Home / Mistery / Thriller / Blinded Justice (Unveil the Mystery) / CHAPTER 1: HACIENDA VERGARA MASSACRE, CRIME OF THE YEAR

Share

CHAPTER 1: HACIENDA VERGARA MASSACRE, CRIME OF THE YEAR

Author: Queen Talyah
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

November 11, 1992-One hundred eleven people were killed in Hacienda Vergara, the victims were mostly farmers and workers, their corpses hastily buried in shallow graves...

Sarmiento Press Headlines

Hacienda Vergara Massacre: One hundred eleven people were brutally killed on a stormy afternoon, and the dead bodies were buried near the vicinity of Vergara's mansion.

The Daily Inquirer

The whole nation was shocked when one hundred eleven people were massacred at Hacienda Vergara. Police reports said that the Vergara Family is the prime suspect in the horrible crime.

"Ariah," Mom called me. I was busy reading the news articles that were published 30 years ago when she came out from the kitchen.

"Yes, Mom," I answered without directly looking at her.

"Binabasa mo na naman 'yan, anak." She sounded so disappointed. "Ilang ulit na ba kitang pinaaalahanan na 'wag mo ng pakialaman ang mga gamit na may kinalaman sa trabaho ko noon, paulit-ulit mo nalang akong sinusuway," dagdag pa niya.

I felt a pinch of guilt nang sabihin ni Mama 'yon.

"I'm sorry Ma, gusto ko lang kasing mas matutunan pa ang mga bagay na may involvement sa trabaho mo. I want to be like you. Gusto kong sundan ang yapak mo," sincere kong sabi. "Bakit ba ayaw mong maging isang journalist din ako tulad mo?" tanong ko habang deretsong tumingin sa kanya.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mama, pagkatapos ay nanatili siyang tahimik. Alam kong noong una pa lamang ay tutol na talaga siya sa kinuha kong kurso pero ito talaga ang gusto ko. I graduated Bachelor of Arts in Journalism and gusto ko talagang maging isang successful journalist tulad ni Mama.

"Ma—" I finally broke the silence, "Bukas na pala ang start ng internship ko," nag-aalinlangan kong sabi.

"Anak, makinig ka." Bakas sa mukha ni Mama ang pagka-disgusto. "Hindi na ba talaga magbabago ang gusto mo?" biglang nag iba ang emosyon sa mukha niya, magkahalong kaba, takot at pag-aalala.

"Ma, hanggang ngayon 'yan na naman ba ang pag-aawayan natin?" medyo napataas ang boses ko. Simula noon ayaw na talaga ni Mama na maging journalist din ako tulad niya. Ang dahilan niya? Wala. Wala siyang masabi o ma-explain man lang kung bakit.

"Wala kang alam sa mundong iyong papasukan Ariah, kaya habang buhay pa ako, hindi ako papayag na matulad ka sa akin," sagot ni Mama at deretso akong tinalikuran.

Naiwan akong naguguluhan. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga.

******

Sarmiento Press Inc.

Sarmiento Press Inc. is a known topped rating Press company in the Philippines, it is managed by Sebastian Sarmiento, the eldest son of the influential and prominent Sarmiento Clan.

I was still in awe of the acceptance of my Letter of Intent and Application for my Internship. Hindi kasi basta-basta tumatanggap ng internship at maging new employees ang kompanya.

I was busy browsing the internet, reading about Sarmiento Press Inc. Its background, history, and Management nang pumasok si Mama sa kwarto ko.

"Ariah—" Mother paused nang napasulyap siya bigla sa screen ng laptop ko, her eyes widened and then suddenly turned furious. "Sa Sarmiento Press ka mag ta-trabaho bilang intern?" may halong galit ang tono ng boses nito.

"Yes, Ma—"

"No!" Mom interrupted me. "Hindi, hindi puwede," hysterical niyang sabi.

"Ma, ilang ulit na ba nating pinagtalunan ang bagay na 'to? pwede ceasefire muna? pagod na pagod na ako, whatever your reason is, I don't care. Ma, pwede bang kahit ngayon lang suportahan mo naman ang gusto ko-ang pangarap ko," frustrated kong sumbat at dahil nawalan na ako ng ganang ipagpatuloy ang ginagawa ko ay deretso kong tinurned-off ang laptop ko.

"Good night, Ma," walang gana kong sabi. Kailangan kong matulog ng maaga para naman kahit papaano fresh akong papasok sa first day ng aking internship.

Deretso akong humiga sa malambot kong kama at nag talukbong ng kumot, wala akong pakialam kung nandiyan pa si Mama. Nagtatampo ako sa kanya dahil hindi man lang niya magawang suportahan ang gusto ko, ang pangarap ko.

Hindi kumibo si Mama at nanatili lamang itong nakaupo sa tabi ko. Pinakiramdaman ko kung ano ang gagawin niya ngunit patuloy lang ito sa pagpapakawala ng sunod-sunod na buntong hininga.

Lumipas ang ilang oras, narinig ko ang pagsara ng pinto. Lumabas na si Mama na wala man lang, "Good night too, anak." Gaya ng palagi niyang ginagawa tuwing matutulog na ako.

Hindi ko maiwasang magtampo kay Mama at talagang masama ang loob ko.

Nakatulala ako habang nakatitig sa kisame, kung saan-saan na naglalakbay ang utak ko hanggang sa finally dinalaw na ako ng antok at dahil na rin siguro sa masama kong pakiramdam ay kusa nalang tumiklop ang talukap ng aking mga mata. Then, darkness totally engulfs my whole system.

***

SARMIENTO PRESS INC. MEETING ROOM NEWS SECTION

"Good morning, everyone, my name is Edward Cortiz, ako ang head ng news team. Based on our informant may i- co-cover tayong crime ngayong araw. E-ready na ninyo ang mga gamit, dapat tayo ang unang makakapunta sa crime scene before other news company. And by the way we have our new interns, Miss Ariah De Vera, Miss Tanya Cañete, and Mr. Adrian Sandoval. Welcome to Sarmiento Press Inc. Let's all welcome them with a warm applause," maikling introduction ni Sir Edward.

"Good morning po sa inyong lahat," sabay-sabay naming bati.

"It is an honor to become part of news team po sir," sabi ko habang nakangiti ng pagkalapad-lapad.

"Interns, this is your first assignment so break a leg," Sir Edward seriously uttered. Looking at him, he has an undeniably strict persona.

"Okay, I think everyone, and everything is all set now. Let's go, baka maunahan pa tayo ng ibang news company," he added with his autocratic toned voice.

We're ten on the team including Tanya and Adrian. I'm nervous but at the same time excited sa unang assignment namin.

"Ariah, Tanya and Adrian. Sa kotse ko na lang kayo sasakay ang iba ay sa van ng company naman," matipid na wika ni Sir Edward, after our casual meeting was adjourned.

"Hi, I'm Tanya. It's so nice to work with you Ariah," ani ni Tanya habang inilahad ang kamay niya. Looking at her, she looked sophisticated at maganda ang hubog ng katawan niya.   She probably has a good future in modeling than being a reporter.

"Nice meeting you Tanya, I'm sure magiging magaan ang trabaho ko with you. By the way, Ayah nalang ang itawag mo sa akin, hindi kasi ako sanay na may ibang tumawag sa akin ng Ariah. Si mama lang kasi ang tumatawag sa akin ng pangalang 'yan, mostly of my friends at mga naging classmates ay Ayah ang tawag sa akin," sabi ko while shaking hands with my newfound friend and co-worker.

"Hi, by the way, ako si Adrian Sandoval, it's my greatest pleasure to work with two beautiful ladies like you," sabi ni Adrian. Pareho kaming napalingon ni Tanya sa kanya, and honestly, he wasn’t a male model, but he should have been. The aquiline nose he donned perfectly complemented his prominent cheekbones. Handsome in an understated way, his chiseled jaw, a well-built physique, alluring lips, and toned muscle will surely make everyone drool in admiration. His tantalizing yet deep eyes caught my attention. 

Tanya giggled at agad na inilahad ang kamay kay Adrian.

"Hi Adrian, I'm Tanya and I'd love to spend the rest of my days with you," Tanya said in a flirty voice.

Natatawa at napailing si Adrian sa sinabi ni Tanya.

"I'm Ariah De Vera," casual kong sabi.

And after some sort of chitchats, sabay-sabay na kaming lumabas at sumakay agad sa sasakyan ni Sir Edward habang ang iba ay sa designated van ng news team naman sumakay.

We're now heading sa crime scene ng una naming magiging assignment. I felt tensed and kinakabahan ako, medyo na masa-masa na din tong kamay ko dahil ganito talaga ako kapag kinakabahan, nagpapawis ang mga palad.

"I can do it, I'll make you proud Ma," bulong ko sa sarili.

*****

San Fernando Police Station

"Ikaw si Ka Pening 'di ba? Ano ang dahilan bakit mo pinatay ang pamilya mo? Ano ang motibo mo sa pagpaslang sa kanila? Demonyo ka ba? Bakit mo 'yon nagawa sa sariling mong pamilya?!" Pabulyaw kong tanong sa kanya.

Kanina pa mainit ang dugo ko, galit ako... galit na galit. Medyo hindi pa ako naka-recover sa nadatnan namin sa crime scene kanina. Wala ng buhay ang asawa niya na naliligo sa sariling nitong dugo at wala ng dila pati ang tatlong anak niya na pawang mga menor de edad pa at puno ng pasa ang mga katawan habang may laslas ang kanilang mga leeg.

Horrifying! Halos masuka narin ang mga kasama kong reporter kanina.

Nadatnan namin siya sa kwarto na nakatulala habang hawak-hawak ang isang kutsilyo na ginawang weapon sa kagimbal-gimbal na krimen. Puno ng dugo ang kanyang suot at hindi man lang pumalag nang pusasan siya ng mga pulis.

Tiningnan ko siya sa mata pero ang ikinagagalit ko ng husto ay wala man lang emosyon na makikita sa kanya. No remorse, regret, or repentance. Demonyo.

"Alam mo bang ang hustisya ay para lang sa mayaman." Ngumiti ito ng mapakla at tumingin ng deretso sa mga mata ko, his eyes were full of anger and pain.

"Alam mo bang para lang tayong mga piyesa ng chess na nilalaro nila," dagdag niya. Mahiwaga. Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya.

"DEMONYO! DEMONYO KAYONG LAHAT!" Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw at parang wala sa sariling tumawa ng malakas. It looks like he lost his sanity.

"PAPATAYIN KO SILA, AT ISUSUNOD KITA." I was caught off guard, nagulat ako sa ginawa ni Ka Pening. Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan pagkatapos niyang ibulong sa akin ang mga katagang 'yon.

Ito ang huling sinabi niya sa akin bago siya tuluyang umalis at bumalik sa selda niya.

His words left me dumbfounded.

"Ayah! Ano ka bang babae ka, kanina ka pa hinahanap ni Sir Edward. May nakuha ka na bang mga importanting detalye para sa gagawin nating news article?" tanong ni Tanya sa akin habang Nakapamewang.

"Ha? Ahh-wala eh, wala akong matinong sagot na nakuha sa kanya. Mukhang he has lost his sanity. Anong gagawin natin ngayon Tanya?"

"Ay naku huwag mo munang problimahin 'yan. First day pa naman natin eh. Halika na kanina pa tayo hinihintay ni Sir Edward sa sasakyan," pagyayaya ni Tanya sa akin.

Pero hindi parin nawala sa isip ko ang huling sinabi ni Ka Pening sa akin.

"Hoy! Aya. Bakit tulala ka? hindi ka pa nakakaget over sa nasaksihan natin kanina 'no?"

I just nodded, ayoko na kasing humaba pa ang usapan namin ni Tanya. Pakiramdam ko wala pa ako sa tamang wisyo pagkatapos ng usapan namin ni Ka Pening. Nanginginig pa rin talaga ang kalamnan ko sa mga binitawan niyang salita.

"Aya..Tanya get in the car. Si Adrian nasa van na sumakay, kanina pa sila umalis." Bungad ng head namin na si Sir Edward habang nakadungaw sa bintana ng kotse niya.

Hindi ko na namalayang nakarating na pala kami sa parking lot ng police station.

"Alam mo si Sir gwapo sana pero sobrang sungit. Ganyan siguro 'pag wala pang lovelife walang inspiration sa katawan," mahinang bulong sa akin ni Tanya nang makasakay na kami sa kotse.

"Manahimik ka nga baka marinig tayo ni sir, first day na first day natin baka bad record na kaagad tayo," suway ko.

Tahimik at seryoso lang si Sir Edward sa pagmamaneho. Mabuti nalang at nanahimik na din 'tong katabi ko.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaisip sa mga nangyari, kanina nang madatnan namin si Ka Pening sa kwarto ng bahay nila ay parang wala ito sa sarili. Basa ang kanyang pisngi ibig sabihin ay umiyak siya ng mga panahong iyon. Bakit hindi siya tumakas?

My instinct tells me that there's something off sa mga nangyari.

At ang mas lalong ikinabahala ko ay paulit-ulit parin na gumugulo sa utak ko ang mga sinabi ni Ka Pening.

First day ko pa, paano na kaya sa mga susunod pang mga araw? Ito na ba ang ibig sabihin ni Mama na ayaw niyang matulad ako sa kanya?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Amara Sanchez
I started to love this story... mmmm interesting
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Blinded Justice (Unveil the Mystery)   CHAPTER 2: SUICIDE OR MURDER?

    BREAKING NEWS! Wala ng buhaynangmatagpuanng mgapulisang killer na maypakanasapagpataysakanyangbuongpamilya.Ayonsa mgapulissa San Fernando police station ay suicide angdahilanngpagkamatayng suspect.Hinalanila ay hindi nakinayapanitoangbigatngkonsensyadulotngpagpaslangniya sakanyangbuongpamilya. "Nakakalungkot naman, siguro nga talaga hindi na niya kinaya pa ang konsensya at siya na mismo ang kumitil sa buhay niya," ani ni Tanya na nasa tabi ko na pala. Nagitla ako sa nalaman ko.Nagpakamatay si Ka Pening? "Hooooy! Ayah...ano ka ba kanina pa ako nagdadaldal dito para lang pala akong nakipag usap sa hangin. Ano na namang tinutunganga mo diyan?” maarting tanong nitong katabi ko.

  • Blinded Justice (Unveil the Mystery)   CHAPTER 3: THE MISSING KEY

    Sylvia Dela CruzSylvia Dela CruzSylvia Dela CruzPaulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko ang huling sinambit ni Beatrice."Damn Ma! Anong kinalaman mo sa nangyaring pagpatay sa pamilya ni Ka Pening?" frustrated kong sambit, naguguluhan ako at kailangan kong malaman kung ano ang totoo.I

  • Blinded Justice (Unveil the Mystery)   CHAPTER 4: MYSTERIOUS SAVIOUR

    Sunod-sunod na putok ng baril ang pinakawalan ng taong humahabol sa akin ngayon, patuloy pa rin ang paghabol nito kahit ilang ulit ko nang sinubukang iligaw. Oh no! bakit ba kasi ang tanga ko, kung dumeretso na sana ako sa police station total doon naman talaga ang sadya ko! I'm now heading to nowhere at hindi ko na alam kung saan na ako patungo, mangilan-ngilan na lang ang mga sasakyan na kasalubong ko at mukhang liblib na kalsada na 'tong binabaybay ko. "Oh, God please help me, please," nanginginig na ang kamay ko, tagaktak na rin ang pawis ko at nagsimula na akong magpanic.

  • Blinded Justice (Unveil the Mystery)   CHAPTER 5: BEATRICE

    Namayani ang katahimikan, walang nagsasalita sa aming dalawa simula pa kanina, kahit maraming tanong sa utak ko ay tila ayaw gumalaw ng dila ko at walang salita ang lumalabas sa bibig ko."Ariah—" he called me, finally breaking the silence between us."I know, naguguluhan ka sa mga pangyayari pero I don't have the right to tell you everything," he said while looking directly into my e

  • Blinded Justice (Unveil the Mystery)   Chapter 6: Picture of the Past

    Napabalikwas ako ng bangon at bumungad sa aking paningin ang puting pintura ng silid. Walang mga gamit at tanging ang maliit na kama na aking hinihigaan ang nandito sa loob.Biglang kong kinapa ang aking mukha, dibdib at maging ang aking paa. Patay na ba ako? Nasa purgatoryo na ba ako? Oh my God! nasaan si Beatrice? Ang tanging naalala ko ay may isang malaking bagay ang bumunggo sa sinasakyan namin bago ako mawalan ng malay.Napatingin ako sa gawing kanan nang bumukas ang pinto, napaawang ang bibig ko nang mapagtanto kong may isang lalaking nakasuot ng purong i

  • Blinded Justice (Unveil the Mystery)   Chapter 7: Deep Secret

    Tulog si Tanya nang madatnan ko. Mugto ang mata nito sa kaiiyak at bakas pa rin sa mukha nito ang matinding takot. Mabuti nalang kanina at nakontak ko ang number ni Tanya, ngunit si Adrian ang nakasagot. Nakita niya raw si Tanya na tumatakbo sa daan at may humahabol sa kanya, mabuti na lang daw at may nakalimutan siya sa newsroom kaya't naroon pa siya noong mga oras na 'yon. Humahangos at nanginginig sa takot daw si Tanya nang nakasakay ito sa kotse niya. Swerte nga at natakasan nila ang mga taong humahabol sa kanila. Kasalukuyan kaming nandito sa condo ni Adrian. Ayaw daw umuwi ni Tanya sa tinutuluyan niyang bahay dahil baka raw matutonton siya ng mga humahabol sa kanya kaya't dinala siya ni Adr

  • Blinded Justice (Unveil the Mystery)   Chapter 8: The Agreement

    Everything happened in a flash, and I can't believe that Tanya has gone by the wind before my eyes. Hot tears streamed down my cheeks, I was petrified, and seemed too appalled to speak. Andrian doesn't speak either, we're both in total shock at what had happened. No one dares to speak; silence is too bold to cover us both.I tried to close my eyes, hoping that my brain could finally process what had happened. But to no avail, I was still in total disbelief. I covered my face with my shaking hands, tears flooded again and my memories with Tanya continued flashing in my head.Adrian suddenly clears his throat; silence goes away in an instant. He stops the car in the middle of nowhere. "Ariah," Adrian muttered, "Lakasan mo ang loob mo, they already eliminated Tanya, and God knows we'r

  • Blinded Justice (Unveil the Mystery)   Chapter 9: Curiosity kills a Cat

    A great pang gripped my heart and gloom overcame me; Tanya's voice still lingers in my mind. I looked around but everyone is busy doing their usual task when my eyes locked on Tanya's desk, a great sense of weariness sweeps over me sucking my energy with it. "Tanya," I whispered into thin air. I tried to divert my attention to my assigned work but still, my memories with Tanya kept playing in my head. I suddenly snapped back to my senses when my phone beeped, one message received from an anonymous number again. You're wasting your time woman; I've already warned you. You need to gather shreds of evidence as soon as possible, 'coz they're already hunting you. A little longer will make your life in danger.I trembled inside and frustration win over me, Sino ang taong nasa likod nito? Damn it! halos mabaliw na ako sa dami ng nangyari at dumagdag pa 'to. My phone beeped once again, and I glanced at the phone when another message flash on the sc

Pinakabagong kabanata

  • Blinded Justice (Unveil the Mystery)   Chapter 25: Heartbreaking Goodbye

    Napahawak ako sa aking kaliwang braso, napangiwi ako sa sakit at ramdam ko ang preskong dugo na malayang umagos dahil sa daplis ng bala. Kung hindi ako naging maagap sa pagtulak sa ama kong si Sebastian ay tiyak sa dibdib niya tatama ang bala. "Tama nga ang kasabihang 'Blood is thicker than water' hindi mo nga kayang tiisin ang ama mong demonyo." Nanlamig ang buo kong katawan nang mapagtanto kong ang lalaking kaharap namin ngayon ay walang iba kundi si Adrian. Tinanggal nito ang suot na mask at itim na cap, batid kong nanginginig ang mga kamay niya dahil sa galit, mariin niyang hinawakan ang baril na nakatutok sa aming dalawa ng ama ko. "Adrian...please, huwag mong gawin ang masama mong balak! kung ano man ang kasalanan ng ama ko sa 'yo please, huwag mong dungisan ang mga kamay mo! May batas tayo Adrian, handa akong kumbinsihin ang ama ko na pagbayaran niya ang kasalanan niya sa inyo ng pamilya mo!" pagmamakaawa ko rito. "Hindi ang batas rito ang nararapat na magparusa sa demonyo mo

  • Blinded Justice (Unveil the Mystery)   Chapter 24: The Mastermind

    "Good morning dear? Kumusta ang tulog mo, mahimbing ba?" Ang nakangising mukha ni Ms. Anastacia Sarmiento ang bumungad sa aking paningin pagmulat ko ng aking mata.Kinurap-kurap ko pa ang aking mata dahil medyo malabo pa ang aking paningin. Sinubukan kong kumilos pero napagtanto kong nakaupo ako sa isang kahoy na silya habang nakatali ang aking mga kamay at paa. "Anong nangyari? Bakit ako nakatali? Anong binabalak mo sa 'kin?!" natataranta kong tanong."Relax dear, hinay-hinay lang sa pagtatanong. Well, nandito ka sa playground ko and ngayon ay ipapakita ko sa 'yo kung paano ko papahirapan ang mga taong sagabal sa mga plano ko. Just sit here and enjoy the show!" ani nito habang nakangisi na parang demonyo. Napatingala ako nang may isang malaking kahon na gawa sa bakal ang unti-unting ibinaba sa harapan ko. Nanginig at nanlambot ang buo kong katawan nang unti-unti itong bumukas at lumitaw ang duguan at walang malay na katawan ni Ninang Trishia. Halos hindi ko na makilala pa ang mukha

  • Blinded Justice (Unveil the Mystery)   Chapter 23: Devil in disguise

    Adrian's Point of View"Anong pakay mo sa 'kin at kailangan pa talagang sa liblib na lugar tayo magkita?" tanong ko kay Maam Anne. Nandito kami sa gilid ng isang coffee shop, sinabi niya sa 'kin na hindi na namin kailangan pang mag-usap sa loob dahil mahalaga ang pag-uusapan namin ngayon. Balisa ito at bakas sa mukha ang labis na kaba, kanina pa ito nagpapakawala ng malalalim na buntong hininga. "Adrian...hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa iyo ang lahat pero kailangan nating iligtas si Ariah, nanganganib ang buhay niya," natataranta nitong sabi. Taas kilay ko siyang tinitigan at halatang hindi nga ito nagbibiro. "Wala na akong pakialam sa kaniya at kung hindi mo mamasamain ay aalis na ako, kung alam ko lang na 'yan lamang ang sasabihin mo ay hindi na sana ako nakipagkita sa 'yo," prangka kong wika. "Adrian! nanganganib ang buhay ni Ariah sa kamay ni Edward! May masama siyang balak kay Ariah, at alam kong hindi mo kayang tiisin si Ariah. Pinapangako ko sa 'yo na kapag naili

  • Blinded Justice (Unveil the Mystery)   Chapter 22: Flame of Death

    Sarmiento MansionIlang minuto kong tinititigan ang puntod nina Mama at Papa na magkatabi, malinis pa rin ito at parang hindi pinaglumaan ng panahon, halatang inaalagaang mabuti ng care taker ng mansion ang puntod ng mga magulang ko. Walang pinagbago ang lugar na 'to, 30 years na ang lumipas pero pakiramdam ko'y ang lahat ng ala-ala ko sa lugar na ito ay habang-buhay ng nakaukit sa aking puso. "Makipagkita ka sa akin sa lugar kung saan una tayong nagkita. Lubos akong aasa sa iyong pagpunta, maghihintay ako sa iyo mahal.Lubos na nagmamahal,TonioDumilim ang aking paningin at napuno ng galit ang aking puso sa nabasang liham na galing kay Antonio. "Mga taksil!!! Mga walang hiya! Humanda kayo sa 'kin, hindi ako papayag na sasaya kayong dalawa. Hindi ako papayag na mapapasakamay ng walang hiyang Antonio Vergara na 'yon ang pinakamamahal kong si Sylvia! hinding-hindi mangyayari 'yan!" nanggagalaiti kong sigaw habang malakas na hinampas ang mesa sa aking kwarto. Hindi ko alam kung paano

  • Blinded Justice (Unveil the Mystery)   Chapter 21: Excruciating Pain

    "Bullshit! Mga walang silbi, mga inutil!!" I roared in uncontrollable fury. Halos mag-iisang buwan na ang nakalipas pero hindi pa rin nila nahahanap ang walang hiyang Doctor na 'yun. "Oh c'mon my dear brother, ang aga-aga para ka nang toro na galit na galit. What's wrong KUYA? Tell me, baka makatulong ako," may panunodyong bungad sa akin ni Anastacia pagkapasok nito sa opisina ko. "Not now, Anastacia. I'm not in the mood for your silliness. Umalis ka sa harap ko ngayon din." Tiningnan ko siya ng masama ngunit ngumisi lamang ito at halatang nag-eenjoy sa pang bwebwesit sa 'kin ngayon. "Ano ka ba kuya, nakalimutan mo na ba kung anong araw ngayon?" Nakahalukipkip nitong tanong habang seryoso itong nakikipagtitigan sa 'kin."Sa dinami dami kong iniisip, sa tingin mo may panahon pa akong alalahanin ang kung ano mang araw ngayon ha?!" naiinis kong bulyaw sa kaniya. Napahilot ako sa aking sintido. Bad timing ang bruhang 'to, nakakadagdag lamang sa sakit sa ulo ko. "Oh my God KUYA! nakalim

  • Blinded Justice (Unveil the Mystery)   Chapter 20: Her real bloodline

    "Noong araw na 'yun ay inihabilin ko si Sylvia sa kapatid kong si Samuel. Binibisita ko sila tuwing sabado at linggo lamang dahil may mga anak akong kailangang alagaan tuwing weekdays. Patuloy ko rin namang minomonitor ang lagay ni Sylvia at sa kabutihang palad ay unti-unti namang bumalik ang dati niyang sigla. Lumipas ang mga araw at nalaman kong buntis si Sylvia, noong una ay galit na galit ako kay Samuel dahil akala ko, pinagsamantalahan niya ang kondisyon ni Sylvia ngunit nagkakamali ako, nalaman kong isang buwan nang buntis si Sylvia. Nalaman ko ring sa maikling panahon na pagsasama nina Samuel at Sylvia ay nahulog ang loob ng kapatid ko kay Sylvia. Humingi siya sa 'kin ng pabor...nais niyang pakasalan si Sylvia at panagutan ang sanggol sa sinapupunan nito. Gusto ng kapatid kong tumayong ama sa batang dinadala ni Sylvia. Noong una ay tumutol ako sa kahibangan ng kapatid ko ngunit napagtanto kong sobrang mahal ng kapatid ko si Sylvia, at nasaksihan ko mismo kung gaano siya kasaya

  • Blinded Justice (Unveil the Mystery)   Chapter 19: Flashback

    "I'll give you enough time and space to think, Ariah. I already expected this to happen but please know that I have no other bad intentions for you. I only want justice." Adrian's last words before leaving kept playing in my mind.Ilang oras na ang lumipas nang umalis si Adrian pero hindi pa rin nag si-sink in sa utak ko ang mga revelations na sinabi niya sa 'kin. Ngayon ko lang napagtantong lahat ng taong nakapalibot sa 'kin ay hindi ko dapat pagkatiwalaan. Maging ang sarili kong ina ay may sekretong tinatago sa 'kin. Gulong-gulo na ang utak ko, hindi ko na alam kung sino ang totoo at kung sino ang hindi.Biglang napukaw ang malalim kong pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. Isang unregistered number na naman ang tumatawag.Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at agad na sinagot ang tawag. "Hello," nag-aalinlangan kong sagot."Ariah, ako 'to...ang Ninang Trishia mo." Bigla akong nabuhayan sa narinig ko sa kabilang linya."Ninang? Nasaan kayo? Bakit bigla-bigla kayon

  • Blinded Justice (Unveil the Mystery)   Chapter 18: His Secret

    Lumipas ang ilang minuto pagkatapos ng pagsabog ay daling lumabas si Adrian para tingnan kung ano ang dahilan ng nangyaring pagsabog sa labas.Magkahalong takot at kaba ang aking naramdaman dahil baka may nangyaring masama kay Ninang Trishia. Kahit paman ay hindi pa malinaw sa akin kung may kinalaman ba talaga siya sa pagkamatay ni Mama ay ayoko paring may mangyaring masama sa kanya lalo na't isa si Ninang Trishia sa mga taong malapit sa puso ko. Ayokong mawalan na naman ng mahal sa buhay."Anong nangyari? ano ang dahilan ng pagsabog...may namatay ba? bomba ba ang dahilan?" sunod-sunod kong tanong kay Adrian nang makapasok ito sa loob ng bahay."Isang gas explosion ang nangyari do'n sa may tindahan sa kanto. Mabuti na lamang at agad na naagapan at hindi na lumaki pa ang apoy," pagsasalaysay ni Adrian. Nakahinga ako ng maluwag, akala ko may nangyari ng masama kay Ninang."Adrian..." mahina kong sambit, pagkatapos ng sinabi ni Ninang Trishia kanina'y may pagdududa na akong nararamdaman

  • Blinded Justice (Unveil the Mystery)   Chapter 17: Scorching Night

    [WARNING: THIS CHAPTER IS RATED SPG]Nadatnan ako ni Adrian sa labas ng CR na parang batang umiiyak na nakaupo sa sahig habang yakap-yakap ang dalawa kong tuhod.Adrian hugged me tight, and he just let me cry while I lean on his shoulder. My cry turned to whimpers and my sobs echoed the hallway, Adrian's warm hug gives me temporary comfort. It took almost an hour before my tears started to dry and my eyes could no longer cry.Tinulungan akong tumayo ni Adrian pagkatapos kong magdrama sa labas ng banyo. Gulong-gulo ang buhok ko at nasira na ang make-up ko. Hindi na ako mukhang tao."Babalik pa ba tayo sa venue na ganyan ang pagmumukha mo?" natatawang tanong ni Adrian sa 'kin.Pinahid ko muna ang iilang butil ng luha sa aking pisngi at nakasimangot na nakatingin sa kanya. "Gusto kong umalis dito, sasamahan mo ba ako?" deretso kong tanong sa kaniya.Ngumiti lamang si Adrian bilang sagot at agad na hinawakan ang kamay ko, then we runaway, hindi na namin tinapos pa ang party at umalis kami

DMCA.com Protection Status