<3
ELIZABETH Hindi ko aakalain na magkikita kami ni Sico dito. Kung alam ko lang na nandito siya, si Kua nalang sana ang pinapunta ko dito kasama ni Rachelle. Naging awkward tuloy para kay Zeym ang presensya ko dito dahil narito si Sico. Nakatanaw kami sa kanilang tatlo na papasok na ng sasakyan para bumili ng cake. Ang ganda nila pagmasdan. Para talaga silang iisang pamilya. Nakakaramdam ako ng hiya at inggit dahil ganoong buhay ang pangarap ko para sa anak ko pero kasi nakakahiya ako dahil doon ko pa pinangarap sa taong pagmamay-ari na ng iba. Kahapon, kitang kita ko ang sakit na naramdaman ni Zeym. Nakonsensya ako at naisip na, Anong pinagkaiba ko sa ama ko? Nahihiya na nga ako na anak niya ako dahil hindi ko siya kayang maipagmalaki, mas nahihiya ako ngayon na mapagtantong anak nga niya ako kasi pareho kaming nananakit ng ibang tao. Nang makasakay na sila, nakita ko pang sumilip ang ulo ni Kua para lang magba-bye sa akin. “Ba-bye mama, see you later,” ang sabi niya. Ngumiti
ZEYM “Sico, hindi mo kami kailangang samahan ni Kua dito,” Hindi siya sumagot pero sumunod siya sa anak namin na nauna nang pumasok sa stall na nagtitinda ng mga cake. Napabuntong hininga ako at sumunod sa kaniya. Inenjoy ko nalang ang araw na ito na kasama ko si Kua. Siya ang nagsabi kung anong design ang gusto niya at tuwang tuwa naman ang mga cake designer sa kaniya. “Kumain muna tayo bago umuwi,” ang sabi ni Sico na agad naman sinang-ayunan ni Kua. Hindi na ako nakasalita pa nang naglakad na si Sico tangay ang bata kaya ako at heto, nakasunod lang sa kanila. Come to think of it, habang tintignan ko silang dalawa, nakikita ko kung gaano ka close sila. Tho Kua is close with everybody maliban sa akin. Iyon ang masakit na katotohanan dahil kilala ng lahat ang anak ko, pwera ako. Hindi ako masiyadong kumain the whole time, pinapanood ko lang si Sico at Kua. Kitang kita ko kung gaano kasanay si Sico alagaan ang anak namin. Tipong, hindi pa man ibubuka ng bata para sabihin sa kan
ELIZABETH “Next week na ang operasyon ni Zeym ate,” sabi ni Rachelle sa tabi ko. Nasa labas kami ng bahay, hinihintay si Kua. “Nasabi sa akin ni Henry,” “Nag-aalala ka ba?” tanong niya. Umiling ako. “Makakaligtas siya. Wala yata akong ibang masabi sa kaniya kun’di malakas siya kaya alam kong makaka-survive siya,” Ngumiti si Rachelle at yumakap sa akin. “Paano iyan ate? Kung maka-survive si Zeym, anong mangyayari?” “Dalawa kaming magiging ina ni Kua,” sabi ko at tumingin sa kaniya. “Ate, ang bait mo,” sabi niya sa akin. Sa tingin ko ay pinipilit ko lang talaga maging mabait. Gusto ko maging gaya ni mama. Natatakot akong maging si papa. “Mama!” Napatingin kami sa bagong dating. Sa isang linggo mula nang magkakilala si Kua at Zeym, hinayaan ko ang anak ko na tumira kasama ni Zeym. Agad siyang tumakbo sa palapit sa akin at yumakap. Ngumiti ako at niyakap siya pabalik. Gusto kong maranasan ni Zeym makasama si Kua. Kahit naman ganoon, araw-araw din naman niya akong tinatawagan dah
ELIZABETH “Balita ko nagkakaayos na raw ang mag-asawa,” sabi ni Henry at tumingin sa akin. “Kuha lang ako ng tubig,” sabi naman ni kuya Lando at umalis sa sala. “Good kung ganoon para hindi na guluhin ni Sico si ate,” sabi ni Rachelle habang kumakain ng mani. “Samahan na kita,” sabi ni Henry sa akin pero umiling ako. “Huwag na. Kaya ko mag-isa,” Pinagsingkitan niya ako ng mata. “Fine,” sumusukong sabi ko. Pinapapunta ako ni Sico sa bahay ni Zeym dahil ibibigay niya ang monthly allowance ni Kua. Nasa skwelahan pa si Kua ngayon kaya hindi siya makakasama. “Tara na para maaga kang makauwi,” sabi pa ni Henry sa akin. Pagdating namin ni Henry sa bahay ni Zeym, si Sico ang nagbukas ng pintuan. Agad siyang napatingin sa likuran ko. Nakaramdam ako nang kaba nang makita kung paano niya titigan si Henry. "Nandito ako para sa allowance ni Kua, Sico," "I know." Malamig na aniya at tinalikuran kami. Tumingin ako kay Henry bago sumunod kay Sico. "Ano, para mas convenient, bakit hindi nal
Happy new year, dear readers! Thank you po sa inyong lahat. Sana happy kayo kung nasaan kayo ngayon. :3 Please know na I am happy and grateful for what you've done to me. Sobrang salamat talaga sa inyong lahat kasi naging part kayo ng 2023 ko. Alam kong I'm not here to where I am now kung wala kayo. Kaya your Ms. A is very happy na nameet kayo. This is a sudden message. Haha. Pero gusto ko lang e type ito at sabihin sa inyo na heto, thankful ako. Sana po, hayaan niyo ako maging part ng 2024 niyo at maging part kayo ng 2024 ko. Hoping for a prosperous and bless year this coming 2024 and sana lahat tayo masaya. ------ Love, bulalakaw.
ELIZABETH “Bakit feeling ko nagsi-selos ka kuya?” tanong ko kay kuya Lando nang makita ang itsura ng mukha niya. “Shut up, Eli. Naaawa lang ako kay Zeym,” aniya at inis na inis na umalis sa harapan ko. Tumabi si Rachelle sa akin at nakapoker face ang mukha habang nakatingin sa papalayong si kuya Lando. “I told him not to get close kay Zeym, ayaw makinig,” iiling na sabi nito. Napasinghap ako. “Gusto niya si Zeym?” Bumaling siya sa akin at sinamaan ako nang tingin. “Parang hindi mo alam ah? Pareho di ba kayo?” Natameme ako at tinignan siyang disappointed sa amin ni kuya habang lumalayo. Si Henry naman ang lumapit sa akin. Napaayos ako ng tayo. “Bakit ba humihingi ka pa ng allowance ni Kua kay Sico? Marami naman kaming handang magpaka-ama sa anak mo.” Hindi naiintindihan ni Henry ang punto ko. “Kung hindi ko tatanggapin ang pera Henry, para ko na ring tinanggalan si Sico at Zeym ng karapatan kay Kua. Ako lang ang nakikihati sa attention ng bata, sila ang totoong magulang.” Agad
ELIZABETH “Sasama ka ba ate? Naroon ang mga magulang nina Sico sa bahay ni Zeym,” “Hindi na siguro Rachelle. Paki bantayan nalang si Kua please,” “Ano ka ba naman ate. Oo naman, hindi ko pababayaan ang pamangkin ko. Don’t worry,” Ngumiti ako. Ngayon ang araw ng operation ni Zeym at nasa kaniya si Kua sa magkakasunod na araw . Kinakabahan ako sa kaniya pero alam ko namang makakaya niya iyon. Naramdaman ko ang paghawak ni Rachelle sa balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya. “Mauna na kami,” aniya. Tumango ako at tumingin kay Rico na hinihintay si Rachelle. Nang makaalis na sila, isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. Miss ko na si Kua at gusto ko na siyang makita pero naiintindihan ko kung bakit doon muna siya sa mommy niya. Balita ko nga rin e sobrang mahal siya ng mga magulang ni Sico. Natutuwa ako para doon. “Gusto mo ng noodles?” napatingin ako kay Henry at tumango nang ipakita niya sa akin ang cup noodles na hawak niya. Kaming dalawa nalang ang naiwan dito.
ELIZABETH“Sico,” pinilit ko siyang ilayo sa akin pero ang ginawa niya, humiga siya sa lap ko at natulog.“Hayaan mo na Eli, wala kasing pahinga iyan,” sabi naman ni Rico sa unahan.Napatingin ako kay Sico at ngayon ko lang napansin ang pangingitim ng ilalim ng mga mata niya. Mukhang wala nga siyang tulog.“Maayos lang ba ang anak ko doon, Rico?”Tumango si Rico. “Oo naman Eli.”“Alam mo, hindi ko inaasahan na aabot sa ganito ang lahat. Zeym truly likes you,” nabigla ako sa biglang sinabi niya.“Nasabi niya sa amin na hindi ka masamang tao at nagpapasalamat siya sa ‘yo,”Natawa ako at tumingin sa labas ng bintana. “Kakaiba talaga si Zeym. Bakit siya magpapasalamat sa akin e ako ang naging dahilan bakit naging miserable ang buhay niya.”“Iba iba ang tao Eli. Mukhang sa inyong dalawa, kailangan mong sikapin makahingi ng kapatawaran sa sarili mo para maging malaya ka.”Napatingin ako kay Rico.“Walang problema si Zeym. Masaya siya ngayon kahit pa patong patong ang problema niya pero ikaw