Disclaimer: Medyo konektado ito sa ending ng Asawa Ako ng CEO. If your read that already, may idea na kayo what's going on in this scene at sa darating pa.
MORIOUS It’s been what? Ilang taon na nang nakabalik ako ng Pinas? Ang dami ng nagbago. Binalikan ko ang dating kalsada na tinitirhan ko noon. Kalsadang naging tahanan ko. Bago ako kinidnap ng mga sindikato at ibenta sa mga espanyol, sa kalsadang marumi na ito ako natutulog. Marami ngang nagbago pero ang kabulukan ng sistema ay nanatili pa rin. Nanatiling dukha ang dukha, at mas yumayaman ang mga mayayaman. Pinaandar ko ang sasakyan ko at pinuntahan ang skwelahan kung saan nag-aaral si Kuartar Shein, ang anak ni Sico at Zeym. Ang batang niluwal ni Elizabeth. Kakaiba! Iba nga naman ang nagagawa ng siyensya. Pumasok ako sa skwelahan, pero hinarang ako ng guard sa gate palang. Tumingin ako sa kaniya, dapat mag-iingat ako. “Anong grade po sir?” “Huh?” “Sa meeting,” May meeting ba ngayon? “Ah—ano, grade 5 na ang anak ko. Alam niyo po ba nasaan ang building ng mga grade 5?” “Doon lang po kayo dumiretso sa Bldg. 6 sir, naroon po ang grade 5,” sabi niya “Salamat,” nakangiting sab
ELIZABETH I feel the love their love and care they showered towards me. Pakiramdam ko tuloy ay nananaginip ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na maayos na ang trato ng pamilya ni Sico sa akin. Iniwan ko muna si Rit kay Moni dahil may general meeting ngayon sa school ni Kua. After meeting, una kong hinanap ang anak ko na nasa bench at kunot ang noo habang nakatingin sa mga batang ka edad niya. I’m planning na magdate muna kami mag-ina dahil hindi ko na siya masiyadong nabibigyan ng attention dahil sa kapatid niya. Sinusubukan kong gampanan ang papel ko bilang ina nila, pero nahahati talaga ang oras ko sa kanila magkapatid. Hindi gaya dati na nakatutok ako sa kaniya. “Kua,” tawag ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin ngunit nabigla ako nang makita ang pagkamuhi sa mata niya. Lumapit siya sa akin dala ang bag niya. “Kua, anak, bakit?” “Wala,” matabang na sabi niya at iniwan ako. Nagtataka ako sa ikinikilos niya. Sinundan ko siya kaagad. Sumakay kami ng kotse at umuwi ng bahay. H
ELIZABETH “Ate Zeym, kamusta na ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong ni Moni habang kaharap si Zeym. Hinawakan ni Rachelle ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nag-aalala ang mukha niya. “Okay lang ako.” Ngumiti si Zeym. Tumingin siya sa gawi ko. “Sino ka nga ulit?” tanong niya sa akin. “Sorry, hindi ko kasi kayo matandaan lahat.” “Ate, she’s ate Elizabeth. Kuya Sico’s- Inunahan ko si Harmonia. “I’m Sico’s friend. Pinsan ako ni Rachelle,” Napatingin silang lahat sa akin. Mabuti nalang wala dito si Sico. “Ate,” bulong ni Rachelle sa akin. Maguguluhan lang si Zeym lalo’t ang alam niya ay asawa niya si Sico dahil iyon ang sinabi sa kaniya ng mga tao. “Ahh—nice meeting you Eli.” Ngumiti ako kahit na napi-piraso na ang puso ko sa sakit. Ang mga magulang ni Sico ay nakatingin sa akin. “Ah—Moni, samahan mo si Zeym sa kwarto niya para makapagpahinga na siya.” Sabi ni Lady Lay. “Sige ma,” Nang makaalis sila sa sala, agad na lumapit sa akin ang mga magulang ni Sico. “Wh
ZEYM “Masakit pa ba ang ulo mo?” tanong ni Lando nang bisitahin niya ako dito para tignan ang kalagayan ko. “Where’s my husband?” Natigilan siya sandali. “Bakit mo pa siya hinahanap? He’s busy.” Kumunot ang noo ko. “I want him here. Please tawagan mo siya.” Nagmamakaawang sabi ko. I’m sure nasa bahay iyon ni Eli. This is my second life. Naisip ko baka pwede kaming magsimula muli kaya gusto kong nasa tabi ko lang si Sico. “Wala ka ba talagang naaalala, Zeym?” nag-aalalang tanong ni Lando. “Wala,” sabi ko. “Bakit? May dapat ba akong aalahanin?” Naging mabigat ang tingin niya sa akin. I’m sorry Lando, but I want to experience having a complete family with Sico. No’ng una, akala ko ay handa na akong pakawalan siya but now that I’m okay, hindi naman siguro masama na mangarap na maranasan ang kumpletong pamilya. “Wala naman. Sico is on the way. Galing siya ng trabaho,” I see. Trabaho pala. “Lando, wala ba kaming anak ni Sico?” tanong ko. Sakto namang kakapasok ni Moni. Hindi ko
ZEYM “Sico?” tawag ko, kanina ko pa siya hinahanap sa bahay pero hindi ko siya makita. “Hey, you looking for me?” napatingin ako sa likuran at nakita ko siyang pawisan. “Anong nangyari? Why are you sweating?” “Nag jogging ako sa labas.” Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang panyo sa kamay niya para sana punasan siya nang mapansin ko ang bahagyang pag-atras niya. “Uhm.. Need to take shower first. May kailangan ka?” “Wala naman,” sabi ko nalang, pinilit itago ang gulat sa ginawa niyang paglayo. “Ligo lang ako,” aniya at nilagpasan ako. Pero bago pa siya tuluyang makawala, tinawag ko ang pangalan niya. “Kailan mo ipakilala sa akin ang anak natin?” Natigilan siya at nanlalaki ang matang bumaling sa akin. “What?” “I heard Moni mentioned na may anak tayo, ang pangalan ay Kua. Bakit wala siya dito?” Halata sa mukha niya na hindi niya alam anong gagawin. I know na hindi na ako, pero baka magbago ang ihip ng hangin kung makita niyang pwede rin naman kami maging isang pamilya. “Zeym—"
ZEYM (THE PAST) “Zeym, hindi mo ba talaga gusto si Sico?” a colleague asked me while eyeing at Sico who’s busy on talking with other entrepreneurs. “No. He’s a brother to me,” “Really? Naku! Si papa nga gusto niya akong e date kay Sico pero alam naman ng mundo na reserve na si Sico sa ‘yo. Bata palang kayo magkasama na kayo di ba?” Ngumiti ako. Grabeng research yata ang ginagawa nila sa amin. “Yeah. Magkababata kami,” “Pero hindi ka na-inlove sa kaniya?” “That’s gross. Hindi kami talo. Promise, magkaibigan lang kami.” That’s why I hate social gatherings dahil mag-iintriga lang sila sa buhay ko. “Pero Sico likes you,” sabi naman ng isa pang anak ng congressman. I know at alam din naman niyang hindi ko siya gusto. “Excuse me,” sabi ko sa mga babaeng nandito para pumunta ng banyo. Mula bata hanggang mag 18 years old ako, laging dikit sa akin si Sico. Bakit ba kasi hindi nalang ako ipadala doon sa Spain? Si Rico naman ang master ko. Matapos kong ayusin ang sarili ko sa salami
ZEYM Umiyak ako nang umiyak no’n pagdating ko sa bahay. Pakiramdam ko ay kinukulong ako ni Sico sa bagay na hindi ko gusto. Ayaw ko sa kaniya. Pwede naman kaming magkaibigan lang ah pero bakit ipipilit niya sa akin na magustuhan siya? Lumipas na naman ang mga taon. Nanatili pa rin si Sico sa tabi ko. Persistent pa rin siya sa pambi-bwisit sa buhay ko. Sico: Babe, kain tayo mamaya Napapikit ako nang mabasa ang texr message niya. Nasa isang art class ako. Nagpi-paint dahil wala naman akong pagkaka-abalahan kaya nag enroll ako dito. Zeym: I’m busy Sico: You’re always busy. Feeling ko tuloy ay iniiwasan mo ‘ko Sana nga magtagumpay ako sa pag-iwas ko sa ‘yo pero hindi naman nangyayari iyon dahil kahit isang oras, hindi mo ako nilulubayan. Hindi na ako nagreply pa sa kaniya. Pagkatapos ng art class, diritso akong umuwi ng bahay at naabutan ko na naman si Sico sa labas, hinihintay ako. Hindi pa ba siya napapagod sa ginagawa niya? “Babe, binilhin kita ng pagkain. L-Let’s eat this
ZEYM (THE PAST) I hired Rachelle Remadavia to get rid of Sico. Siya dapat ang inakit nito pero hindi ko inaasahan na umuwi pala si Rico kay Sico kaya ang nangyari, nagkalapit ang loob ni Rachelle at Rico. Nagpupuyos ako sa galit knowing na nagtagumpay si Rachelle na akin ang Shein pero doon kay Rico. Halos itapon ko lahat ng gamit ko sa pagwawala dahil nakikita kong hindi ko na kailanman makukuha pa si Rico. Until one day, narinig ko ang usapan ni Rico kasama ng magulang niya. “Gusto kong pakasalan si Rachelle ma.” Iyon ang sabi niya. “Hindi ba anak may girlfriend ka sa Spain? Hindi pwedeng basta mo nalang iwan ang girlfriend mo doon,” Rico smiled. “Elizabeth and I are civil ma. Girlfriend ko siya pero ramdam kong hindi kami magki-click at mukhang ganoon rin naman ang nararamdaman niya sa akin.” “Are you sure about that?” Mr. Shein “Yes pa. She’s kind so if I tell her na makikipaghiwalay ako sa kaniya, mukhang papayag iyon. Trust me, she’s one of a kind but sadly, she’s not i