<3
ZEYM “Sico?” tawag ko, kanina ko pa siya hinahanap sa bahay pero hindi ko siya makita. “Hey, you looking for me?” napatingin ako sa likuran at nakita ko siyang pawisan. “Anong nangyari? Why are you sweating?” “Nag jogging ako sa labas.” Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang panyo sa kamay niya para sana punasan siya nang mapansin ko ang bahagyang pag-atras niya. “Uhm.. Need to take shower first. May kailangan ka?” “Wala naman,” sabi ko nalang, pinilit itago ang gulat sa ginawa niyang paglayo. “Ligo lang ako,” aniya at nilagpasan ako. Pero bago pa siya tuluyang makawala, tinawag ko ang pangalan niya. “Kailan mo ipakilala sa akin ang anak natin?” Natigilan siya at nanlalaki ang matang bumaling sa akin. “What?” “I heard Moni mentioned na may anak tayo, ang pangalan ay Kua. Bakit wala siya dito?” Halata sa mukha niya na hindi niya alam anong gagawin. I know na hindi na ako, pero baka magbago ang ihip ng hangin kung makita niyang pwede rin naman kami maging isang pamilya. “Zeym—"
ZEYM (THE PAST) “Zeym, hindi mo ba talaga gusto si Sico?” a colleague asked me while eyeing at Sico who’s busy on talking with other entrepreneurs. “No. He’s a brother to me,” “Really? Naku! Si papa nga gusto niya akong e date kay Sico pero alam naman ng mundo na reserve na si Sico sa ‘yo. Bata palang kayo magkasama na kayo di ba?” Ngumiti ako. Grabeng research yata ang ginagawa nila sa amin. “Yeah. Magkababata kami,” “Pero hindi ka na-inlove sa kaniya?” “That’s gross. Hindi kami talo. Promise, magkaibigan lang kami.” That’s why I hate social gatherings dahil mag-iintriga lang sila sa buhay ko. “Pero Sico likes you,” sabi naman ng isa pang anak ng congressman. I know at alam din naman niyang hindi ko siya gusto. “Excuse me,” sabi ko sa mga babaeng nandito para pumunta ng banyo. Mula bata hanggang mag 18 years old ako, laging dikit sa akin si Sico. Bakit ba kasi hindi nalang ako ipadala doon sa Spain? Si Rico naman ang master ko. Matapos kong ayusin ang sarili ko sa salami
ZEYM Umiyak ako nang umiyak no’n pagdating ko sa bahay. Pakiramdam ko ay kinukulong ako ni Sico sa bagay na hindi ko gusto. Ayaw ko sa kaniya. Pwede naman kaming magkaibigan lang ah pero bakit ipipilit niya sa akin na magustuhan siya? Lumipas na naman ang mga taon. Nanatili pa rin si Sico sa tabi ko. Persistent pa rin siya sa pambi-bwisit sa buhay ko. Sico: Babe, kain tayo mamaya Napapikit ako nang mabasa ang texr message niya. Nasa isang art class ako. Nagpi-paint dahil wala naman akong pagkaka-abalahan kaya nag enroll ako dito. Zeym: I’m busy Sico: You’re always busy. Feeling ko tuloy ay iniiwasan mo ‘ko Sana nga magtagumpay ako sa pag-iwas ko sa ‘yo pero hindi naman nangyayari iyon dahil kahit isang oras, hindi mo ako nilulubayan. Hindi na ako nagreply pa sa kaniya. Pagkatapos ng art class, diritso akong umuwi ng bahay at naabutan ko na naman si Sico sa labas, hinihintay ako. Hindi pa ba siya napapagod sa ginagawa niya? “Babe, binilhin kita ng pagkain. L-Let’s eat this
ZEYM (THE PAST) I hired Rachelle Remadavia to get rid of Sico. Siya dapat ang inakit nito pero hindi ko inaasahan na umuwi pala si Rico kay Sico kaya ang nangyari, nagkalapit ang loob ni Rachelle at Rico. Nagpupuyos ako sa galit knowing na nagtagumpay si Rachelle na akin ang Shein pero doon kay Rico. Halos itapon ko lahat ng gamit ko sa pagwawala dahil nakikita kong hindi ko na kailanman makukuha pa si Rico. Until one day, narinig ko ang usapan ni Rico kasama ng magulang niya. “Gusto kong pakasalan si Rachelle ma.” Iyon ang sabi niya. “Hindi ba anak may girlfriend ka sa Spain? Hindi pwedeng basta mo nalang iwan ang girlfriend mo doon,” Rico smiled. “Elizabeth and I are civil ma. Girlfriend ko siya pero ramdam kong hindi kami magki-click at mukhang ganoon rin naman ang nararamdaman niya sa akin.” “Are you sure about that?” Mr. Shein “Yes pa. She’s kind so if I tell her na makikipaghiwalay ako sa kaniya, mukhang papayag iyon. Trust me, she’s one of a kind but sadly, she’s not i
ZEYM A lot of things happened. Lately, hindi ko namamalayan na mas lalo akong naging possessive kay Sico. Nawala ang attention ko kay Rico at naging okay kami ni Sico pero ganoon pa man alam kong maraming nagbago. I thought kapag naging kami na maayos na ang lahat, pero mali ang akala ko. Inis na tinapon ko ang pregnancy kit nang mag negative na naman ulit. “Hon,” napatingin ako kay Sico at naabutan ko siyang nakatingin sa pregnancy test kit na tinapon ko. Alam na niya agad anong nangyari. Naiinis na ako. Alam kong ako ang pinili ni Sico pero kahit nasa tabi ko siya, pakiramdam ko, may gap na sa pagitan namin. “Hihiwalayan mo na ba ako dahil hindi ako mabuntis buntis?” ang sabi ko sa kaniya. Nakita ko ang panlalaki ng mata niya. Alam kong pagod siya pero naiinis ako dahil bakit si Rachelle, nabubuntis samantalang ako, hindi? “I didn’t say that. Pwede naman tayong sumubok ulit,” mahinahong sabi niya. Naiinis na umupo ako sa sahig at umiyak. Nakakainis. “Nagsisisi ka ba Sico n
ZEYM The surrogacy happened. I met Eli at tagumpay naman ang naging proseso. Hindi ko alam bakit pero sobra akong natutuwa na pinagbubuntis niya ang anak namin ni Sico. “May cravings ka pa ba?” tanong ko nang dalawin ko siya. Umiling siya. “Wala naman Zeym. Tapos na ako magcrave ng kung anu-ano. Nahihiya na nga ako sa inyo ni Sico,” “Huwag kang mahiya dahil anak naman namin ang pinagbubuntis mo,” sabi ko sa kaniya. Nagkamali ako sa akala kong kakamuhian ko siya. Masiyado akong masaya na dinadala niya ang anak ko kaya hindi ko rin inaasahan na maayos ang relasyon namin. Na maayos ang co-parenting namin. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang tiyan niya. “I can’t wait to see him,” nakangiti kong sabi. Ngumiti siya sa akin. “Nakikita kong mamahalin mo ng todo ang baby sa tiyan ko,” “Oo naman kasi anak ko siya.” Nilapat ko pa ang tenga ko sa tiyan niya. “Alam mo Zeym, nagpapasalamat ako sa baby mo,” Tumingin ako kay Eli. “Why?” “Kasi niligtas niya ako sa kalungkutan. Akala ko
ZEYM Hindi ako lumalayo sa anak ako kahit pa magtaka ang mga tao dito sa bahay. Ngayon ko lang siya ulit nakasama muli. Malaki na siya, tumangkad pa ng todo. Nakangiti ako habang pinagmamasdan siyang natutulog. Nasa kwarto kami at mula ng dumating siya, mas gusto kong katabi ko siyang natutulog. Pumasok si Sico sa kwarto, nang tumingin ako sa kaniya, kitang kita ko ang kapaguran sa mukha niya. Hindi ko alam saan siya pagod, sa trabaho o sa pagkukunwari na ako ang inuuwian niya bilang asawa ko. Hindi ako nagsalita, hindi rin siya nagsalita. Pumasok lang siya sa banyo para maligo. Naging ganoon kami ni Sico sa sumunod pang araw, para kaming hindi mag-asawa pero masaya ako dahil kay Kua. One day, nasa labas ako ng skwelahan niya at hinihintay siya nang biglang dumating si Lando, lumapad ang ngiti ko nang makita siya ngunit naalala ko ang pangtataboy ko sa kaniya. “Uh, Zeym, mabuti at naabutan kita dito.” “I just wanted to say sorry,” dagdag niya. “I lied. Wala talaga tayong relasyo
ZEYM Hindi ako dumiretso ng uwi sa mga Shein. Sa bahay ko mismo ako umuwi. “Are we gonna stay here for awhile mama?” “Yes anak,” Tumingin ako sa likuran at nakita ang dalawang sasakyan na nakasunod sa akin. Lando at Henry. “Mauna ka na sa loob Kua, mama will talk to your titos,” sabi ko. Tumango siya at nauna nga sa loob na pumasok. “Why is he here?” tanong ko kay Lando at nginuso si Henry. “Best friend!” Agad niya akong niyakap pero nilayo ako ni Lando sa kaniya. “Ito naman,” reklamo niya kay Lando at inayos pa niya ang necktie niya na nagulo. “Bakit nandito ka Henry?” tanong ko. Nginisihan niya ako. “Sinasabi ko na nga ba na hindi nawala ang ala-ala mo e,” Inirapan ko siya. “Ahh-I’m here kasi nakita ko ang sasakyan ni best friend number 1 na papunta dito,” aniya sabay tingin kay Lando “Bakit ba kahit konti hindi nagbago iyang itsura mo?” nayayamot na tanong ko. “Bakit? Gwapo pa rin naman ako ah?” sabi niya. “Gwapo? Saan banda?” sabi ko. Natawa siya at natawa na rin ako