Past po ito ah? haha. Hindi ito nangyari sa present. At hindi ko siya ginagawang villain kasi villain talaga si Zeym sa story ni Rico at Rachelle (ASAWA AKO NG CEO). Doon, si Zeym ang kinaiinisan no'ng una, but nagbago naman siya sa present so ayos lang lahat. Let's dig what happened sa past, kasi kailangan iyon para maintindihan niyo ang bawat characters. Kung ano sila sa Binihag Ako ng CEO, ganoon na sila sa Asawa Ako ng CEO. Wala akong binago, ganito na talaga sila sa umpisa pa lang. Sadyang bawat characters, napamahal na sa inyo at nagpapasalamat naman ako doon.
ZEYM A lot of things happened. Lately, hindi ko namamalayan na mas lalo akong naging possessive kay Sico. Nawala ang attention ko kay Rico at naging okay kami ni Sico pero ganoon pa man alam kong maraming nagbago. I thought kapag naging kami na maayos na ang lahat, pero mali ang akala ko. Inis na tinapon ko ang pregnancy kit nang mag negative na naman ulit. “Hon,” napatingin ako kay Sico at naabutan ko siyang nakatingin sa pregnancy test kit na tinapon ko. Alam na niya agad anong nangyari. Naiinis na ako. Alam kong ako ang pinili ni Sico pero kahit nasa tabi ko siya, pakiramdam ko, may gap na sa pagitan namin. “Hihiwalayan mo na ba ako dahil hindi ako mabuntis buntis?” ang sabi ko sa kaniya. Nakita ko ang panlalaki ng mata niya. Alam kong pagod siya pero naiinis ako dahil bakit si Rachelle, nabubuntis samantalang ako, hindi? “I didn’t say that. Pwede naman tayong sumubok ulit,” mahinahong sabi niya. Naiinis na umupo ako sa sahig at umiyak. Nakakainis. “Nagsisisi ka ba Sico n
ZEYM The surrogacy happened. I met Eli at tagumpay naman ang naging proseso. Hindi ko alam bakit pero sobra akong natutuwa na pinagbubuntis niya ang anak namin ni Sico. “May cravings ka pa ba?” tanong ko nang dalawin ko siya. Umiling siya. “Wala naman Zeym. Tapos na ako magcrave ng kung anu-ano. Nahihiya na nga ako sa inyo ni Sico,” “Huwag kang mahiya dahil anak naman namin ang pinagbubuntis mo,” sabi ko sa kaniya. Nagkamali ako sa akala kong kakamuhian ko siya. Masiyado akong masaya na dinadala niya ang anak ko kaya hindi ko rin inaasahan na maayos ang relasyon namin. Na maayos ang co-parenting namin. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang tiyan niya. “I can’t wait to see him,” nakangiti kong sabi. Ngumiti siya sa akin. “Nakikita kong mamahalin mo ng todo ang baby sa tiyan ko,” “Oo naman kasi anak ko siya.” Nilapat ko pa ang tenga ko sa tiyan niya. “Alam mo Zeym, nagpapasalamat ako sa baby mo,” Tumingin ako kay Eli. “Why?” “Kasi niligtas niya ako sa kalungkutan. Akala ko
ZEYM Hindi ako lumalayo sa anak ako kahit pa magtaka ang mga tao dito sa bahay. Ngayon ko lang siya ulit nakasama muli. Malaki na siya, tumangkad pa ng todo. Nakangiti ako habang pinagmamasdan siyang natutulog. Nasa kwarto kami at mula ng dumating siya, mas gusto kong katabi ko siyang natutulog. Pumasok si Sico sa kwarto, nang tumingin ako sa kaniya, kitang kita ko ang kapaguran sa mukha niya. Hindi ko alam saan siya pagod, sa trabaho o sa pagkukunwari na ako ang inuuwian niya bilang asawa ko. Hindi ako nagsalita, hindi rin siya nagsalita. Pumasok lang siya sa banyo para maligo. Naging ganoon kami ni Sico sa sumunod pang araw, para kaming hindi mag-asawa pero masaya ako dahil kay Kua. One day, nasa labas ako ng skwelahan niya at hinihintay siya nang biglang dumating si Lando, lumapad ang ngiti ko nang makita siya ngunit naalala ko ang pangtataboy ko sa kaniya. “Uh, Zeym, mabuti at naabutan kita dito.” “I just wanted to say sorry,” dagdag niya. “I lied. Wala talaga tayong relasyo
ZEYM Hindi ako dumiretso ng uwi sa mga Shein. Sa bahay ko mismo ako umuwi. “Are we gonna stay here for awhile mama?” “Yes anak,” Tumingin ako sa likuran at nakita ang dalawang sasakyan na nakasunod sa akin. Lando at Henry. “Mauna ka na sa loob Kua, mama will talk to your titos,” sabi ko. Tumango siya at nauna nga sa loob na pumasok. “Why is he here?” tanong ko kay Lando at nginuso si Henry. “Best friend!” Agad niya akong niyakap pero nilayo ako ni Lando sa kaniya. “Ito naman,” reklamo niya kay Lando at inayos pa niya ang necktie niya na nagulo. “Bakit nandito ka Henry?” tanong ko. Nginisihan niya ako. “Sinasabi ko na nga ba na hindi nawala ang ala-ala mo e,” Inirapan ko siya. “Ahh-I’m here kasi nakita ko ang sasakyan ni best friend number 1 na papunta dito,” aniya sabay tingin kay Lando “Bakit ba kahit konti hindi nagbago iyang itsura mo?” nayayamot na tanong ko. “Bakit? Gwapo pa rin naman ako ah?” sabi niya. “Gwapo? Saan banda?” sabi ko. Natawa siya at natawa na rin ako
ZEYM “Morious. Biktima ng human trafficking,” ang basa ni Henry sa data na nakuha niya. Tumingin siya agad kay Lando. “What? It was your doing?” tanong ko sa kanilang dalawa. “Sa dami ng mga taong dinala namin sa Spain noon, hindi ko na matandaan kung sino-sino sila,” sabi ni Henry. “Pero hindi ba ang mga taong biktima ni Lucio dati ay inuwi ni Rachelle sa Pinas at binigyan ng pangkabuhayan?” tanong ko “Pero may ibang naibenta sa ibang negosyante na hindi na namin alam kung buhay pa ba o patay na,” Lando Kung ganoon itong Morious na ito ay naibenta sa isang negosyante na siyang may pakay kay Elizabeth? “Sa itsura niya, sa tingin ko ay maganda ang naging buhay ng Morious na ito sa kamay ng napagbentahan sa kaniya,” sabi ko. “Pero sino ang nakabili sa kaniya?” tanong ko. “At bakit si Elizabeth ang puntirya?” “Dahil isang Marin si Elizabeth?” hindi siguradong sabi ni Henry and it makes sense. “Pero bakit nga siya? Alam ng lahat na si Rachelle na ngayon ang may-ari ng yaman ng Ma
ELIZABETH Nasa isang mall ako, hinihintay ang taong uhaw na uhaw na makilala ako. “Ate, ayos ka lang?” napahawak ako sa earpiece nang marinig sa kabilang linya si Rachelle. “Oo,” “Ate, palapit na sila sa gawi mo,” aniya. “Rachelle, hindi naman alam ni Sico ito, hindi ba?” “Hindi naman ate. I made sure of that,” “Salamat,” Not so long ago, Michelle confessed to me what happened. Nagulat nalang ako nang bigla siyang lumuhod at umiyak sa harapan ko. Only to find out that she was threatened by this rich man na gusto akong makilala. Alam ko na kung bakit biglang nagalit si Kua sa akin. Nagpupuyos ako sa galit matapos kong malaman iyon. Mabuti nalang at nasa kay Zeym na siya, ng sa ganoon, hindi na siya malapitan pa ng mga taong maaaring magpahamak sa kaniya. “Miss Elizabeth,” napatingin ako sa lalaking umupo sa harapan ko, kung hindi ako nagkakamali, ang lalaking ito ay si Morious. “It’s nice to meet you,” “Hindi ako magpaligoy-ligoy pa, nakipagkita ako para sabihing tantanan ni
ELIZABETH Hinatid nga ako nitong Morious na ito sa bahay. Pero sa kotse palang, dinadaldal na niya ako pero hindi ko siya pinapansin dahil gusto ko siyang suntukin sa ginawa niya kay Kua at kay Michelle. “Alam kong sinumpa mo na ako,” “Oo. No’ng nakaraan pa,” Nakita kong lumabi siya. “I’m sorry,” sabi niya. “Hindi madadala ng sorry niyo ang trauma na binigay niyo sa anak ko. Ako sana ang nilapitan niyo at hindi ang bata. Kung alam mo lang, naggagalaiti ako na patayin kayo.” “Lapitan? Then how can we do that?” aniya sabay nguso sa mga armadong tao na nasa harapan. Sa gitna non, nakita ko si Sico na bitbit si Rit at Rachelle. Sa gilid pa nila, nakita ko si Rico na bitbit si Altou. “Sige nga, tell me… Paano ka namin malalapitan kung ganiyan kahigpit mga bantay mo sa paligid? Saka ka lang naman namin nakausap dahil ikaw ang kusang nakipagkita sa amin,” sabi niya sa akin. Napabuntong hininga ako at lumabas ng sasakyan. “Miss Elizabeth, ang napag-usapan natin. Huwag mo sanang kalim
ELIZABETH “Mama, oya—" Humiga ako sa puzzle mat at tinabihan ang anak ko. “Namiss mo si kuya, anak?” hinaIikan ko ang noo niya at umibabaw naman siya sa akin. Kami lang dalawa sa bahay and as for Michelle, kahit na nagtapat siya ng ginawa niya, hindi ko siya ulit kaya pang pagkatiwalaan. Walang second chance sa akin kapag anak ko na ang nadadamay. Oras na ginawan mo sila ng mali, tatanggalin ko sila agad sa buhay namin. Hindi ako mangingiming gawin iyon kahit kadugo ko pa. “Oya—mama,” “Mama missed kuya too, Rit,” Wala si Sico ngayon. Nandoon siya trabaho at naiintindihan ko kung hindi siya madalas sa amin dahil nandoon pa si Zeym sa kaniya. Basta, maayos naman kami. Iyon lang ang mahalaga. “Oya,” napatitig ako sa anak ko. Mukhang gaya ko ay miss na rin niya ang kuya niya. Maya-maya pa ay may nag doorbell sa bahay. Kinarga ko si Rit at lumabas kami. Anong oras na ba? Hapon na. Sino namang bibisita sa amin ganitong oras? Pagbukas ko ng pintuan, mukha ni Kua, Zeym, at Henry a