa puso ni Fortuna.Hindi siya nakaimik.At bago siya tuluyang tulak palayo ni John, bumulong ito sa kanya—"H
Tahimik si Fortuna, kahit na ang loob niya’y parang nagwawasak-wasak na gusali. Sa harap ng pamilya, sa harap ng mga taong nagdiwang ng kanilang kasal, kailangan niyang tiisin ang panunuya, ang panlalamig, at ang mga salitang hindi niya kailanman inakalang maririnig mula kay John.Pero sino ba siya para magreklamo?Siya lang naman ang babaeng pilit ipinasok sa buhay ng isang lalaking kailanman ay hindi siya pinili.Nanginginig ang kamay ni Fortuna habang marahang itinulak ang pinto ng study room.Madilim sa loob. Ang tanging ilaw ay nagmumula sa maliit na lampshade sa tabi ng mesa. Ngunit ang pinakakitang-kita sa lahat ay ang pigura ni John—nakasandal sa sofa, may hawak na bote ng alak, tulala.Ilang basag na bote ang nagkalat sa sahig."John," mahina niyang tawag.Hindi ito kumilos.Lumunok siya ng laway at muling lumapit."John, tama na ‘yan."Mabilis ang naging kilos ni John. Sa isang iglap, lumipad ang bote ng alak mula sa kanyang kamay at dumapo sa pader, nagkapira-piraso sa sahi
Naiwan si Fortuna sa loob ng silid, nakatulala, habang unti-unting nilalamon ng katahimikan ang paligid. Ang sakit ng mga salitang binitiwan ni John ay parang kutsilyong paulit-ulit na itinutusok sa kanyang puso.Sinundan niya ng tingin ang pinto kung saan lumabas ang lalaki, dala ang unan at kumot.“Hinding-hindi kita mamahalin, kahit kailan.”Ang mga salitang iyon ay nag-iiwan ng sugat na hindi na mahihilom.Mabigat ang dibdib niyang napaupo sa gilid ng kama, pilit na nilulunok ang hinanakit. Gusto niyang umiyak, gusto niyang sumigaw, pero anong silbi? Sa laban na ito, siya lang naman ang may gusto lumaban. Siya lang ang patuloy na lumulubog.KinabukasanMaaga pa lang, gising na si Fortuna.Madilim pa ang langit, tahimik pa ang buong mansyon, pero hindi niya alintana ang lamig ng umagang iyon. Nasa kusina siya, nakatayo sa harap ng kalan, habang dahan-dahang hinahalo ang mainit na sopas na inihahanda niya para kay John.Ito na lang ang kaya niyang gawin—ang ipakita sa kanya, sa munt
At sa loob ng sarili niyang kwarto, muling bumagsak ang isang baso ng alak.Habang nag-iisa sa hardin, mahigpit na yakap ni Fortuna ang sarili. Hindi niya na napigilan ang pagpatak ng luha.Pilit niyang inuunawang mabuti si John, pero sa bawat araw na lumilipas, mas lalo lang siyang nasasaktan.Hindi na siya sigurado kung kaya pa niya.“Fortuna?”Napalingon siya at nakita ang kanyang ina, si Jinky, na bumisita sa kanya, na nakatingin sa kanya nang may pag-aalala.“A-anak, bakit ka umiiyak?”Pinahid ni Fortuna ang kanyang pisngi, pero huli na. Alam niyang nakita na ito ng kanyang ina.“Wala ‘to, Ma,” mahina niyang sabi, pilit na ngumingiti.Pero hindi na siya naniwala ni Jinky. Lumapit ito sa kanya, maingat na hinawakan ang kanyang kamay. “Huwag mo akong gawing tanga, anak.”Hindi na napigilan ni Fortuna ang pagbagsak ng kanyang luha.“Nakakapagod na, Ma,” mahina niyang sabi. “Nakakapagod na magmahal sa taong hindi ako kayang mahalin.”Hinaplos ni Jinky ang buhok niya. “Anak… hindi mo
Napatingin si Fortuna kay John, naghihintay ng reaksyon nito.Pero imbes na matuwa, natigilan ito. Pumikit si John saglit bago mapait na ngumiti. “Gusto niyo akong paalisin dito?”“Hindi iyon ang punto,” sagot ni Irene, matigas ang boses. “Ikaw at si Fortuna ay may sarili nang buhay bilang mag-asawa. Hindi na tama na manatili pa kayo rito. Kailangang bumuo kayo ng sarili ninyong tahanan.”“Pero—”“Wala nang pero, John,” putol ni Luigi. “Ito ang tamang gawin.”Isang mapaklang tawa ang lumabas sa labi ni John bago ito tumingin kay Fortuna. “Narinig mo ‘yon? Gusto nilang ilagay tayo sa isang bahay na parang totoong mag-asawa tayo.”“John…” mahina niyang tawag, pero hindi siya nito pinansin.“Kailan ba kayo titigil sa pagpapanggap na totoo ang kasal na ‘to?” mariing tanong ni John habang nakatingin sa kanilang mga magulang. “Alam niyo namang hindi ko ginusto ‘to. Alam niyo namang hindi ko gusto si Fortuna.”“John!” sigaw ni Leona, gulat sa sinabi ng anak.Pero hindi natinag si John. Mas l
Samantala, Malamig ang simoy ng hangin nang makarating si John sa lumang bahay ni Senyora. Tahimik ang paligid, tanging langitngit ng kahoy na hagdan ang maririnig habang paakyat siya sa pamilyar na pintuan. Hindi siya nagdalawang-isip, agad siyang kumatok—malakas, desperado.Ilang segundo ang lumipas bago bumukas ang pinto.Doon, nakita niya si Senyora.Nakaharap ito sa kanya, nakasuot ng simpleng bestida, pero para sa kanya, wala nang mas gaganda pa sa babaeng nasa harapan niya. Ilang linggo na rin ang lumipas simula nang huli silang mag-usap. Ilang linggo mula nang mapilitan siyang pakasalan si Fortuna.Pero hindi pa rin siya sumusuko.“Anong ginagawa mo rito?” malamig na tanong ni Senyora.“Alam mong pupunta ako,” sagot ni John, diretso ang tingin sa kanya. “Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataong ipaliwanag ang lahat.”Tila nagdadalawang-isip si Senyora kung papapasukin siya, pero sa huli, bahagya nitong binuksan ang pinto. “Kung magpap
Mabilis siyang lumapit, niyakap si Senyora mula sa likuran, mahigpit—tila ayaw na itong pakawalan."Hindi, Senyora," bulong niya sa leeg nito, ramdam ang panginginig ng kanyang boses. "Mahal kita. Sobra. Hindi kita kayang bitawan. Hindi ko kayang bumalik sa kanya."Napapikit si Senyora, mahigpit na kinuyom ang kanyang kamay. Ramdam niya ang init ng yakap ni John, ang desperasyon sa kanyang tinig. Pero hindi niya kayang magpakatanga."John..." mahina niyang sabi. "Huwag mong gawin ‘to.""Lahat gagawin ko, Sen," mahigpit pa rin ang hawak ni John sa kanya. "Papatayin ko ang nararamdaman ko para kay Fortuna. Hihiwalayan ko siya, kahit anong mangyari! Basta sabihin mo lang, Sen. Sabihin mong gusto mo pa rin akong ipaglaban!"Napaluha si Senyora. "Kung ginawa mo lang ‘yan noon, hindi tayo aabot sa ganito.""Lahat babawiin ko!" Napalakas ang boses ni John, mas lalong hinigpitan ang yakap, para bang kapag binitiwan niya ito, tuluyan na siyang mawawala. "Sabihin mo lang na may pag-asa pa tayo!
"John..." mahinang ungol ni Senyora habang hinahaplos ang mukha niya. "Tama na... dapat hindi na natin ginagawa 'to."Pero hindi ito umatras nang mas lalo siyang yakapin ni John, nang mas lalo siyang palibutan ng init ng katawan nito."Hindi ko kayang mawala ka," bulong ni John bago muling sakupin ang kanyang labi.At tuluyan nang bumigay si Senyora. Instinctively, hinawakan ni John ang mukha ni Senyora gamit ang dalawang kamay at hinalikan siya. Sa kanyang kasiyahan, agad at buong puwersang binalik niya ang halik. Ang halik ay agad naging halikan, at isa itong puno ng init. Inilapag niya ang parehong kamay sa puwit ni Senyora upang subukang baligtarin siya, ngunit habang ginagawa niya ito, napansin niyang bumuka ang mga binti nito. "Putang ina," naisip niya, at inilagay ang kaliwang kamay niya sa pagitan ng kanyang mga hita, at sinimulang marahas na rubbuhin ang kanyang clit sa pamamagitan ng kanyang shorts. Isang ungol ang umabot sa bibig ni Senyora, at ang kanyang kanang kamay
Salas ng Tan MansionHatinggabi. Tahimik ang paligid ngunit sa loob ng bahay, may tensyong tila kayang gutayin ang mismong katahimikan. Sa gitna ng sala, nakaupo si Madam Irene sa isang antigong upuang gawa sa narra. Mahigpit niyang hawak ang tasa ng tsaang matagal nang lumamig. Nakatitig siya sa pintuan, tila iniintay ang isang bagay na alam niyang mahirap tanggapin.Hanggang sa bumukas ang pintuan.Pumasok si John. Wala siyang bitbit na emosyon sa mukha, pero hindi nakaligtas sa matanda ang mga matang pagod, tuliro, at tila may dalang pasan na hindi mabitawan.“Lola… pinatawag n’yo po ako?”“Umupo ka, John. Kailangan nating mag-usap. Tungkol kay Fortuna.”Dahan-dahang lumapit si John, halatang alanganin. Naupo siya sa tapat ng matanda pero hindi makatingin ng diretso.“Wala na po kaming dapat pag-usapan ni Fortuna. Gusto na po niyang tapusin ang lahat.”“At ikaw, John? Gusto mo na rin ba? Gano’n na lang? Basta matatapos na lang nang walang paliwanag, walang pakikipaglaban?”“Lola… s
“Naintindihan ko, Iha Jinky…” aniya, mababa ang boses. “Nasasaktan ako para kay Fortuna. Nakita ko naman ang pagsusumikap ng apo kong si John, pero higit kong nakita ang pagtalikod niya sa damdamin ng asawa niya.”Tumingin si Jinky kay Fortuna, mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay nito. Si Fortuna naman, tila nawalan ng boses. Hindi niya akalaing darating ang araw na kikilalanin ni Madam Irene ang sakit na hindi maipaliwanag sa kahit anong paliwanag.“Siguro… it’s time na rin,” pagpapatuloy ni Madam Irene, may tinig ng kapayapaang may kasamang lungkot. “Tatanggapin na lang natin ang katotohanan… na ang pilit na pagmamahal ay hindi magtatagumpay. Kahit ilang pirma pa sa kasunduan. Kahit ilang pangakong walang laman.”Hindi na napigilan ni Jinky ang luha. Tuluyan na itong bumagsak sa kanyang pisngi. Ramdam niya ang bigat na nabawasan, pero ang kirot ay nananatili.“Salamat po, Madam Irene… naiintindihan n’yo po kami,” aniya habang pilit na pinapatahan ang sariling tinig.“Pag-usapan
Tahimik ang sala. Parang may bagyong dumaan sa katahimikan ng bahay nina Fortuna. Sa isang sulok, hawak ni Jinky ang telepono, nanginginig ang mga kamay, habang nakatitig sa walang laman na dingding sa harapan niya. Sa tabi niya, si Jack, tahimik lang, nakaupo, pinagmamasdan ang kanyang asawa habang sinisipsip ang malamig nang kape.Mula sa kabilang kwarto, maririnig ang mahinang hikbi ni Fortuna. Isang kirot ang gumuhit sa dibdib ni Jinky, ngunit ngayon ay kailangan na niyang harapin ang mas mabigat pang usapin. Hindi na puwedeng ipagpaliban.Huminga siya nang malalim. Tumipa siya ng numero. Isa. Isa pa. Hanggang tuluyang umandar ang linya."Hello? Madam Irene Tan? Si Jinky po ito... Nanay ni Fortuna."Sa kabilang linya, agad sumagot ang pamilyar na boses ni Madam Irene. Matigas, parang laging may galit."Ah, Jinky. Anong meron at napaaga ang tawag mo? May nangyari ba sa anak mo? Kay John?"Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa."Madam Irene... pasensya na po kung biglaan. Pero kailangan
Huminga nang malalim si Fortuna, saka tumingin sa kanyang ina na punô ng luha ang mga mata."Ma... Wala po akong balak ipaalam kay John ang tungkol sa dinadala ko..."Napapitlag si Jinky. Hindi siya agad nakasagot."Bakit, anak?" tanong niyang halos pabulong. "Wala ka bang balak sabihin sa kanya na magiging ama siya?"Umiling si Fortuna, saka muling napahawak sa tiyan niyang bahagya nang umumbok."Ayaw ko na, Ma. Tutal... nabuo si baby sa kasakiman ko. Dahil sa sobrang pagmamahal ko kay John. Ginawa ko ang lahat para mapasakanya, kahit hindi ko na inisip kung tama ba o mali. Bunga ito ng mga pagkakamali ko—ng mga desisyong ginawa ko sa ngalan ng pag-ibig na hindi kailanman naging patas."Napahigpit ang yakap ni Jinky sa anak. Ramdam niya ang bigat ng bawat salitang binitiwan nito. Ngunit tahimik lang siyang nakinig."Ma, sana... sana mailihim natin ‘to sa pamilya nila. Ayaw kong may makaalam, lalo na sina Tita Leona at Lola Irene. Baka maundlot pa ang paghihiwalay namin. Baka mas lalo
KinabukasanSa bahay nina Jinky at Jack, tahimik ang umagang iyon. Ang sikat ng araw ay bahagyang sumilip sa puting kurtina. Amoy kape. Ngunit sa gitna ng tila ordinaryong araw, mabigat ang hangin sa paligid."Anak, kumain ka muna. Kahit konti lang," malumanay na sabi ni Jinky habang inilalapag ang mainit na lugaw sa mesa. "Hindi puwedeng wala kang laman ang tiyan.""Ma, kape lang muna." Tinapunan siya ng ngiti ni Fortuna, pilit pero magalang."Hindi sapat ang kape," giit ni Jinky. "Buntis ka na ngayon. Kailangan mo ng sustansya.""Mamaya na lang po. Wala pa rin akong gana."Napalingon si Jack mula sa upuang kahoy sa may bintana. "Gising na pala ang prinsesa. Kumusta ang tulog mo, anak?""Hindi po ako masyadong nakatulog. Ang dami ko pong iniisip.""Si John na naman ba?" Tanong ni Jack, diretsong tinignan ang anak.Tumango si Fortuna. "Nag-text ulit kagabi. Hinahanap ako. Tinanong niya kung babalik pa ako.""Ano’ng sagot mo?" tanong ni Jinky, dahan-dahan ang tinig."Wala po. Hindi ko
“Pero hindi na niya ako mahal, Ma. Baka isipin niya ginagamit ko lang ‘to para bumalik siya.”“Kung gano’n ang isipin niya, siya na ang may problema. Ang mahalaga, ginawa mo ang tama. Bata ‘yan, anak mo ‘yan. At kahit anong mangyari, kami ng Papa mo, kakampi mo.”Sa bahayPagkauwi nila, nagulat si Jack na naroon na sa sala.“O? Anong sabi?”Tumingin si Fortuna sa kanyang ama, lumapit at niyakap ito.“Pa… magiging lolo ka na.”Hindi agad nakapagsalita si Jack. Nanginginig ang kanyang kamay habang hinahaplos ang likod ng anak.“Anak… ipaglalaban natin ‘to. Wala kang dapat ikatakot.”Mahigpit ang yakap ni Jack kay Fortuna, parang nais nitong kunin lahat ng bigat na dinadala ng anak. Naroon ang tapang sa kanyang tinig, pero naroon din ang bahagyang pangungusap na puno ng pag-aalala. Hindi man siya palasalita, pero sa oras na ito, dama ni Fortuna ang buong pusong suporta ng ama.“Pa…” humikbing si Fortuna habang nakayakap pa rin sa kanya, “hindi ko po alam kung anong gagawin ko. Natatakot
Sa ibabaw ng dining table, may naiwan na sobre. Kulay pula. Simple, walang pangalan. Ngunit hindi niya kailangang hulaan kung para kanino iyon.Pulá—paboritong kulay ni Fortuna. Ang kulay ng matapang na puso. Ng puso niyang sinira ni John nang hindi man lang niya namalayan.Kinabahan si John. Dahan-dahang nilapitan ang mesa, parang may bomba sa ibabaw nito. Huminga nang malalim, kinuha ang liham, at binuksan.Tumambad sa kaniya ang sulat-kamay ni Fortuna.“John,Dalawang araw akong nanatiling tahimik. Hindi dahil wala akong gustong sabihin. Kung tutuusin, napakarami. Sigaw ang puso ko. Sigaw ang katawan ko. Pero mas pinili kong lumayo, kasi alam kong hindi mo na ako naririnig.Pumipikit ka na sa totoo. At kahit anong pilit kong ngumiti, alam kong hindi mo na ako nakikita.Hindi ako umalis para pasaktan ka. Umalis ako para iligtas ang natitira sa sarili ko. Kasi habang pinipili mong saktan ako sa katahimikan mo, pinipili ko pa ring ipaglaban ka—kahit alam kong may iba nang laman ang mg
Mula sa condo ni Senyora, dahan-dahang binaybay ni John ang daan pauwi. Madilim na ang paligid, ngunit mas madilim ang loob niya. Bagama’t katawang-lupa lang ang bumaba ng elevator, pakiramdam niya’y naiwan ang kaluluwa niya sa pagitan ng mga halik at pag-ungol nila ni Senyora. Isang gabing mainit pero walang saysay. Isang gabing pinuno ng apoy ang laman, ngunit hungkag ang damdamin.Pagpasok niya sa bahay, katahimikan agad ang sumalubong sa kanya. Wala si Fortuna."Siguro nasa hotel pa," mahinang bulong niya sa sarili habang isinasara ang pinto. Si Fortuna ay executive chef sa isang kilalang hotel and restaurant sa Maynila—isang posisyong pinaghirapan nito ng ilang taon. Kung may isang bagay na hindi matatawaran sa kanya, iyon ang dedikasyon sa trabaho.Diretso si John sa kwarto. Hubad ang emosyon, pati na ang damit. Pumasok siya sa banyo, binuksan ang shower, at hinayaang bumuhos ang malamig na tubig. Para bang inaasahan niyang mahuhugasan ang kasalanang paulit-ulit na bumabalot sa
Samantala si Fortuna umuwi sa kanyang magulang nalulungkot siya pag-uuwi ng bahay mag-isa na naman siya.Pagkatapos ng kanyang trabaho dumiretso na ito sa bahay ng kanyang magulang.Pumihit ang doorknob. Tahimik ang paligid.Si Fortuna, pagod mula sa trabaho, ay pumasok na parang pasan ang buong mundo. Nakasalubong niya ang liwanag mula sa maliit na lampshade sa sala—walang tao. Walang tunog. Wala si John.Tinanggal niya ang heels, umupo sa gilid ng sofa, at saglit na tinitigan ang wedding photo nilang dalawa. Maaliwalas noon ang ngiti nila. Kunwaring masaya. Kunwaring buo.Ngunit ngayon, alam na niya ang totoo. Ang taong gusto niyang mahalin, ay may ibang laman ang puso.Sumulpot si Jinky mula sa kusina, may dalang tasa ng tsaa. “Anak,” mahinang wika nito, “kumain ka na ba? Alam kong pagod ka.”Ngumiti si Fortuna. Pilit. “Okay lang ako, Ma. Wala si John?”“Wala pa raw... sabi sa text, may lalakarin lang.” Tahimik na lumapit si Jinky. “Pero anak… sa totoo lang, hanggang kailan mo titi