Ginising ko si Mr. Shein no’ng maihanda na ni manang sa mesa ang mga pinaluto ko. “Gising na muna,” niyogyog ko siya para magising. Nang mamulatan niya ako ay basta nalang niya hinigit ang kamay ko kaya nahiga ako sa mga bisig niya. “I need a cuddle from my baby,” mahinang aniya bagay na ikinangiti ko. Mas lalo kong ipinagsiksikan ang sarili ko sa kaniya at ako na mismo ang kusang yumakap dito. “You smell nice,” “Kasi kompleto ang gamit ko dito sa loob ng bahay. Galante ang sugar dadeeh ko e,” natatawa kong sabi. Nakita kong bumuka ang isang mata niya para tignan ako at nasalubong ko ang kulay asul nitong mata. Napalabi ako nang maalala na halos dalawang buwan ko ring hindi nakita ang mata niyang ‘yan. “Who’s your sugar daddy?” kunot noong tanong niya. “Ikaw,” sagot ko at humagikgik sa gilid. Imbes na mainis ay sumilay sa akin ang mapayapa niyang ngiti. “At least gwapo ang sugar dadeeh mo,” aniya sa tono ng pagmamayabang. Hindi ako nakasagot at mas lalo ko pang pinagsiksikan ang
“Come here, wife!” Sigaw ni Mr. Shein habang nagtatampisaw ako sa ulan. Sinimangutan ko siya dahil hindi pa ako tapos sa ginagawa ko. Katabi nito si Oprah na nakatingin din sa akin. “Tatapusin ko lang ‘to!” Sigaw ko pabalik. “What? Why are you planting flowers in the middle of the rain? Look! Ang lakas ng ulan!” Oo nga noh? But patapos na rin naman kasi ako e. “O sige na, tapusin ko lang ‘to.” Sabi ko sa kaniya at nilipat sa isang paso ang halamang tumubo nalang basta sa lupa dito sa garden niya. Hindi ko na narinig ang reklamo niya. Pagtayo ko, nagulat nalang ako nang maramdaman ang mga kamay niyang ipinulupot sa bewang ko. “Ang tigas ng ulo mo,” bulong niya. Naramdaman ko ang labi niya sa leeg ko kaya sinimangutan ko siya. “Are you not planning to take me here in the garden right?” narinig ko ang mahinang pagtawa niya lalo’t halos hindi niya tinatantanan ang katawan ko mula no’ng bumalik siya. “You just gave me an idea,” agad niya akong hinarap at sinalubong ang aking mga labi.
“Ate, tara na!!” unang lumabas ang kapatid ko sa sasakyan habang natatawa si Mr. Shein na ibinaba ang binata ng sasakyan niya. “Dave, you need cash? Just tell me!” Ngumiti siya ng pagkalaki-laki at umiling.“Kuya, huwag na. Baka bawiin ni ate ang ibibigay mo. Ayaw pa naman niya no’n,” natatawang sabi ng kapatid ko dahilan kung bakit kumunot ang noo ko. “Anong ibig niyang sabihin?” nagtataka kong tanong kay Mr. Shein na hindi na magawang tumingin sa akin.Tinignan ko si Dave at agad itong sumipol at tumingin sa malayo. “Anong pinag-usapan niyo dalawa?” kunot noong tanong ko sa asawa ko.“I’m planning to give him a car,” nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Anong car? Seryoso ba siya sa mga pinsagsasabi niya?“Mr. Shein? Naririnig mo ba ang sarili mo? Car?”“It’s a gift, baby. Besides Dave deserves it kasi mataas ang grades niya.”“Mr. Shein, it’s too much. Sobrang laki ng regalo mo sa kaniya,” lumabi siya at naglalambing na kinuha ang kamay ko at dinala ito sa mga labi niya.“Hay
Jayden Shein’s sentiments I-I killed someone. W-What have I done? Ilang ulit ko ng hinugasan ang kamay ko sa gripo, just to wash it over and over again but the dirt of my sin remained. He entered, my great father who doesn’t give a damn to his son’s sake. I’m so ashamed to be his son. “Mabuti at gising ka na! Alam mo ba ang ginawa mo?” I didn’t bother to look at them. They’re making me sick. I even heard mom cries, for what? I’m so sick to live with their expectations. I’m so sick to be their son. “Humarap ka sa akin!” I didn’t move nor flinch. I am a criminal. I killed someone. I’m so sick of these hands. They are dirty. How many times should I rince it para lang mawala ang dumi ng nagawa ko? No. It’s permanent. It’s like a virus, running towards my system and slowly killing me. “Stop it Jayden. Nagkakasugat-sugat na ang kamay mo.” Binawi ko ang kamay ko kay Mommy. Bakit niya ako pipigilan? I want to clean it. Hindi pa ito malinis. Tutal naman, wala silang paki-alam sa akin. “M
Jayden Shein’s sentiments Habol ko ang aking hininga. Nang tignan ko ang sarili sa salamin at halos gusto kong durugin ang mukha ko dito. Buong lakas kong sinuntok ang salamin dahil kung bakit dumudugo ang kamao ko. Sobrang saya nang makita ko si Oliver kanina and like what I expected, he’s still mad at me. I met his wife. I’m happy that he’s happy with his life ngunit hindi ko magawang sumaya no’ng hindi man lang niya sinabi sa akin na nagpakasal na siya at nag-asawa na. And I think, wala ding alam si dad dito. Ngunit sino nga ba ako para sabihan man lang niya? Sobra nga siguro ang galit niya sa akin ng hindi man lang niya kayang ipaalam s aakin. Ngunit masaya na ako nang makitang mahal siya ng asawa niya. Na handa itong ipaglaban ang kapatid ko kahit na sa kung sino. Oliver is not interested in his inheritance kay Dad. But nag-iba na ang takbo ng panahon ngayon. Dahil sa success na nagawa niya sa buhay, naging prospect siya para ibigay ni dad ang lahat sa kaniya. At nauubos ang o
Jayden Shein's sentiments"Don't try to fvck up with me!""I'm coming there this month. Just wait me. I'll bring the money with me."Puno ng kaba at pagmamakaawa ko kay Smith. Nang pinutol niya ang tawag, galit na ibinato ko ang cellphone sa pader dahilan kung bakit nadurog ito. Napahilamos ako sa mukha, at nanghihinang umupo sa sahig.Tanging pagluha nalang ang nagawa ko dahil kahit ano pang gawin ko kada minuto, wala rin akong magagawa. Kulang na kulang pa ang pera na naipon ko at walang binibigay sa akin si Dad kahit ni piso. Sa hindi ko malamang dahilan, dinala ako ng mga paa ko sa bahay ng kapatid ko. Walang wala na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko idagdag po ang katangahang nagawa ko kay Divina Sugala..Hindi ko siya pinatay ngunit pinaghahanap na nila ang nagmamay-ari ng relo na natanggal noong paalis ako sa bahay nila. Hindi ko siya pinatay. Hindi ko siya itinulak. Prinotektahan ko lang ang sarili ko.Gusto ko ng sumuko. Gusto ko ng mawala. Mababaliw na ako kakaisip paano
“May Leukemia ka. Kailangan mong manatili dito,” mahinang sabi ni Mr. Shein na nagpatigil sa kapatid sa paglalakad. Sobrang nagulat si Jayden sa sinabi niya. ‘Huh?’ Ang tanging nasabi niya lang sa kaniyang isipan. Gulat niyang nilingon ang mga ito.Nang sabihin ng doctor kanina ang kundisyon ni Jayden ay nagulat si Mr. Shein na kahit siya mismo ay hindi makapaniwala. Nakaramdam siya ng takot para sa kapatid niya. Nag-uumapaw ang galit niya dito ngunit nang sabihin ng doctor na may Leukemia ito, para siyang nabingi sa narinig.Ngayon, ay hindi na niya matignan sa mga mata ang nakakatandang kapatid, na siya namang nakatingin ng diritso sa kaniya. Takot, gulat at iba’t-ibang emosyon ang namutawi sa mga mata ni Jayden.“That’s too much Oliver. Alam kong galit ka sa akin but huwag mo naman akong takutin ng ganiyan. Hindi ako pwede magkasakit,” tulirong sabi ni Jayden. ‘Hidni ako pwedeng magkasakit. Ginu-good time niya ba ako?’Sinubukan niyang tignan muli si Jayden ngunit hindi na nakayana
Dinala ni Mr. Shein si Jelen kasama ni Carlitos pabalik sa Pinas. Siya na ang nag-asikaso sa lahat ng pangangailangan ng pamilya niya. Mas binigyan niya muna ng pansin si Jayden kesa kay Lorelay. Madalas niyang dinadalaw ang kapatid habang nakatoka minsan sa pagbabantay kay Carlitos lalo’t laging nasa hospital si Jelen para kay Jayden.Ang ilan sa katulong niya ay pinatira niya kasama ni Jelen upang may magbantay kay Carlitos tuwing kailangan niya ring umalis. Nagkausap sila ni Jayden sa hospital. Gumanda ang relasyon nila ng kuya niya at paraan iyon para maibsan ang bigat na nararamdaman niya.Gumanda rin ang kalagayan ni Jayden lalo’t ayos na sila ni Mr. Shein at kasama na niya ang mag-ina niya. Nagkakausap sila minsan ng silang dalawa lang at paraan iyon ng magkapatid para mabawi ang mga taon na nasayang nila.Nakatutok din siya sa kaso ng kuya niya. Alam niyang oras na malaman ni Lorelay ang lahat, maaaring mawala ito sa kaniya kaya ginagawa niya ang lahat para mapabuti ang lagay