Umatras nang bahagya si Angelo dahil sa narinig niya mula kay Diego. Hindi niya maisip kung bakit nagawa ng sariling in at kapatid ni Diego ang bagay na iyon na ikulong siya sa malaking bahay nila sa US. “What…what’s your plan?” he asked. Napahilamos naman sa mukha si Diego dahil hindi niya alma kung paano makakauwi sa Pilipinas.Nang galing sa hospital, at nang magising siya nagtaka na lang siya kung bakit siya nakagapos sa higaan niya habang masakit ang kanyang ulo. Hindi niya alam na bago siya makarating sa US, inutusan ni Danica na bigyang gamot si Diego nang mahabang pangpatulog. Nang makita niya si Danica sa harap niya, laking gulat niya dhail hindi niya inasahan na sariling ina niya ang gagawa sa kanya ng ganoong bagay. Ilang buwan din ang lumipas ay dumating si Daniel, mas lalo siyang nakaramdam ng galit sa pamilya niya.How could his mother betray him with his brother? Iyan ang tanong niya sa kanyang sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit ginagawa ni Danica iyon. Kahit ph
Hindi nakapagsalita si Janella sa narinig mula kay Amara, dahan-dahan siyang bumalik umupo sa upoan na inalayan naman siya ni Dianne. Umirap si Amara, hindi niya alam kung bakit siya pumunta kay Janella para sabihin ang bagay na iyon. Siguro ay na-realized niya na nanganganib ang buhay niya at kailangan niyang gumawa ng tama. Dahil pagkatapos noong nag-usap sila ni Danica, may mga sitwasyon sa buhay niya araw-araw na hindi maganda. Tila ba balak siyang patayin at nang makita rin sila ni Daniel ay binigyan siya ng malaking problema. Hindi siya minsan pinapaalis ni Daniel, mabuti nga ngayon ay nakahingi siya ng tulong sa magulang niya kaya napag-isipan niyang puntahan si Janella para sabihin ang totoo na hindi nalalaman ni Daniel. Wala naman siyang pakialam kay Janella kung mapahamak ang pagbubuntis, gusto niya lang matahimik ang kalooban niya. Huminga siya nang malalim at hinarap si Janella at Dianne. “Dahil hindi ka pwedeng pumunta sa US, ako na mismo ang pupunta. Isasama ako ni Dani
Dumating ang oras ng gabi na itatakas na ni Angelo si Diego. Katulong niya ang dalawang guards na sinabi ni Diego at hindi rin naman sila nahirapan na mapatumba ang iilang nagbabantay. "Nasaan sila?" tanong ni Diego. Napahinto naman si Angelo. "Nasa likod lang sila, sigurado ako ay napatumba na rin ang ibang nandoon. How about your Mom?" Natahimik si Diego sa tanong ni Angelo. Inantay niya lang na makatulog si Danica at sinimulan na nila ang pagtakas pero bago pa man ang lahat, pinuntahan niya sa kwarto para palihim na nagpaalam. "She will be fine. Hindi ko pwedeng i-tolerate ang ginagawa niya sa akin, kailangan kong punatahan ang asawa ko." Hindi na rin nagsalita si Angelo at tuluyan na silang umalis. Agad din naman nilang nakita sina Fred at Mark. Hindi na sila nag-usap pa, mabilos silang sumakay sa helicopter. Habang patuloy ang byahe nila sa himpapawid, hindi nila alam na may nangyayari nang hindi maganda kina Janella. Noong araw na nanggaling si Amara sa hospital para kausap
Nakangiti si Daniel kay Diego nang makitang natigilan si Diego sa sinabi niya na kukunin niya ang mafia organization sa mga kamay ni Diego at hayaang patayin ni Diego ang kanyang sarili. Kung tutuusin, sa pagkakataon na ito ay hindi na mahalaga para kay Diego ang Dark Blood Organization, kung iyon lang din naman ang dahilan kung bakit galit na galit si Daniel sa kanya at napapahamak si Janella, iiwanan niya ang dating nakaugalian pero kung kay Daniel lang din naman maiiwan, hindi siya papayag. Alam niyang mawawala ang pinaghirapan ng kanilang ama kung iiwanan niya sa kapatid niyang si Daniel na walang ibang gustong gawin kundi pasayahin ang sarili. Daniel is selfish. “If you changed yourself, maybe yes. I will transfer my authority to you to handle the organization but no. Hindi ka pa maayos, you’re still weak and…trash, brother.” Umigting ang panga ni Daniel sa sinabi ni Diego. This is the first time na marinig niya iyon mula kay Diego. “Is that what you’re thinking of me? A trash?
Mabilis na tumakbo si Diego patungko sa hospital room ni Janella, agad niya rin naman nalaman kung saan siya dinala dahil tinawagan niya si Andrei. Pagkapasok niya sa kwarto, nakahinga siya nang maluwag dahil nakita niyang mahimbing na natutulog si Janella, sinuri niya rin kung may sugat ba o wala. “Kumusta siya? And where is my child? Anong sabi ng doctor?” tanong niya kay Andrei. Nasa loob din ng kwarto ang buong pamilya ni Janella kasama si Mina. Agad silang nagtungo sa hospital nang malaman ang nangyari, puno ng pag-alala ang pamilya ni Janella, hindi nila alam kung ano talaga ang nangyai; pinaalam lang sa kanila na nakabalik na ulit sa hospital si Janella. “She’s now fine, mabuti nga ay walang nangyari sa bata. Ang sabi ng doctor ay hindi na siya dapat ma-stress pa. Mamaya ay gigising na siya—due to shock of the mother, kailangan nilang mailabas agad ang bata sa sinapupunan ni Janella…what’s your plan?” Andrei said. Lumunok ng isang beses, bumaling sa pamilya ni Janella at lum
Nakatayo si Diego habang nakatingin sa bintana ng nursery ward kung nasaan ang anak nila ni Janella. He coudn’t get away of his smile while watching his son, at mas lalo siyang napangiti nang makita ang pangalan na nakasulat para sa anak nila. “Diego Janiel,” he read it. Sobrang saya niya nang pinangalan ni Janella ang anak nila sa pangalan niya. Sino ba naman ang hindi sasaya na ganoon ang ginawa ni Janella? Ang tagal niyang nawala, ang tagal niyang hindi nagpakita kay Janella pero hindi pa rin siya kinalimutan ni Janella. “I can’t wait to be with you and our son, wife.” “Can we talk?” Mabilis na lumingon si Diego sa nagsalita, it was Janella’s father. Byron bowed his head to give respect. Inaya naman siya ng ama ni Janella na umupo sa upoan. Nakaramdam ng kaba si Diego dahil hindi niya alam kung bakit gusto siyang kausapin ng ama ni Janella. Galit pa rin pa ba siya kay Diego? May gusto ba siyang ipagawa kay Diego para patawarin niya? Maraming sumagi sa isipan ni Diego ngunit ni
Habang naglalakad si Janella, napunta siya sa labas ng hospital at hindi na siya mahanap ng kanyang magulang na sumusunod sa kanya. Umiiyak si Janella at kahit na tinitignan siya ng mga tao ay hindi niya na lang pinapansin, hindi niya rin napansin na sinusundan siya ng mga nurses sa hospital. “Where are you, my son?” iyak niya. Ang akala ng mga taong tumitingin sa kanya ay isa siyang baliw dahil nakasuot pa rin siya ng hospital gown, sumisigaw dahil tinatawag niya ang kanyang anak. Dumating sa punto na sinsii niya ang kanyang sarili, kung siya lang sana ang pumunta sa nursery ward para kunin ang anak niya ay hindi ito mangyayari. Hindi nila alam na madaling araw nangyari ang insidente. Pumasok sa loob ng hospital si Amara para gawin ang plano niya, hindi iyon napansin ng iilang dumadaan sa hallway sa nursey ward dahil nakasuot siya ng uniform ng nurse. Sa loob ng kotse, hindi mapakali si Sandy kakasalita habang nagmamaneho si Felicia at si Liah naman ay tahimik lang. Nang nanggalin
Bumaba si Diego mula sa kanyang kotse nang makitang nasa labas na rin si Andrei at si Angelo. Tinawagan niya ang kanyang mga tauhan nang hanapin niya si Amara. Hindi niya naman alam kung nasaan talaga si Amara kaya humingi siya ng tulong sa kanila. “Did you find her?” Diego asked Andrei. Tumango naman si Andrei sa kanya, “yes, we already find her. Na-track na nila Fred at Jayson kung nasaan siya, malapit lang din dito kaya mabilis lang din puntaha. We need get her now, ang pagkakaalam namin ay may nag-aantay na helicopter sa kanya para tumakas.” Mahabang sagot ni Andrei.Hindi na rin naman sila nag-aksaya ng oras at agad na nilang pinuntahan kung nasaan si Amara. Kailangan nilang maunahan si Amara bago pa man makatakas dala ang bata. Habang naghahabol sila Diego, kakarating lang din nina Janella na parehong lugar kung nasaan sina Diego. Bumaling sila kay Felicia, nag-aantay kung ano ang sasabihin. Janella doubted Felicia, pareho nina Sandy at Liah. May parte sa kanila na hindi naniwa