Share

Chapter 30: Fight

Kinaumagahan, wala na naman si Mr. Shein sa tabi ko ngunit ramdam ko ang pag-alis niya kanina. Hindi ko nalang siya inintindi at natulog ulit. Hindi ko na ipipilit na makita siya dahil ayos naman ang ganitong set up namin. Kesa umalis siya at hindi na magpakita pa.

Agad akong naligo saka bumaba. Pagbaba ko ay hindi na rin ako nagulat nang makita si Harold na naghihintay sa akin sa ibaba. Agad niya ‘kong sinalubong at ngumiti ng pagkalaki-laki na animo’y nanalo sa lotto.

“Ngiti-ngiti mo diyan?”

“May ibibigay ako sa ‘yo,” nagtaka ako at hinintay ang ibibigay niya. May kung anong kinuha siya sa likuran at bahagya pa akong nagulat nang makita isang tangkay ng rosas sa kaniya.

“For you, babe.” Kinuha niya ang kamay ko ay binigay sa akin ang bulaklak. Wala na ang tinik tinik nito. Kinuha niya yata.

Ang ganda ngunit….

Napabuntong hininga ako at ibinalik sa kaniya ang bulaklak.

“Huwag mo na akong bigyan ng mga ganito, Harold. Hindi kita pinapayagang ligawan ako o bigyan ng kung anu-ano.” Sery
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status