Nakaramdam ng kaba si Janella nang maisip na iiwanan niya ang mga kaibigan niya kina Andrei at Lorel. Mukha naman silang mababait pero sa isip niya ay si Diego nga tahimik, may tinatago rin. Paano pa ka kaya ang dalawa na sina Lorel at Andrei, sigurado din siya na kasali ang dalawa sa sinasabing mafia ni Diego. “Natatakot ka ba?” tanong ni Andrei. Hindi naman nagdalawang isip na tumango si Janella para sagutin siya. “Dude, tell your wife that her friends will be fine with us…” Bumaling siya kay Diego na seryosong nakatingin lang sa kanila. Gusto niya nang makasama si Janella mag-isa, pero nandito ang dalawa niyang kaibigan, ginugulo lang siya. He heaved a sigh at bumaling ulit kay Janella, nagulat pa si Janella nang hawakan ni Diego ang kanyang kamay. “Let’s go home, now. It’s already late and we need to take a rest. May alis tayo bukas.” Kumunot ang noo ni Janella sa sinabi niya. She was about to ask Diego pero bigla siyang hinila palabas at babalik pa sana siya sa loob nang maki
Kinabukasan, maagang nagising si Janella kayaa maaga niya ring ginising si Diego kahit gusto pang matulog ni Diego, wala siyang magawa sa pagmamadali ni Janella. Mukhang excited na umalis. “Umuwi na muna tayo, magpapatulong ako kina Mom at Mina na maghanda. Bilisan mo, hindi ba kailangan pa natin ng ticket papunta roon? At saka, wala akong passport! Paano iyon?” Hindi agad makasagot si Diego dahil inaantok pa rin ito. “We don’t need to bring a passport, I have a chopper.” Walang ganang sabi ni Diego pero nagpagulat kay Janella. Hindi siya makapaniwala sa nalaman, sobrang yaman talaga ni Diego at kahit saan ito pumunta kung gugustuhin niya, hindi na siya magsasayang ng oras para pumunta sa airport para sumakay ng eroplano na maraming tao. “Really? Ayos lang na hindi ako magmadali?” inosenteng tanong ni Janella. Dahan-dahang bumangon si Diego at bumaling kay Janella, hinawakan niya ang kamay ni Janella at sinabing. “Hindi mo na rin kailangan magdala ng mga damit, bibili tayo roon.
Kasama ang dalawang kapatid ni Janella papunta sa mall para bumili ng sapatos, si Diego naman ang nagmamaneho habang nakasakay si Janella sa co-pilot seat. Bakas sa mga mukha nila Janson at Jayro ang tuwa dahil agad silang napagbigyan ng kanilang sister. Ang tanong nila noon kung ano ang pakiramdam na makuha agad ang pangangailangan nila at kagustuhan na hindi nagkakaproblema at mag-antay ng matagal ay nararamdaman na nila ngayon. Naramdaman nila na ganito pala kasaya ang magkaroon ng pera, tumira sa malaking bahay, nasakay ng magarang kotse at pumunta sa mall. Bakas sa mga mukha nila ang excited na makapasok sa loob ng mall dahil ito ang pinaka-unang beses na makakapasok sila. “We’re here,” Diego said. Agad na lumabas sina Janson ay Jayro sa kotse kahit na tinawag sila ni Janella ay wala na itong nagawa kundi hayaan ang dalawang kapatid nang makita ang sobrang tuwa. “Ang saya nila pagmasdan. I missed my brother, we also used to be like that…the bond between us.” Napalingon si Jane
Kahit hanggang sa makarating sila sa napiling restaurant sa loob ng mall, hindi nagsasalita si Janella dahil sa sinabi ng kapatid niyang si Janson a while ago. Nakasimangot lang siya at paminsan-minsan ay masama ang kanyang tingin kay Janson. Hindi na nagsasalita ulit si Janson dahil takot din siya kay Janella. Iniisip ni Janson na baka hindi na siya pagbigyan ni Janella sa mga gusto niya. “I’m just kidding,” he mumbled to Janella. Inirapan lang siya ni Janella at sinimulan na lang kumain. Kinakausap naman siya nila Diego at Jayro ngunit tipid lang ang sagot niya, nagtataka tuloy ang mga kapatid niya kung bakit ganoon na lang kung mang-snob si Janella sa kanila. “We’re going to Paris later, anong gusto ninyong pasalubong?” tanong ni Diego. Bigla namang natuwa sina Janson at Jayro at sinabi ang mga gustong matanggap na mga bagay mula sa Paris. “Alright, sa susunod ay sasama na kayo sa amin. Maybe, your sister here wants to have a vacation alone…with me? Kaya siguro ganito siya ka
Sa isang malaking City malayo sa Manila. Maraming namumuhay na ibang-iba sa kung anong meron sa Manila. Kapag titingnan mo ang mga taong naglalakad sa daan sa lugar na ito, iisipin mong simple lang sila kung mamuhay. Hindi mo iisipin na magkakaroon sila ng gulo sa bayan nila. Minsan ay may dumadayong tourist kaya nakikita ng hindi taga dito sa lugar na ito ay maayos sila ngunit hindi alam ng nakararami, na ang lugar na ito ay puno ng kababalaghan. "Umalis na ang nga bagong dating na bisita kanina lang, sabihin mo kay Boss." Lumapit ang isang lalaki sa kanyang kasamahan. "I will, thanks for informing me. Pupuntahan ko na agad si Boss." Mabilis na tumakbo ang lalaki at agad din namang nakarating sa isang maliit na bahay kung titignan. Pero kapag binuksan na ang maliit na pinto, at pumasok sila. Makikita ang buong kabuuan sa loob na hindi inaasahan ng kahit kanino sa nakakita sa labas. Isa itong madilim na headquarters na maraming mga armas, tulad ng baril, kutsilyo at katana. Malala
Dahan-dahang ibanaba mula sa himpapawid ang helicopter na sinakyan nina Diego at Janella sa baba. Mayroon na rin nag-aantay sa kanila ng iilang personnel para alalayan ang kanilang pagdating. Saglit lang ang kanilang binyahe dahil silang dalawa lang naman ang sakay kasama ang pilot at co-pilot na kinuha ni Diego. Kasamahan niya ang mga ito sa Dark Blood Organization. Habang inaalayan ni Diego si Janella na bumaba ng helicopter, namangha si Janella sa sobrang hangin at lawak ng lugar. Bumaling din siya sa mga lalaking nakatayo at may dalang mga malalaking baril na tila ba pinoprotektahan talaga sila ng sobra. Nais pa sana itanong iyon ni Janella ngunit naalala niyang kasamahan ito ni Diego sa mafia organization. Hinayaan niya na lang ang kanyang sarili na humawak kay Diego. Nakarating sila ng Paris na walang aberya, at habang nasa himpapawid, masayang pinagmasdan ni Janella ang natatanaw mula sa taas. Masaya siya nang maranasan niya ang kanyang pangarap na lumipad at makapunta sa gus
Nakatayo ang isang lalaki habang nakatingin sa labas ng building, pinagmasdan niya ang paligid at iniisip kung ano ang susunod niyang hakbang. Hindi pa naman siya nagsisimula ngunit nakangiti siya dahil sa mga iniisip niyang gagawin. “Mukhang masaya ka.” Bumaling siya sa kanyang kasamang babae, kinuha niya ang wine na hawak ng babae at ininom ito na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. “May naisip ka bang gagawin ulit bukod sa lumabas at magparamdam na hindi nila namamalayan?” makabuluhang tanong ng kanyang kasamang babae. Bumaling siya sa babae, hinawakan ang pisngi at itinaas ang baba para ipahrapa sa kanya ng buo. “Wala pa akong alam kung ano ang gagawin ko, gusto ko kung gagawa man ako ng hakbang o plano ay sisiguraduhin kong hindi magiging palpak.” The lady smiled at him, kinuha ang wine glass na hawak ng lalaki at inilagay sa maliit na lamesa na malapit sa kanila. Lumapit siya sa lalaki at hinalikan sa labi. The guy responded to her kisses when they stopped dahil t
Habang kumakain ng breakfast sina Diego at Janella, tiningnan din nila ang mapa na dala nila. Mapa ng Paris kung saan pwedeng puntahan, mayroon ding hinandang listahan si Diego kung ano-ano ang maaari nilang gawin at puntaha. Secretary ang pinagawa niya sa mga listahan at inutos niya na kung maaari ay lahat ng lugar sa Paris ay ilista. “Pupuntahan natin ito?” tanong ni Janella naituro ang Eifel Tower, ito ang pinakauna sa listahan. Tuwang-tuwa siya nang makita ang pangalan ng tower dahil ito rin talaga ang pinaka-unang gusto niyang puntahan. Tumango si Diego sabay ngiti sa kanya, “Yes, we will.” Malawak ang ngiti ni Janella nang marinig iyon kaya pagkatapos nilang kumain ng breakfast, para siyang bata na excited magbihis ng masusuot. Pagkatapos niyang magbihis, tinawagan niya muna ang pamilya niya, nagulat pa siya ay naroon ang dalawang kaibigan na sina Sandy at Liah. “Oh my gosh!” sigaw nila Sandy at Liah nang makita si Janella na maganda ang suot, lahat sila ay pangarap makapun