Bawal ang sobra Sico. Masama sa atay!
SICO “Saan ka pupunta?” sabi ni Lando nang makita niya ako pababa nang sasakyan. Kumunot ang noo ko. “It’s none of your business,” nilagpasan ko siya. “If you keep on ignoring your wife for other woman, just tell me so that I can kill you. Wala akong pakialam kung isa ka pang Shein,” banta ni Lando. “I don’t care what you say. I’m making up my mind. Tatapusin ko na ang sa amin ni Zeym- “Gago ka ba? Papalalain mo ba ang sakit ng asawa mo?” Natigilan ako sa pagpasok ng bahay sa sinabi ni Lando. Nanlalaki ang matang lumingon ako sa kaniya. “What?” “Your wife has brain tumor. Kung gusto mo siyang patayin sa sama ng loob at palalain ang sitwasyon niya, go and tell her that you’ll leave her dahil may kabit ka,” Nagmadali ako sa pagpasok sa loob ng bahay. Naabutan ko si Zeym sa lababo, at hindi nakaligtas sa akin ang pulang tubig na nahaluan ng dugo niya. Agad akong nagtago para hindi niya makita. Why she didn’t tell me? Ang lakas ng tibok ng puso ko at natakot. “She doesn’t want t
ZEYM “Kumusta ka na?” pinagkunutan ko ng noo si Lando. “Bakit tatlong araw na kitang hindi nakikita?” tanong ko sa kaniya. Bigla siyang nawala at hindi na pumupunta dito. Alam naman niya na siya lang ang taong nakakausap ko lagi tungkol as sakit ko. Napakamot siya sa ulo niya. “Nabusy ako e,” Ngumuso ako at nilapit sa kaniya ang berries na pinapakain sa akin ni Lady Lay. “Gusto mo?” “Ayaw ko.” “Bakit ayaw mo?” “Dahil ayaw ko lang?” Umupo siya sa harapan ko at nakatitig lang ako sa kaniya. Bakit ang ilap niya sa akin ngayon? “Uy Lando, namiss kita,” sabi ko sa kaniya at humalukipkip sa harapan niya. Biglang namilog ang mata niya sa sinabi ko. “Dalasan mo naman pagbisita sa akin dito,” ngumuso ako at nailing naman siya. “Bumabalik na ang katawan mo sa dati,” “Nalaman ni Sico na may sakit ako e, kaya inaalagaan niya ako ng tama,” Tumango siya. “Sinabi mo?” “Hindi ako nagsabi. Baka ikaw?” sabi ko at tinaasan siya ng kilay. “Ako? I didn’t say anything,” sabi pa niya.. Kung hin
ZEYM “Lando, matagal mo na bang alam kung nasaan sina Elizabeth?” hindi sumagot si Lando sa likuran ko. Nandito kami sa park at tanaw na tanaw ko ang anak ko kasama ni Elizabeth. “Anong pangalan niya?” mahinang tanong ko. “Kua. Elizabeth named him Kua short for Kuarter Shein,” napangiti ako nang marinig ang pangalan ng anak ko. Hindi man siya naging si Ritmo, at least, sinunod ni Eli ang anak ko sa kung paano pangalanan sina Sico. “Mama, thank you for loving me. You know what? I told my classmates that I have the best mama in the world,” rinig kong sabi ng anak k okay Eli. Kanina, nang makita ko sila, hindi ko siya magawang lapitan. Hindi ko magawang puntahan ang anak ko at pawiin ang ngiti sa labi niya. Para akong napako sa kinatatayuan ko. “Zeym- “Naiintindihan ko Lando,” ang sabi ko. “Kung sasabihin mong galit ako kay Elizabeth, oo ang sagot ko. Pero kung ako ang nasa kinatatayuan niya, baka itakbo ko rin ang batang nasa sinapupunan ko.” Tumingin ako kay Lando at ngumiti. A
Isa-isang dumating ang mga Shein. Sa mukha ni Lady Lay at Mr. Shein, masasalamin ang pag-aalala habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam anong masasabi ko. Dumating rin si Sico at sa mukha niya, nag-aalala siya. “Wife- He tried to come closer pero umatras ako at lumayo. I’m waiting for Eli to come and after a minute, ang presensya niya ang nagpagulat sa lahat. “What are you doing here?” tanong ni Sico na gulat na gulat makita si Elizabeth. Nanginginig talaga ako sa galit pero hindi ko alam kanino magalit. “Nandito na tayo lahat,” ang sabi ko at napabaling sila sa akin. Dumating rin sina Rachelle, Rico, at Moni. Alam na nila ang nangyari, siguro sinabi ni Harmonia. “Ma,” tumingin ako kina Lady Lay. “Bakit hindi niyo sinabi sa akin na alam niyo palang nasaan si Elizabeth? Kayo ni papa, bakit niyo nilihim sa akin ito?” Hindi ko napigilan ang umiyak. “Because we don’t want to hurt you at ayaw namin malayo ang bata sa ina nito,” sagot ni Lady Lay. Napapahid ako sa luha sa mga mat
“Eli, anong gagawin ko? Gusto kong mayakap ang anak ko… Gusto kong makasama ang anak ko.” Pinunansan ni Elizabeth ang luha sa pisngi niya. “May sakit ako. May brain tumor ako, may taning na ang buhay ko.” Ang sabi ko. “Elizabeth, tulungan mo naman ako na mapalapit sa anak ko,” nagsusumamong sabi ko. “Hindi ako ang mama na kinikilala niya… Paano ko makakasama ang anak ko?” Wala na akong pakialam kung magmukhag desperada ako sa harapan nila ngayon. Pagod na ako maging Zeym na matapang. Tumango si Eli. “Sige Zeym. Ipapakilala ko sa ‘yo si Kua,” ang sabi niya. Nakahinga ako ng maluwag at napangiti. Wala akong ibang hiling kun’di ang makasama ko ang anak kobago ako magpa-surgery. Napaupo ako sa sahig at umiyak sa labis na tuwa na finally, makakasama ko na si Rit. Umalis si Elizabeth, hinatid ni Rachelle at Rico habang si Lady Lay kasama ni Mr. Shein at Sico ay nanatili sa bahay ko. They tried to talk to me but I shunned them down. Ayaw kong makausap sila. “Zeym, can we talk?” Sico
Elizabeth Nasa tabi ko si kuya Lando habang nakatingin kami kay Zeym na kausap si Kua. Hindi pa alam ni Kua na totoong mama niya si Zeym dahil hindi naman maiintindihan ng bata kung paano niya naging mama ito kung sa akin siya lumabas. Pero hindi naman nagreklamo si Zeym tungkol sa bagay na iyon. Makikita sa mukha niya ang kasiyahan na kausap ang anak. “Are you mad at me Eli?” tanong ni kuya sa akin. Umiling ako. “Naiintindihan ko bakit mo sinabi sa kaniya ang katotohanan. Ako ang may kasalanan nang lahat ng ito kaya wala akong karapatan magalit.” Inakbayan ako ni kuya at hiniga niya ako sa balikat niya. “Nakikita ko si mama kay Zeym,” ang bulong niya sa akin. Napatingin ako sa kaniya. “Hindi porke malakas siya ay hindi na siya nasasaktan,” sabi niya sa akin. “Hindi ko rin kayang balewalain na niloloko siya ni Sico. Ilang beses nasaktan si mama dahil sa lalaki at ayaw kong makita iyong sakit na iyon kay Zeym. Alam ko ang nangyayari sa inyo dahil kay Henry at Rachelle. Lahat sin
ZEYM “Bye mommy,” ang sabi ni Kua matapos nilang sumakay sa sasakyan ni Rico. Tumingin si Rico at Elizabeth sa akin bago sila pumasok sa kotse. “Are you sure about this?” tanong ni Lando sa likuran ko. “Elizabeth is a good mother, Lando. Mahal siya ni Kua.” “Akala ko gusto mong makasama sa pagtulog ang anak mo?” tanong ni Lando. Mariin akong pumikit at tumingin sa kaniya. Agad siyang lumapit sa akin at ipinulupot agad ang kamay sa akin para kargahin ako papasok sa loob. Umiyak ako at isinobsob ang mukha ko sa katawan niya. “Gusto ko Lando pero ang sakit ng ulo ko,” sabi ko habang nararamdaman ang dugong lumalabas mula sa ilong ko. “Kanina mo pa ba nararamdaman ang sakit ng ulo mo?” tanong niya. Tumango ako. “Oo kanina pa,” sabi ko. Isinantabi ko lang dahil ayaw kong makita ni Kua. “Wait here, kukuha ako ng towel at gamot mo,” sabi ni Lando matapos akong ihiga sa couch. Itiningala ko ang ulo ko at pumikit. Hindi naman nagtagal, bumalik si Lando dala ang gamot at towel. Pinuna
ELIZABETH Hindi ko aakalain na magkikita kami ni Sico dito. Kung alam ko lang na nandito siya, si Kua nalang sana ang pinapunta ko dito kasama ni Rachelle. Naging awkward tuloy para kay Zeym ang presensya ko dito dahil narito si Sico. Nakatanaw kami sa kanilang tatlo na papasok na ng sasakyan para bumili ng cake. Ang ganda nila pagmasdan. Para talaga silang iisang pamilya. Nakakaramdam ako ng hiya at inggit dahil ganoong buhay ang pangarap ko para sa anak ko pero kasi nakakahiya ako dahil doon ko pa pinangarap sa taong pagmamay-ari na ng iba. Kahapon, kitang kita ko ang sakit na naramdaman ni Zeym. Nakonsensya ako at naisip na, Anong pinagkaiba ko sa ama ko? Nahihiya na nga ako na anak niya ako dahil hindi ko siya kayang maipagmalaki, mas nahihiya ako ngayon na mapagtantong anak nga niya ako kasi pareho kaming nananakit ng ibang tao. Nang makasakay na sila, nakita ko pang sumilip ang ulo ni Kua para lang magba-bye sa akin. “Ba-bye mama, see you later,” ang sabi niya. Ngumiti