Isang ngisi ang isinukli ni Georgina kay Sheynon. She gently squeezed her legs against the horse and pulled the rain to make it start moving. Umuusok na gabok ng lupa ang naiwan kina Sheynon, Jerome at Nathalia. Ilang metro kaagad ang agwat na ginawa niya at lalo pa iyong lumaki habang mabilis na tumatakbo ang kabayo sa kahabaan ng racetrack. Pagdating sa dulo ay ilang minuto siyang naghintay sa tatlo bago ang mga ito nakarating. Pero tunog ng lagaslas ng tubig ang pumukaw sa atensyon ni Georgina. Matagal nang nakahinto ang sinasakyan niyang kabayo at naglakad-lakad na lang siya sa labas ng race track. May exit doon kaya lumabas siya at hindi na niya hinintay ang tatlo. Tinunton niya ang pinagmulan ng tunog ng tubig at napamangha siya nang makita ang isang napakataas na talon na tila nang-aaya sa kanyang maligo dahil sa napakalinis na tubig niyon. Nasa taas siya niyon at ang ilalim ay parang napakalapad na swimming pool. Batay sa kalkulasyon niya sa pagbagsak ng tubig ay malalim ang
Nasuyod na ni Rhett ang kabuuan ng ilog kung saan puwedeng mapadpad ang katawan ni Georgina pero wala pa rin siyang makita. Hindi pa rin niya mahanap ang asawa at labis na siyang nag-aalala. “Georgina, nasaan ka?” Kapag may nangyaring masama sa asawa ay hindi niya mapapatawad ang sarili niya. Hindi niya ito naalagaan nang mabuti habang nasa poder niya ito. “Ano’ng sinisigaw mo diyan, Rhett? Para kang namatayan.”Ang kalmadong boses ng babaeng hinhanap niya ang biglang sumagot sa tawag ni Rhett. Nang lingunin niya kung saan ang pinanggalingan ng boses ay nakita niya ang paika-ika na si Georgina habang papalapit sa kanya. Pero hindi iyon ang unang nakaagaw ng pansin sa kanya kundi ang kahubdan nito. Ang tanging suot nito ay sports bra at maikling boxer short. Naningkit ang mata niya at marahas na napalunok dahil naramdaman niya ang pagreak ng katawan sa nakitang nakakaalindog na katawan ni Georgina. Naalala niya kung paano niya ito haplusin noong nagniniig sila pero hindi niya hinayaa
“Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko…” Ang huling mga salita na iyon ni Georgina ay nasabi niya nang halos walang boses dahil hindi na niya kinaya ang antok at kusa nang nagsasara ang talukap ng kanyang mata. Nanaginip si Georgina at ang laman ng panaginip na iyon ay ang pangyayaring ayaw na ayaw niyang maalala. Ang araw na iniwan siya ng kanyang ina. Nasa isang ospital siya matapos magkaroon ng malubhang karamdaman at inaalagaan siya ng kanyang ina. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na namalagi sa ospital pero isang araw ay nagpaalam sa kanya ang ina na may bibilhin lang ito sa labas at babalik din kaagad ito. Pero hindi alam ni Georgina na iyon na pala ang araw nang huli nilang pagkikita. Pilit na inaninag ni Georgina ang hitsura ng kanyang ina sa panaginip pero kahit ano’ng gawin niya ay hindi niya iyon makita dahil malabo iyon sa kanyang paningin. Pagkatapos noon ay dumating ang kanyang kinilalang ama na si Kenneth Lucindo. Kinuha siya nito sa ospital at binigyan s
Nang makabalik sila resthouse na inuukupa ng grupo sa rancho ay nakatanggap ng international call si Jerome. Matapos nitong sagutin ang cellphone ay bumakas ang tuwa sa mukha nito bago ibinigay ang cellphone kay Rhett.“Georgie, mauna ka na sa kuwarto at may kakausapin lang ako.”Tumango si Georgina pero nang lingunin niya ang asawa ay nakita niya kung paano bumakas ang tuwa sa mukha nito. Hindi niya alam kung sino ang tumawag kay Rhett pero may hinala siya. Hindi nga siya nagkakamali dahil nang bumalik siya sa kuwarto na tinutuluyan niya kasunod si Nathalia ay sinabi nito kung sino ang kausap ni Rhett. “Kausap ni Tiyo ang kapatid ni Jerome. Balita ko ay uuwi na siya ng Pilipinas. Hmp! Alam naman na may asawa na ‘yung tao ay ipagsisiksikan pa ang sarili.”Mapaklang napatawa si Georgina. “Alright, then. Wala akong pakialam kung gaano pa sila katagal mag-usap. I am tired. Puwede ka nang bumalik sa kuwarto mo, Nat. Pagkatapos kong maligo ay matutulog na ako.”“Pero, Georgie–” Itinaas ni
Lumabas ng kuwarto si Rhett at tinanong ang nagdaang kasambahay kung saang kuwarto natulog si Georgina. Nang sinabi nitong sa fifth floor sa attic ay nagkasalubong ang kilay niya. “Ganoon kalayo?”Ang kuwarto niya sa fourth floor at ang kuwarto sa attic ay aabutin ng halos sampung minuto bago marating. Hindi niya alam na talagang dinamdam ng asawa ang sinabi niya. Agad siyang pumunta roon at nagpapasalamat siya dahil hindi iyon nakasara. Mahimbing na ang tulog ni Georgina nang makapasok siya kaya marahan ang hakbang niyang lumapit dito. Bumilis ang pintig ng kanyang puso nang makita ang maamo nitong mukha habang natutulog pero dahil bahagyang nakaawang ang labi nito ay tila naeengganyo siyang halikan iyon at ginawa nga niya. Bago pa man lumapit ang labi ni Rhett ay nagmulat na ito ng mata. Inunahan na niya ito bago pa siya magsalita pero hinayaan niyang magkalapit ang kanilang mukha. “Aalis ako ng ilang araw dahil may pupuntahan akong bussiness meeting sa Thailand. Kapag nakabalik
Next:Hindi alam ni Georgina kung saan siya napadpad basta ang alam niya ay wala siyang tigil sa paglakad-takbo at kahit nananakit na ang paa niya hindi siya tumigil. Walang gaanong tao sa kinaroroonan niya at ang agwat ng mga bahay ay malalayo. Sa kabilang dako ng kalsada ay masukal na kagubatan. “Heh! Surpresa pala, huh?” mapait na bulong niya. Pasalampak siyang umupo sa tabi ng kalsada, tinanggal ang sapatos na suot at inilagay sa tagiliran saka tahimik na lumuha. Nasasaktan siya sa nakita. Nagseselos siya, aaminin niya pero hindi niya iyon pwedeng ipakita kay Nathalia o Rhett. Hindi niya puwedeng ipakita ang totoo niyang nararamdaman dahil kahinaan iyon. Sa walang taong kalsada ay dito siya magmumukmok at tahimik na iiyak. Kahit ang poste ng ilaw sa kalsada ay nakikisabay sa pagdamdam niya. Sabayan pa na unti-unting pumatak ang ulan. Muli siyang napatawa. May nagawa ba siyang kasalanan sa dati niyang buhay para parusahan siya ng ganito? Kahit lumalakas ang buhos ng ulan ay hind
“Heh, ako na lang ang naaawa para sa biktima mo, G,” biro ni Kraven na nakatayo sa gilid ni Georgina habang nakamasid sa mga bangkay na halos putol-putol ang katawan dahil sa gawa ni Georgina. Duguan ang damit niya pati na ang mukha. Ang espadang ginamit sa pagpaslang ng kalaban ay nakatutok pa rin sa pinakahuling lalaki na pinugutan niya ng ulo. Habol niya ang hininga habang nakatingin kay Kraven pero hindi niya ito sinagot. “Nailigtas na natin ang biktima, puwede na akong umalis, hindi ba?” Lumapit sa kanya si Rick at tumayo sa kabila niyang tabi. “There will be someone who will clean this place. Puwede ka ng umuwi, G,” Rick agreed. Bago makaalis si Georgina ay may idinagdag ito. “If the burden gets heavy, don’t hesitate to come to Isla Thalassina. Alam mong bahagi ka ng islang iyon, G.”Ngumiti si Georgina at nagpaalam na sa lahat. Nasa labas na at naghihintay sa kanya sina Vaia at Tony. mukhang nabalitaan na ng mga ito ang nangyari sa kanya at kay Rhett. “Where to, boss?”“My
Kasunod ng guwapong lalaki ay ang mga unipormadong kalalakihan na mukhang bodyguards nito. Nang makita ni Georgina ang mga ito ay lalo niyang napatunayan na hindi basta-basta ang matandang kaharap niya. Kahit ang babaeng nakasagutan nila ay hindi makaimik sa mga bagong dating. Dali-dali itong sumakay ng sasakyan pero bago makaalis ay pinigilan ito ng guwapong lalaki at inabutan ng tseke. Marahil nang makita kung gaano kalaking halaga ang nakasulat sa tseke ay napalitan ng tuwa at pagsisisi sa mukha ng babae. Bumaba ito ng kotse, humingi ng tawad sa matanda at kay Georgina saka nagpasalamat sa binata na bagong dating saka lang umalis. “Lolo,” tawag ng lalaki sa matanda. Umangat ang kilay ni Georgina nang marinig ang tawag ng lalaki. So, apo pala ng matanda ang guwapong lalaki.hindi na niya pinansin ang mga ito at palihim na umalis pero hindi pa siya nakakalayo ay tinawag siya ng lalaki.“Miss, sandali.” Tumakbo ito papalapit sa kanya. “Salamat sa pagligtas kay lolo.” Nang ngumiti ito
Noong una ay hindi alam ni Georgina kung ano ang mararamdaman nang marinig ang boses ng babae muka sa cellphone ni Rhett. Pero pagkaraan ay kumamig ang awra ng mukha niya habang naniningkit ang matang nakatingin sa cellphone ni Rizza na nakalatag sa palad nito. Kahit si Rizza ay nagulat at hindi makatingin nang diretso kay Georgina. “Who are you? Where’s my brother and why are you answering his phone?” pagkaraan ay tanong ni Rizza. Dahil hindi niya alam kung foreigner o hindi ang kasama ng kanyang kuya kaya nagsalita siya ng english. “Ikaw ba ‘to, Rizza?” Nagulat si Rizza nang biglang magsalita ng tagalog ang kausap at nagkatinginan sila ni Georgina na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang talim sa mata. “Ako nga. Sino ka? Nasaan ang kapatid ko?” Rizza asked again. “Oh, natutulog pa ang kuya mo. May kailangan ka ba? Sasabihin ko sa kanya mamaya na tawagan ka. Mahimbing pa ang tulog, eh. Matahil ay… pagod.” Sinadya ng babae na lambingan ang huling salita nito. Nang tingna
Nanindig ang balahibo ni Jerome sa sinabi ni Vaia.Magkabilaan niya iying hinaplos nang marahas at pinandilatan ng mata ang dalaga. “Ano ba ‘yang pinagsasasabi mo? Hindi ako pumunta rito para d’yan. Pumunta ako dahil may gusto akong itanong sa ‘yo!” Humalukipkip si Jerome at padabog na tumayo upang iwasan ang babae na ngayon ay halos idikit ang mukha sa kanya. Oo nga at nagpakita siya ng interes dito dahil nagustuhan niya ang pagiging maangas nito katulad ni Georgina. Nagustuhan niya rin ito dahil sa gandang angkin nito. Sa pagkakaalam ng binatilyo ay twenty-one years old pa lang ito pero magaling nang maghawak ng negosyo at nagdagdag points iyon para sa kanya. The amount of respect he has for this woman cannot be measured. Kaya naman kahit alam niyang halos dalawang taon ang pagitan ng edad nila at mas matanda ito sa kanya, ay hindi siya nahihiya na gustuhin ito. “C’mon then. Ano’ng itatanong mo?” Vaia sat on the single sofa seat which he just abandoned. Samantalang si Jerome
“Damn it! Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ng Rhett na ‘yon!” Talak ni Vaia kay Tony dahil hindi pa rin mawala sa isip niya ang ginawa ni Rhett. Nasa opisina na sila at kahit ano ang gawin niya ay naiinis pa rin siya. “Sinabi ko na sa ‘yo na hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking iyon. Bakit ba siya pa ang minahal ni Boss?” “Hindi ko alam. Kung gusto mo ay tanungin mo siya para ikaw ang mapagbuntunan niya.” Umupo siya sa upuan at nanghihinang sumandal. Nang maalala si Georgina ay marahas na bumuga ng hangin si Vaia. Sigurado siyang hindi lang basta-basta ang babaeng sumundo kay Rhett sa airport dahil may larawan kung saan magkayakap ang dalawa. Hindi rin basta-basta ang hitsura ng babae. Matangkad ito at katulad ng kanyang boss ay may magandang hubog ng katawan. Blonde ang buhok nito at kapag ngumingiti ay lalong lumulutang ang ganda. “Walanghiyang lalaki. Iniwan ang buntis na asawa sa bansa para makipagkita sa ibang babae?!” mahigpit na napahawak si Vaia s
Alam ni Georgina na darating ang panahon na malalaman ni Rhett na kasapi siya ng isang ahensya na tumatanggap ng misyon upang pumatay, pero hindi pa sa ngayon. Hindi pa nito maaring malaman ang isa niyang katauhan na labis niyang tinatago.“Ako ang may kasalanan kung bakit umalis ako nang hindi nagpapaalam. I’m sorry, Rhett. Gusto ko lang na tulungan ka dahil ako ang dahilan kung bakit nagkaproblema ang kumpanya mo.” Narinig niya ang marahas na pagbuntong-hininga ni Rhett sa kabilang linya at nakaramdam ng matinding pagka-guilty si Georgina. “Kaya sumugod ka sa laban, gano’n? Alam mo ba kung gaano kadelikado ang ginawa mo? Georgina, naman! Papatayin mo ba talaga ako sa pag-aalala?” Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa narinig na galit sa boses ng asawa at lalo siyang nakaramdam ng pangongonsenya. “Rhett… I am safe,” mahina ang boses na pahayag niya. Bahagya siyang naguluhan kung paano nito nalaman na ganoon kadelikado ang ginawa niya. May pinadala ba itong tauhan para sun
Nilakumos ni Georgina ang papel saka mapait na napatawa. “Ni hindi ka man lang makapaghintay na makalabas ako ng banyo?” Habang nasa biyahe pauwi ay halos isang box ng buko pie ang naubos niya kaya hindi siya nagugutom. Matapos tuyuin ang buhok ay nagpasya na siyang matulog. Dahil pagod nang nagdaang gabi ay lampas tanghalian na bago magising si Georgina. Nawala nga ang pagod niya pero napalitan naman iyon ng matinding gutom na tila sinisikmura siya kaya naman mabilis siyang bumangon at dumiretso sa banyo para magduwal. Pagkatapos noon ay nanghihina siyang napaupo sa gilid ng bathtub. Bigla niyang naalala at nanabik sa asawa dahil sa tuwing nagkakaroon siya ng morning sickness ay lagi itong nasa tabi niya at hinahagod ang likuran niya. She felt emotional right now, but the loud rumbling of her stomach distracted her. Kaya wala siyang nagawa kundi ang maghilamos at mag-tootbrush bago bumaba upang kumain ng almusal…este tanghalian.Nang makababa siya sa salas ay naabutan niya ang mag
“Kung wala rin lang ako makukuha sa ‘yo ay mabuti pang tapusin na natin ang lahat ng ito!” malakas na sigaw ni Georgina at mabilis na tumayo habang mahigpit na hawak ang dagger. Humarap siya sa kinaroroonan ni Neil pero napatda siya nang bumungad sa kanya at ilang kalalakihan na nakatutok sa kanya ang baril. She was stunned and remained rooted to the ground. Tama nga ang sinabi ni Rhett na hindi niya dapat maliitin ang pag-iisip ni Neil.Kasunod nang pagkapatda niya ay ang malakas na tawa ni Neil na para bang sinaniban ito ng demonyo. “Gulat ka, Georgina? Hindi ka makapaniwala na marami pa ang naghihintay sa ‘yo?” Kinalma ni Georgina ang sarili at pasimpleng inikot ang mata upang pagmasdan ang paligid at naghanap nang maaring mapagtaguan. Hindi niya kayang labanan ang mahigit sampung kalalakihan na ito na tanging punyal lang ang hawak. Mabilis na gumana ang utak niya at hindi sinagot ang nakakalokong boses ni Neil.“Huwag ka nang mag-isip pa, G. Wala ka nang takas. ANg suhestiyon ko
“Oh, so it's you, Neil Vargas,” kaswal na sabi ni Georgina nang makita kung sino ang lalaking naghihintay sa kanya. Nakarating siya sa Batangas bago mag-alas dose matapos takasan ang guwardiya sa mansyon ni Rhett. Walang ibang nakakaalam na umalis siya ng bahay kahit si Rhett. It was fortunate that her husband was not at home when she left. Hindi niya lang alam kung ano ang iisipin nito kung malaman na wala siya sa bahay pag-uwi nito. Ipinagkibit niya lang iyon ng balikat. Kung may mga bagay si Rhett na ayaw sabihin sa kanya, siguro ay patas lang na mayroon rin siyang itinitago lalo na sa ganitong propesyon niya. “Ako nga.” Malapad na ngumisi ang lalaki. “It's been a long time since we last saw each other, G. Mukhang tahimik at masaya na ang buhay mo ngayon, huh. Tinalikuran mo na ang mga kasamahan mong nagsasakripisyo pa rin para sa bulok niyong ahensya?”Hindi nag-iisa ang lalaki. Pagdating na pagdating pa lang niya sa abandonadong pier ay agad na siyang pinalibutan ng mga kasamah
“Greg, tumigil ka nga. Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” Agad na nilapitan ni lola Rhea ang asawa nito at tinakpan ang bibig para patigilin sa pagsasalita. Saka nag-utos ito ng kasambahay para itulak ang wheelchair nito patungo sa kuwarto ng mga ito sa second floor. May elevator sa loob kaya hindi problema kung sa second floor namamalagi ang mag-asawang matanda. “Georgina, pasensya ka na sa lolo mo, iha. Dala ng operasyon ay kung ano-ano na talaga ang nasasabi niya,” hingi nito ng paumanhin bago sinulyapan si Rhett na nasa kanyang likuran. Malugod itong nginitian ni Georgina. Hindi nakaligtas sa kanya ang makahulugan nitong tingin kay Rhett pero hindi siya nagsalita dahil umaasa siyang sasabihin sa kanya ni Rhett kung may tinatago man ito. She is not angry nor jealous. Madidismaya lang siya kung sakaling malaman niyang may hindi sinasabi sa kanya ang asawa.“Ayos lang po ‘yon, La,” matipid niyang sagot. Hindi siya naapektuhan sa sinabi ni lolo Greg at ipinagkibit-balikat na lang niya iy
Next: “So, kaya mo ako pinilit na umuwi ay dahil na hindi nagtagumpay ang plano mo? Alam mo bang may importante akong misyon na ginagawa pero dahil nagpupumilit ka ay umuwi ako pero ito ang madadatnan ko?”Celeste gritted her teeth as she looked at Neil with irritation. “Ano ang magagawa ko kung hindi mamatay-matay ang babaeng ‘yon?”Sa pamamagitan ng kanyang ina ay nakontak niya si Neil upang madaliin ang plano nila na patumbahin si Georgina. Alam niyang hindi siya nito kayang biguin dahil isa si Neil sa pinakamagaling na mamamatay-tao na kilala niya. “Dahil hindi mo ako sinusunod. Sinabi ko na sa ‘yong hindi basta-basta ang babaeng iyon at hindi mo siya kayang labanan pero hindi ka nakinig sa akin. Tingnan mo ang nangyari, nasaan ka ngayon? Nakakulong ka habang siya ay malayang minamahal ang lalaking gusto mo.”Lalong tumindi ang galit na nararamdaman ni Celeste at malakas na ipinukpok ang kamao sa mesa. “Ano’ng gusto mong gawin ko? Hayaan siyang lasunin ang utak ni Rhett at ng ka