author-banner
Queen Talyah
Queen Talyah
Author

Nobela ni Queen Talyah

Blinded Justice (Unveil the Mystery)

Blinded Justice (Unveil the Mystery)

Ariah is an aspiring journalist, who dreams to become successful in her chosen field just like her mother. But an unexpected turn of events led her to unravel the mystery that happened 30 years ago, the controversial Hacienda Vergara Massacre. Because of her innate curiosity, she started to solve every piece of the puzzle about the mystery that has been buried a long time ago but unknown to her, what she's about to discover will bring a tremendous onslaught on her and her mother's life. Would she still dare to make things right or would she just let things be buried like they used to be?
Basahin
Chapter: Chapter 25: Heartbreaking Goodbye
Napahawak ako sa aking kaliwang braso, napangiwi ako sa sakit at ramdam ko ang preskong dugo na malayang umagos dahil sa daplis ng bala. Kung hindi ako naging maagap sa pagtulak sa ama kong si Sebastian ay tiyak sa dibdib niya tatama ang bala. "Tama nga ang kasabihang 'Blood is thicker than water' hindi mo nga kayang tiisin ang ama mong demonyo." Nanlamig ang buo kong katawan nang mapagtanto kong ang lalaking kaharap namin ngayon ay walang iba kundi si Adrian. Tinanggal nito ang suot na mask at itim na cap, batid kong nanginginig ang mga kamay niya dahil sa galit, mariin niyang hinawakan ang baril na nakatutok sa aming dalawa ng ama ko. "Adrian...please, huwag mong gawin ang masama mong balak! kung ano man ang kasalanan ng ama ko sa 'yo please, huwag mong dungisan ang mga kamay mo! May batas tayo Adrian, handa akong kumbinsihin ang ama ko na pagbayaran niya ang kasalanan niya sa inyo ng pamilya mo!" pagmamakaawa ko rito. "Hindi ang batas rito ang nararapat na magparusa sa demonyo mo
Huling Na-update: 2022-06-16
Chapter: Chapter 24: The Mastermind
"Good morning dear? Kumusta ang tulog mo, mahimbing ba?" Ang nakangising mukha ni Ms. Anastacia Sarmiento ang bumungad sa aking paningin pagmulat ko ng aking mata.Kinurap-kurap ko pa ang aking mata dahil medyo malabo pa ang aking paningin. Sinubukan kong kumilos pero napagtanto kong nakaupo ako sa isang kahoy na silya habang nakatali ang aking mga kamay at paa. "Anong nangyari? Bakit ako nakatali? Anong binabalak mo sa 'kin?!" natataranta kong tanong."Relax dear, hinay-hinay lang sa pagtatanong. Well, nandito ka sa playground ko and ngayon ay ipapakita ko sa 'yo kung paano ko papahirapan ang mga taong sagabal sa mga plano ko. Just sit here and enjoy the show!" ani nito habang nakangisi na parang demonyo. Napatingala ako nang may isang malaking kahon na gawa sa bakal ang unti-unting ibinaba sa harapan ko. Nanginig at nanlambot ang buo kong katawan nang unti-unti itong bumukas at lumitaw ang duguan at walang malay na katawan ni Ninang Trishia. Halos hindi ko na makilala pa ang mukha
Huling Na-update: 2022-06-16
Chapter: Chapter 23: Devil in disguise
Adrian's Point of View"Anong pakay mo sa 'kin at kailangan pa talagang sa liblib na lugar tayo magkita?" tanong ko kay Maam Anne. Nandito kami sa gilid ng isang coffee shop, sinabi niya sa 'kin na hindi na namin kailangan pang mag-usap sa loob dahil mahalaga ang pag-uusapan namin ngayon. Balisa ito at bakas sa mukha ang labis na kaba, kanina pa ito nagpapakawala ng malalalim na buntong hininga. "Adrian...hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa iyo ang lahat pero kailangan nating iligtas si Ariah, nanganganib ang buhay niya," natataranta nitong sabi. Taas kilay ko siyang tinitigan at halatang hindi nga ito nagbibiro. "Wala na akong pakialam sa kaniya at kung hindi mo mamasamain ay aalis na ako, kung alam ko lang na 'yan lamang ang sasabihin mo ay hindi na sana ako nakipagkita sa 'yo," prangka kong wika. "Adrian! nanganganib ang buhay ni Ariah sa kamay ni Edward! May masama siyang balak kay Ariah, at alam kong hindi mo kayang tiisin si Ariah. Pinapangako ko sa 'yo na kapag naili
Huling Na-update: 2022-06-15
Chapter: Chapter 22: Flame of Death
Sarmiento MansionIlang minuto kong tinititigan ang puntod nina Mama at Papa na magkatabi, malinis pa rin ito at parang hindi pinaglumaan ng panahon, halatang inaalagaang mabuti ng care taker ng mansion ang puntod ng mga magulang ko. Walang pinagbago ang lugar na 'to, 30 years na ang lumipas pero pakiramdam ko'y ang lahat ng ala-ala ko sa lugar na ito ay habang-buhay ng nakaukit sa aking puso. "Makipagkita ka sa akin sa lugar kung saan una tayong nagkita. Lubos akong aasa sa iyong pagpunta, maghihintay ako sa iyo mahal.Lubos na nagmamahal,TonioDumilim ang aking paningin at napuno ng galit ang aking puso sa nabasang liham na galing kay Antonio. "Mga taksil!!! Mga walang hiya! Humanda kayo sa 'kin, hindi ako papayag na sasaya kayong dalawa. Hindi ako papayag na mapapasakamay ng walang hiyang Antonio Vergara na 'yon ang pinakamamahal kong si Sylvia! hinding-hindi mangyayari 'yan!" nanggagalaiti kong sigaw habang malakas na hinampas ang mesa sa aking kwarto. Hindi ko alam kung paano
Huling Na-update: 2022-06-13
Chapter: Chapter 21: Excruciating Pain
"Bullshit! Mga walang silbi, mga inutil!!" I roared in uncontrollable fury. Halos mag-iisang buwan na ang nakalipas pero hindi pa rin nila nahahanap ang walang hiyang Doctor na 'yun. "Oh c'mon my dear brother, ang aga-aga para ka nang toro na galit na galit. What's wrong KUYA? Tell me, baka makatulong ako," may panunodyong bungad sa akin ni Anastacia pagkapasok nito sa opisina ko. "Not now, Anastacia. I'm not in the mood for your silliness. Umalis ka sa harap ko ngayon din." Tiningnan ko siya ng masama ngunit ngumisi lamang ito at halatang nag-eenjoy sa pang bwebwesit sa 'kin ngayon. "Ano ka ba kuya, nakalimutan mo na ba kung anong araw ngayon?" Nakahalukipkip nitong tanong habang seryoso itong nakikipagtitigan sa 'kin."Sa dinami dami kong iniisip, sa tingin mo may panahon pa akong alalahanin ang kung ano mang araw ngayon ha?!" naiinis kong bulyaw sa kaniya. Napahilot ako sa aking sintido. Bad timing ang bruhang 'to, nakakadagdag lamang sa sakit sa ulo ko. "Oh my God KUYA! nakalim
Huling Na-update: 2022-05-30
Chapter: Chapter 20: Her real bloodline
"Noong araw na 'yun ay inihabilin ko si Sylvia sa kapatid kong si Samuel. Binibisita ko sila tuwing sabado at linggo lamang dahil may mga anak akong kailangang alagaan tuwing weekdays. Patuloy ko rin namang minomonitor ang lagay ni Sylvia at sa kabutihang palad ay unti-unti namang bumalik ang dati niyang sigla. Lumipas ang mga araw at nalaman kong buntis si Sylvia, noong una ay galit na galit ako kay Samuel dahil akala ko, pinagsamantalahan niya ang kondisyon ni Sylvia ngunit nagkakamali ako, nalaman kong isang buwan nang buntis si Sylvia. Nalaman ko ring sa maikling panahon na pagsasama nina Samuel at Sylvia ay nahulog ang loob ng kapatid ko kay Sylvia. Humingi siya sa 'kin ng pabor...nais niyang pakasalan si Sylvia at panagutan ang sanggol sa sinapupunan nito. Gusto ng kapatid kong tumayong ama sa batang dinadala ni Sylvia. Noong una ay tumutol ako sa kahibangan ng kapatid ko ngunit napagtanto kong sobrang mahal ng kapatid ko si Sylvia, at nasaksihan ko mismo kung gaano siya kasaya
Huling Na-update: 2022-05-20
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status