“Bakit naman sambakol ang mukha mo? Sino na naman ang nang-away sa beauty ng CSS, huh?” nanunudyong salubong sa kanya ni Kraven nang makarating siya sa isang abandonang building na pagtatagpuan nila. Bukod kay Kraven ay naroon din si Tony at ang apprentice ni Rick na si Benedetta. Kung titingnan ang tatlo ay para ang mga itong magkakarera dahil sa mga sports car na gamit ng mga ito at si Georgina ang tagabitbit ng flag dahil siya lang ang nag-iisang sakay ng taxi. “That annoying husband of mine. Gustong i-extend ang kasal namin. Ano ‘yun kontrata sa trabaho na puwedeng i-extend kung kailan mo gusto?” Nagpapadyak sa inis na reklamo niya saka lumapit kay Tony na nakasandal sa kotse nito, este sa kotse niya. Dahil ang kotseng gamit nito ay ang kanyang apple green McLaren GT. Hindi ito ang nag-iisang sportscar niya kaya hinayaan niya si Tony na gamitin iyon keysa matengga lang sa apartment niya at hindi naman nagagamit hangga’t nasa poder siya ni Rhett. Iniabot sa kanya ni Tony ang sus
Mabilis na yumuko si Georgina at sinamantala ang dami ng tao at nakipagsiksikan upang magtago kay Jerome at Nathalia. “Bakit hindi mo agad sinabi na pababa sila?” tanong niya kay Tony habang hinahanap ng mata si Kraven. Mukhang abala na naman yata ito sa pangbabae. “Kraven, location?” “I’m here!” biglang sabad ni Kraven. “At your twelve o’clock and heading towards the stairs. Hihintayin kita sa itaas. Si Bene na ang bahala sa mga mata.” Ang tinutukoy nitong mata ay ang mga CCTV camera na naka-istasyon sa buong bahay.“Not good.” Si Rick na nasa kabilang dako ng mundo at nakikipag-usap sa kanila gamit ang earpiece ay biglang nagsalita.“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong dito ni Georgina. Nakarating na siya sa ibaba ng hagdan at akmang aakyat nang marinig niya ang sinabi ni Rick. Naiwasan na niya sina Jerome at Nathalia at hindi siya nakita ng mga ito. “Give me a second. Mukhang kilalang tao ang pinasok n’yo. Someone’s trying to block my access to their cameras. Damn! Ako pa talaga a
Nakagat ni Georgina ang labi at umakyat sa pasimano bago tumalon sa ibaba pero hindi nakaligtas sa pandinig niya ang malakas na sigaw ni Rhett. “Thief!” Habang nasa ere ay itinaas niya ang gitnang daliri pero hindi siya lumingon dahil alam niyang nakadungaw sa bintana si Rhett. Hindi na niya kailangan si Kraven na saluhin siya dahil kaya na niya ang sarili. Pagkalapat ng katawan niya sa damuhan ay nag-front rolling siya upang ibalanse ang katawan at hindi mabalian ng buto saka mabilis na tumayo. Dahil sa sigaw ni Rhett ay nagkagulo sa taas at hindi lang ito ang nakadungaw sa bintana kundi pati na rin ang may-ari ng bahay. Nagkakagulo pa rin sa labas dahil sa ginawa ni Tony kaya karamihan sa mga tao ay hindi alam kung ano ang nangyari sa ikalawang palapag ng bahay. “Bene, ‘wag mong hayaan na makababa sila kaagad. Bigyan mo kami ng oras para makalabas ng gate. Tony, get the fuck out of there!” utos ni Georgina habang mabilis na tumatakbo at sinusundan si Kraven. “G, cops are on the
“Kanina pa kita tinatawagan. Bakit hindi ka makontak? Ano pa ang silbi ng cellphone mo kung hindi mo naman sinasagot?” Gusot ang mukha na salubong sa kanya ni Rhett nang makababa siya ng hagdan. Bumaba lang si Georgina upang uminom ng tubig pero ang madilim na mukha ng asawa ang agad na sumalubong sa kanya. Nagtatanong ang mga matang inilibot niya ang paningin sa salas at ganoon na lang ang pagtataka niya nang makita ang ilang pulis na naroon. “May nangyari ba? Bakit maraming pulis?” Binalingan niya si Rhett at tinanong. “May nangyari? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo niyan?” Inisang-hakbang nito ang pagitan nila at hinaklit siya sa braso. “Sabihin mo, saan ka nanggaling? Bakit hawak ng mga pulis ang wallet mo?” malamig ang boses na dagdag pa nito. “Sandali, Rhett. Nasasaktan ako, ano ba?” nakangiwing angil niya rito. Binitiwan siya ni Rhett nang makita ang hitsura niya at saka lang bahagyang lumambot ang ekspresyon nito. “Saan ka nagpunta pagkagaling mo sa resort?”Nakahand
“What’s wrong with the picture? Kaibigan ko ‘yan at kaklase. Hindi mo ba ‘yan nakita sa resort kahapon? Naroon siya. Ano’ng masama kung magkasama kami?” Kaagad na depensa ni Georgina sa tanong ni Rhett. Ibang level ang pagsisinungaling niya at ang emosyon ng mukha ay tila nagsasabi siya ng totoo.Isa-isa niyang pinulot ang nagkalat na larawan at inayos iyon saka muling ibinigay kay Rhett. “Tingnan mong mabuti. May dalawa pa kaming kasama d’yan.” Nang hindi tinanggap ni Rhett ang larawan ay sapilitan niyang kinuha ang kamay nito at inilagay iyon doon saka ito tinalikuran at pumasok sa loob ng bahay. Ang mabisang paraan para maiwasan at lumalim pa ang usapan ay talikuran ito at balewalain. Nasa base na siya ng hagdan paakyat nang magsalita si Rhett. “Kung hindi ka naghahanap ng ipapalit sa akin, then, bakit ayaw mong patagalin ang kasal natin?”Napangisi si Georgina dahil natakasan na niya ang usapin tungkol kay Kraven. Binaling niya ang ulo upang lingunin ito pero nang makita ang ser
Mabilis na naligo at nagbihis si Georgina saka bumaba ng kuwarto. Naabutan niya roon ang lola Rhea na nakabihis pang-alis at may luggage sa tabi. Mukhang aalis ito. “Lola, aalis po kayo?” Tanong niya at nilapitan ito bago hinalikan sa pisngi. “Yes, iha. Kailangan kong bumalik sa America para bantayan ang lolo mo dahil nagta-tantrums na naman. Alam mo namang kakatapos lang niya sa operasyon kaya kailangan kong bantayan.” Hinawakan nito ang kamay niya saka marahang pinisil. “Sana sa pagbalik ko ay may marinig na ako na magandang balita.”Hindi na kailangang alamin ni Georgina kung ano ang hinihiling ng matanda dahil iisa lang naman ang gusto nito, ang magka-anak sila ni Rhett.Tipid na ngumiti si Georgina saka tumango. Inihatid ng driver si lola Rhea sa airport kaya nagtawag ng taxi si Georgina. Pero bago tumungo sa opisina ni Rhett ay dumaan muna siya sa base ng CSS upang kausapin si Uncle John tungkol sa pagbabalik niya sa trabaho. Upang hindi masundan o malaman ng ibang tao ang bas
Nagkibit-balikat si Georgina nang marinig ang sinabi ni Pia. Mukhang totoo nga na talagang pinahalagan ito ng kumpanya ni Rhett dahil sa asikasong-asikaso ito ng manager. Pero hindi siya agad nakasagot dahil naunahan siya ng manager. “Ah, Pia. Hindi puwede. Itinalaga si Miss Georgina sa akin ni Mr. Archer.” Ang taong ipinakilala sa kanya ng assistant ng boss nila ay malakas ang kapit nito sa nakakataas. Bakit itatalaga niya ito bilang assistant ng artista nila?“Pero manager Tam, gusto ko siyang maging assistant ko. Tutal at magkakilala na rin naman kami kaya pamilyar kami sa isa’t isa. Hindi na ako mahihirapang turuan siya,” giit ni Pia. Nakasandal ito sa pader sa tabi ng pinto habang si Manager Tam ay nasa gitna ng nakabukas na pinto. Sandaling nag-isip si Mr. Tam. Baka siya ang malalagot kay assistant Archer kapag sinunod niya ang kapritso ng bagong artist nila. “Pia, ganito kasi… si Georgina ay—““Mr. Tam, sige na, please. Hayaan mo na ako na ako ang magdesisyon sa magiging assi
Marami ng maimpluwensyang tao ang nasa loob ng hotel function. Lahat ng mga ito ay nakasuot ng magaganda at mamahaling gown at suit naman sa mga kalalakihan. Maraming kilalang mukha na nandito si Georgina. Bukod sa mga sikat na artista ay mga may-ari ng naglalakihang kumpanya sa loob at labas ng bansa. At hindi malabong may makakilala sa kanya kung hindi siya pinasuotan ni Pia ng badoy na damit at nilagyan ng pangit na make-up. Kaya siya pumayag sa gusto nito ay upang maiwasan niya ang ganoong pagkakataon. Kahit gaano karami ang tao sa loob, ang atmospera ay mahihinuha na mayayaman lamang ang maaring makapasok. Habang nakatingin siya kay Pia, na tila ngayon lang nakapunta sa ganitong pagtitipon ay lihim siyang napaismid. Hindi niya akalain na mas bano pa sa kanya ang isang kagaya nito. At habang binabantayan si Pia ay hindi niya inaalis sa sulok ng mata ang tingin sa kanyang target. Paminsan-minsan ay nililingon niya ito at pasimpleng nilalandi kapag nagtatagpo ang mata nila. Lasing
Noong una ay hindi alam ni Georgina kung ano ang mararamdaman nang marinig ang boses ng babae muka sa cellphone ni Rhett. Pero pagkaraan ay kumamig ang awra ng mukha niya habang naniningkit ang matang nakatingin sa cellphone ni Rizza na nakalatag sa palad nito. Kahit si Rizza ay nagulat at hindi makatingin nang diretso kay Georgina. “Who are you? Where’s my brother and why are you answering his phone?” pagkaraan ay tanong ni Rizza. Dahil hindi niya alam kung foreigner o hindi ang kasama ng kanyang kuya kaya nagsalita siya ng english. “Ikaw ba ‘to, Rizza?” Nagulat si Rizza nang biglang magsalita ng tagalog ang kausap at nagkatinginan sila ni Georgina na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang talim sa mata. “Ako nga. Sino ka? Nasaan ang kapatid ko?” Rizza asked again. “Oh, natutulog pa ang kuya mo. May kailangan ka ba? Sasabihin ko sa kanya mamaya na tawagan ka. Mahimbing pa ang tulog, eh. Matahil ay… pagod.” Sinadya ng babae na lambingan ang huling salita nito. Nang tingna
Nanindig ang balahibo ni Jerome sa sinabi ni Vaia.Magkabilaan niya iying hinaplos nang marahas at pinandilatan ng mata ang dalaga. “Ano ba ‘yang pinagsasasabi mo? Hindi ako pumunta rito para d’yan. Pumunta ako dahil may gusto akong itanong sa ‘yo!” Humalukipkip si Jerome at padabog na tumayo upang iwasan ang babae na ngayon ay halos idikit ang mukha sa kanya. Oo nga at nagpakita siya ng interes dito dahil nagustuhan niya ang pagiging maangas nito katulad ni Georgina. Nagustuhan niya rin ito dahil sa gandang angkin nito. Sa pagkakaalam ng binatilyo ay twenty-one years old pa lang ito pero magaling nang maghawak ng negosyo at nagdagdag points iyon para sa kanya. The amount of respect he has for this woman cannot be measured. Kaya naman kahit alam niyang halos dalawang taon ang pagitan ng edad nila at mas matanda ito sa kanya, ay hindi siya nahihiya na gustuhin ito. “C’mon then. Ano’ng itatanong mo?” Vaia sat on the single sofa seat which he just abandoned. Samantalang si Jerome
“Damn it! Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ng Rhett na ‘yon!” Talak ni Vaia kay Tony dahil hindi pa rin mawala sa isip niya ang ginawa ni Rhett. Nasa opisina na sila at kahit ano ang gawin niya ay naiinis pa rin siya. “Sinabi ko na sa ‘yo na hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking iyon. Bakit ba siya pa ang minahal ni Boss?” “Hindi ko alam. Kung gusto mo ay tanungin mo siya para ikaw ang mapagbuntunan niya.” Umupo siya sa upuan at nanghihinang sumandal. Nang maalala si Georgina ay marahas na bumuga ng hangin si Vaia. Sigurado siyang hindi lang basta-basta ang babaeng sumundo kay Rhett sa airport dahil may larawan kung saan magkayakap ang dalawa. Hindi rin basta-basta ang hitsura ng babae. Matangkad ito at katulad ng kanyang boss ay may magandang hubog ng katawan. Blonde ang buhok nito at kapag ngumingiti ay lalong lumulutang ang ganda. “Walanghiyang lalaki. Iniwan ang buntis na asawa sa bansa para makipagkita sa ibang babae?!” mahigpit na napahawak si Vaia s
Alam ni Georgina na darating ang panahon na malalaman ni Rhett na kasapi siya ng isang ahensya na tumatanggap ng misyon upang pumatay, pero hindi pa sa ngayon. Hindi pa nito maaring malaman ang isa niyang katauhan na labis niyang tinatago.“Ako ang may kasalanan kung bakit umalis ako nang hindi nagpapaalam. I’m sorry, Rhett. Gusto ko lang na tulungan ka dahil ako ang dahilan kung bakit nagkaproblema ang kumpanya mo.” Narinig niya ang marahas na pagbuntong-hininga ni Rhett sa kabilang linya at nakaramdam ng matinding pagka-guilty si Georgina. “Kaya sumugod ka sa laban, gano’n? Alam mo ba kung gaano kadelikado ang ginawa mo? Georgina, naman! Papatayin mo ba talaga ako sa pag-aalala?” Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa narinig na galit sa boses ng asawa at lalo siyang nakaramdam ng pangongonsenya. “Rhett… I am safe,” mahina ang boses na pahayag niya. Bahagya siyang naguluhan kung paano nito nalaman na ganoon kadelikado ang ginawa niya. May pinadala ba itong tauhan para sun
Nilakumos ni Georgina ang papel saka mapait na napatawa. “Ni hindi ka man lang makapaghintay na makalabas ako ng banyo?” Habang nasa biyahe pauwi ay halos isang box ng buko pie ang naubos niya kaya hindi siya nagugutom. Matapos tuyuin ang buhok ay nagpasya na siyang matulog. Dahil pagod nang nagdaang gabi ay lampas tanghalian na bago magising si Georgina. Nawala nga ang pagod niya pero napalitan naman iyon ng matinding gutom na tila sinisikmura siya kaya naman mabilis siyang bumangon at dumiretso sa banyo para magduwal. Pagkatapos noon ay nanghihina siyang napaupo sa gilid ng bathtub. Bigla niyang naalala at nanabik sa asawa dahil sa tuwing nagkakaroon siya ng morning sickness ay lagi itong nasa tabi niya at hinahagod ang likuran niya. She felt emotional right now, but the loud rumbling of her stomach distracted her. Kaya wala siyang nagawa kundi ang maghilamos at mag-tootbrush bago bumaba upang kumain ng almusal…este tanghalian.Nang makababa siya sa salas ay naabutan niya ang mag
“Kung wala rin lang ako makukuha sa ‘yo ay mabuti pang tapusin na natin ang lahat ng ito!” malakas na sigaw ni Georgina at mabilis na tumayo habang mahigpit na hawak ang dagger. Humarap siya sa kinaroroonan ni Neil pero napatda siya nang bumungad sa kanya at ilang kalalakihan na nakatutok sa kanya ang baril. She was stunned and remained rooted to the ground. Tama nga ang sinabi ni Rhett na hindi niya dapat maliitin ang pag-iisip ni Neil.Kasunod nang pagkapatda niya ay ang malakas na tawa ni Neil na para bang sinaniban ito ng demonyo. “Gulat ka, Georgina? Hindi ka makapaniwala na marami pa ang naghihintay sa ‘yo?” Kinalma ni Georgina ang sarili at pasimpleng inikot ang mata upang pagmasdan ang paligid at naghanap nang maaring mapagtaguan. Hindi niya kayang labanan ang mahigit sampung kalalakihan na ito na tanging punyal lang ang hawak. Mabilis na gumana ang utak niya at hindi sinagot ang nakakalokong boses ni Neil.“Huwag ka nang mag-isip pa, G. Wala ka nang takas. ANg suhestiyon ko
“Oh, so it's you, Neil Vargas,” kaswal na sabi ni Georgina nang makita kung sino ang lalaking naghihintay sa kanya. Nakarating siya sa Batangas bago mag-alas dose matapos takasan ang guwardiya sa mansyon ni Rhett. Walang ibang nakakaalam na umalis siya ng bahay kahit si Rhett. It was fortunate that her husband was not at home when she left. Hindi niya lang alam kung ano ang iisipin nito kung malaman na wala siya sa bahay pag-uwi nito. Ipinagkibit niya lang iyon ng balikat. Kung may mga bagay si Rhett na ayaw sabihin sa kanya, siguro ay patas lang na mayroon rin siyang itinitago lalo na sa ganitong propesyon niya. “Ako nga.” Malapad na ngumisi ang lalaki. “It's been a long time since we last saw each other, G. Mukhang tahimik at masaya na ang buhay mo ngayon, huh. Tinalikuran mo na ang mga kasamahan mong nagsasakripisyo pa rin para sa bulok niyong ahensya?”Hindi nag-iisa ang lalaki. Pagdating na pagdating pa lang niya sa abandonadong pier ay agad na siyang pinalibutan ng mga kasamah
“Greg, tumigil ka nga. Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” Agad na nilapitan ni lola Rhea ang asawa nito at tinakpan ang bibig para patigilin sa pagsasalita. Saka nag-utos ito ng kasambahay para itulak ang wheelchair nito patungo sa kuwarto ng mga ito sa second floor. May elevator sa loob kaya hindi problema kung sa second floor namamalagi ang mag-asawang matanda. “Georgina, pasensya ka na sa lolo mo, iha. Dala ng operasyon ay kung ano-ano na talaga ang nasasabi niya,” hingi nito ng paumanhin bago sinulyapan si Rhett na nasa kanyang likuran. Malugod itong nginitian ni Georgina. Hindi nakaligtas sa kanya ang makahulugan nitong tingin kay Rhett pero hindi siya nagsalita dahil umaasa siyang sasabihin sa kanya ni Rhett kung may tinatago man ito. She is not angry nor jealous. Madidismaya lang siya kung sakaling malaman niyang may hindi sinasabi sa kanya ang asawa.“Ayos lang po ‘yon, La,” matipid niyang sagot. Hindi siya naapektuhan sa sinabi ni lolo Greg at ipinagkibit-balikat na lang niya iy
Next: “So, kaya mo ako pinilit na umuwi ay dahil na hindi nagtagumpay ang plano mo? Alam mo bang may importante akong misyon na ginagawa pero dahil nagpupumilit ka ay umuwi ako pero ito ang madadatnan ko?”Celeste gritted her teeth as she looked at Neil with irritation. “Ano ang magagawa ko kung hindi mamatay-matay ang babaeng ‘yon?”Sa pamamagitan ng kanyang ina ay nakontak niya si Neil upang madaliin ang plano nila na patumbahin si Georgina. Alam niyang hindi siya nito kayang biguin dahil isa si Neil sa pinakamagaling na mamamatay-tao na kilala niya. “Dahil hindi mo ako sinusunod. Sinabi ko na sa ‘yong hindi basta-basta ang babaeng iyon at hindi mo siya kayang labanan pero hindi ka nakinig sa akin. Tingnan mo ang nangyari, nasaan ka ngayon? Nakakulong ka habang siya ay malayang minamahal ang lalaking gusto mo.”Lalong tumindi ang galit na nararamdaman ni Celeste at malakas na ipinukpok ang kamao sa mesa. “Ano’ng gusto mong gawin ko? Hayaan siyang lasunin ang utak ni Rhett at ng ka