Tumingin ako sa kapatid ko na may pagtataka. Nasa isang hapagkainan kami. Dito na kami nag hapunan dahil iyon ang sabi ng inay sa amin.“Nak, paki-abot nga ng tinola,” kukunin ko na sana ang sabaw ng unahan ako ni Harold. Naguguluhan ko siyang sinundan nang tingin. Anong ginagawa niya?Inabot niya kay inay ang mangkok ng tinola. “Salamat nak,” laglag sa sahig ang panga ko sa narinig mula kay inay. “Welcome po tita,” nakangiting sagot ni Harold. Tumingin ulit ako kay Dave at gaya ko ay tila naguguluhan rin siya sa mga nangyayari.Anong kaguluhan ito? Bakit may nak-nak kaming naririnig?“Baka naman may isa sa inyo inay ang magpaliwanag kung anong nagyayari dito?” humalukipkip ako sa harapan ngunit nakurot lang ako ng inay bagay na tinawanan ni Harold.“Huwag kang magganiyan sa harap ng pagkain, Lorelay. Kumain ka na diyan.” Sabi pa nito na ikinasimangot ko.“Hi people,” naagaw ang attention namin kay Shiela. May dala siyang ulam na nasa isang tupperware. Ngumiti ako nang magtama ang pan
“Gabi na, uuwi na kayo?” tahimik lang ako sa gilid ni Shiela at nakatingin kay inay. “Opo, tita. Kailangan na namin bumalik sa tinutuluyan namin ni Lorelay. Hinahanap na rin kami ng boss namin e. May ipapa-encode sa amin.” Ang galing niya mag sinungaling in fairness. “Kuya, iyong pangako mo sa akin ah.” Kumunot ang noo ko sa dalawa. Anong pangako ang tinutukoy ni Dave? “Ano ‘yan?” singit ko sa dalawa. “Wala ‘yan ate. Usapang lalaki ito,” aniya at binalik ang attention sa cellphone niya. Aba! Lumapit ang inay kay Harold at nauna silang lumabas habang parang binalewala niya ako dito sa sala na siyang anak niya. “Mukhang may new favorite si tita ah,” nakangiting sabi ni Shiela. Napailing nalang ako at sinundan ang dalawa sa labas ng bahay. Katabi ko si Shiela na nakatingin kay Harold. “Bes,” napahinto ako ng tawagin ako ng kaibigan ko. “Bakit bes?” tumingin ako sa kaniya. Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin sa ‘kin habang siya ay nasa harapan ang paningin. Kung saan nag-uusa
Nasa sala kaming lahat. Tahimik ang silang apat. Dinalhan ko sila ng makakain. Nag fried ako ng manok para sa kanila. Naglagay rin ako ng beer dahil iyon ang request ni Richmoon.“Umupo ako sa upuan malapit kay Lee dahil sa tabi lang naman niya ang may bakante nang biglang tumayo si Harold at lumapit sa kinaroroonan namin. Puno ng pagtataka namin siyang tinignan lahat. Hindi siya nakatingin sa ‘kin ngunit nakatingin siya kay Lee.“Move Lee,” seryoso at hindi mo maririnig sa kaniya ang biro. Nabigla si Lee sa sinabi niya at agad na tumayo at nagpalit sila ng upuan. Kunot noo ko siyang sinundan nang tingin.“Lee, bakit ka lumipat?” nagtataka kong tanong.Napakamot siya sa ulo niya at sumulyap kay Harold saka bumaling sa ‘kin. “Mas gusto ko dito,” aniya at umupo na. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Richmoon at mayor Gacus pagkatapos sabihin ni Lee iyon.“Apaka protective ng pucha!” Humalakhak si Richmoon at automatic na natahimik nang magtama ang paningin nila ni Harold. Pati si mayor
Kinaumagahan, wala na naman si Mr. Shein sa tabi ko ngunit ramdam ko ang pag-alis niya kanina. Hindi ko nalang siya inintindi at natulog ulit. Hindi ko na ipipilit na makita siya dahil ayos naman ang ganitong set up namin. Kesa umalis siya at hindi na magpakita pa.Agad akong naligo saka bumaba. Pagbaba ko ay hindi na rin ako nagulat nang makita si Harold na naghihintay sa akin sa ibaba. Agad niya ‘kong sinalubong at ngumiti ng pagkalaki-laki na animo’y nanalo sa lotto.“Ngiti-ngiti mo diyan?”“May ibibigay ako sa ‘yo,” nagtaka ako at hinintay ang ibibigay niya. May kung anong kinuha siya sa likuran at bahagya pa akong nagulat nang makita isang tangkay ng rosas sa kaniya.“For you, babe.” Kinuha niya ang kamay ko ay binigay sa akin ang bulaklak. Wala na ang tinik tinik nito. Kinuha niya yata.Ang ganda ngunit….Napabuntong hininga ako at ibinalik sa kaniya ang bulaklak.“Huwag mo na akong bigyan ng mga ganito, Harold. Hindi kita pinapayagang ligawan ako o bigyan ng kung anu-ano.” Sery
Nagkulong ako sa kwarto pagkauwi namin. Kasama ko si Oprah para lang hindi ako matakot. Pagkatapos kong maligo ay pinili kong matulog sa kwarto ni Mr. Shein kahit na sobrang dilim ng kwarto niya. Yakap-yakap ko ang unan habang nakapikit. Hindi ko alam kung bakit masama ang loob ko kay Harold. Nagtatampo ako sa ginagawa niya. Mas lalo lang sumama ang kalooban ko na kahit alam niyang galit ako sa kaniya ay hindi man lang niya pinilit na kausapin ako. Na para bang balewala lang sa kaniya ang nararamdaman ko. Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan. May naaamoy akong pagkain. Bumangon ako ngunit nakasara na ang pintuan. “Mr. Shein?” tawag ko nang hindi ko makita ang mukha niya. Naramdaman kong inilapag niya ang pagkain sa mesa bago lumapit sa ‘kin. Wala siyang sinabi na kahit ano ngunit naramdaman ko ang marahang pagdampi ng labi niya sa noo ko. Kusa nalang tumulo ang luha ko. Naroon ulit ang bigat sa dibdib ko dahil sa tampo ko kay Harold. “Shh…” Aniya kaya mas lalo lang akong naiyak. Ako
Magpapaalam na sana ako kay Edmund nang unahan niya ako sa pagpasok. Agad ko siyang hinabol. “Saan ka pupunta?” naguguluhan kong tanong sa kaniya. Bakit siya papasok sa loob?“Nagpalipat ako ng sched para sabay na tayo,”“Binagsak mo rin ba ang Understanding the self mo at may subject ka nito?” natatawa kong tanong sa kaniya na ikinasimangot niya. Naupo kami sa hulihan.“Sino iyong kasama mo kanina?” nagtatakang tanong niya. Si Lee ang tinutukoy niya.“Kaibigan siya ng asawa ko,” sagot ko. “Pasensya ka na sa asal niya kanina. Mabait naman iyon, may pagka loko-loko nga lang minsan.” Sabi ko at ngumiti. Wala pa ang instructor namin kaya nag kwentuhan kami ni Ed tungkol sa mga bagay-bagay.May sariling mundo rin naman ang ibang studyante sa loob kaya kami lang ni Edmund ang nagkakaintindihan.“So iyon, umuwi kami ng L.A when I was eleven dahil nandoon ang business namin,”“So galing ka pala sa mayamang pamilya. Sabagay, halata naman sa itsura mo e.”“Uy hindi ah,” aniya. “Sakto lang sigu
Agad kong niligpit ang gamit ko nang matapos ang klase. Huminto si Edmund sa gilid habang iyong mga studyante ay humirit pa ng litrato kay Harold.“Tayo na?” ayaw ni Ed sa ‘kin. Tumango ako at kinuha ang bag ko. Paalis na kami nang bigla akong tawagin ni Harold dahilan kung bakit napahinto ang lahat.“Stay here Ms. Lorelay. May pag-uusapan pa tayo about your eyes condition as per the chairman requested. Besides, magpapatulong din ako sa ‘yo para sa upcoming celebration ng English month.” Nang marinig iyon galing sa kaniya ay dahan-dahan ng umalis ang mga studyante.Gusto kong tumanggi pero naiintimida ako ng mga titig niya. Tumingin ako kay Edmund na seryoso namang nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.“Magkita nalang tayo bukas Ed,” sabi ko dahil ito lang naman ang subject ko ngayong araw. Tumango siya at nagbuntong hininga saka ginulo ang buhok ko.“See you tomorrow,” ani nito at tuluyan ng lumabas. Nang wala na ang mga studyante sa paningin ko ay saka lang ako bumal
Nakatingin ako sa likuran ni Harold habang tinatahak namin ang daanan sa hallway paalis ng school. Napapahinto ang mga studyante na nadadaanan namin para bumati sa kaniya. May mga ilan na tumitili sa gilid. Napakurap ako nang bigla siyang huminto dahilan kung bakit rin ako huminto. Nang lumingon siya sa akin ay nakita kong gumilid ang labi niya na tila ba ay pinipigilan na mangiti. “Faster,” aniya sa walang boses. Agad akong tumalima at naunang maglakad sa kaniya. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya na tila ba ay tuwang-tuwa sa ginawa ko. Lumabi ako sa kaisipang pinagkakatuwaan niya ‘ko. Pagkalabas namin ng campus ay naroon si Lee. Nakita ko kung paano nila salubungin ni Harold ang isa’t-isa. Nag bro hug sila habang marahang tinatapik-tapik ni Lee ang likuran ni Harold. Pinagsingkitan ko ng mata ang nasaksihan ko sa kanila ngayon. Masiyado silang close sa isa’t-isa. Iyan ang napansin ko sa kanilang dalawa. Mas lalo lang lumalim ang hinala ko na siya nga ang asawa ko. “I’m so p
Hello everyone, I don’t know kung may nakaabot sa chapter na ito dito banda e. Haha. As you see, iyong tatlong book e posted na as separate book pero dahil may ibang readers na hindi yun mahanap so I decided na isama ang apat na book dito.Naisip ko po na dagdagan pa ito ng isa pang book na hindi pa nababasa or hindi ko pa na post. Agree ba kayo na dagdagan ko pa? Story po ito ni Laris Shein.Hesitant akong ipagpatuloy siya kasi baka mamaya e wala palang nagbabasa na ng story na umabot hanggang dito. Haha. What do you think po? Dapat ko bang ipagpatuloy? Or hindi? Wait po ako sa reply niyo.Kapag umabot ito ng siguro 100 comments (chareng), ipagpapatuloy ko ang 5th book.SALAMAT PO. WAITING AKO SA REPLY NIYO LAHAT. (Sana meron. huhu)
HULI(THIRD PERSON)“Are you not bothered na laging kuya mo ang napupuri?” Rit smiled at the ladies at umiling.“Why would I?”“He’s the eldest so hindi ba parang sa kaniya una mapupunta ang yaman ng pamilya niyo?”Dalawa lang sila ni Kuarter yet they were always be compared to each other by the lads.“I can get rich if I want,” Rit answered as he si pped his wine from the glass.“Your parents allowed you to drink?” manghang tanong ng mga kaedaran niya na kasama sa social gatherings ng elites.“Yeah. I have an amazing parents,”Kanina pa gustong umuwi ni Rit. Wala lang siyang choice kun’di makipagplastikan sa mga taong kailangan niyang makasalamuha.He’s a college student but already reigning an empire at the young age. Even the Shein didn’t know that. Rit pretended to be dumb and a weakling baby where in face he’s dangerous like his ancestors.Bored niyang tinitignan ang ilang mga numero na pumapasok sa bank account niya. Profits from the investments he made since he was in high schoo
ZEYM“Coffee?” nag-angat ako ng tingin at nakita si Eli na inaabutan ako ng kape. Si Sico ay kausap si Rachelle kasama ni Lando.“Ang lalim ng iniisip. Tungkol ba ito kay Hanny?”“Kua said that he saw her. Naaawa ako sa anak natin. Kung saan maayos na siya, bumalik na naman ang trauma niya.”“Baka kamukha lang ni Hanny ang nakita niya. We’re there at nakita naming nilibing ang abo niya,”Alam ko. Lahat din nang nakakita ay sinabing patay na si Hanny. Ang amin lang ay sana makalimutan na ni Kua ang batang iyon dahil ayaw naming makita siyang pawisan na gumigising sa gitna ng gabi.Hinawakan ni Eli ang kamay ko at ngumiti. “Everything will be fine. Dalawa tayong ina niya ang magtutulungan para malampasan niya ulit ang mga bangungot ng nakaraan niya.”Eli is right. Dapat kong alisin ang mga negatibong ideya sa isipan ko.Enjoyin ko nalang ang outing namin ngayon. Narito kami lahat sa bahay ni Eli at Sico. Nandito rin si daddy Zee kasama ni Doc Mia at ibang mga kaibigan ni papa gaya ni unc
ZEYMIsang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko matapos kong basahin ang libro na binili ni Lando sa akin. Kanina pa ako nakangiti na parang baliw pero ang totoo ay umuusok na itong ulo ko sa inis sa kaniya.“Sweetie, you want te—err what happened?” nabitin sa ere ang sasabihin niya nang makita ang itsura ko.“You wanna die?”He looked confuse.“What’s this?” sabi ko at pinakita sa kaniya ang librong binili niya.“A book?” hindi niya sure na sagot. Bigla siyang napalunok nang makita na mas lalong lumabas ang kunot sa noo ko.“Mukha ba akong s3x addict?” nanlaki ang mata niya at tinignan ang libro na hawak ko. Mukhang na-realize niya anong libro ang binili niya sa akin.“Ah—actually, I forgot something—"“Come here,”Magpapalusot pa siya para makaalis.“What?”“I said, come here,”Napalunok siya at kinakabahan na humahakbang papunta sa akin.Do I look like a monster at ganiyan siya katakot?Umupo siya sa kama, sa tabi ko. Lumapit ako sa kaniya na agad niyang ikinapikit. Akala
Nasa likuran ako ni Kua at tinitignan namin ang mga tao na hinahatid ang abo ni Hanny sa paglalagyan niyo.Akala ko nga ay ilalagay ng pamilya ni Hanny ang abo niya sa bahay but it turned out na ilalagay din pala pa rin nila ito sa sementeryo.I’m wondering bakit kailangan e-cremate kung ililibing din pala nila?Kung sabagay, mula sa nalaman ko ay minamaltrato ang bata kaya siguro ayaw ng pamilya niya panatilihin ang abo nito sa bahay nila.Nasa malayo kami ni Kua, umiiyak ang anak ko habang nakatingin sa malaking picture portrait ni Hanny.Hindi ko siya kilala personally, pero kung sino man siya, alam kong mabuting bata siya dahil gustong gusto siya ng anak ko.Matapos ang libing, umuwi na kami agad.Sinalubong kami ni Rit na nag-aalala sa kuya niya. Kua on the other hand went to his room. Ayaw niya sigurong makita na nag-aalala kami sa kaniya.“Is he gonna be okay, mama?” tanong ng anak ko.Tumango ako.“Yes cause your brother is strong anak,”“I’m afraid he’s not, mama,” tumingala
ELIZABETHMy boys were so OA to the point na hindi ko alam kung miinis o matatawa ako sa pinaggagawa nila. It’s been almost 2 weeks nang makalabas ako, at naghihilom na ang sugat ko.Nakauwi na nga rin kami ni Sico sa bahay namin, and as for Kua, he asked Zeym to stay with us. Zeym agreed dahil aalis rin naman sila ni Lando for 1 month.Alam na kung saan ang pakay nila. Anyway, masaya kaming lahat para kay Zeym. Kung ano ang trato sa kaniya ng lahat no’ng sila pa ni Sico, ay ganoon pa rin naman ngayon.It’s just that, everyday na siyang nakangiti at blooming. Halatang masaya siya sa piling ni kuya Lando.Kakabalik lang ni Sico sa trabaho, dahil halos ayaw niya akong iwan mag-isa sa bahay lalo’t kapag may pasok ang mga bata kaya natagalan talaga ang pagbalik niya. Tambak na ang trabaho niya sa opisina.Si Rit, sa public school pa rin siya pumapasok. I asked him kung gusto ba niyang lumipat ng school noon kung nasaan ang school ng kuya niya, he firmly said NO kahit na lagi niyang ginaga
RICOPinitik ako ni papa sa noo. Ang sakit!“Tuwang tuwa ka pa na pinakaisahan niyo ni Lando ang kapatid mo?” tumingin si papa kay Lando, na agad na yumuko.“Sorry ulit tito,” sabi ni Lando sa tabi ni Zeym.“Oh ayan… Sige papa, pagalitan niyo ang dalawang iyan.” Sabi ni Zeym na ginagatungan si papa.Sinamaan ko siya nang tingin pero pinitik lang ni papa ang noo ko ulit.“Oh nasaan na ang tapang niyo kanina?” sabi ni Zeym.Tumingin ako kay Sico na walang malay. Nasa couch siya. Matapos sabihin ng nurse kanina na na-cremate si Elizabeth ay bigla siyang nahimatay.Maayos naman ang vitals ng gago. Ayaw lang niyang gumising.“Papa masakit na,” reklamo ko. Nakita ko si Moni na kumakain ng ice cream at tinatawanan ako.Bakit parang magkakampi sila dito sa bahay?Si Elizabeth ay nasa tabi lang ni Sico, hawak ang kamay at pinupunasan ang pawis ni Sico gamit ang panyo.“Linisin niyo ni Lando mamaya ang mga sasakyanan ko,” sabi ni papa sa akin na ikinalaki ng mata ko.“Pa/tito?” sabay na react n
Pagdating ko ng bahay, sinalubong ako agad nina tita at tito kasama ni Moni at mga anak ko.“Mama, we’re so worried about you…” Sabi ni Kua na umiiyak at nakayakap sa akin.“Mama, I missed you so much. Are you still sick mama?” inosenteng tanong ni Rit sa akin. Wala akong masabi kun’di ang ngumiti sa dalawang anak ko.Masiyado akong na overwhelmed sa pinapakita nila sa akin.“I’m sorry… Nag-aalala ba kayo kay mama?”Sabay silang tumango, ang cute.“Asus.. Ang mga baby ni mama ay… Miss na miss ko kayo mga anak.” HinaIikan ko sila sa mga labi nila kahit na pati ako ay naiiyak na rin.Para na kaming timang dito lahat na nag-iiyakan.“I promise you mama, from now on, I will protect you from danger,” ang sabi ni Kua, seryosong sinasabi sa akin na po-protektahan niya ako.Nasabi sa akin ni Zeym na tinuturuan niya si Kua sa martial arts at kung paano humawak ng baril. Wala naman aknong nakikitang problema doon at isa pa, alam kong babantayan niya ng maigi ang anak namin.“Me too mama, Rit pr
SICOWhere am I?“Sico,” napabangon ako nang marinig ang boses ni Eli.“Where are you going? Why are you going that way?”She smiled and continue to walk. I started to run to catch her up but she’s unbelievably fast.“Honey? Where are you going?”Hindi ulit siya nakinig. Nanitili lang siyang naglalakad kahit alam niyang sinusundan ko siya. Each step I make to move forward, mas lalong lumalakas ang kaba sa dibdib ko.What’s happening? Bakit nasa labas siya? Wait—where are we? Why are we in the garden?Whose garden is this?“Eli,” tawag ko ulit sa kaniya but this time, huminto na siya.“Stay Sico,” matapos niyang sabihin iyon, hindi ko na magalaw ang paa ko.“Anong ginagawa mo? Why I can’t move?”“Sico, thank you for loving me.” She smiled, then naalala ko na nasa hospital siya.“Bakit? Saan ka pupunta?” tanong ko.Kinakabahan na ako, ayokong iwan niya kami.“Sico, you need to be strong dahil may mga anak pa tayo,” ang sabi niya.“Stop it Eli. Saan ba ito? Come here baby… Please, I miss