Hello? Kumusta po kayo? Enjoy reading po :) Lara Melissa
Jarvis’ POVIniwan ko si Bella para makapag isip nang mabuti. Ayaw ko siyang nakikitang napi pressure. Hinayaan ko siya at nagtiwala na lamang sa kanyang desisyon.Ganito talaga siguro kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Maghihintay ka para sa kanya pero minsan hindi ko na kayang tiisin pa. Dahil siguro ay natatakot ako na baka iwan niya ako ulit at ayaw ko nang bumalik sa ganoong sitwasyon.I love her so much.Napatingin ako sa hawak kong cellphone na makita kong tumatawag si Rei. Mabilis na sinagot ko ito.“Yes?” bungad ko sa kanya.“Nasaan ka?”“Nasa park. Nagpapahangin,” kaswal na wika ko.“Kasama mo si Bella?” “Oo. Bakit?” takang tanong ko sa kanya.“Huwag kang hihiwalay kay Bella. Nang reviewhin namin ang cctv ng bar ay napansin namin na may sumusunod sa kanya," seryosong wika niya.Bigla ako napaisip sa sinabi niya. “Sigurado ka, Fuentabella?”“Oo. Hindi lang isang tao. Marami sila,” seryosong wika ni Rei.Shit!“Two americano for Mr. Jarvis.”Nilingon ko ang staff na tumawa
Bella's POV Nagising ako na makarinig ako nang malakas na pagbasag. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kuwarto. Nasaan ako? Kahit na medyo nahihilo pa ay tumayo ako para alamin kung saan ako dinala ng lalaking iyon. “Gising kana pala," sabi ng lalaki na kumidnap sa akin. Dahil nga sa pagkahilo ko ay napaupo ulit ako sa kama. Nanghihina na tinignan ko siya. Nakasuot pa rin siya ng itim na mask na hindi ko maintindihan kung bakit. “Who are you?” halos na pabulong na tanong ko sa kanya. Tumingin muna siya sa wrist watch niya bago niya ako sagutin. “Mahigit limang oras kana natutulog.” Napabuntong hininga ako. “Sino ka ba? Ano ang kailangan mo sa akin? Ano'ng ginawa mo kay Jarvis?” Si Jarvis talaga ang una kong naisip na magising ako. Alam ko na sobrang mag aalala siya sa akin. Hindi niya ako sinagot kaya naman ay diretso ko siyang tinignan sa kanyang mga mata. Puno iyon ng kaseryosohan na hindi ko nagugustuhan. "Bakit hindi mo sinasagot ang aking tanong?" naiiritang
Bella’s POVNatawa nang malakas ang lalaking nasa harap ko at tumayo. Tila wala lang sa kaniya ang suntok na binigay ko. Minasahe niya ang kanyang mukha na hindi tinatanggal ang mask. “Bakit hindi ka makapagsalita? Dahil totoo ‘di ba?” sarkastikong wika ko.“Hindi ko alam ang sinasabi mo,” malamig na saad niya.Hindi ko siya pinakinggan at nagsalita muli. “Alam ko na impossible na ikaw siya dahil matagal na siyang patay.”“Patay na siya so bakit kailangan mo pang banggitin?” seryosong tanong niya sa akin. “Isa na lamang siya nakaraan, Bella.”“Hindi mo alam kung bakit?” naiiyak na natatawa ako sa kanya. “Dahil kung ikaw talaga si Dash ay hindi kita mapapatawad sa ginawa mo kay Jarvis ngayon! Tandaan mo iyan.”Lalong sumeryoso ang kanyang mukha. “Kung ako nga talaga si Dash na sinasabi mo ay handa akong harapin ang banta mo. Magkamatayan man.”Nakipagtitigan ako sa kanya.“Ano’ng kaguluhan ito?” ani ng bagong dating.Bago ko bawiin ang aking mga mata na nakatitig sa lalaking ito. “Hind
Bella’s POVPabagsak na sinara ko ang pinto ng kotse ni Ash. Tinignan ko siya nang masama pero nairita lang ako na makita ko ang kanyang mga mata na nakangiti sa akin. Kahit na hindi ko nakikita ang kanyang bibig ay alam ko na pinagtatawanan niya ako ngayon.Tinalikuran ko siya, sinuot ko ang lab coat at eyeglasses na bigay niya. Tinali ko ang aking buhok. Pagkatapos ay tinignan ko ang aking sarili sa side mirror. Mukhang hindi na ako makikilala nito. Nang makuntento ako sa akin ayos ay tinignan ko ang entrance ng ospital. Doon ko napagtanto na totoo nga ang sinabi ni Ash na sobrang higpit ng security ng naturang gusali dahil sa labas pa lang ay dami na nakabantay. Dagdag pa rito ang mga reporters na naghihintay sa labas. Sa itsura palang nila ay tila wala silang balak na umalis sa kinatatayuan nila. Malaking scoop nga naman kung makakakuha sila ng impormasyon tungkol sa kalagayan ni Jarvis.“Bago ko pala makalimutan, Bella. Nasa VIP room number one ang taong hinahanap mo. Ibig sabih
Bella’s POVSimula ng bata ako, hindi ako nagpakita ng kahinaan. Pinalaki ako ng mga magulang ko na maging matapang at matatag.Pero hindi ko akalain na darating ako punto na maging mahina dahil sa ngalan ng pag ibig. Dito ako nakaramdam ng takot para sa mga taong gusto kong protektahan.Takot na dahilan ng pagiging mahina ko.Mapait akong ngumiti.Nang makaalala ako ay isang desisyon ang nabuo sa aking isipan. Ang dumistansiya sa kanilang lahat kasama na roon si Jarvis. Dahil nga hindi pa tapos ang isyu patungkol kay Tres ay kailangan kong gawin iyon.Tres is a crazy woman. Wala siyang pakialam kung sino ang mamatay basta magtagumpay lang siya sa kanyang paghihiganti. Sa kabilang banda ay naaawa naman ako sa kanya dahil ang pagmamahal na meron siya ay ginamit niya para makapanakit ng tao. Iwinaglit ko na iyon sa aking isipan at nag focus na lamang kay Jarvis. Napatitig ako sa gwapong mukha niya. Tila mahimbing ang kanyang tulog.At isang desisyon ang nabuo sa aking isipan, sa pagka
Bella’s POVUmalis ako sa pagkakayakap ko kay Jarvis at tumingin sa mukha niya. Isang masayang ngiti ang nakita ko nakapaskil sa kanyang labi pati na ang kanyang mga mata ay kumikislap sa tuwa.Lihim ako napangiti dahil doon. Lubos na nagagalak ang puso ko na okay na kami ni Jarvis.Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon.“Ano ang iniisip mo, Bella?” marahan na tanong niya sa akin.Napangiti ako sa tanong niya sa akin. Walang imik na kinuha ko naman ang kanyang kamay at pinaglaruan ito. “Kumusta kana ngayon, Freak?”Napataas ang kanyang kilay na kinangiti ko lalo. “Freak… Hmmm…” tumatangong wika niya. “Namiss ko ang pagtawag mo sa akin niyan.”“I know,” mahinang usal ko.“Mabuti naman ang kalagayan ko, Bella. Naagapan naman ang lason sa katawan ko. Nagpapasalamat na rin ako na binigyan ako ng lalaki na nakamask ng antidote kung hindi ay kumalat na ito sa buong katawan ko,” mahabang sabi niya.Napatitig ako sa kamay ni Jarvis. “Ano ang tingin mo sa lalaking iyon?” mahina kong tanong sa k
Bella’s POVHumiwalay na ako kay Jarvis at tumayo. Inayos ko ang aking sarili. Bigla ako nailang dahil sa paraan na pagtitig niya sa akin.“Hey! Stop staring at me,” suway ko sa kanya.Hindi siya nakinig sa akin.“Jar—“Hindi ko naituloy ang aking sasabihin na makarinig ako ng ingay sa may pinto. Mabilis na nilingon ko iyon at nakita ko na may tao sa labas. Wala na akong sinayang pa ng oras at mabilis na kinuha ko ang puting mask na nasa table at sinuot iyon. Pagkatapos ay hinarap ko si Jarvis. Seryosong tinignan naman niya ang taong paparating.“Ano’ng ginagawa mo rito, Rain?” kunot noong tanong ni Jarvis.“Dahil may urgent na meeting si Ate Pam ay ako ang pinapunta rito. Kasama ko rin pala si Kier.”Nanigas ako sa aking kinatatayuan na marinig ko ang pangalan ni Taki. Napatingin naman sa akin si Jarvis at sinenyasan ko siya na kailangan ko nang umalis.Tila naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin. “Doc, thank you pala sa iyong advise,” at kinindatan niya ako na kinalaki ng ak
Bella's POVNapapailing na lamang ako habang nakatitig kay Ash. "Yo!" nakangiting wika niya.Wala na ako sinayang ng oras at sumakay sa kotse ni Ash."Kumusta ang pag uusap niyo ni Jarvis? Masaya ka ba?" sunod sunod ng tanong niya."He's fine," ang sabi ko sa kanya. "Hindi na malubha ang kanyang kalagayan," pag iinform ko sa kanya."Hindi ko tinatanong, Bella," seryosong sabi niya."Ah... hindi ba?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. "Pasensiya na, akala ko kasi ay gusto mong malaman ang kalagayan niya."Hindi na kumibo si Ash at nagfocus na lamang sa kanyang pagdadrive. "By the way, malaking pasasalamat ni Jarvis sa iyo. Salamat sa pagbibigay ng antidote," puno ng sinseridad na wika ko.Hindi siya nagsalita pero hindi nakaligtas sa akin ang paghigpit na paghawak niya sa manibela.Pagkatapos kong sabihin iyon ay hindi na ako nagsalita pa.Hindi sa malamang dahilan ay bigla akong inantok. Kampante na ipinikit ko ang aking mga mata dahil alam ko sa aking sarili na hindi gagawa s
Bella's POVTulad nang sinabi ni Taki sa akin ay hindi na siya nagpakita sa akin. Nabalitaan ko na lamang kay Hana na totoo ang gustong gawin ni Taki na magpapakalayo-layo. Hindi ko nga lang alam kung kailan iyon magsisimula. Sobrang lungkot nga ni Hana na malaman niya iyon.Sumapit ang araw ng linggo. Ito ang araw na gaganapin ang second match namin ni Tres. Maraming tao ang naririto. Noong nakaraang match ay leaders at queens lang ang naroon. Ngayon ay kasama na ang mga members ng Queens.Sobrang daming tao ang gustong manood sa laban na ito. Nasa isang arena kami. May napansin ako sa gitna ng arena na may dalawang upuan at isang mesa ang naroroon. Napapalibutan pa ito ng mga salamin. In short, para siyang malaking cube.Doon yata kami pupuwesto ni Tres mamaya.Nakita ko na lamang na paparating sila Uno. Naupo sa ibabang bahagi ng arena. Tumayo ako para puntahan sila sumunod naman sa akin si Selena at Snow."Hello," bati ko sa queens.Ngumiti si Lara, si Quatro ay tumango naman, si
Rose University Bella's POV Kalalabas ko lamang ng building namin na matanaw ko ang mga girlfriends na naghihintay sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti. Noong isang araw kasi nagchat sa akin si Princess at niyaya niya ako na magdate kami kasama ang iba pang girlfriends. Hindi naman ako nagdalawang isip at pumayag ako. Agad ko rin ininform si Jarvis tungkol dito at pumayag din naman siya. Naalala ko pa nga ang sinabi niya na magiging masaya siya na makasama at makausap ko sila Princess. Hindi kasi namin nagawa iyon nung pinakilala niya ako bilang girlfriend niya dahil umuwi rin kami agad niyon. "Hello!" malakas na sabi ko na kinalingon nilang lahat. "Bella!" sabay takbo nila sa aking at nag group hug kami. Natatawang niyakap ko sila. "Kumusta kayo?" "Namiss ka namin!" masayang saad ni Grace. Tulad ng dati ay wala pa rin si Grace pinagbago, masayahing tao pa rin. "Mabuti naman na pumayag kayong dito na lang magkita-kita sa university ko," sabi ko sa kanila. "Wala nama
Bella's POVBumuntong hininga ako na maalala ang nangyari kagabi. Kitang-kita ko ang pagdurusa ni Taki at kung paano i-comfort ni Hana si Taki.Gusto ko sila lapitan pero alam ko na hindi ako makakatulong baka nga lumala pa lalo. Mapait akong napangiti. "Bella..." tawag sa akin ni Jarvis.Nag angat ako nang tingin upang tignan ko siya pero nagulat ako na may iced americano ang nasa harapan ng mukha ko."Salamat," tipid kong ngiti.Umupo si Jarvis sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa bahay nila, to be more specific ay nasa room kami kung saan pwede kaming mag training at hinihintay ang pagdating nina Rei at Taki. Ngayon kasi ang unang araw ng training ko sa kanilang apat tatlo."Iniisip mo pa rin ba si Kier?" tanong niya sa akin.Huminto ako sa pag inom ko ng iced americano at napatingin sa kanya. Malungkot akong ngumiti at naramdaman ko na lamang ang pag akbay niya sa akin. Banayad na hinimas niya ang aking braso para i-comfort niya ako. "Huwag kang mag alala, Bella. Sigurado ako na m
Hana's POV Nang talikuran kami ni Taki ay mabilis na hinabol ko siya. "Taki!" malakas kong sigaw. Pero hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin siyang naglalakad. "Taki! Sandali!" at nadapa ako. Hay... Ang saya nito. Napangiwi ako na maramdaman ang sakit. "Ouch..." naiirita kong sabi. Pagtingin ko sa harapan ay hindi ko na makita si Taki. Kailangan kong habulin si Taki baka kung ano ang gawin niya. Dali-dali akong tumayo pero napaupo ulit na maramdaman ko ang sakit sa aking tuhod nang tignan ko iyon ay doon ko napansin na nagasgasan ito. Hindi ko napigilan na mapaiyak. Ang sakit naman kasi! Nagulat na lamang ako na bigla akong umangat sa ere at nang tignan ko ang gumawa niyon ay walang iba kundi si Taki. "Taki..." sabay tulo ng aking luha. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha na walang emosyon na mababakasan doon. Para siyang naging manhid. Hindi ako ngulit pa dahil alam ko na ang gusto ni Taki ngayon ay katahimika
Bella's POV Masasabi ko na naging successful ang family dinner namin na kasama si Jarvis. Pagkatapos kasi ng dinner namin ay niyaya ni Dad si Jarvis na mag usap sa kanyang office. Hindi ko na alam kung ano ang pinag usapan nila pero sa tingin ko ay naging okay naman ang relasyon nila nang lumabas sila mula sa office ni Dad. "Kumusta ang pag uusap niyo ni Dad?" tanong ko kay Jarvis. "Hmmm... Masaya," tipid niyang sabi. Napakamot ako sa aking mukha. Ang tipid na sagot niya. "Ano ang pinag usapan niyo?' curious kong tanong. Napahinto siya sa paglalakad at hinarap niya ako. Nagtatakang tinignan ko siya. "Ikaw," sabi niya. "Ako?" sabay turo ko sa aking sarili. "Oo," saby gulo niya sa buhok ko na kinainis ko. "Freak!" nakabusangot na saad ko. "Ang masasabi ko lang ay mahal na mahal ka ng daddy mo," nakangiting wika niya. "Alam ko," sabi ko sa kanya. "Napaisip nga ako, Bella," sabi niya pa. "Huh? Ano ang naisipan mo?" tanong ko sa kanya. "Kapag nagkaroon tayo ng anak, pwede b
Bella's POV "Nagseselos ka ba kay Taki?" marahan na tanong ko. "Ako? Oo naman," mabilis na sagot niya. "Normal lang naman siguro iyon, Bella." "Bakit naman?" takang tanong ko sa kanya. "Bella... Kalahati ng buhay mo ay kasama mo na si Taki. At masasabi ko na kilalang kilala niyo na ang bawat isa," mahinahong wika niya. "Hmmm.. Totoo ang sinabi mo at hindi ko iyon itatanggi," napapatangong sabi ko. "Pero ang pagmamahal na meron ako kay Taki ay pagmamahal bilang kaibigan lamang." Napatitig sa akin si Jarvis. "Kahit ba minsan ay hindi ka na in love sa kanya?" "Iyong totoo?" sabi ko. "Hindi. Sa iyo ko lang iyon naramdaman, Bf." Naramdaman ko na hinawakan ni Jarvis ang aking mga kamay at marahan na hinalikan iyon. Mahinang napasinghap ako na maramdaman ko ang labi niya sa ibabaw ng kamay ko. "Alam mo bang sobrang sobra ang pasasalamat ko sa Itaas na ibinalik ka Niya sa akin," mahina niyang wika. "Ako rin. Nagpapasalamat ako ng binigyan pa tayo ng second chance," nakangiting wik
Bella’s POV “Ano’ng ginagawa mo rito?!” mariin kong saad sa kanya. Mabilis na tinago ko ang aking butterfly knife. Hindi siya umimik bagkus ay nakatitig lang siya sa akin. “Umalis kana bago ka pa nila makilala,” sabi ko. “Bella!” tawag sa akin ni Jarvis. Nilingon ko si Jarvis na nagtataka kung bakit hindi pa ako sumusunod sa kanila. “Yumuko ka, Bella,” madiin na wika niya na lalo kong kinaguluhan. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkairita dahil sa hindi ko siya sinunod. Nagulat na lamang ako na bigla niya akong hinila at niyakap nang mahigpit. Nanlaki ang aking mga mata na makita ko na may baril na siyang hawak at itinutok iyon sa direksiyon nila Jarvis. Nilingon ko sila Jarvis na mabilis na nagtago sa gilid ng mga kotse. Ilang putok pa ang pinakawalan ni Ash, pagkatapos ay hinawakan niya ang aking kamay at tumakbo sa gilid ng mga kotse. Shit! “Ano’ng nangyayari, Ash?” galit na tanong ko sa kanya. “Mga tao ni Tres na nag aabang sa iyo para patayin ka,” kaswal niyang w
Bella's POV "Pinag uusapan natin dito ay ang pagpalit ng isang Queen. Alalahanin mo kung anong responsibilidad ng isang Queen sa atin. Do you think Black Butterfly can handle our organization?" seryosong wika ni Quatro. "Hindi ko ikakaila kung gaano kahusay at kagaling siya. Nasaksihan ko iyon lahat. Pero para sa akin, hindi siya karapat dapat na maging isang Queen. Not now, Uno." Napabuntong hininga si Uno at tumingin kay Tres. "What is your opinion, Tres?" Sinulyapan ni Tres si Uno at nagkatitigan ang dalawa. "Hindi magbabago ang aking desisyon, Uno. I will not accept her," sabay tingin niya sa akin. "Hindi siya karapat dapat na pumalit sa iyo. Hinding-hindi ako papayag!" Lihim ako napangiti na makita kung gaano siya kagalit sa akin. Hindi ko akalain na makikita ko kung paano siya kabahan. Napatingin sa akin si Snow. Nagkibit balikat lang ako na dahilan na mapailing si Snow sa akin. Mahabang katahimikan ang namayani, walang sino man ang gusto magsalita at hinihintay ang susuno
Bella’s POV “Ano sa palagay mo?” walang gana na balik na tanong ko sa kanya. “Sa palagay ko?” at natawa siya. Tawang nakakainis sa aking pandinig. Nang tumigil siya sa pagtawa ay tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata. “Where is your respect, Black Butterfly?” seryosong sabi niya. Napaunat ako sa aking kinauupuan at medyo lumapit sa kanya. “Black Butterfly is dead,” mahina kong sabi. Pagkatapos ay inilayo ko ang aking sarili sa kanya at seryosong tinignan ko siya. “Kaya mas mabuting huwag na nating pag usapan iyon.” Ngumiti siya. Ngiting hindi maipaliwanag. “Nakalimutan ko na matagal na palang patay si Black Butterfly.” Matapos niyang sabihin iyon ay may hinagis siyang maliit na shuriken sa aking direksiyon. Dahil sa bilis ng shuriken ay hindi ko ito naiwasan agad. Naramdaman ko ng kaonting sakit na nadaplisan ako nito. Tinignan ko ang natamaan na braso ko. Napunit ang mangas ko at nalantad ang aking tattoo. Hindi ko gusto ang ginawa niyang kapahangasan sa akin. Sinu