Share

PANCEO 3

THIRD POV

“Ma’am, out niyo na po?” tumango si Lorelay kay Arman, isa sa waiter sa club na pinagtatrabahuan niya. Nang makababa siya sa ground floor, nakita niya si Mr. Shein na may ibang babae na kasama. Nakaupo ito habang may nakakandong.

“Kada Sabado na lang,” mahinang ani ni Lorelay at pilit na inalis sa sistema ang sakit na nararamdaman.

Nagtuloy-tuloy sa pag-alis si Lorelay, hindi alintana ang mga matang nakasunod sa kaniya papalabas.

Agad siyang nagpara ng taxi, at nagpahatid sa bahay ni Zee. Pagdating niya doon, mga katulong lang ang naabutan niya. Walang rebolto ni Zeebal. ‘Galit pa rin ba siya?’ tanong ni Lorelay sa kawalan habang dinadaluhan ang mga katulong sa paghanda sa mga maleta nila.

"Ate, pakigising ang mga bata." Ngayon sila aalis, pabalik sa dati nilang bahay ngunit ang mga bata ay ayaw umalis sa bahay ng daddy Zee nila.

Nakatingin ang lahat kay Sico na nakasimangot habang nakatingin sa mga maleta na nakakalat sa sala.

"Sico, naintindihan mo naman si mama 'di ba?"

"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status