Nakagat ni Georgina ang labi at umakyat sa pasimano bago tumalon sa ibaba pero hindi nakaligtas sa pandinig niya ang malakas na sigaw ni Rhett. “Thief!” Habang nasa ere ay itinaas niya ang gitnang daliri pero hindi siya lumingon dahil alam niyang nakadungaw sa bintana si Rhett. Hindi na niya kailangan si Kraven na saluhin siya dahil kaya na niya ang sarili. Pagkalapat ng katawan niya sa damuhan ay nag-front rolling siya upang ibalanse ang katawan at hindi mabalian ng buto saka mabilis na tumayo. Dahil sa sigaw ni Rhett ay nagkagulo sa taas at hindi lang ito ang nakadungaw sa bintana kundi pati na rin ang may-ari ng bahay. Nagkakagulo pa rin sa labas dahil sa ginawa ni Tony kaya karamihan sa mga tao ay hindi alam kung ano ang nangyari sa ikalawang palapag ng bahay. “Bene, ‘wag mong hayaan na makababa sila kaagad. Bigyan mo kami ng oras para makalabas ng gate. Tony, get the fuck out of there!” utos ni Georgina habang mabilis na tumatakbo at sinusundan si Kraven. “G, cops are on the
“Kanina pa kita tinatawagan. Bakit hindi ka makontak? Ano pa ang silbi ng cellphone mo kung hindi mo naman sinasagot?” Gusot ang mukha na salubong sa kanya ni Rhett nang makababa siya ng hagdan. Bumaba lang si Georgina upang uminom ng tubig pero ang madilim na mukha ng asawa ang agad na sumalubong sa kanya. Nagtatanong ang mga matang inilibot niya ang paningin sa salas at ganoon na lang ang pagtataka niya nang makita ang ilang pulis na naroon. “May nangyari ba? Bakit maraming pulis?” Binalingan niya si Rhett at tinanong. “May nangyari? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo niyan?” Inisang-hakbang nito ang pagitan nila at hinaklit siya sa braso. “Sabihin mo, saan ka nanggaling? Bakit hawak ng mga pulis ang wallet mo?” malamig ang boses na dagdag pa nito. “Sandali, Rhett. Nasasaktan ako, ano ba?” nakangiwing angil niya rito. Binitiwan siya ni Rhett nang makita ang hitsura niya at saka lang bahagyang lumambot ang ekspresyon nito. “Saan ka nagpunta pagkagaling mo sa resort?”Nakahand
“What’s wrong with the picture? Kaibigan ko ‘yan at kaklase. Hindi mo ba ‘yan nakita sa resort kahapon? Naroon siya. Ano’ng masama kung magkasama kami?” Kaagad na depensa ni Georgina sa tanong ni Rhett. Ibang level ang pagsisinungaling niya at ang emosyon ng mukha ay tila nagsasabi siya ng totoo.Isa-isa niyang pinulot ang nagkalat na larawan at inayos iyon saka muling ibinigay kay Rhett. “Tingnan mong mabuti. May dalawa pa kaming kasama d’yan.” Nang hindi tinanggap ni Rhett ang larawan ay sapilitan niyang kinuha ang kamay nito at inilagay iyon doon saka ito tinalikuran at pumasok sa loob ng bahay. Ang mabisang paraan para maiwasan at lumalim pa ang usapan ay talikuran ito at balewalain. Nasa base na siya ng hagdan paakyat nang magsalita si Rhett. “Kung hindi ka naghahanap ng ipapalit sa akin, then, bakit ayaw mong patagalin ang kasal natin?”Napangisi si Georgina dahil natakasan na niya ang usapin tungkol kay Kraven. Binaling niya ang ulo upang lingunin ito pero nang makita ang ser
Mabilis na naligo at nagbihis si Georgina saka bumaba ng kuwarto. Naabutan niya roon ang lola Rhea na nakabihis pang-alis at may luggage sa tabi. Mukhang aalis ito. “Lola, aalis po kayo?” Tanong niya at nilapitan ito bago hinalikan sa pisngi. “Yes, iha. Kailangan kong bumalik sa America para bantayan ang lolo mo dahil nagta-tantrums na naman. Alam mo namang kakatapos lang niya sa operasyon kaya kailangan kong bantayan.” Hinawakan nito ang kamay niya saka marahang pinisil. “Sana sa pagbalik ko ay may marinig na ako na magandang balita.”Hindi na kailangang alamin ni Georgina kung ano ang hinihiling ng matanda dahil iisa lang naman ang gusto nito, ang magka-anak sila ni Rhett.Tipid na ngumiti si Georgina saka tumango. Inihatid ng driver si lola Rhea sa airport kaya nagtawag ng taxi si Georgina. Pero bago tumungo sa opisina ni Rhett ay dumaan muna siya sa base ng CSS upang kausapin si Uncle John tungkol sa pagbabalik niya sa trabaho. Upang hindi masundan o malaman ng ibang tao ang bas
Nagkibit-balikat si Georgina nang marinig ang sinabi ni Pia. Mukhang totoo nga na talagang pinahalagan ito ng kumpanya ni Rhett dahil sa asikasong-asikaso ito ng manager. Pero hindi siya agad nakasagot dahil naunahan siya ng manager. “Ah, Pia. Hindi puwede. Itinalaga si Miss Georgina sa akin ni Mr. Archer.” Ang taong ipinakilala sa kanya ng assistant ng boss nila ay malakas ang kapit nito sa nakakataas. Bakit itatalaga niya ito bilang assistant ng artista nila?“Pero manager Tam, gusto ko siyang maging assistant ko. Tutal at magkakilala na rin naman kami kaya pamilyar kami sa isa’t isa. Hindi na ako mahihirapang turuan siya,” giit ni Pia. Nakasandal ito sa pader sa tabi ng pinto habang si Manager Tam ay nasa gitna ng nakabukas na pinto. Sandaling nag-isip si Mr. Tam. Baka siya ang malalagot kay assistant Archer kapag sinunod niya ang kapritso ng bagong artist nila. “Pia, ganito kasi… si Georgina ay—““Mr. Tam, sige na, please. Hayaan mo na ako na ako ang magdesisyon sa magiging assi
Marami ng maimpluwensyang tao ang nasa loob ng hotel function. Lahat ng mga ito ay nakasuot ng magaganda at mamahaling gown at suit naman sa mga kalalakihan. Maraming kilalang mukha na nandito si Georgina. Bukod sa mga sikat na artista ay mga may-ari ng naglalakihang kumpanya sa loob at labas ng bansa. At hindi malabong may makakilala sa kanya kung hindi siya pinasuotan ni Pia ng badoy na damit at nilagyan ng pangit na make-up. Kaya siya pumayag sa gusto nito ay upang maiwasan niya ang ganoong pagkakataon. Kahit gaano karami ang tao sa loob, ang atmospera ay mahihinuha na mayayaman lamang ang maaring makapasok. Habang nakatingin siya kay Pia, na tila ngayon lang nakapunta sa ganitong pagtitipon ay lihim siyang napaismid. Hindi niya akalain na mas bano pa sa kanya ang isang kagaya nito. At habang binabantayan si Pia ay hindi niya inaalis sa sulok ng mata ang tingin sa kanyang target. Paminsan-minsan ay nililingon niya ito at pasimpleng nilalandi kapag nagtatagpo ang mata nila. Lasing
“Ano’ng ginagawa mo rito?” muling tanong ni Jerome nang hindi pa rin makasagot si Georgina. Kinalma ni Georgina ang sarili at nginitian ito. “Nagpapahinga lang. Masiyadong matao sa loob, hindi ako makahinga.” Humakbang siya papasok upang iwanan ito. Kung huli na siya nakalabas sa damuhan ay siguradong magtatanong si Jerome kung bakit siya naroon at mas malaki ang tsansa na maghihinala ito na may iba siyang ginawa. Dahil nagpatiuna na nga siyang maglakad ay agad siyang sinundan ni Jerome. “Sandali! Paano ka nakapasok? Kasama mo ba si Kuya Rhett?” Biglong huminto si Georgina at nagtatanong ang matang nilingon si Jerome. “Nandito siya?”Habang hinihintay na makasagot si Jerome ay bigla namang nagsalita si Rick sa suot niyang earpiece. “G, all files are uploaded. It is now trending all over the news worldwide. Anumang segundo ay siguradong hahanapin na ng tauhan niya ang target mo. You better make a way for them to not recognize you.”“Paano ka nakapasok kung ganoon?” magkasabayan na t
Nang makita niya ang matalim na tingin ni Rhett ay tahimik siyang napangisi. Bigla kasi niyang naalala ang sinabi ni Rhett. Sinabi naman nito sa kanya na bukod sa materyal na bagay ay wala na itong maibigay sa kanya. Pinapakita lang nito na ang puso nga nito ay nakatali na sa kapatid ni Jerome. Ilang segundo silang nagtititigan bago inilipat ni Georgina ang tingin kay Pia na nanlilisik ang mata habang nakatingin sa kanya. Kung nakakamatay lang ang tingin ay kanina pa siya natamaan.“Saan ka nanggaling? Kanina pa kita hinahanap!?” pabulong pero may galit na tanong nito. Nang makita na nag-iba ang suot niya ay lalong nanlisik ang mata nito. “Bakit ganyan ang suot mo? Sino ang sinusubukan mong akitin dito?”Napaikot ang mata ni Georgina sa narinig. Hindi niya kailangang magbihis ng maganda para lang mang-akit ng lalaki dahil kahit nakatago ang katawan niya ay kayang-kaya niyang makahuli ng malaking isda para akitin. Hinila siya nito at pinaupo sa sofa kaharap nina Rhett at mga kaibigan
“Georgie! Hindi ko akalaing mami-meet ka namin dito! Isn’t it a coincidence?” Mapaklang ngumiti si Georgina sa tanong ni Celeste. “Hmm… siguro,” balewalang sagot niya. “Bakit nga pala kayo magkasama ni Duncan?”Imbes na si Georgina ang sumagot ay si Duncan ang nagsalita. “Your brother promoted her to be the manager of the sales department. I am just showing her the distribution store and looking at what's on the market.”Ang totoo ay kinabahan si Georgina sa maaring isagot ng damuhong si Duncan pero nagpapasalamat siya ng sa huli ay naging sensible din pala ito. Buong sandali ay hindi niya tiningnan si Rhett. Magmula nang makita niya ang malungkot pero galit nitong reaksyon kagabi ay hindi na siya pinatulog ng kanyang konsensya. “That’s a sign for a celebration!” Celeste chimed. “Tamang-tama dahil papunta na rin kami ngayon sa restaurant para kumain. Bakit hindi niyo kami samahan?” Tumingin pa ito kay Rhett bilang paghingi ng permiso pero walang ekspresyon sa mukha ng lalaki. Hinay
“Manager?” mahina siyang napatawa. Matalim ang matang sinulyapan niya si Duncan na ala niyang dahilan kung bakit na-promote siya ni Fredrick sa trabaho. Ano’ng laro ang gusto ng mga ito?Hindi kailangan ni Georgina ang promotion. Hindi rin maari na mapalayo siya kay Fredrick dahil magiging limitado ang pagkakataon para makakuha siya ng impormasyon tungkol sa kanyang ina. Habang umiikot ang isip niya para makaisip nng idadahilan ay may matagumpay naman na ngiti sa labi si Duncan habang sumisimsim ng kape. “Kung wala ka nang ibang sasabihin ay makakalabas ka na. Ihahatid ka ni Nolan sa magiging opisina mo as the manager of the sales department.”Napanganga si Georgina. Ni hindi na siya binigyan nito ng pagkakatapon na makapagrason at agad-agad na itong nagdesisyon. Porke ba ito ang boss ay aalilain na talaga siya nito? Hindi pa ito nakuntento sa ginawa nito kagabi at talagang pinapahirapan siya ngayon. Kuhh… kung talagang magkaroon ng pagkakataon na makilala siya ni Fredrick bilang ka
Pagkapasok na pagkapasok ni Tony sa loob ng penthouse ay agad na bumungad sa paningin niya si Rhett na nakaupo sa salas at ang hindi maipintang mukha ni Georgina. Muling bumalik ang tingin niya kay Rhett at nagkasukatan sila ng tingin. ‘Bakit nandito ito? Ang akala ko ba ay ayaw siyang makita ni Georgina?’ tanong niya sa isip. Dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari ay muli niyang ibinalik ang nagtatakang tingin sa kanyang boss at lihim itong tinanong. Nilingon ni Georgina si Tony at pinandilatan ng mata pero nginitian lang siya nito at matapos hubarin ang suot na sapatos ay dumiretso ito sa kusina para maghugas ng kamay at kumuha ng tubig bago bumalik sa kanila sa salas. “Siya ang asawa mo? Bakit tinawag ka niyang boss?” “Hmm…” Georgina hummed as an answer and glanced at Rhett. Mahina ang boses niya pero alam niyang narinig siya ng kaharap. Hindi na niya kailangang i-deny ang set-up nila ni Tony para hindi nito malaman kung ano talaga ang relasyon niya sa Geo’s group. Pe
Natameme si Georgina sa sinabi ni Rhett pero hindi niya ito sinunod. Hindi niya sinagot ang tawag at mabilis na pinindot ang cancel button saka iniwas ang tingin kay Rhett. Sigurado siya na si Tony ang tumatawag at pinrank siya. Hindi niya alam kung kailan nito pinakialaman ang cellphone niya pero gusto niya itong kutusan kapag makita niya. “Takot ka bang malaman ng bago mong asawa na kasama mo ang dati mong asawa?” Nabigla si Georgina sa tanong ni Rhett. Bagong asawa? Dating asawa? Bakit kung ano-ano na naman ang pinag-iisip ng lalaking ito? Pero hindi nakaligtas sa pandinig niya ang sarkasmo sa boses nito. Is he jealous?“Sino siya? Kailan ka nagpakasal?” malamig pa sa niyebe ng Antartica ang boses ni Rhett nang muling magsalita. Kalmado man ito ay ramdam niya ang pigil nitong galit. Hindi alam ni Georgina ang isasagot. Tumikhim siya upang alisin ang bara sa lalamunan at sinakyan ang prank ni Tony. “Mr. Castaneda, sa tingin ko ho ay wala na kayong pakialam sa personal na buhay k
Mabilis na itinulak ni Georgina si Rhett upang hindi na magtagal ang kanilang halikan. Nanabik man siya sa labi nito ay alam pa rin niyang hindi puwede dahil may iba na ito. “Mr. Castaneda shouldn’t do that,” saway niya sa mahinang boses. Kahit sinong makarinig niyon ay iisipin ng mga itong gusto niya ang ginawang paghalik nito.Madilim ang mukha ni Rhett dahil sa ginawa niyang pagtulak dito. Mabuti na lang at kanina pa itinaas ng assistant ang partition ng kotse kaya hindi nakikita ng mga ito kung ano ang ginagawa nila. “Do what? Kissing you? Hindi ba at ginagawa iyon ng mag-asawa?” “We are not Husband and wife anymore. Kapag marinig ito ng nanay ng anak mo ay sigurado akong magagalit iyon.”Tumahimik si Rhett pero hindi inalis ang matiim na pagkakatingin sa kanya. Bumalik na rin ito sa dati nitong puwesto at ikinabit muli ang seatbelt. Ramdam ni Georgina na pinipigilan nito ang galit dahil na rin sa ilang beses nitong pagtagis ng bagang at pagbuga ng mararahas na hininga. Makaraa
“Papa?” mahina ang boses na tawag ni Santino. Nang marinig ang sinabi ni Santino ay malakas na singhap ang narinig mula sa mga tao. Hindi makapaniwala ang mga ito na ang bali-balitang may anak na sina Rhett at Celeste, ang couple na hinahangaan ng lahat, ay totoo pala. “Iyan na ba ang anak nila? He is cute!”Habang nagkakasayahan ang lahat sa galak dahil sa nakita na nila ang anak nina Celesta at Rhett si Georgina naman ay tahimik na umalis. Walang ibang nakapansin sa kanya kundi si Fredrick na agad siyang nilapitan at si Duncan na hindi inalis ang tingin sa kanya hanggang sa makalabas siya ng bulwagan. Pero si Rhett… ay walang ibang ginawa kundi ang i-entertain si Celeste at Santino. “Duncan, pare. Hindi talaga maalis ang tingin mo kay Georgina, huh? Talaga bang interesado ka na sa kanya?”Tumaas ang sulok ng labi ni Duncan sa tanong ni Archer na tulad niya ay nakatingin din sa pintong nilabasan ni Georgina. Nilingon niya ang kaibigan. “Bakit naman hindi?” Nawala ang ngisi sa la
Napalunok si Georgina dahil sa mainit na hininga ni Rhett na dumampi sa kanyang tainga. Dahil nabigla siya sa biglang pagsulpot nito ay halos hindi alam ni Georgina kung ano ang magiging reaksyon. Ilang segundo ang lumipas saka lang niya na-compose ang sarili at malalim na humugot ng buntong-hininga upang pakalmahin ang sarili. Pilit niyang inagaw ang kamay sa pagkakahawak nito pero hindi ito pumayag. Initagilid niya ang ulo at naguguluhan na nilingon ito. Kanina ay hindi siya nito pinansin, bakit ngayon ay bigla na lang itong lumapit sa kanya at umakto na close na close sila? Habag nagkakatitigan ang dalawa, sina Archer at Sean naman ay nakataas ang sulok ng labi habang nakangisi at nakamasid sa kanila na tila ba ayos lang sa mga ito ang ginagawa nilang dalawa. Pero si Duncan… hindi maipinta ang mukha nito habang nakatingin kay Georgina. Bakit kapag si Rhett ang kaharap nito ay kaya nitong magbago ng ekspresyon pero kapag siya ay lagi na lang walang ekspresyon sa mukha?Samantala,
Mabilis na hinawakan ni Georgina ang palad na nakahawak sa kanya at malakas iyong pinilipit bago hinarap kung sino man ang may-ari niyon. Hindi maipinta ang mukha niya dahil sa iritasyon sa kanyang Boss at dahil ginulat pa siya ng kung sinong pontio Pilato ay lalong nadagdagan ang inis niya. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita na si Duncan iyon. “Georgina, it’s me! Why are you suddenly attacking?” Marahas na binitawan ni Georgina ang palad nito na hawak niya saka mabilis na tumalikod upang itago ang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha. Ang totoo, kahit naiinis siya sa taong nang-istorbo sa kanya, sa loob-loob niya ay umaasa siyang si Rhett iyon. Turns out that she was just overthinking. Bakit naman siya babalikan ng lalaking iyon kung may iba na itong kasama?“I’m not happy to see, got it?” hindi niya itinago ang pagkainis saka tuluyan itong iniwan upang pumasok sa loob. “Pero masaya ako na makita kang muli, Gigi!”Nang makapasok siya sa bulwagan ay patuloy pa rin sa pagpa-p
Biglang tumigil ang mundo ni Georgina nang magtama ang tingin nila ni Rhett. Pakiramdam niya ay silang dalawa lang ni Rhett ang naroon at ang iba ay tila background lamang. Hindi niya alam kung kaba o excited ang nararamdaman niya pero biglang sumakit ang puson niya. Is her baby reacting dahil nakita niya ang tatay nito? O dahil mataas ang tinalunan niyang pader kanina?Upang makatakas sa kuwarto na pinagdalhan sa kanya ni Brusko ay lumabas siya sa bintana ng banyo at naglakad sa maliit na espasyo sa labas, kumapit sa hamba ng bintana hanggang makababa siya sa ground floor. Mabuti na lang at abala ang tao sa loob at medyo may kadiliman sa likurang bahagi ng manor kaya naman walang nakakita sa kanya. “Mr. Castaneda, sa pagkakatanda ko ay hindi ka imbitado sa okasyong ito?”Ang istriktong tanong na iyon ang biglang nagpagising kay Georgina. Matalim ang tingin nito kay Celeste, kahit pa si Rhett ang tinatanong nito, na agad na nangunyapit sa lalaki nang makita ito. Seryoso ang mukha ni