Dalawang linggo ang lumipas, maraming nagbago kasama na roon ang ugali ni Janella. Hindi nila maintindihan kung bakit nagiging grumpy si Janella. Kahit si Diego ay nahihirapan kausapin si Janella kung ano ba talaga ang gusto niya. “Mom, I don’t like the smells of this.” Inilayo niya ang pork steak na nasa harap niya. Kumunot naman ang noo ng kanyang ina na si Jane dahil inaayawan na naman ni Janella ang pagkain, kahit iyong paborito niyang pagkain ay ayaw niyang kainin.“Janella, ilang araw ka ng hindi nakain dahil lang ayaw mo sa mga amoy ng mga hinanda ko. Kahit ang pabango ng mga kapatid mo na lagi mo namang naamoy ay nagagalit ka na kapag naaamoy mo. Palagi ka ring galit sa asawa mo sa tuwing nakikita mo siya. Buntis ka ba?” Nanlaki ang mga mata ni Janella sa huling sinabi ni Jane, kumunot ang noo niya. Lumapit din ang kanyang ama na si Jarold, sa loob din ng dalawang linggo ay nakakatayo na siya at nakakapagsalita na kahit kaunti. “Anak, masama ba ang pakiramdam mo? Tama ang in
Kumunot ang noo ni Diego sa narinig mula kay Janella. Tiningnan niya ang dala niyang pastic bag na may lamang red banana. “You want piglet at this time? What happened to you?” Kunot noong tanong ni Diego. Nang mapagtanto ni Janella ang tinanong ni Diego at nang nakita niyang nagtataka si Diego sa inaasta niya, umiwas siya ng tingin.Naramdaman niyang lumapit sa kanya si Diego, lumuhod sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay niya. Hindi pa rin siya tumingin kay Diego dahil tila ba nahihiya siya sa mga gusto niyang mangyari. Sino ba naman kasing tanga para sa kanya na maghahanap ng saging na pula at biik. Midnight na pero gusto niya pa rin ang mga ganoong bagay. Napapaisip na tuloy siya kung ganito ba talaga ang mabuntis. “Hey, sigurado ka bang maayos ka lang?” Mahinang tanong ni Diego. Huminga nang malalim si Janella, it’s already twelve midnight at alam niyang pagod si Diego, kailangan na nilang magpahiya. “Bukas na tayo mag-usap, wash yourself now and go to sleep. Kailangan mong m
“What did you say?” Bumaling si Daniel kay Samantha nang malaman ang balit na buntis si Janella. Ngumiti siya nang malapad na para bang natutuwa sa balita at may masamang plano. “Kailan pa?” dagdag na tanong ni Daniel.“Dalawang linggo na,” Samantha replied. Naiba na naman ang hide-out ni Danie, pinuntahan siya ni Samantha para ipaalam ang nabalitaan mula kay Janella. SI Janella mismo nagsabi kay Samantha na buntis siya at masaya pa siyang sabihin kay Samantha na maging Ninang ng magiging anak niya. Mukhang nakuha na talaga ni Samantha si Janella dahil tiwalang-tiwala na si Janella sa kanya at pabor iyon para kay Samantha at Daniel. Iniisip nila na magagawa na nila ang mga plano nila. Habang nakangiti pa rin si Daniel, pinagmasdan lang siya ni Samantha. Sumagi sa isipan niya ang sinabi ni Diego noong isang araw na iniligtas niya lang si Daniel ngunit nagtataka siya kung bakit mas malaki ang galit ni Daniel kay Diego. Ano nga bang nagawa ni Diego kay Daniel para humantong sa ganito?
Bumalik sa loob ng condo unit si Diego, lumapit sa kusina at tinapon ang bote na dala ni Samantha, niligpit niya na rin ang kalat. Nagtimpla siya ng bagong gatas para kay Janella at dinala sa kwarto. Kumunot naman ni Janella nang makita niyang si Diego ang pumasok na may dalang gatas. "Where is Samantha?" tanong ni Janella. Inabot muna ni Diego ang baso sa kanya bago sumagot."Kailangan niya na raw umalis dahil may pupuntahan pa siya," he lied. Naniwala naman si Janella kaya hinayaan niya na lang. Balak niya na lang tawagan mamaya si Samantha."Bakit?" nagtatakang tanong ni Janella nang hawakan ni Diego ang kamay niya, iniligay niya muna ang baso sa lamesa na katabi lang ng kama. "May problema?" Umiling si Diego. Hinawakan niya rin ang tiyan ni Janella, maliit pa ang tiyan ni Janella kahit two months na ito. "Kailan lalabas ang anak natin? Excited na akong makita siya." Nakangiti niyang sabi."Ang tagal pa, dalawang buwan pa akong buntis, Diego. Malayo pa iyon pero sa totoo lang exc
Nakatingin lang Janella kay Amara habang papalayo sa kanya, nagmamadaling umalis din si Amara dahil ayaw niyang maabutan siya ni Diego. May gusto pa siyang gawin na hindi dapat malaman ni Diego. Nang makita si Janella, nakaramdam siya ng inggit at nang tignan niya ang tiyan ni Janella. Nakikita niya ang kanyang sarili na dapat siya ang buntis, siya ang asawa ni Diego, siya ang kasama ni Diego at higit sa lahat siya ang iniingatan pero dahil kay Janella nasira lahat ng pangarap niya. At nawawala pa si Samantha na dapat ang papatay kay Janella. Habang tumatagal ay hindi umaayon ang panahon sa mga plano nila Daniel. “Damn it!” Hinampas niya ang manebela ng kotse niya nang makitang pumapasok si Diego sa building. Naisip niya na sana sinabi niya kay Janella na huwag sabihin kay Diego na nanggaling siya sa unit ni Samantha ngunit bakit niya naman sasabihin din iyon sa babaeng ayaw niya. Nagmaneho na lang siya pabalik kay Daniel, kailangan nilang mahanap si Samantha buhay man o hindi. Hin
Nagmamadaling umalis si Amara papunta kay Diego, hindi nawala sa kanyang mukha ang galakd dahil makikita niya na ulit si Diego kahit na alam niyang iba naman ang sadya ni Diego sa kanya pero inalis niya iyon sa kanyang isipin. Ganoon siya ka desperada, kahit alam niyang isang delikadong tao si Diego ay pupuntahan niya pa rin. Iniisip niya na iyon ang magiging hakbang para makuha niya si Diego. Agad siyang bumaba nang makita ang likod ni Diego na nakatayo sa labas ng kotse. Ngumiti siya nang malawak, dahan-dahan siyang naglakad papunta kay Diego at nabigla naman si Diego nang may yumakap sa kanya mula sa likod. Tumingin siya sa kamay na yumakap sa kanya at dahan-dahang inalis iyon, hinarap niya ang babaeng yumakap sa kanya at nang makita na si Amara ito, umigting ang panga niya, sinamaan niya ng tingin si Amara.“What are you doing, Amara?” galit na tanong ni Diego. Amara pout her lips na para bang nalungkot sa tono ng boses ni Diego. Hindi niya ba nagustuhan ang pagyakap ni Amara sa
Dinala ni Jayson si Amara sa labas pagkatapos nilang mag-usap ni Diego. Wala na rin siyang magagawa dahil ayaw ibigay ni Diego ang katawan ni Samantha. Nakatingin lang si Jayson kay Amara, halata niyang hindi pa rin nawawala ang takot ni Amara. Ang pamilya ni Amara sa tingin ng maraming tao ay walang kinakatukan pero nang makita ang takot at iyak ni Amara kanina sa loob, napaisip si Jayson na si DIego lang ang kinakatukan ni Amara. “Save yourself, Miss. Kung ayaw mong masunod sa pinsan mo,” Jayson said. Napahinto naman si Amara nang akmang papasok na siya sa kotse siya. Bumaling siya kay Jayson, inalis niya ang luha sa pisngi at tiningnan ng masama si Jayson.“You are all devils. Paano ninyo nagawa kay Samantha ito? Hindi niyo siya binigyan ng pagkakataon na mabuhay—”“Diego did, Amara. Binalaan niya na si Samantha noon pa man na huwag gumawa ng mali ngunit hindi siya nakinig. Pinili niyang maghiganti,” Jayson replied in a serious face. Pagkatapos niyang sabihin iyon tinalikuran niya
Hindi alam ni Amara ang nangyayari pagka-alis niya, bagkus ang tanging focus niya lang ay puntahan ang ina nila DIego at Daniel na si Danica para humingi ng tulong. “Tita, what should I do? Natatakot ako kay Diego, he told me he will kill me like what he did to my cousin, Samantha kung gagawa ako ng mali sa kanya.” Nakikinig lang si Danica sa harap niya.Malaki ang naitulong ni Amara kay Danica pero sa katunayan wala siyang care kung ano ang gagawin ng mga anak niya sa mga tao. Kilala niya si Diego, nakuha niya ang ugali ng ama niya. “What do you want me to do?” Napahinto si Amara sa tanong ni Danica, mukhang nawalan siya ng pag-asa na humingi ng tulong mula kay Danica dahil nakikita niyang parang wala lang kay Danica ang nararamdaman niya.“Tita, I helped you with everything. Ako ang nag-alaga sa’yo noong hindi ka mapuntahan ng kahit sino sa dalawa mong anak—”“Nagbibilang ka ba, Amara sa nagawa mo sa akin? Tatanungin kita ngayon, sa nangyari sa’yo na kaharap si Diego, gugustuhin mo