Marami ng maimpluwensyang tao ang nasa loob ng hotel function. Lahat ng mga ito ay nakasuot ng magaganda at mamahaling gown at suit naman sa mga kalalakihan. Maraming kilalang mukha na nandito si Georgina. Bukod sa mga sikat na artista ay mga may-ari ng naglalakihang kumpanya sa loob at labas ng bansa. At hindi malabong may makakilala sa kanya kung hindi siya pinasuotan ni Pia ng badoy na damit at nilagyan ng pangit na make-up. Kaya siya pumayag sa gusto nito ay upang maiwasan niya ang ganoong pagkakataon. Kahit gaano karami ang tao sa loob, ang atmospera ay mahihinuha na mayayaman lamang ang maaring makapasok. Habang nakatingin siya kay Pia, na tila ngayon lang nakapunta sa ganitong pagtitipon ay lihim siyang napaismid. Hindi niya akalain na mas bano pa sa kanya ang isang kagaya nito. At habang binabantayan si Pia ay hindi niya inaalis sa sulok ng mata ang tingin sa kanyang target. Paminsan-minsan ay nililingon niya ito at pasimpleng nilalandi kapag nagtatagpo ang mata nila. Lasing
“Ano’ng ginagawa mo rito?” muling tanong ni Jerome nang hindi pa rin makasagot si Georgina. Kinalma ni Georgina ang sarili at nginitian ito. “Nagpapahinga lang. Masiyadong matao sa loob, hindi ako makahinga.” Humakbang siya papasok upang iwanan ito. Kung huli na siya nakalabas sa damuhan ay siguradong magtatanong si Jerome kung bakit siya naroon at mas malaki ang tsansa na maghihinala ito na may iba siyang ginawa. Dahil nagpatiuna na nga siyang maglakad ay agad siyang sinundan ni Jerome. “Sandali! Paano ka nakapasok? Kasama mo ba si Kuya Rhett?” Biglong huminto si Georgina at nagtatanong ang matang nilingon si Jerome. “Nandito siya?”Habang hinihintay na makasagot si Jerome ay bigla namang nagsalita si Rick sa suot niyang earpiece. “G, all files are uploaded. It is now trending all over the news worldwide. Anumang segundo ay siguradong hahanapin na ng tauhan niya ang target mo. You better make a way for them to not recognize you.”“Paano ka nakapasok kung ganoon?” magkasabayan na t
Nang makita niya ang matalim na tingin ni Rhett ay tahimik siyang napangisi. Bigla kasi niyang naalala ang sinabi ni Rhett. Sinabi naman nito sa kanya na bukod sa materyal na bagay ay wala na itong maibigay sa kanya. Pinapakita lang nito na ang puso nga nito ay nakatali na sa kapatid ni Jerome. Ilang segundo silang nagtititigan bago inilipat ni Georgina ang tingin kay Pia na nanlilisik ang mata habang nakatingin sa kanya. Kung nakakamatay lang ang tingin ay kanina pa siya natamaan.“Saan ka nanggaling? Kanina pa kita hinahanap!?” pabulong pero may galit na tanong nito. Nang makita na nag-iba ang suot niya ay lalong nanlisik ang mata nito. “Bakit ganyan ang suot mo? Sino ang sinusubukan mong akitin dito?”Napaikot ang mata ni Georgina sa narinig. Hindi niya kailangang magbihis ng maganda para lang mang-akit ng lalaki dahil kahit nakatago ang katawan niya ay kayang-kaya niyang makahuli ng malaking isda para akitin. Hinila siya nito at pinaupo sa sofa kaharap nina Rhett at mga kaibigan
“Sinabi nang bitiwan mo ako. Ano ba, Rhett? Gusto mo bang pagalitan ako ni Pia dahil sa pakikipaglapit ko sa ‘yo? Tingnan mo ang nangyari sa ‘yo at nabasa ka na!” saway ni Georgina at mabilis na kumuha ng tisyu upang punasan ang nabasang damit ng asawa. “Tsss…” Binitiwan siya ni Rhett at sumandal ito sa upuan habang nakasunod ang tingin sa kanya habang abala siya sa pagpunas sa damit nito.“Georgina!” sigaw ni Pia nang makita nito na natapunan ng wine ang damit ni rhett. Kaagad itong tumayo upang ito ang magpunas at hinila siya palayo kay Rhett. “Kahit kailan talaga ay napakalampa mo! Magsasalin ka lang ng alak ay hindi mo pa magawa nang maayos!?” Bumaling ito kay Rhett upang humingi ng paumanhin. “Pasensya na, Mr. Castaneda. Laking probinsya ang assistant ko kaya hindi siya gaanong magaling sa trabaho. Huwag kayong mag-alala at siguradong paparusahan ko siya mamaya.” Umangat ang isang kilay ni Rhett sa narinig na sinabi ni Pia. “Parusa? Parurusahan mo siya? Sa tingin mo ay may kar
“Come here,” malamig na utos nito habang sinisenyasan siya ng hintuturo nito na lumapit. Nag-aalangan man ay lumapit si Georgina pero mabagal pa sa pagong ang lakad niya. Dahil doon ay tumalim ang mata at nagkasalubong ang kilay ni Rhett. There was a murderous look in his eyes that if she didn’t come over quickly she would be beaten to death. Gustuhin man niyang suwayin ang asawa ay hindi niya magawa kaya wala siyang nagawa kundi bilisan ang paglalakad at umupo sa tabi nito. “May kailangan ka ba sa akin? Bakit tayo na lang dalawa ang naririto? Nasaan na sila?” maang na tanong niya. Ang buong akala niya ay maabutan pa niya si Pia at mga kaibigan ni Rhett nang makabalik siya.”Bakit kailangan mo pa silang hanapin kung nandito na ako sa harap mo?” matabang na tanong nito. Nang nilingon ito ni Georgina ay nakita niya na tila may bumabagabag sa mukha nito. Lalo tuloy siyang napaisip kung tama nga ang hinala niya na nakita na ang bangkay ng target na pinatay niya. “Nagtatanong lang, bak
Next:Biglang tumunog ang cellphone ni Georgina kaya kumalas siya sa pagkakayakap kay Rhett. “Sandali, at tumatawag ang ‘boss’ ko,” nang-aasar na sabi niya saka mabilis na tumayo upang ang kamay nito na akma pa sanang hahawak sa kanya. “I’m your husband, Georgie,” tila nagmamakaawang ani Rhett. Nilingon niya ito at nginisihan. “Siya ang boss ko ngayon at nagpapasahod sa akin.”“I can also give you money.”Dahil hindi niya agad sinagot ang tawag ay muli na naman siyang tinawagan ng kapatid. Nairolyo ni Georgina ang mga mata bago iyon sinagot habang sinisenyasan si Rhett na lalabas na siya. Walang nagawa ang asawa kundi sundan siya nang matiim na tingin. Nang nasa pintuan na siya ay hindi niya kinalimuang lingunin si Rhett at kindatan. Kitang-kita ni Georgina kung paano dumilim ang mukha ng asawa dahil sa ginawa niya. Nang makalabas siya ay agad niyang sinagot ang tawag ni Pia. “Nasaan ka na naman? Kanina pa kita hinahanap?!” Ang galit na boses ni Pia ang sumalubong sa kanya at kaa
Nagising si Georgina sa malakas na tunog ng kanyang cellphone na naka-charge sa ibabaw ng bedside table. Mag-isa lang siya sa kuwarto dahil ngayong wala si Lola Rhea ay hindi sila magkatabi ni Rhett matulog. Bago sagutin ang nang-iistorbo sa kanya ay nag-inat siya ng katawan at humikab. Gusto pa niyang matulog pero agang-aga ay may sumisira na agad ng araw niya. “Hello?” Sinagot niya iyon ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. “Georgina! Umuwi ka sa bahay ngayon din!”Ang matalas na boses ng kanyang ama ang kaagad na narinig niya kaya’t agad niyang nailayo ang cellphone sa tainga. Hindi na niya kailangang alamin kung ano ang problema dahil alam niyang nagsumbong na naman ang mahadera niyang kapatid. “Alam mo ba kung ano ang ginawa mo sa bagong proyekto ng kapatid mo, huh? Kailan ka ba titigil sa kamangmangan mo at kahit isang beses ay gumawa ka naman ng tama?”Nasaktan si Georgina sa salita ng ama at tuluyan ng nawala ang antok. “Sige, pa. Uuwi ako diyan ngayon din.” Bumango
Nakahanda na sina Georgina at Pia nang dumating ang sasakyan na magsusundo sa kanila. Si Tony ang nagmamaneho niyon at nang makita siya ay hindi nito maitago ang ngiti. “Hindi ko akalain na ang vice president ng Geo’s Group mismo ang magsusundo sa akin,” malapad ang ngiting pahayag ni Pia nang makasakay na sila ng kotse. Tuwang-tuwa ito dahil nakasakay ito sa magarang sasakyan ni Tony. Pero ang hindi nito alam ay pag-aari ni Georgina ang kotse. “Hindi puwedeng baliwalain ang taong tumulong sa presidente ng Geo’s Group,” pormal na sagot ni Tony. Wala na ang ngiti nito nang sinagot nito si Pia. Dahil sa sinabi ng lalaki ay bahagyang dumilim ang mukha ni Pia pero hindi nito pinahalata sa lalaki. Hinawakan nito ang braso ni Georgina. “Siyempre. Nabalitaan ko nga ang nangyari. Lahat ng tao sa pamilya namin ay mababait at matapat dahil bata pa lang kami ay tinuruan na kami ng magulang namin na hindi maganda ang gumawa nang masama.”Hinayaan ni Georgina na mag-usap ang dalawa dahil inaant
Hindi makapaniwala si Georgina kay Rhett nang dinala siya nito sa isang lumang villa malayo sa kabihasnan at walang ibang tao roon kundi sila lamang dalawa. May caretaker na namamahala sa villa pero pinauwi ito ni Rhett nang gabi ring iyon dahil gusto nitong masolo siya.“Bakit mo ako dinala rito? Balak mong maglaro ng tagu-taguan?” Nang-aasar na nilingon niya si Rhett na nasa kanyang likuran pero nagulat siya nang bigla siya nitong isinandal sa pader at ikinulong sa magkabilang braso nito.Rhett smirked with his dark eyes roaming over her lips. Hindi ito nakatiis at sinakop ang kanyang labi saka marahas siyang hinalikan na tila uhaw na uhaw sa kanya. “Taguan? It is more than that!” hinihingal na sagot nito nang maghiwalay ang labi nila. Umangat lang ang isang ilay ni Georgina at pilit na binabasa ang mukha ni Rhett. May nakakalokong ngiti ito sa labi at hindi siya nagkakamali na may iba itong binabalak. Kahit luma na ang disenyo ng villa ay maganda at malinis pa rin iyon. Dahil dis-
Malakas na tumawa si Georgina dahil sa sinabi ni Pia. Ang kapal nga rin naman ng mukha nitong mang-angkin. Pero hindi na siya nakapagsalita pa dahil may baritonong boses ang nagsalita mula sa pintuan at kahit hindi na niya ito lingunin pa ay kilalang-kilala na niya kung sino. “Georgie, hindi mo sinabing may bisita pala tayo?” Natigil ang tawa ni Georgina pero nanatili ang ngiti sa labi na nilapitan ang asawa. “Rhett, you already know them, right? They are my ‘family’. But my sister here claims na siya raw ang dapat na maging asawa mo at hindi ako. Paano ‘yan, aalis na ako rito?” Kinindatan niya ang asawa nang makita ang pagdilim ng mukha nito dahil sa sinabi niya. Rhett was wearing his office suit, and he looked promising, but with a cold aura surrounding him, the three on the sofa seemed a little scared. “Sino’ng maysabing aalis ka? Ikaw ang asawa ko at wala nang iba. Kung may aalis man dito ay walang iba kundi sila.” Tukoy nito sa tatlo na nanatili pa rin
Hindi agad bumaba si Georgina dahil lang naghihintay sa kanya ang pamilya niya. Scratch that, hindi na pala niya pamilya dahil hindi naman niya tunay na ama si Mr. Lucindo na siyang tanging nag-uugnay sa kanya sa pamilyang nakalakihan. “Miss Georgie, inutusan ko na ho ang mga kasambahay na maghintay sa inyo sa baba. Kapag handa na po kayo ay—”Itinaas ni Georgina ang palad para patigilan sa pagsasalita ang mayordoma. “Huwag na, Manang. Hayaan mo silang maghintay hanggang sa gusto nila.” Tumango ang ginang at saka umalis. Bumaba ito gamit ang elevator dahil kapag naghagdan ito ay aabutin na ito ng rayuma nito. Samantalang si Georgina ay tinungo ang hagdanan at dahan-dahan ang lakad na bumaba habang pinapakinggan ang usapan sa salas. Rinig na rinig niya ang malakas na usapan ng mag-ina kahit pa nasa railings siya sa fourth floor. Hindi siya nagbihis at ang tanging suot ay ang malaking damit ni Rhett at ang maikling shorts. Nakalugay rin ang buhok niya na sinuklay niya lang ng kamay. K
“Tell me, Rhett. Sinadya mo ba talagang pumunta sa mall kung nasaan ako? Did you locate me with a tracker again?”Ngumisi si Rhett dahil sa sinabi ni Georgina pero hindi tinanggi ang akusasyon nito. “I’ll try not to do that in the future.”Umikot ang mata ni Georgina at inirapan ang asawa. “I was just strolling out. At wala namang mangyayari sa akin, eh. I can defend myself just fine.”“Really? Kung ganun bakit hindi mo sinabi sa lalaking iyon na hindi mo kasalanan at hindi ikaw ang gumamit ng pangalan ng kapatid niya?”Sa narinig ay muling napairap si Georgina. Fredrick Farrington is really getting on her nerves. Lagi na lang silang nagtatalo kapag nagkaharap sila nito. Ginagap ni Rhett ang kanyang palad at marahan iyong pinisil. “Gusto ko lang masiguro ang kaligtasan mo. Hindi sa binabawalan kitang lumabas pero sana ay alam ko rin kung saan ka pupunta.” “Ang sabihin mo, masiyado mo lang akong kinokontrol. Hmp!”Paano pala kung pumunta si Georgina sa kanyang opisina? Eh di, malalama
Taas ang noo na naglakad palapit sa kanya si Rhett. Wala itong ibang kasama kundi ang bagong assistant nito at mukhang kagagaling lang sa meeting ang mga ito. Rhett’s aura is so powerful and intimidating that Jerome’s classmates were stunned and speechless. Seryoso ang madilim nitong mukha habang nakatuon ang tingin kay Fredrick. Georgina could smell the gunpowder wafting in the air, but Rhett didn’t have a plan to ceasefire. Kaya naman sinalubong ng tingin ni Georgina ang asawa at nang nilingon siya nito ay nagkasalubong ang tingin nila. Nababasa niya sa mga mata nito ang pagod pero nang nagkatitigan sila ay ngumiti ito at kaagad na nawala ang pagkasimangot ng mukha. “Bakit ka nandito?” hindi mapigilang tanong ni Georgina dito. Bagama’t nakangiti ay may halong pagtataka sa boses niya. Lumapit sa kanya si Rhett at tumayo sa tabi niya saka siya kinindatan na parang silang dalawa lang ang naroon at ang ibang nakapalibot ay mga display lamang. “Nandito ako para sunduin ka,” kaswal na
May awa na tiningnan ni Georgina si Jerome. Hindi niya akalaing pati ito ay ginawang scapegoat ni Celeste. Hindi niya alam kung paano pero sinabi sa kanya ni Rhett na ang IP address ng taong nag-upload ng video niya ay mula sa mansyon ng mga Farrington. Pero alam niyang hindi iyon magagawa ni Jerome dahil hindi ito hihingi ng tulong sa kanya para burahin ang video kung ito ang maygawa. Pagkatapos niyang mag-almusal ay umakyat siya sa taas at nagbihis. Pagkababa niya ay naabutan niya si Jerome na naglalaro sa cellphone nito. “Oh, bakit hindi ka pa nakaalis?” tanong niya upang kunin ang atensyon nito na halos hindi maagaw dahil masiyadong itong tutok na tutok at hindi alam ang pagbaba niya. Kinuha ni Georgina at itim na ankle boots sa shoe cabinet at isinuot iyon saka muling nilingon si Jerome. Nakatingin na sa kanya ang binatilyo. “Ang sabi mo ay kaswal lang ang pagiging mag-asawa niyo ni Kuya Rhett. Sabihin mo nga sa akin, Georgina. Nagkakagusto ka na ba sa kanya?”Inihilig ni Geor
“You’re awake?”Biglang nagmulat ng mata si Georgina nang marinig ang baritonong boses ng asawa na nagsalita sa ibabaw niya. Nagsalubong ang mata nila at naningkit iyon dahil sa sobrang lapit ng mukha nilang dalawa. “What are you doing?” namamalat ang boses niya dahil bagong gising. Hindi lang siya pagod kundi puyat pa dahil matapos niyang ma-finalize ang bagong desinyo ng building na ginawa niya kagabi ay pinadalhan siya ni Rick ng mensahe tungkol sa kanyang ina. May nakuha itong lead kung bakit may taong interesadong patumbahin ang kanyang ina. Iyon ay dahil sa isang nakalaban nitong pulitiko at ang painting na ginagawa nito noon ay tungkol sa kasakiman at pangungurakot ng pulitiko na iyon. Hanggang sa ngayon ay hinahanap pa rin nila ang painting na iyon para malaman kung sino ang taong nakabangga ng kanyang ina. Ang isa pang sinabi ni Rick ay walang kinalaman si Rhett sa pagkamatay ng kanyang ina. Nagkataon lang na nandoon ito sa hotel lobby noong araw na namatay ito. Isa pa, ha
Hindi alam ni Georgina ung ano-ano ang uri ng inumin ang ibinuhos sa kanya pero napapasalamat siya at ni isa ay walang mainit na inumin ang bumuhos sa kanya. Hindi niya alam kung gaano kahaba ang pagtitimpi na ginawa niya para lang hindi balagbakin ang mga kabataang nakaharap sa kanya. “What the hell are you all doing?” Ang mataginting at galit na boses ang biglang gumulat sa mga kabataan na tila sinindihan ang puwet sa takot. Isa-isang nagsipulasan ang mga ito upang bigyan ng daan si Rhett na madilim ang mukhang nakatayo sa entrance ng shop at diretso ang matang nakatingin sa kanya. Naniningkit ang mata nito habang inilibot ang tingin sa mga college at high school students na karamihan sa mga naroon ay nakauniporme pa ng sikat na paaralan. Ang buong akala niya ay ayaw pumasok ng asawa niya kaya naman hinayaan niya itog magmukmok sa labas pero dahil sa narinig na kumosyon ay hindi niya mapigilang bumalik at hindi nga siya nagkamali ng hinala na nasa kaguluhan ito pero kung ano ang
Habang abala sa pagtipa ang daliri ni Georgina at hinahanap ang IP address ng nag-upload ng video tungkol sa kanya ay ilang beses na siyang pinadalhan ni Rhett ng mensahe. Kinukumusta siya nito kung ayos lang ba ang pakiramdam niya at kung may masakit ba sa kanya. Sinabihan rin siya nito na kapag gising na siya ay magpadala siya rito ng mensahe pero lahat ng iyon ay hindi binasa ni Georgina dahil abala siya sa pagha-hack sa account ng taong nag-upload ng video. Alam niyang hindi iyon galing sa vlogger mismo dahil binalaan na iyon ni Fredrick na ‘wag magsalita, iyon ang sinabi sa kanya ni Jerome noong tinanong niya kanina. Kung sino man ang gustong manira sa kanya ay sisiguraduhin niyang hindi magtatagumpay. Ang problema, nasa kalagitnaan na siya ng pagha-hack sa account ng original poster nang bigla siyang tinawagan ng asawa. Sinulyapan lang iyon ni Georgina pero hindi niya sinagot at nagpatuloy sa mabibilis na pagtipa na para bang may hinahabol na script at kailangan nang isumite. N