Share

Chapter 57: Who is her father?

Author: SQQ27
last update Last Updated: 2024-12-19 10:17:45

Mabilis na kumalat ang mga videos na inupload ng mga netizens. Lalo na dahil bigla ring dumating sa ospital ang asawa ni Direktor Dan at nalaman nito ang ginawang pagtataksil ng asawa. Nabulgar din ang ginawang panloloko ng mag-inang Pia at Mitz. Tama nga ang sinabi ni Tony na ang ginawa nitong paternity ay pineke nito para lang maipasok si Pia sa Nillulf Entertainment.

Habang nangyayari ang lahat ng kaguluhang ito ay hindi naman maalis ang ngiti sa labi ni Georgina. Simple lang siyang gumanti pero malakas ang epekto. May importanteng nawala sa kanya dahil sa kagagawan ng mag-ina, kaya malaki rin ang ibabalik niya sa mga ito.

“Ahh… finally. Ito na ba ang pagbagsak ng iyong madrasta at anak niya?” nakangising sabi ni Tony na ngayon ay nasa tabi niya. Narito ito sa ospital dahil ito ang nagdala sa asawa ni Direktor Dan.

Napahikab si Georgina at napainat ng katawan habang naglalakad. Nakaramdam na naman siya ng pagod nang maalala kung ano ang ginawa nila ni Rhett kagabi. Napayuko siya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
SQQ27
Updated na po
goodnovel comment avatar
SQQ27
Updated na po
goodnovel comment avatar
Evelyn Roque
padagdag po ng chapter plsss
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 58: Pancit Canton

    Nang magising si Georgina ay halos madilim na ang paligid at kumakalam na rin ang kanyang sikmura. Wala na rin ang sakit ng ulo na nararamdaman bago siya matulog dahil sa isipin tungkol sa tunay na ama. Matapos magmumog ay bumaba siya ng kuwarto at nakitang walang ni isang kasambahay sa baba. Alam niyang karamihan sa kasambahay sa pamamahay na ito ay halos sunod-sunuran kay Rizza. Tanging ang mayordoma lamang ang nakakasundo niya pero sa mga sandaling iyon ay wala rin iyon doon.Hindi na niya kayang hintayin kung kailan pa darating ang moyordoma. Nagpasya siyang magluto ng pansit canton na matagal na rin niyang hindi natitikman. Nakasuot siya ng puting malaking t-shirt at boxer short sa pang-ibaba at para hindi madumihan ay nagsuot siya ng apron. Habang nagpapakulo ng tubig ay kumuha siya ng noodles sa cabinet pero kahit matangkad siya ay hindi pa rin niya iyon kayang abutin. She tiptoed and stretched her hand even further and touched the plastic, but still couldn’t reach it. Nang b

    Last Updated : 2024-12-20
  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 59: Ranch

    Kinabukasan, maaga pa lang ay bumiyahe na ang dalawa patungo sa rancho ng kaibigan ni Rhett sa Batangas. Sa katunayan, sina Duncan, Sean at Archer ay nauna na roon kagabi pa. Kaya lang nahuli sina Georgina at Rhett ay dahil ayaw ni Rhett na mapagod siya sa biyahe at gabi na rin nang niyaya siya nito. “Tita!!!” Ang matinis na boses ni Nathalia ang sumalubong kina Georgina pagkababa nila ng sasakyan. Naningkit ang mata niya dahil sa sinabi nito at nakahalukipkip na humarap sa dalaga. Napakamot ito sa batok. “Sorry, I mean, Georgie.”“Nandito ka rin?” Bago pa ito tanungin ni Georgina ay naunahan na siya ni Rhett na nakatayo sa kanyang likuran. Nakasuot ito ng navy blue na polo shirt na pinaresan ng denim jacket at maong na pantalon saka kulay brown na ankle boots. May suot din itong itim na salamin at nang lingunin ito ni Georgina ay hindi niya maiwasang sumikdo ang puso dahil sa nakitang kaguwapohan nito. Kaagad niyang binawi ang tingin bago pa nito mahalata pero huli na dahil tumayo

    Last Updated : 2024-12-21
  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 60: Drowned...

    Isang ngisi ang isinukli ni Georgina kay Sheynon. She gently squeezed her legs against the horse and pulled the rain to make it start moving. Umuusok na gabok ng lupa ang naiwan kina Sheynon, Jerome at Nathalia. Ilang metro kaagad ang agwat na ginawa niya at lalo pa iyong lumaki habang mabilis na tumatakbo ang kabayo sa kahabaan ng racetrack. Pagdating sa dulo ay ilang minuto siyang naghintay sa tatlo bago ang mga ito nakarating. Pero tunog ng lagaslas ng tubig ang pumukaw sa atensyon ni Georgina. Matagal nang nakahinto ang sinasakyan niyang kabayo at naglakad-lakad na lang siya sa labas ng race track. May exit doon kaya lumabas siya at hindi na niya hinintay ang tatlo. Tinunton niya ang pinagmulan ng tunog ng tubig at napamangha siya nang makita ang isang napakataas na talon na tila nang-aaya sa kanyang maligo dahil sa napakalinis na tubig niyon. Nasa taas siya niyon at ang ilalim ay parang napakalapad na swimming pool. Batay sa kalkulasyon niya sa pagbagsak ng tubig ay malalim ang

    Last Updated : 2024-12-22
  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 61: Did we meet before?

    Nasuyod na ni Rhett ang kabuuan ng ilog kung saan puwedeng mapadpad ang katawan ni Georgina pero wala pa rin siyang makita. Hindi pa rin niya mahanap ang asawa at labis na siyang nag-aalala. “Georgina, nasaan ka?” Kapag may nangyaring masama sa asawa ay hindi niya mapapatawad ang sarili niya. Hindi niya ito naalagaan nang mabuti habang nasa poder niya ito. “Ano’ng sinisigaw mo diyan, Rhett? Para kang namatayan.”Ang kalmadong boses ng babaeng hinhanap niya ang biglang sumagot sa tawag ni Rhett. Nang lingunin niya kung saan ang pinanggalingan ng boses ay nakita niya ang paika-ika na si Georgina habang papalapit sa kanya. Pero hindi iyon ang unang nakaagaw ng pansin sa kanya kundi ang kahubdan nito. Ang tanging suot nito ay sports bra at maikling boxer short. Naningkit ang mata niya at marahas na napalunok dahil naramdaman niya ang pagreak ng katawan sa nakitang nakakaalindog na katawan ni Georgina. Naalala niya kung paano niya ito haplusin noong nagniniig sila pero hindi niya hinayaa

    Last Updated : 2024-12-23
  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 62: Her Backstory

    “Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko…” Ang huling mga salita na iyon ni Georgina ay nasabi niya nang halos walang boses dahil hindi na niya kinaya ang antok at kusa nang nagsasara ang talukap ng kanyang mata. Nanaginip si Georgina at ang laman ng panaginip na iyon ay ang pangyayaring ayaw na ayaw niyang maalala. Ang araw na iniwan siya ng kanyang ina. Nasa isang ospital siya matapos magkaroon ng malubhang karamdaman at inaalagaan siya ng kanyang ina. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na namalagi sa ospital pero isang araw ay nagpaalam sa kanya ang ina na may bibilhin lang ito sa labas at babalik din kaagad ito. Pero hindi alam ni Georgina na iyon na pala ang araw nang huli nilang pagkikita. Pilit na inaninag ni Georgina ang hitsura ng kanyang ina sa panaginip pero kahit ano’ng gawin niya ay hindi niya iyon makita dahil malabo iyon sa kanyang paningin. Pagkatapos noon ay dumating ang kanyang kinilalang ama na si Kenneth Lucindo. Kinuha siya nito sa ospital at binigyan s

    Last Updated : 2024-12-24
  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 63: Celeste

    Nang makabalik sila resthouse na inuukupa ng grupo sa rancho ay nakatanggap ng international call si Jerome. Matapos nitong sagutin ang cellphone ay bumakas ang tuwa sa mukha nito bago ibinigay ang cellphone kay Rhett.“Georgie, mauna ka na sa kuwarto at may kakausapin lang ako.”Tumango si Georgina pero nang lingunin niya ang asawa ay nakita niya kung paano bumakas ang tuwa sa mukha nito. Hindi niya alam kung sino ang tumawag kay Rhett pero may hinala siya. Hindi nga siya nagkakamali dahil nang bumalik siya sa kuwarto na tinutuluyan niya kasunod si Nathalia ay sinabi nito kung sino ang kausap ni Rhett. “Kausap ni Tiyo ang kapatid ni Jerome. Balita ko ay uuwi na siya ng Pilipinas. Hmp! Alam naman na may asawa na ‘yung tao ay ipagsisiksikan pa ang sarili.”Mapaklang napatawa si Georgina. “Alright, then. Wala akong pakialam kung gaano pa sila katagal mag-usap. I am tired. Puwede ka nang bumalik sa kuwarto mo, Nat. Pagkatapos kong maligo ay matutulog na ako.”“Pero, Georgie–” Itinaas ni

    Last Updated : 2024-12-25
  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 64: The White Moonlight is back

    Lumabas ng kuwarto si Rhett at tinanong ang nagdaang kasambahay kung saang kuwarto natulog si Georgina. Nang sinabi nitong sa fifth floor sa attic ay nagkasalubong ang kilay niya. “Ganoon kalayo?”Ang kuwarto niya sa fourth floor at ang kuwarto sa attic ay aabutin ng halos sampung minuto bago marating. Hindi niya alam na talagang dinamdam ng asawa ang sinabi niya. Agad siyang pumunta roon at nagpapasalamat siya dahil hindi iyon nakasara. Mahimbing na ang tulog ni Georgina nang makapasok siya kaya marahan ang hakbang niyang lumapit dito. Bumilis ang pintig ng kanyang puso nang makita ang maamo nitong mukha habang natutulog pero dahil bahagyang nakaawang ang labi nito ay tila naeengganyo siyang halikan iyon at ginawa nga niya. Bago pa man lumapit ang labi ni Rhett ay nagmulat na ito ng mata. Inunahan na niya ito bago pa siya magsalita pero hinayaan niyang magkalapit ang kanilang mukha. “Aalis ako ng ilang araw dahil may pupuntahan akong bussiness meeting sa Thailand. Kapag nakabalik

    Last Updated : 2024-12-26
  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 65: G is jealous/ went off to let out some steam

    Next:Hindi alam ni Georgina kung saan siya napadpad basta ang alam niya ay wala siyang tigil sa paglakad-takbo at kahit nananakit na ang paa niya hindi siya tumigil. Walang gaanong tao sa kinaroroonan niya at ang agwat ng mga bahay ay malalayo. Sa kabilang dako ng kalsada ay masukal na kagubatan. “Heh! Surpresa pala, huh?” mapait na bulong niya. Pasalampak siyang umupo sa tabi ng kalsada, tinanggal ang sapatos na suot at inilagay sa tagiliran saka tahimik na lumuha. Nasasaktan siya sa nakita. Nagseselos siya, aaminin niya pero hindi niya iyon pwedeng ipakita kay Nathalia o Rhett. Hindi niya puwedeng ipakita ang totoo niyang nararamdaman dahil kahinaan iyon. Sa walang taong kalsada ay dito siya magmumukmok at tahimik na iiyak. Kahit ang poste ng ilaw sa kalsada ay nakikisabay sa pagdamdam niya. Sabayan pa na unti-unting pumatak ang ulan. Muli siyang napatawa. May nagawa ba siyang kasalanan sa dati niyang buhay para parusahan siya ng ganito? Kahit lumalakas ang buhos ng ulan ay hind

    Last Updated : 2024-12-27

Latest chapter

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 236: Bomb

    Walang tao sa koridor nang makalabas ng kuwarto si Georgina pero hindi niya ibinaba ang pagkaalisto sakaling biglang may sumulpot na kalaban. Nang tingnan niya kanina ang baril na kinuha sa babae ay nalaman niyang siyam na bala lang ang laman niyon. Kailangan sa bawat putok niya ay siguradong makatama siya. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Rick. Wala siyang earpiece na dala dahil hindi siya nakahanda noong umalis siya sa bahay ng mga Farrington. Mabuti na lang at lagi niyang suot ang kuwentas na may camera at scanner kaya nagawa pa rin niyang pasukin ang system ni Reight at ma-hack ang CCTV nito. “Where’s your position, Rick?” Napangiwi si Georgina nang muli na namang humilab ang kanyang tiyan. She is a first-timer mom, but she knew that she was already having contractions. Alam niyang malapit nang lumabas ang mga anak niya. “You okay, G?” nag-aalalang tanong ni Rivk nang marinig ang mabibigat na paghinga niya. “Nasaan ka?” Imbes na sagutin ay balik-tanong niya kay Rick.

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 235: He's Alive

    “Cellphone.” Inilahad ng kapatid ni Rhett ang palad kay Georgina bago binugahan siya ng usok sa mukha. “Akin na ang cellphone mo,” ulit pa nito. Hindi natinag at hindi siya nagpakita ng takot pero bahagyang humihilab ang tiyan niya kaya pinagpawisan siya nang malapot. “I dropped it at the abandoned factory. Kung hindi ka naniniwala ay balikan mo doon at hanapin,” balewalang sagot niya. Hindi naniniwala sa kanya ang lalaki kaya inutusan nito ang babaeng tauhan na kapkapan siya. The girl looked like she was only in her teens, but her awra was already ruthless. Mukhang nahubog na nang kasamaan ang katauhan nito kaya matalim ang tingin nito kay Georgina habang kinakapkapan siya. Georgina was nonchalant, trying to stop herself from making a sound because of her contracting stomach. Matapos siyang kapkapan ay nilingon nito ang boss nito at umiling. Tumango ang kapatid ni Rhett saka tumayo mula sa kinauupuan nitong silya at naglakad palapit sa kanya. Nasa isang kuwarto si Georgina na may

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 234: Be Careful

    “Alam kong gusto mong humingi ng tulong sa kaibigan mo para hanapin si Rhett, but it’s useless. Ibabalik ka lang nila sa mansyon,” ulit ni Olivia habang nasa biyahe na sila. Mabilis ang pagpapatakbo nito ng sasakyan pero hindi nagpakita ng takot si Georgina kahit pa alam niyang nalalagay sa peligro ang buhay niya dahil sa pagsama niya sa babaeng ito. Gusto niya lang makita si Rhett at alamin kung ano ang tunay na kalagayan nito at kung wala na nga ito…“So, bakit ikaw ang nandito? Are you waiting here dahil alam mong lalabas ako?”“Dahil gusto lang kitang isama doon sa lugar na pinangyarihan ng krimen. Dahil katulad mo ay naniniwala akong hindi pa patay si Rhett. At dahil alam kong ikaw lang ang maasahan kong sasama sa akin ay ikaw ang una kong pinuntahan.”Hindi kumbinsido si Georgina sa rason ni Olivia kaya itinaas pa rin niya ang vigilance dito. “Hindi ka ba natatakot baka kung saan kita dalhin?” Biglang tanong ni Olivia nang matagal na namayani ang katahimikan. Sumandal si Geor

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 233: Discovered

    Tahimik at kalmadong bumalik sa loob ng bahay si Georgina. Hindi siya sigurado kung tama ang narinig niya na wala na si Rhett kaya hindi niya ito makontak pero ngayon ay napatunayan na niyang may nangyaring masama rito!Hindi niya matanong si Fredrick dahil alam niyang magsisinungaling lang ito sa kanya at naiintindihan niya iyon dahil kalagayan lang niya ang iniisip nito. Kaya si Vaia at Tony ang agad niyang tinawagan pero ni isa sa dalawa ay walang sumasagot sa kanya. Nanginginig ang kamay na lumabas siya ng kuwarto upang kumuha ng tubig at pakalmahin ang sarili pero nang paikot na siya sa kusina ay naulinigan niya ang dalawang kasambahay na nag-uusap. Base sa boses na naririnig niya ay si Manang Sata ito at si Inday.‘Inday, alam mo ba kung ano ang narinig ko?’‘Ano?’ Sagot kaagad ni Inday na mukhang handang-handa sa tsismis.‘Kilala mo naman siguro si Sir Rhett Castaneda, ‘di ba? Ang may-ari ng paborito mong perfume na Nillulf Scents.’Nanatili sa isang sulok si Georgina at tahimi

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 232: News

    Hindi ipinanganak si Georgina kahapon para hindi niya malaman na ang emergency na sinasabi ni Fredrick ay walang kinalaman sa kanya. Base sa tingin nito bago umalis ay nahihinuha niyang may hindi magandang nangyari at ang unang sumagi sa isip niya ay si Rhett. Hinaplos niya ang tiyan dahil biglang gumalaw ang kanyang anak, marahil ay nararamdaman nito ang pag-aalala niya. She couldn’t go out and investigate. Her pregnancy is restricting her kaya ang ginawa niya ay tinawagan si Rhett pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito makontak. Bago niya matawagan sina Vaia at Tony para alamin kung may nangyari nga ay biglang tumunog ang cellphone niya at si Nathalia ang tumatawag. Agad niya iyong sinagot habang naglakad-lakad sa greenhouse upang alisin ang kaba. Pero ilang segundo na ang nakalipas at wala pa ring nagsasalita sa kabilang linya at nang tingnan iyon ni Georgina ay nakitang pinatay na pala nito ang tawag.Her brows creased and a bad premonition crept inside her. Tinangka niyan

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 231: Bad Omen

    “Totoo nga na ikaw si Chantrea? Ha!” Hindi maipaliwanag ang tuwa sa mukha ni Jerome habang kaharap si Georgina sa hapagkainan nang umagang iyon, este tanghali dahil tanghali na siyang nagising. Masama ang pakiramdam niya dahil nanaginip siya nang masama kagabi at ang buong akala niya ay totoong nangyari iyon kaya ngayon ay medyo sumakit ang ulo niya. Hindi niya pinansin ang excited na si Jerome at hinayaan itong umupo sa tabi niya. Kahit pinagsasandukan siya nito ng pagkain ay hindi niya iyon alintana dahil wala siya sa mood.“Georgina, may problema ba?” biglang tanong ni Fredrick na kakarating lang at umupo sa katapat na mesa. Wala sina lolo Mio at lola Andrea saka ang kanyang ama kaya silang tatlong magkakapatid lang ang naroroon. Masagana ang pagkaing nakahain sa hapagkainan at lahat ng iyon ay paborito niya dahil ni-request iyon ni Fredrick sa mga kasambahay na ipagluto siya ng paborito niyang pagkain. Kahit ganoon ay kaunti pa rin ang kinain niya dahil hindi iyon kinakaya ng si

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 230: Little Brother

    “Ang sabi mo ay mapapasakamay ko ang poortrait ni MoonLover kapag pumunta kami sa art exhibit pero bakit wala roon noong pumunta kami?” Hindi mapigilan ni Georgina na pagalitan si Rhett nang tumawag ito sa kanya via video call. Kakabalik lang nila sa Maynila at agad na silang dumiretso sa mansyon ng mga Farrington dahil sa pamimilit ni Fredrick. Ni hindi na siya nakapunta sa kanyang opisina. Dahil pagod na rin siya at gusto nang magpahinga ay hindi na rin siya tumanggi. Kakatapos niya lang maligo nang magpasya siyang tawagan si Rhett. Medyo madilim ang background nito at hindi niya alam kung nasaan ito.“Yes, I did say that. But something happened and I couldn’t make it to the exhibition.”Nairolyo ni Georgina ang mga mata sa tila walang pakialam na boses ni Rhett. “Kung nasa sa ‘yo ang painting, ibenta mo na sa akin. How much would that be?”“Not saleable. If you continue with the deal I gave Fredrick I will consider giving it for free.”Patamad na humiga si Georgina. Dahil sa malak

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 229: Portrait

    Mabilis na lumabas ng restaurant si Rhett kanina dahil binalitaan siya ni Rick na papunta sa kinaroroonan niya ang tauhan ni Mr. Tai, ang ama ni Olivia. Marahil ay natiktikan siya ni Olivia dahil wala pa siya sa office kaya ginalugad na naman nito ang mundo para mahanap siya. At kapag nakita ng mga itong kasama niya si Georgina ay siguradong sasaktan ng mga ito ang babae. Kahit kaya niyang makipaglaban ay hindi pa rin niya kakayanin ang dose-dosenang kalaban. “Distract them and don’t let them come near Georgina. There will be someone coming to help you if the situation is uncontrollable.”Bumaba ng kotse si Rhett habang kausap pa rin si Rick sa suot na maliit na earpiece. “Don’t worry about it, Rick. Kaya ko na ‘to.” Mabilis niyang pinatay ang tawag at mabilis rin na pinadalhan ng mensahe si Fredrick na huwag palabasin si Georgina. Matapos iyon ay nilapitan niya ang tauhan ni Mr. Tai na kakababa pa lang sa sasakyan. Isang itim na van ang sinakyan ng mga ito at maliban sa driver na n

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 228: Mr. Tai

    “Georgie, I told you, it's not like that,” nanghihinang sabi ni Rhett. Tumayo siya sa upuan at lumipat sa tabi ni Georgina bago ginagap ang palad nito at malumanay na nagsalita. Sa sobrang hina ng boses niya ay kinakailangan niyang lumapit kay Georgina para marinig siya nito. Nagulat si Georgina sa ginawa niya at gustong umiwas ng mukha pero hindi ito hinayaan ni Rhett. Hinawakan niya ang baba nito upang magkaharap sila at magtagpo ang mata. He does want to keep things from Georgina, but seeing her hurting and resenting him like this, his heart aches over and over again. Sinabihan na siya ni Rick na kailangan sikreto ang pakikipaglapit niya kay Georgie at kailangang walang makakaalam lalo na sa mga tauhan ni Olivia, para hindi malaman ng mga ito ang kilos niya. “Then what it is, Rhett? Bakit mo ako pinilit na maging fiancée mo kung kasal ka naman pala sa iba?” Hindi kaagad nakasagot si Rhett dahil pumasok ang waiter upang kunin ang order nila pero nanatili ang daliri niya sa pala

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status