“Celeste, suhestiyon ko sa ‘yo ay tumungo ka na sa ospital at magpatingin sa doktor. Mukhang malala na ‘yang sakit mo. Rhett will never touch a woman like you. Nagsinungaling ka sa akin na may anak kayo ni Rhett? Duh, ni hindi ka nga makaanak. Sa tingin mo maniniwala pa ako sa ‘yo?” “Georgina!” Sa pagkakataong ito ay si Celeste muli ang naunang naubusan ng pasensya. “Isipin mo na ang gusto mong isipin pero ilang beses nang may nangyari sa amin ni Rhett bago ka pa niya makilala.”Patamad na sumandal sa sandalan si Georgina. “Are you done? Kug hindi ay umalis ka na at bitbitin mo ‘yang baso na ‘yan kung ayaw mong ibuhos ko sa ‘yo ang laman niyan.”Biglang tumunog ang cellphone ni Georgina at hindi nakarehistrong numero ang naka-display sa screen. Sa pag-aakalang ang take-out na niya iyon ay hindi siya nag-atubiling sagutin iyon. “Hello?” Tatlong segundo ang lumipas pero nanatiling tahimik angkabilang linya. “Hello? Naririnig mo ba ako?” muling tanong niya sa pag-aakalang hindi siya
“You are here,” kaswal na sabi ni Georgina na tila ba walang ginawa sa kapatid nito. Tumiim ang bagang ni Fredrick sa ginawang pagbuhos ni Georgina ng noodles sa ulo ni Celeste pero hindi niya alam ang tunay na dahilan kung bakit nito iyon ginawa. He doesn’t want to jump to conclusions anymore. Lalo na ngayong napatunayan niya na laging nagsisinungaling sa kanya si Celeste at si Georgina ay ang nawawala niyang kapatid. “Nasa malapit lang ako kaya agad akong nakarating.” Sinulyapan nito ang kapatid na tila basang-sisiw at nakatungo na tila nagmamakaawa para bigyan ng atensyon pero binalewala ito ni Frderick. Napag-alaman na niya sa kasambahay kanina na umalis si Celeste kaya natuwa siya dahil baka binantayan nito ang anak pero hindi niya akalain na dito pala sa mansyon ni Rhett ang punta nito para manggulo na naman.tumaas ang kilay ni Georgina sa narinig. Bakit sa palagay niya ay naghihintay lang si Fredrick sa magiging sagot niya at talagang nakahanda na itong puntahan siya?dahil
“Alam mo?” Imbes na si Georgina ang magulat sa isinaliwalat ni Fredrick ay mas nagulat pa ito dahil sa pag-amin niya na alam na niya ang totoo. “Yes, alam ko,” kaswal na sagot niya. Uminom siya ng gatas na inihanda ng mayordoma para sa kanya. It was milk for a mom like her that Rhett bought. “Kailan mo pa nalaman?” naguguluhang tanong ni Fredrick. Hindi ito mapakali sa inuupuan habang hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya.Patamad na sumandal si Georgina sa sandalan ng upuan at walang emosyon na sinagot si Fredrick. “Matagal na. Right after I met you.”Mas lalong naguluhan si Fredrick dahil sa sinabi niya. “Kung ganu’n, bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Bakit hindi ka nagpakilala? Bakit hindi ka nagpakilala sa kuya mo, Chantrea?”Napaismid si Georgina. Her lips curved and gave Fredrick a mocking smile. “Don’t call me that. May sarili akong pangalan. Kung sasabihin ko ba sa ‘yo na ako ang nawawala mong kapatid ay maniniwala ka sa akin, Mr. Farrington? Sa mata ng isang katulad m
“Kuya, bakit tinatrato mo ako nang ganito? Dati naman kapag may kailangan ako sa ‘yo, kapag may problema ako ay nandiyan ka para tulungan ako? Pero bakit ngayon ay ramdam kong kinakampihan mo na ang Georgina na iyon keysa sa sarili mong kapatid?”When Fredrick heard his sister’s complaining voice, Frederick’s expressions softened. Masiyado siyang nadala kay Georgina. Pero dahil alam niyang may mali pa ring nagawa si Celeste ay hindi niya ito pwedeng pagbigyan na lang lagi. “I just want to remind you that there is life outside rather than chasing a man who you can’t own.”“Pero, kuya. Mahal na mahal ko si Rhett at siya lang ang dahilan kung bakit ako nabubuhay sa mundo,” may halong pagmamakaawa ang boses ni Celeste. “Ang pagmamahal ay kailangan sa dalawang tao, Celeste. One-sided love won’t survive in a long-term relationship. Mabubuhay ka nang hindi masaya, gusto mo ba ‘yon?” “Kuya, ang mahalaga sa akin ay magkasama kami ni Rhett. Magiging masaya na ako, kami ng anak ko. Kuya, ano b
Kinahapunan, matapos niyang matulog nang halos dalawang oras ay umalis si Georgina ng mansyon upang tumungo sa sariling opisina. Bago umalis ay naabutan pa niya si Rizza na naglilinis ng kusina habang binabantayan ni Manang Delia. Nagsumbong na rin ito kay Rhett pero imbes a panigan ay ikinatuwa lang ng asawa niya ang ginawa niyang pagpaparusa kay Rizza. Gusto niyang sabay silang mag-dinner ni Rhett mamaya kaya pagkatapos niya sa opisina ay didiretso naman siya sa opisina ni Rhett. “So, boss. Nagkabalikan na pala kayo ng asawa mo?” Ito ang tanong na sumalubong kay Georgina pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina. Inirapan niya si Tony at umupo sa upuan na nakalaan para sa kanya at binasa ang papeles na inabot ni Vaia. “Hmm… not bad. Lalo pang tumaas ang sales natin ngayong second quarter ng taon. Maraming salamat sa inyong dalawa dahil sa magaling niyong trabaho. Kahit ang real estate development natin ay mabilis din ang paglago. Kahit maliit pa itong negosyo natin, kung patuloy n
Dahil pinangakuan ni Georgina si Rhett na iti-treat niya ito ng dinner ay kumain sila sa labas kasama na rin si Nathalia dahil nagpumilit ito kaya naman buong sandaling nakasimangot ang ang asawa. Sa isang pribadong restaurant dinala ni Georgina sina Rhett at Nathalia. Kaibigan niya ang may-ari nito na nakaranas ng matinding pang-aabuso sa asawa. Bilang suporta ay lagi siyang naririto upang kumustahin ito at mukhang unti-unti na itong nakakarekober dahil na rin sa isa pa niyang kaibigan na si Creed. Ang restaurant na pinuntahan nila ay nasa pinakatuktok ng building at nagse-serve lamang ng french cuisine. Kada palapag ay may iba’t ibang cuisine na inihahanda kaya naman kung ano ang feel mong kainin ay doon ka pupunta sa palapag na iyon. “I didn’t know that you knew about this place,” sabi ni Rhett matapos siyang pinaghugot ng upuan bago ito tumabi sa kanya nang makaupo siya. “I am friends with the owner,” simpleng sagot ni Georgina at nagsimulang tumingin sa menu. Kahit halos ukup
Mahinang sinuntok ni Georgina sa dibdib si rhett dahil sa sinabi nito. “Don’t be such a pervert. Nasa labas tayo,” nginitian niya ang photographer na papalapit sa kanila dahil ngiting-ngiti ito habang nakatingin. “So, kung hindi tayo sa labas, pwede akong magpakabastos sa ‘yo?” tudyo nito na siya lang ang nakakarinig. Siniko ito ni Georgina bago iniwanan upang lapitan ang photographer na naghihintay na sa kanila. “Miss Georgie, we can start the shooting if you are ready.” Sumunod sina Rhett at Georgina kay Daisy, ang pangalan ng photographer, at pumasok na sa loob kung saan nila gagawin ang photoshoot. Madaming theme ang studio at puwede silang mamili kung saan nila gusto. Georgina chose the landscape with a wide meadow and a Friesian horse in the background. Nananabik na siya sa alaga niyang kabayo na matagal na niyang hindi nabibisita dahil busy pa siya sa ngayon. Hindi lang ‘yon. Mahilig siya sa nature, at kung magkakaroon man sila ng prenuptial photoshoot ay gusto niyang ga
Friday night at Chantrea Aureole Manor.Nang makarating sina Georgina at Rhett halos naroon na ang lahat ng kaibigan nito pati na rin si Nathalia na nag-iisang babae sa grupo. Sabay-sabay na tumingin ang mga ito sa kanila nang makapasok sila sa private room na kinuha ni Fredrick para sa grupo. “The husband and wife are here!” unang bati ni Sean at itinaas pa ang hawak na wine glass. Sinundan ito ni Archer na tumayo at inabutan kaagad si Rhett ng alak. “Congrats for finally getting her back, my man!”Samantalang si Fredrick ay kay Georgina nakapokus ang tingin at malamlam ang matang nakatingin sa kanya. Lumapit si Duncan kay Georgina at inabutan siya ng orange juice na nakalagay sa wine glass. “For you, congratulations on getting back with Rhett,” ngumiti ito nang mapait sa kanya pero bakas sa mukha nito ang lungkot. “Thanks,” tinanggap niya ang inabot ni Duncan saka sinulyapan si Rhett. Walang reaksyon sa mukha nito at hinayaan lang siya kaya nakahinga siya nang maluwag.Magkasama
Hindi lang si Georgina ang natigilan nang buksan niya ang pinto. Maging si Rhett ay hindi makapagsalita at nakatitig lamang nang matiim sa kanya. ‘Paano niya natunton ang bahay ni Kraven?’ Natutulirong tanong niya sa isip. Sinubukan niyang mag-isip ng idadahilan pero ang turnilyo sa utak niya ay tila kinalawang at ayaw gumana. She felt like her tongue was tied, preventing her from speaking and her brain was fuzzy that she couldn’t think of words to utter. Shit! This is over! He finally saw me!Kahit natutuliro ang isip ni Georgina, kalmado naman ang mukha niya at hindi nagpakita ng anumang pagkabahala. If worst comes to worst, she will just go back to the island and invite Fredrick over. Ang buong akala niya ay sasabog sa galit si Rhett. Pagagalitan siya nito dahil sa pag-alis niya at pilit na pauwiin katulad ng ginawa nito noon, pero hindi iyon nangyari. Habang tahimik silang nagkakatitigan, wala siyang nababasang ekspresyon sa mukha ng lalaki. Wala itong sinabi at walang ginawa k
Kahit nagtataka ay hindi pinakita ni Georgina na interesado siya sa lovelife ng kaharap. Kaswal niya itong nginitian at sa ikalawang pagkakataon ay nagpaalam. “Pasensya na, Mr. Castaneda pero wala na akong panahon para makinig sa love story niyo ng asawa mo. I have an important appointment na pupuntahan kaya mauna na ako,” paalam niya. Hindi siya hinayaan ni Rhett na umalis dahil agad itong lumapit sa kanya. “Hindi mo man lang ba pagbigyan ang alok ko na makita ang hitsura ng isang prehistiyosong Architect G?”Napangisi si Georgina. Alam niyang hindi dahil sa nagugustuhan siya ni Rhett kaya nito gustong makita ang hitsura niya kundi gusto nitong makita ang mukha niya at pinaghihinalaan siya nito na siya si Georgina. Pwes, hindi niya ito hahayaang magtagumpay. “It is not convenient, Mr. Castaneda.” Her arms crossed in front of her chest and stared at Rhett with deep eyes. “I didn’t realized that the famous Mr. Castaneda is a fraud. You like to force someone into doing something even
Sa buong sandali hanggang matapos ang event ay pansin ni Georgina na laging nakasulyap sa kanya si Rhett. Hindi niya alam kung namumukhaan siya nito dahil may suot siyang manipis na face veil at natatakpan ang ilalim na bahagi ng mukha. Nakasuot din siya ng kulay itim na fascinator hat at halos matakpan ang noo niya dahil sa laki. Puting bestida ang kanyang suot at dahil malaki ang tiyan niya ay kumukurba iyon sa damit niya. Gustong ikutin ni Georgina ang gusali na siya mismo ang nagdesinyo pero nananakit na ang paa niya kasa ibaba na lamang siya nanatili. Siya ang nagdesinyo pero si Rhett pa rin ang masusunod sa mga final touches lalo na sa loob at namangha si Georgina sa nakita. The interior design was exquisite and suited Rhett’s identity. Hindi na siya nagtaka dahil masiyado itong maselan sa mga bagay na gusto nito. Ang sabi ni Georgina sa sarili ay sa first floor lang siya mag-ikot-ikot pero hindi niya namalayang nakasakay na siya ng elevator at nakarating sa pinakamataas na pa
Ang dahilan kung bakit sila nagpakasal ni Olivia ay dahil sa lolo niya. Tinakot siya nitong hindi ito magpapagamot at magpapaopera kung hindi niya makitang kasal siya. Nang mga sandaling iyon ay kasa-kasama niya si Olivia sa mansyon nila sa America at wala siyang nagawa kundi ang pakasalan ito. Matagal na silang magkakilala ni Olivia kaya may tiwala siya rito na kapag dumating na ang araw na pwede na silang mag-divorce ay papayag ito kaya si Olivia ang ipinirisinta niya sa kanyang lolo bilang asawa. They obtained a marriage certificate and it was valid dahil alam niyang hindi basta-basta mapepeke ang kanyang lolo. Ang problema, ang sabi ng kanyang lolo ay kailangang magsagawa ng engrandeng selebrasyon sa Pilipinas para ipagkalat sa mga kaibigan at kakilala nila na kasal na siya at iyon nga ang ginawa ni Rhett. Nauna siyang bumalik sa Pilipinas para asikasuhin ang kasal kuno para lang mapasaya ang lolo niya pero ang problema ay hindi nakasunod sa kanya si Olivia dahil sa importanteng n
Mainit pa rin ang ulo ni Rhett nang makabalik siya sa mansyon. Ilang lugar na ang nilibot niya pero wala siyang makuhang palantadaan kung nasaan si Georgina. “Fuck! Where are you hiding, Georgie?” Naasar na bulong niya habang paakyat ng elevator. Tulog na ang mga tao dahil madaling-araw na kaya naman wala nang-istorbo sa kanya kung hindi ay baka mapagbuntunan niya ito ng galit. Rhett was exhausted. Hindi siya nakatulog sa buong biyahe pabalik ng Pilipinas mula Morocco dahil nag-aalala siya para kay Georgina. Nang makapasok siya sa kuwarto nila ni Georgina ay pamilyar na amoy nito ang sumalubong sa kanya.“Damn!” Hindi niya mapigilang magmura dahil lalo siyang nanabik sa asawa. Patay na ang ilaw sa loob ng kuwarto pero dahil sa sinag ng buwan na natatakpan lamag ng manipis na kurtina ay may liwanag na gumagabay sa kanya. Inalis niya ang suot na kurbata habang naglalakad patungo sa banyo pero natigilan siya nang biglang nakarinig ng kaluskos mula sa kama. Agad na bumaling ang tingin
NExT:“May guest room sa baba. Hindi mo kailangang ipagsiksikan ang sarili mo rito dahil kuwarto ito ng kapatid ko at asawa niya.” Naglakad si Rizza para harangan si Olivia na makalapit sa kama. “Asawa, huh?” Mahina itong napatawa. “Rizza, wala naman akong gagawing masama kundi matulog sa kama.” “May delikadesa ka bang klaseng babae? Ang kama na tinutukoy mo ay kama na hinihigaan ng kapatid ko at asawa niya. Kung gusto mong matulog dito sa bahay ay sa guest room ka pumunta kung hindi ay makakaalis ka na at maghanap ng hotel na matutuluyan.” Hindi nagpatinag si Rizza sa katigasan ng ulo ng babae. Sa pagkakataong ito ay pumasok ang kanyang lola sa kuwarto. “Rizza, ano ba ang iniingay mo? Baka magising si Santino sa taas ng boses mo.” “Lola, paano naman kasi. Itong babaeng ito ay gustong matulog sa kuwarto ni ate Georgina kahit sinabihan kong may guest room naman,” sumbong niya. Nang makita ni Lola Rhea si Olivia ay kakaibang ngiti ang sumilay sa labi nito. “Lola Rhea, pasensya na
“Boss Fredrick, something happened!”Napahinto sa akmang pagsimsim ng kape si Fredrick nang humahangos na pumasok sa opisina niya si Nolan. Namumutla ang mukha nito at tila pawisan dahil tumakbo papasok sa kanyang opisina. “Ano ‘yon at habol mo ang hininga mo para lang makapunta rito?” Ibinaba ni Fredrick ang tasa ng kape at seryosong tiningnan si Nolan. “Nawawala si Miss Georgina.” Hindi na hinintay ni Nolan na magtanong pang muli ang kanyang Boss. “Nitong nakaraang araw ay maraming bantay na itinalaga si Sir Rhett kay Georgina upang hindi ito makalabas ng mansyon. Hindi ko alam ang dahilan pero kahapon nga, habang namamasyal sila kasama ang matandang babae ng Castaneda ay bigla na lamang nawala si Georgina. sa palagay ko ay tinakasan na naman niya ang pamilya ni sir Rhett.”Nang marinig ito ni Fredrick ay mahigpit niyang naikuyom ang kamao. Hindi na naman ba tinatrato nang maayos ang kapatid niya sa pamilya Castaneda? What is Rhett thinking about treating Georgina like this? “Mob
Sa sobrang kaguluhan ng mga tao ay hindi na rin magkandaugaga ang mga bodyguards kung saan hanapin si Georgina. Nang mapansin ng dalawa na ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin nakakalabas ang madam nila sa banyo kahit ang dalawang bodyguards. Kaya naman pumasok ang isa sa kanila upang tumingin sa loob at doon na nila natuklasan na wala na sa loob si Georgina at ang dalawang bodyguards ay walang malay na nakahiga sa sahig. “Situation red, everybody alert. The madam is missing!” agad na report ng isang bodyguard sa kasamahan nila nang matuklasan ang sitwasyon. “Spread out and find her! Alam niyo na ang mangyayari kung hindi niyo siya mahanap!” galit na utos ni Julios nang matuklasan ang nangyari. Binalingan niya sina Rizza at Isaac. “Go home! Masiyado nang nagkakagulo rito at nawawala si Georgina!” Inutusan nito ang driver at isang bodyguard na ihatid pauwi ang tatlo kasama si Santino na nag-uumpisa nang umiyak dahil sa kaguluhan. Hindi nila alam kung ano ang nangyari at b
Kasama si Lola Rhea at Santino ay namasyal sa amusement park sina Georgina. Upang may tagabitbit kay Santino ay isinama rin nila si Rizza pati na rin si Isaac, ang tuition teacher ni Rizza na kaeskwela nito a kolehiyo. Gusto ni Rizza ang binatilyo noon pa pero noong nag-aaral pa si Georgina sa kaparehong unibersidad ay nagpahayag sa kanya si Isaac na gusto siya nito. Ayaw niya lang patulan ang binatilyo dahil hindi lang sa hindi niya ito gusto pero ayaw niyang masira ang relasyon niya kay Rizza na unti-unti nang maging maayos. “G, you in position?” Hawak ni Georgina si Santino sa kamay habang nakatayo sila sa harap ng isang ice cream shop dahil gustong kumain ng bata. Pinagbawalan ito ni Lola Rhea pero nagpumilit si Georgina na pagbigyan ito dahil baka ito na ang huling pagkakataon na makasama niya si Santino. Hindi nga siya nagkamali dahil enjoy na enjoy ang bata sa tindero ng ice cream na pinaglaruan pa ito dahil imbes na ibigay dito ang buong ice cream ay apa lang ang binigay