Bilang isang kuya ay gustong protektahan ni Fredrick ang kapatid sa mga taong nananakit dito dahil ayaw na niyang maulit ang nangyari noon kay Chantrea. Wala siyang lakas para ipagtanggol ito kaya tuluyan itong nawala sa kanila. At ngayong may taong gustong manakit sa kapatid at pamangkin niya ay hindi rin siya papayag na wala siyang gagawin pero… Habang pinapanood sa replay ng CCTV camera si Celesta na inilagay sa loob ng storage room si Santino na halos wala ng buhay ay hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Ito ang ikalawang beses na nagsinungaling sa kanya si Celeste. Masiyado ba niya itong prinotektahan kaya naging baluktod ang ugali nito? Paano ito naging masamang kapatid? Bakit nagawa nitong ilagay sa kapahamakan pati ang anak nito?Pinanood niya ang replay hanggang sa makita na ito rin ang naunang umamba ng baseball bat kay Georgina at hindi ang babae katulad ng sinasabi nito. Nahilot niya ang sentido at hindi makapaniwala sa nakita. May sakit ba ang kapatid niya at nagaw
“Lo, tama na. Hindi interesado si Georgina sa mga ganyang bagay,” pigil ni Fredrick sa lolo nito dahil hindi pa rin ito tumitigil sa pangungulit kay Georgina tungkol sa blind date na sinasabi nito. “At bakit hindi? Tingnan mo, pati pangalan, maganda na. Hindi ba, hija?” Napakamot sa batok si Georgina at muling tumingin kay Rhett para humingi ng saklolo. “Lolo Mio, hindi hi pwede dahil asawa ko na ho si Georgina,” kanina pa hindi sumasagot si Rhett at ramdam ni Georgina na galit na ito… o mas tamang sabihing nagseselos. Iniangkla niya ang braso sa braso nito saka sinang-ayunan ang sinabi ni Rhett. “Tama mo po siya, lolo. Hindi na ho ako puwedeng makipag-blind date sa iba dahil mayroon na po akong asawa.” Pagkatapos noon ay nagpaalam na ang dalawa para ualis at hindi na ito mapigilan ni Lolo Mio lalo na at dumilim na ang mukha ni Rhett.Napahalukipkip si Lolo Mio sa harapan nila saka inirapan si Fredrick. “Bakit hindi kasi agad siyang pinakilala sa akin? Hindi sana ay naipakilala ko
Hindi maintindihan ni Fredrick kung ano ang mararamdaman ng mga sandaling iyon. Nanginginig ang kamay niya at humigpit ang pagkakahawak sa pocket watch. Ni hindi niya namalayang nangingilid na pala ang luha niya. Kung totoo man ang sinasabi ni Nolan ay hindi niya mapapatawad ang sarili niya sa lahat ng masasamang bagay na ginawa niya kay Georgina. “Boss…” Nolan softly called, his voice filled with empathy. Hindi makaimik si Fredrick. Masiyadong pasabog ang impormasyong isinaliwalat ni Nolan. Ang sabi niya noon sa sarili ay hindi siya dapat maging malupit kay Georgina dahil tinulungan nito ang kanyang lolo pero dahil kay Celeste ay muli at muling nasira ang kagustuhan na iyon. Kahit si Nolan ay hindi rin makapaniwala na magkapatid ang boss niya at si Georgina. Iniisip pa lang niya kung paano nila ito tinrato ay hindi na niya masisisi ang sarili. “Boss, are you okay?” Malakas at mabilis na bumuga ng hininga si Fredrick dahil naninikip ang dibdib niya at nahihirapan siyang huminga.
Lingid sa kaalaman ni Georgina ay alam ni Rhett na may taong sumusunod sa kanila at alam niya rin na siya ang target ng mga ito dahil ilang araw na siyang nakakatanggap ng mga pagbabanta. Hindi siya natatakot sa mga ito lalo na ngayon na mas kailangan niyang tatagan ang loob niya dahil dalawang tao na ang kailangan niyang protektahan. Nasa conference room Si Rhett at umaattend ng meeting nang biglang nag-vibrate ang cellphone niya sa bulsa. Kinuha niya iyon pero ang mata ay nakatutok sa projector screen at nakikinig pa rin sa presentation ng planning team one. Nang sulyapan niya ang cellphone at nakita ang pangalan ng asawa ay biglang tumaas ang sulok ng labi niya. Sa sobrang halata niyon ay napansin siya ng karamihan sa mga tauhan niya lalo na si Julios na nasa tabi niya at kahit ang Team manager ng planning team ay tumigil sa pag-e-explain at nagtatakang tumingin sa kanya. Naghihintay ito kung may sasabihin siya. “Do you have a comment, boss?” mahinang tanong sa kanya ni Julios.
Mabilis na inapakan ni Rhett ang brake ng kotse saka inikot pabalik at hinarap ang nakasunod na sasakyan saka ibinaba ang bintana sa driver’s side. Bakas na bakas ang galit sa mukha ni Rhett at humigpit ang isang kamay na nakahawak sa manibela bago muling pinaandar ang kotse at dire-diretsong binangga ang kotseng katapat kung saan nakasakay ang lalaking may hawak ng RPG. Dahil sa malakas na impact ng banggaan ay tumilapon ang RPG na hawak ng lalaki. Hindi pa nakuntento si Rhett, kahit pinagbabaril siya ng iba pang kalaban, ay diniretso niya ang andar ng kotse at binangga ang katawan ng lalaki na nakalabas sa bintana saka binaril ito sa ulo. The man was dead in a second, his body swaying as the car swerved on the road. “You will not land a single blow against me. Over my dead body.” Pinaulanan niya ng bala ang dalawa pang sakay ng kotse saka muling pinaharurot ang kotseng tadtad na ng bala. Rhett took a grenade hiding in his secret compartment, preventing Georgina from seeing it, and
Next:Nang gabing iyon, kahit katabi matulog ni Georgina si Rhett, at kahit magka yakap sila, pakiramdam niya ay napakadistant nito. Pareho lang silang may malaking sikretong tinatago pero napukaw ang interes niya kung anong grupo ang kinabibilangan ni Rhett. Sa katulad nilang secret agent, ay marami silang alam tungkol sa ibang grupo lalo na sa kanilang kalaban. Pero kahit kailan ay hindi niya nakilala si Rhett. Kung kilala ito ni Rick, ay sigurado siyang alam niya kung anong grupo ang kinabibilangan ng asawa. If she investigates further, she is sure that she will find out who Rhett really was. Hindi niya alam na nakatulugan na niya ang isipin tungkol sa asawa. Nang magising siya ay wala na ito sa kanyang tabi at nakaalis na papuntang opisina dahil alas-diyes na ng umaga. Nang bumangon siya sa kama ay nakita niya ang isang post-it note na nasa mesa katabi ng kama. ‘I prepared food for you. I’ll see you at lunch, okay? Take care, both you and the baby!’Matamis na ngumiti si Georgin
“Celeste, suhestiyon ko sa ‘yo ay tumungo ka na sa ospital at magpatingin sa doktor. Mukhang malala na ‘yang sakit mo. Rhett will never touch a woman like you. Nagsinungaling ka sa akin na may anak kayo ni Rhett? Duh, ni hindi ka nga makaanak. Sa tingin mo maniniwala pa ako sa ‘yo?” “Georgina!” Sa pagkakataong ito ay si Celeste muli ang naunang naubusan ng pasensya. “Isipin mo na ang gusto mong isipin pero ilang beses nang may nangyari sa amin ni Rhett bago ka pa niya makilala.”Patamad na sumandal sa sandalan si Georgina. “Are you done? Kug hindi ay umalis ka na at bitbitin mo ‘yang baso na ‘yan kung ayaw mong ibuhos ko sa ‘yo ang laman niyan.”Biglang tumunog ang cellphone ni Georgina at hindi nakarehistrong numero ang naka-display sa screen. Sa pag-aakalang ang take-out na niya iyon ay hindi siya nag-atubiling sagutin iyon. “Hello?” Tatlong segundo ang lumipas pero nanatiling tahimik angkabilang linya. “Hello? Naririnig mo ba ako?” muling tanong niya sa pag-aakalang hindi siya
“You are here,” kaswal na sabi ni Georgina na tila ba walang ginawa sa kapatid nito. Tumiim ang bagang ni Fredrick sa ginawang pagbuhos ni Georgina ng noodles sa ulo ni Celeste pero hindi niya alam ang tunay na dahilan kung bakit nito iyon ginawa. He doesn’t want to jump to conclusions anymore. Lalo na ngayong napatunayan niya na laging nagsisinungaling sa kanya si Celeste at si Georgina ay ang nawawala niyang kapatid. “Nasa malapit lang ako kaya agad akong nakarating.” Sinulyapan nito ang kapatid na tila basang-sisiw at nakatungo na tila nagmamakaawa para bigyan ng atensyon pero binalewala ito ni Frderick. Napag-alaman na niya sa kasambahay kanina na umalis si Celeste kaya natuwa siya dahil baka binantayan nito ang anak pero hindi niya akalain na dito pala sa mansyon ni Rhett ang punta nito para manggulo na naman.tumaas ang kilay ni Georgina sa narinig. Bakit sa palagay niya ay naghihintay lang si Fredrick sa magiging sagot niya at talagang nakahanda na itong puntahan siya?dahil
Habang abala si Georgina sa pag-iisip kung paano makatakas, sa kabilang banda ay nagtataka naman si Tony kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating si Georgina. Hinayaan niya ito at baka natanghali lang ng gising dahil natural lang sa buntis na laging tulog. Pero sa kabilang banda ay hindi mapakali ang isip niya. Bitbit ang kape ay lumabas siya ng kanyang opisina upang puntahan si Vaia pero pagkabukas niya ng pinto ay nakita niya sa koridor si Nathalia na may kausap. Masaya ang dalaga dahil sa jokes ng kausap pero hindi si Tony. Mula nang mahigpit siyang sinabihan ni Georgina na ‘wag patulan si Nathalia ay iniwasan na niya ang dalaga kahit pa nahihirapan siya. Mula nang araw na ni-reject niya ang pagpapakita nito na gusto siya nito ay halos hindi na siya nakikipag-usap dito unless may importanteng kailangan sa trabaho. Hindi niya personal na kilala ang kausap ni Nathalia pero alam niyang bagong tanggap ito sa kumpanya at mataas ang credentials at mula sa mayamang pamil
“Pasensya na po, Miss Georgie. Kabilin-bilinan ni Sir Rhett na huwag muna kayong palabasin hangga’t hindi siya nakakabalik. Malapit na pong matapos ang inaasikaso niya sa ibang bansa at makakabalik rin po siya kaagad.”Hindi makapaniwalang tiningnan ni Georgina si Julios saka matabang na ngumiti. “This is ridiculous!”Kailangan niyang lumabas ngayon dahil may problema siyang dapat na ayusin sa kumpanya kaya imposible itong pagkakakulong sa kanya sa bahay. “Miss Georgie, kung gusto niyo pong makipagkita sa kaibigan niyo ay pwedeng sila ang papupuntahin niyo rito. Ang bilin ni Sir Rhett, hangga’t hindi kayo nanganganak ay hindi kayo maaring lumabas.”Alam ni Georgina na inutusan lang ni Rhett si Julios pati na rin ang ibang tauhan nito kaya ayaw niya ang mga itong pagalitan. Naikuyom niya ang kamao sa magkabilang-gilid upang pigilan ang inis na unti-unting namumuo. “Gigi…” Nilingon niya si Lola Rhea na galing kusina kasunod si Rizza at Santino. Mukhang kakatapos lang ng mga itong mag
Hindi gaanong maliwanag sa VIP room at kahit nakaupo sa magkabilang gilid niya ang dalawa ay hindi makita ng mga ito kung ano reaksyon ni Georgina. Tumalim ang kanyang mata nang marinig ang sinabi ni Vaia at biglang naalala ang sinabi ni Duncan. Tama nga ito na hindi seryoso sa kanya si Rhett. Nanikip ang dibdib niya sa galit na namuo dahil sa pagsisinungaling ng asawa pero matibay na ang loob niya at hindi niya pinakita sa dalawa na nasasaktan siya. Inilahad niya niya ang palad kay Vaia. “Mayroon ka bang litrato ng babae? I want to take a look at the woman my husband—no, hindi pala kami magasawa—Rhett married.”Inilabas ni Tony ang cellphone at ito ang naglatag sa kanyang palad kung saan nakabalandra ang mukha ni Olivia at ni Rhett na magkasamang lumabas sa isang hotel. Hindi lang iyon. Base sa hitsura ng babae ay isa itong latina. Or maybe half-filipino, half-mexican. Masiyado ring bulgar ang suot nitong damit na ikinataas ng sulok ng labi niya. Sa iba’t ibang larawan na nakuha ni
Imbes na sa opisina ay napagkasunduan nina Georgina at Tony na sa G’s bar magkita dahil gusto siyang samahan ni Rhett. Hindi siya nito papayagang umalis kung hindi ito kasama. “Ahh, Mr. Castaneda, nagkita tayong muli,” bati ni Tony nang makapasok sila sa VIP room na kinuha ni Tony para sa kanila. Kasama nito si Vaia na isang malamig na tango lamang ang ibinigay kay Rhett pero mahigpit na niyakap si Georgina na para bang kino-comfort. “Hmm… I wonder why you, my wife’s FRIEND, want to meet her at this kind of place?” Hindi nagtataka ang klase ng pagtatanong ni Rhett kundi maawtoridad. Napakamot sa batok si Tony saka sinulyapan si Georgina. “Gusto ko lang ipakita kay Boss kung gaano ka-successful ang bagong plano na pinaimpliment niya sa G’s. Hindi naman siguro masamang ipakita iyon sa kanya dahil pagmamay-ari niya ito, hindi ba, boss?” Sa huling salita ni Tony ay nilingon siya nito at kinindatan kaya tumango si Georgina.Alam niya na ku
Nairolyo ni Georgina ang mata nang marinig ang pagdududa sa boses ni Rhett. Kaswal na inilagay niya ang cellphone sa bulsa ng suot na bestida saka hinarap ang asawa nang walang kakaba-kaba. “Si Tony. Lumabas lang ako dahil ayaw kong magising kayong dalawa ni Santino. Bakit, may problema ba?”Bahagyang naningkit ang mata ni Rhett at nilapitan siya hanggang sa halos wala nang pagitan sa kanilang dalawa. “So, you two are still contacting each other?” Hinawi nito ang buhok niyang nakaharang sa mukha at inilagay sa likod ng kanyang tainga. His voice was gentle but the meaning behind it was cold and strong. “Tony is my assistant and my childhood friend. Pamilya na ang turing ko sa kanya kaya walang masama kung may kontak kami sa isa’t isa,” rason niya. Nilabanan niya ang matalim nitong tingin at hindi ipinakita na natatakot siya sa klase ng tingin nito. “You are not even blood related, how could you call him your family? Were they will be there kapag kailangan mo sila?”Tumaas ang isang
Hindi makapaniwala si Georgina sa narinig. Mabuti na lang dumating si Julios at kinuha si Santino saka nauna ang mga itong bumaba para kumain. Pati si Charlotte ay binitbit na rin nito. “At hanggang ngayon ay sinisisi mo pa rin ako sa bagay na ‘yan? Wala akong ginawang masama, Rhett. Dahil ako ang biktima ng nakaraan.”Habang nakikinig ay lalong nangunot ang noo ni Georgina. Ano’ng nakaraan? May malalim palang dahilan ang hiwdwaan ng dalawang ito at hindi lang iyon dahil sa kanya? Kaya ba malamig lagi ang trato ni Rhett kay Duncan?Hindi sumagot si Rhett at blanko ang ekspresyon na nakatingin kay Duncan. While the latter spoke mischief again. “Pero hindi ka nagkakamali dahil gusto ko nga ang asawa mo. At kung hindi mo siya kayang alagaan nang maayos baka sa akin na rin ang bagsak niya.” Ngumisi si Duncan nang nakakaloko na biglang nagpalakas ng kabog ng dibdib ni Georgina at baka biglang magpang-abot ang dalawa. Tumalim ang m
Hindi pinansin ni Georgina ang asawa at mabilis na hinugot ang roba na nakasabit sa likod ng pinto at isinuot saka ito tinalikuran. Dahil walang nakuhang sagot mula sa kanya ay pumasok ito sa banyo at niyakap siya mula sa likuran. Feeling the warmth from the man’s embrace made Georgina’s heart beat erratically. Gustong manlambot ng katawan niya at hayaan itong yakapin siya lalo na at nananabik na siya rito pero hindi hinayaan ng isip na manalo ang kanyang puso. “What are you doing? I need to wash up,” saway niya saka kinuha ang tootbrush, nilagyan ng toothpaste at nagsimulang mag-toothbrush. “I missed you, my wife.” Hinalikan siya nito sa leeg at bahagya pa iyong sinipsip at tumigil lamang nang mag-iwan iyon ng marka. “Ilang araw tayong hindi nagkita pero bakit ganito kalamig ang salubong mo sa akin, huh?”Nagkasalubong ang tingin nila sa salamin at si Georgina ang unang nag-iwas ng tingin. Hindi siya makasagot dahil puno ng bula ang bunganga niya. Nang yumuko siya para magmumog ay
Nang marinig ni Georgina ang kaparehong boses ng babae sa babaeng kinausap ni Rizza noong nakaraang araw ay tila may tumarak sa kanyang puso. Naghintay siya ng ilang sandali para ipaliwanag ni Rhett kung sino ang babae pero hindi siya nakarinig ng ano man kundi…“Alam kong oras na nang pamamahinga mo. Matulog ka na, okay? May gagawin lang ako sa labas ngayon,” may halong pagmamadali ang boses nito bago mabilis na pinatay ang tawag. Mapakla siyang tumawa saka tinapon ang cellphone sa kama saka lumabas ng kuwarto at hinanap si Santino para laruin. Mabuti naman at pinagbigyan siya ni Charlotte kaya maghapon silang naglaro, nagkuwentuhan at naligo pa sa swimming pool. Dahil doon ay wala na siyang oras para magmukmok at isipin kung ano ang pinanggagawa ng asawa.Nagpapasalamat din siya at hindi niya nakita ang anito ni Duncan at baka hindi na siya makatiis ay makakatim na ito sa kamao niya. She’s been holding back a lot of grievances lately that she felt her heart was full. May shooting r
A couple connected by a red string of faith will always be bound to each other. “Gigi, kapag dumating ang araw na hindi ka na nagugustuhan ng asawa mo, huwag mong pakahirapan ang sarili mo, okay? Bumalik ka rito at ako ang bahala sa ‘yo.” Noong nasa poder pa niya si Georgina ay palagi niya itong napapanaginipan na magiging mag-asawa ito at ng kanyang anak. Bilang isang devotee sa lumang simbahan sa bayan ay naniniwala si Rene sa kanyang napapanaginipan. Mapaklang napatawa si Georgina dahil kung ano man ang iniisip ni Lola Rene ay mukhang nangyayari na. “Naku, masiyado ho kayong nag-aalala sa akin, lola. Huwag niyo na po isipin kung ano man ang magiging kinabukasan ko dahil alam ko pong hindi ako pababayan ni Lord. Lagi niyo po akong ipinagdadasal sa kanya, eh.” Idinaan ni Georgina sa tawa ang ginagawa sa kanya ni Rhett upang hindi mahalata ng kaharap ang pinagdadaraanan niya. Well, it’s not like she is a damsel in distress. She is a fighter. Kung lolokohin man siya ng asawa niya, na