Merry Christmas and Happy New Year po. Sorry 1 week no UD. Busy ako ng sobra these past few days. Kaloka. Pero anyway, balik tayo sa moment na ito.
“Eli, anong gagawin ko? Gusto kong mayakap ang anak ko… Gusto kong makasama ang anak ko.” Pinunansan ni Elizabeth ang luha sa pisngi niya. “May sakit ako. May brain tumor ako, may taning na ang buhay ko.” Ang sabi ko. “Elizabeth, tulungan mo naman ako na mapalapit sa anak ko,” nagsusumamong sabi ko. “Hindi ako ang mama na kinikilala niya… Paano ko makakasama ang anak ko?” Wala na akong pakialam kung magmukhag desperada ako sa harapan nila ngayon. Pagod na ako maging Zeym na matapang. Tumango si Eli. “Sige Zeym. Ipapakilala ko sa ‘yo si Kua,” ang sabi niya. Nakahinga ako ng maluwag at napangiti. Wala akong ibang hiling kun’di ang makasama ko ang anak kobago ako magpa-surgery. Napaupo ako sa sahig at umiyak sa labis na tuwa na finally, makakasama ko na si Rit. Umalis si Elizabeth, hinatid ni Rachelle at Rico habang si Lady Lay kasama ni Mr. Shein at Sico ay nanatili sa bahay ko. They tried to talk to me but I shunned them down. Ayaw kong makausap sila. “Zeym, can we talk?” Sico
Elizabeth Nasa tabi ko si kuya Lando habang nakatingin kami kay Zeym na kausap si Kua. Hindi pa alam ni Kua na totoong mama niya si Zeym dahil hindi naman maiintindihan ng bata kung paano niya naging mama ito kung sa akin siya lumabas. Pero hindi naman nagreklamo si Zeym tungkol sa bagay na iyon. Makikita sa mukha niya ang kasiyahan na kausap ang anak. “Are you mad at me Eli?” tanong ni kuya sa akin. Umiling ako. “Naiintindihan ko bakit mo sinabi sa kaniya ang katotohanan. Ako ang may kasalanan nang lahat ng ito kaya wala akong karapatan magalit.” Inakbayan ako ni kuya at hiniga niya ako sa balikat niya. “Nakikita ko si mama kay Zeym,” ang bulong niya sa akin. Napatingin ako sa kaniya. “Hindi porke malakas siya ay hindi na siya nasasaktan,” sabi niya sa akin. “Hindi ko rin kayang balewalain na niloloko siya ni Sico. Ilang beses nasaktan si mama dahil sa lalaki at ayaw kong makita iyong sakit na iyon kay Zeym. Alam ko ang nangyayari sa inyo dahil kay Henry at Rachelle. Lahat sin
ZEYM “Bye mommy,” ang sabi ni Kua matapos nilang sumakay sa sasakyan ni Rico. Tumingin si Rico at Elizabeth sa akin bago sila pumasok sa kotse. “Are you sure about this?” tanong ni Lando sa likuran ko. “Elizabeth is a good mother, Lando. Mahal siya ni Kua.” “Akala ko gusto mong makasama sa pagtulog ang anak mo?” tanong ni Lando. Mariin akong pumikit at tumingin sa kaniya. Agad siyang lumapit sa akin at ipinulupot agad ang kamay sa akin para kargahin ako papasok sa loob. Umiyak ako at isinobsob ang mukha ko sa katawan niya. “Gusto ko Lando pero ang sakit ng ulo ko,” sabi ko habang nararamdaman ang dugong lumalabas mula sa ilong ko. “Kanina mo pa ba nararamdaman ang sakit ng ulo mo?” tanong niya. Tumango ako. “Oo kanina pa,” sabi ko. Isinantabi ko lang dahil ayaw kong makita ni Kua. “Wait here, kukuha ako ng towel at gamot mo,” sabi ni Lando matapos akong ihiga sa couch. Itiningala ko ang ulo ko at pumikit. Hindi naman nagtagal, bumalik si Lando dala ang gamot at towel. Pinuna
ELIZABETH Hindi ko aakalain na magkikita kami ni Sico dito. Kung alam ko lang na nandito siya, si Kua nalang sana ang pinapunta ko dito kasama ni Rachelle. Naging awkward tuloy para kay Zeym ang presensya ko dito dahil narito si Sico. Nakatanaw kami sa kanilang tatlo na papasok na ng sasakyan para bumili ng cake. Ang ganda nila pagmasdan. Para talaga silang iisang pamilya. Nakakaramdam ako ng hiya at inggit dahil ganoong buhay ang pangarap ko para sa anak ko pero kasi nakakahiya ako dahil doon ko pa pinangarap sa taong pagmamay-ari na ng iba. Kahapon, kitang kita ko ang sakit na naramdaman ni Zeym. Nakonsensya ako at naisip na, Anong pinagkaiba ko sa ama ko? Nahihiya na nga ako na anak niya ako dahil hindi ko siya kayang maipagmalaki, mas nahihiya ako ngayon na mapagtantong anak nga niya ako kasi pareho kaming nananakit ng ibang tao. Nang makasakay na sila, nakita ko pang sumilip ang ulo ni Kua para lang magba-bye sa akin. “Ba-bye mama, see you later,” ang sabi niya. Ngumiti
ZEYM “Sico, hindi mo kami kailangang samahan ni Kua dito,” Hindi siya sumagot pero sumunod siya sa anak namin na nauna nang pumasok sa stall na nagtitinda ng mga cake. Napabuntong hininga ako at sumunod sa kaniya. Inenjoy ko nalang ang araw na ito na kasama ko si Kua. Siya ang nagsabi kung anong design ang gusto niya at tuwang tuwa naman ang mga cake designer sa kaniya. “Kumain muna tayo bago umuwi,” ang sabi ni Sico na agad naman sinang-ayunan ni Kua. Hindi na ako nakasalita pa nang naglakad na si Sico tangay ang bata kaya ako at heto, nakasunod lang sa kanila. Come to think of it, habang tintignan ko silang dalawa, nakikita ko kung gaano ka close sila. Tho Kua is close with everybody maliban sa akin. Iyon ang masakit na katotohanan dahil kilala ng lahat ang anak ko, pwera ako. Hindi ako masiyadong kumain the whole time, pinapanood ko lang si Sico at Kua. Kitang kita ko kung gaano kasanay si Sico alagaan ang anak namin. Tipong, hindi pa man ibubuka ng bata para sabihin sa kan
ELIZABETH “Next week na ang operasyon ni Zeym ate,” sabi ni Rachelle sa tabi ko. Nasa labas kami ng bahay, hinihintay si Kua. “Nasabi sa akin ni Henry,” “Nag-aalala ka ba?” tanong niya. Umiling ako. “Makakaligtas siya. Wala yata akong ibang masabi sa kaniya kun’di malakas siya kaya alam kong makaka-survive siya,” Ngumiti si Rachelle at yumakap sa akin. “Paano iyan ate? Kung maka-survive si Zeym, anong mangyayari?” “Dalawa kaming magiging ina ni Kua,” sabi ko at tumingin sa kaniya. “Ate, ang bait mo,” sabi niya sa akin. Sa tingin ko ay pinipilit ko lang talaga maging mabait. Gusto ko maging gaya ni mama. Natatakot akong maging si papa. “Mama!” Napatingin kami sa bagong dating. Sa isang linggo mula nang magkakilala si Kua at Zeym, hinayaan ko ang anak ko na tumira kasama ni Zeym. Agad siyang tumakbo sa palapit sa akin at yumakap. Ngumiti ako at niyakap siya pabalik. Gusto kong maranasan ni Zeym makasama si Kua. Kahit naman ganoon, araw-araw din naman niya akong tinatawagan dah
ELIZABETH “Balita ko nagkakaayos na raw ang mag-asawa,” sabi ni Henry at tumingin sa akin. “Kuha lang ako ng tubig,” sabi naman ni kuya Lando at umalis sa sala. “Good kung ganoon para hindi na guluhin ni Sico si ate,” sabi ni Rachelle habang kumakain ng mani. “Samahan na kita,” sabi ni Henry sa akin pero umiling ako. “Huwag na. Kaya ko mag-isa,” Pinagsingkitan niya ako ng mata. “Fine,” sumusukong sabi ko. Pinapapunta ako ni Sico sa bahay ni Zeym dahil ibibigay niya ang monthly allowance ni Kua. Nasa skwelahan pa si Kua ngayon kaya hindi siya makakasama. “Tara na para maaga kang makauwi,” sabi pa ni Henry sa akin. Pagdating namin ni Henry sa bahay ni Zeym, si Sico ang nagbukas ng pintuan. Agad siyang napatingin sa likuran ko. Nakaramdam ako nang kaba nang makita kung paano niya titigan si Henry. "Nandito ako para sa allowance ni Kua, Sico," "I know." Malamig na aniya at tinalikuran kami. Tumingin ako kay Henry bago sumunod kay Sico. "Ano, para mas convenient, bakit hindi nal
Happy new year, dear readers! Thank you po sa inyong lahat. Sana happy kayo kung nasaan kayo ngayon. :3 Please know na I am happy and grateful for what you've done to me. Sobrang salamat talaga sa inyong lahat kasi naging part kayo ng 2023 ko. Alam kong I'm not here to where I am now kung wala kayo. Kaya your Ms. A is very happy na nameet kayo. This is a sudden message. Haha. Pero gusto ko lang e type ito at sabihin sa inyo na heto, thankful ako. Sana po, hayaan niyo ako maging part ng 2024 niyo at maging part kayo ng 2024 ko. Hoping for a prosperous and bless year this coming 2024 and sana lahat tayo masaya. ------ Love, bulalakaw.