Share

Chapter 2

Sico didn’t come. Understandable dahil may asawa naman siyang uuwian.

“Ate, come here and have a taste,” napatingin ako kay Rachelle. It’s 5 in the afternoon at kakauwi lang nila from Spain.

“Ako na sana nagluto diyan. Bakit ka pa nag-abala?”

“Ayo slang ate, ano ka ba!”

Lumapit ako sa kaniya at tinikman ang Batchoy na niluluto niya. “Hmm.. Masarap,”

Ngumiti siya at kinindatan ako.

“Kamusta ang Spain?” tanong ko.

“Ayos naman. Spain pa rin. Pero mamaya, uuwi kami sa bahay ng mga bata sa bahay.”

“Nagdadalaga na si Raja,” sabi ko habang nakatingin sa anak niyang nasa couch at busy sa cellphone habang si Timber naman ay nakikipaglaro kay Kua kasama ng bunso ni Rachelle at Rico na si Tenour.

“Naku ate, sinabi mo pa.”

Natawa ako at bumalik ang attention sa niluluto niya.

“Ate,” tawag niya.

“Hmm..”

“Naaawa ako kay Zeym,”

Hindi ako nagsalita. I can’t blame her. Kaibigan niya si Zeym at malaki ang naitulong ni Zeym sa kaniya.

“Ilang informant na ang hinarangan ni Rico para lang mamanipula ang imbestigasyon sa inyo. Hindi pa rin tumitigil si Zeym na hanapin ka.”

“Gaya ng paulit-ulit kong sinasabi Rachelle, hindi ko ibibigay si Kua,”

Malungkot ang mukha niya.

“Galit na galit ako kay Sico, ate at sobra akong naaawa kay Zeym,”

“Are you gonna tell her the truth?”

Umiling siya. “Hindi ate. Kaya pinili kong umalis kami ni Rico kasama ng mga bata sa compound. Hindi kaya ng konsensya ko na makita si Zeym araw-araw habang nililihim sa kaniya ang katotohanan.”

Nag-iwas ako nang tingin.

“But she has Sico,” mahinang sabi ko.

“Pero mas mahal niya ang anak nila kesa kay Sico, ate. Iniwan ni Zeym si Sico para lang mahanap ka. Ilang taon rin siyang nanatili sa Europe, para lang hanapin ka.”

At iyong mga panahong iyon, habang gumagawa ng kasamaan ang ama ko, tinatago naman ako ni Sico habang binubuhay si Kua.

“A-Ayaw ko ng balikan ang nakaraan, Rachelle. Pasensya na,” mahinang sabi ko.

“I’m sorry ate,”

“Excuse me, tita, excuse me, mama,” napatingin kami sa anak ko at may ibinigay siya sa aking isang papel na may drawing niya.

Nang basahin ko iyon, kusang tumulo ang luha sa mga mata ko.

“Dear mama, thank you for loving Kua. You’re the best mama in the whole world. I love you,” napatingin ako kay Rachelle at nakita ko siyang masaya habang nakatingin sa akin.

Lumuhod ako para yakapin ang anak ko.

“I love you too, baby,”

“I love you so much, mama. Kua is happy kahit wala si papa,”

“I guess, tama ang decision ko, ate. Other than you, ayaw ka rin mawala ni Kua,” bulong ni Rachelle at pinuntahan ang mga anak niya.

Kinagabihan, nakauwi na sina Rachelle. Balak ko na sanang ilock ang gate nang makita ko si Sico sa labas, nakasandal sa kotse niya at nakatingin sa akin.

Nanlalaki ang mata ko at agad na lumapit sa kaniya.

“Nandito ka? Tulog na si Kua,”

Hindi siya sumagot, nakatitig lang siya sa akin.

Naaamoy ko ang alak mula sa kaniya. Oo nga pala, kasal na sila ni Zeym dalawang buwan na ang nakararaan.

Kaya halos hindi na siya pumupunta dito sa bahay.

Alam kong mula pa pagkabata ay gusto na ni Sico si Zeym. Alam ko ring matagal ng hinanap ni Sico si Zeym no’ng umalis ito para hanapin ako at si Kua.

Nakakatawa ang sitwasyon namin tatlo. I’m running, Zeym was chasing us while she was chased by Sico.

Taon rin ang inabot niya para mapaamo si Zeym at mapapayag ito na pakasalan siya. Malungkot akong ngumiti. Ang swerte ni Zeym, may Sico na laging nandiyan para sa kaniya.

Kung hindi ako lumuhod noon, nagmakaawa at umiyak sa harapan ni Sico, baka kinuha niya na si Kua sa akin para ibigay kay Zeym. Ganoon niya ito kamahal.

Kailangan ko pang magmaakawa sa kaniya huwag lang niya ilayo ang anak ko sa akin.

“Ano, kanina ka pa dito?”

Umiling siya. “Kararating ko lang,”

Bakit ganoon? Bakit puno ng lungkot ang mga mata niya?

Nag-away ba sila ni Zeym?

“Gusto mong kumain? Nagluto si Rachelle dito kanina,”

Tumango siya. Naglakad na ako papasok sa bahay at nakasunod naman siya sa akin.

“Halika, upo ka muna,”

Hinawakan ko siya sa kamay niya para maiupo sa couch. Bakit siya nagpakalasing?

“Hinahanap ka ni Kua mula pa kahapon,” sabi ko.

“Sorry, nagkaproblema,” hindi na niya dinugtungan iyon pero malakas ang pakiramdam ko na sila ni Zeym ang may problema.

“Sige lang. Ipapaliwang ko kay Kua bukas,”

“Hindi. Ako na,”

Nabigla ako at agad na napatingin sa kaniya. “Dadalaw ka bukas?”

“Dito ako matutulog,” mas lalong nanlaki ang mata ko.

Dito siya matutulog?

Napakurap-kurap ako ng ilang beses.

Hindi nalang ako nagsalita at kinuhanan siya ng batchoy at kanin. Alam kong nakatitig siya sa akin. Napapatingin tuloy ako sa itsura ko.

Maayos naman ang damit ko at mukhang disente tignan.

“Kumain ka muna, ihahanda ko ang damit mo. M-May natira ka pang damit dito,” sabi ko sa kaniya.

Hindi siya nagsalita. Pumasok ako sa kwarto at agad napahawak sa dibdib ko. Kinabahan ako kanina.

Anong problema ni Sico? Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago kinuha ang damit na naiwan niya sa bahay.

Nakita ko siyang kumakain. Nilapag ko sa tabi niya ang damit niya. Napansin ko ang kinang ng singsing na ginto sa daliri niya.

Gising na gising pa ang diwa ko nang makita siya imbes na inaantok na ako kanina.

Nang matapos siyang kumain, agad siyang nagsabi na maliligo daw siya. Tumango ako habang hinihugasan ang plato na pinagkainan niya.

Ang lakas ng kabog ng puso ko. Kinakabahan ako.

Alas diez na ng gabi at hindi naman pumupunta ng ganitong oras si Sico. Pinatay ko na ang faucet matapos kong mahugasan ang plato.

Umupo ako sa couch at hinintay siya matapos.

Nang lumabas siya ng banyo, agad siyang naglakad papunta sa akin. Binigay niya sa akin ang towel.

Kumunot ang noo ko. Hindi pa tuyo ang buhok niya.

Tumayo ako at tumingkayad para mapunasan ang buhok niya. Hindi ba siya marunong magtuyo ng buhok?

“May tumutulo pang tubig sa buhok mo,” sabi ko ngunit hinawakan niya ako sa kamay kaya napatigil ako at napatingin sa mga mata niya.

“What are you doing?” kunot noong tanong niya.

Nabigla ako. Alam kong ayaw niya sa akin pero wala naman akong masamang intention.

“Sorry,” sabi ko. Binangga niya ako sa balikat ko at pumasok sa kwarto kung saan natutulog ang anak ko.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku Eli lalong gugulo buhay mo oras na malaman ni Zeym na itinatago ka ng asawa nya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status