Share

Chapter 1

“Kua, huwag kang umalis ah, sandali lang si mama,” sabi ko sa anak ko nang iwan ko siya sandali para kunin ang mga pinamili namin.

“Okay mama,” he said habang kumakain ng ice cream.

Tumalikod ako para ibigay ang number sa nagbabantay ng mga baggage sa labas ng super market.

“Salamat,” ngumiti ako matapos kong makuha ang mga iniwan kong mga groceries na binili namin sa labas ng supermarket.

“Kua, let’s go,” tumingin ako sa likuran ko to find Kua but wala na siya.

Agad akong kinabahan at hinanap siya.

“KUA!” Sigaw ko but no sign of him.

Binitawan ko ang mga grocery bags para mapabilis ang lakad ko para mahanap siya nang tawagin niya ako mula sa likuran.

“MAMA!” Napahito ako at lumingon.

Nakita ko siya at hawak siya ni Henry.

Malakas akong napabuntong hininga at agad na lumapit sa kaniya.

“KUA! HINDI BA SABI NI MAMA HUWAG KANG UMALIS?” nawala ang ngiti sa labi niya at parang maiiyak na.

Lumuhod ako para mayakap siya.

“Mama told you na huwag kang umalis. Paano kung nawala ka?”

“I’m sorry mama,” aniya at yumakap sa akin pabalik.

“Ako na magbubuhat nito,” napatingin ako kay Henry. Ilang taon na siya dito sa Pinas. Wala na yata siyang plano na bumalik ng Spain.

Tumango ako at binuhat si Kua.

“Paano mo kami nahanap?”

“Hindi ko kayo hinanap. Lando is here,” sabi niya at sa unahan, naroon nga si kuya Lando.

“Mag go-grocery kami but nakita ko si Kua,” dagdag niya. Tumango ako.

“Sister,” natawa ako sa sinabi ni kuya. I didn’t expect this warm treatment from him. Alam ko kung gaano kalaki ang idinulot ni dad sa pamilya nila lalo na kay Rachelle yet nagawa pa rin nila akong tanggapin.

In fact, tinutulungan pa nga nila ako.

“Hi kuya/hello tito,” sabay na sabi namin ng anak ko. HinaIikan ako ni kuya sa noo ko saka kinuha si Kua sa akin.

“I brought my car with us. Hatid na namin kayo,” sabi niya at naunang maglakad kasama ng anak ko habang ako nasa hulihan kasama ni Henry.

“Zeym is looking for Kua,” sabi ng katabi ko.

Nagbaba ako nang tingin.

“Kailan ba niya titigilan ang anak ko?”

“It will never happen, Eli. You’re a mother and you should know that.” Kumuyom ang kamao ko.

“Akin si Kua, Henry. Bakit ayaw niya maniwala kay Sico na patay na ang anak nila?”

“Zeym believed na hindi pa at hindi pa naman talaga. Kua is pretty healthy.”

Tumulo ang luha sa mata ko. “Bakit ba ayaw niyang makontento? Bakit ba ayaw niyang maging masaya kay Sico? Kasal na sila hindi ba?”

Tumingin ako kay Henry at namataan siyang nakakunot ang noo sa akin.

“Why are you crying?”

“Dahil naiinis ako. Halos hindi kami mapirmi ni Kua sa iisang lugar dahil sa kaniya. Gusto ko ng mapayapang buhay kasama ng anak ko.”

“Dahil ba talaga doon Eli? O dahil sa kasal na si Sico sa kaniya? And besides, hindi ba anak naman talaga ni Zeym si Kua? Surrogate mother ka Elizabeth. Iyon ang kabayaran mo sa pagtulong ni Sico sa ‘yo.” Natahimik ako.

“Nagtataka ako, ano bang tulong ang nagawa ni Sico sa ‘yo? Iyong tinulungan ka niyang itakas mula sa dad mo? Iyon ba iyon?” tanong ni Henry na hindi ko magawang sagutin.

Narinig kong natawa siya.

“For the past years Elizabeth, ngayon ko lang napansin. May mga sikreto ka palang tanging kayo lang ni Sico ang nakakaalam. Kawawa si Zeym, alam mo ba iyon? Sinuyod niya ang buong mundo mahanap ka lang niya at ang anak niya. Sobrang kawawa siya, dahil sa loob ng bahay ng mga Shein, lahat ng tao doon ay itinatago sa kaniya ang katotohanan,”

Tumingin ako sa kaniya at naabutan ko ang mga mata niya sa akin.

“Kumpara sa inyong dalawa, mas malalim ang koneksyon niya kay Lorelay Shein at Harold Shein pero bakit itinikom ng dalawa ang bibig nila? Bakit hindi nila sinasabi kay Zeym na ang anak na hinahanap niya ay narito lang pala sa Pinas?”

Hinawakan ni Henry ang kamay ko.

“Bitawan mo ‘ko,”

“Hindi Elizabeth. Bakit? Ano bang meron sa inyo ni Sico? Alam natin ang dahilan kung bakit hindi ka pa nahahanap ni Zeym. Dahil iyon kay Sico. Siya ang pumipigil sa pamilya niya hindi ba na huwag sabihin ang lokasyon niyo ni Kua? Bakit? Bakit ginagawa ni Sico iyon?”

Malakas kong binawi ang kamay ko sa kaniya.

“Bakit prino-protektahan ka ni Sico mula sa asawa niya? Hindi ba mas magiging masaya silang dalawa ni Zeym kung makuha nila ang anak nila mula sa ‘yo? Bakit ayaw kunin ni Sico ang anak nila ni Zeym sa ‘yo?”

“H-Hindi ko alam. Huwag ka ng makialam, Henry,”

Nauna akong maglakad sa kaniya ngunit napatigil ng magsalita ulit siya.

“Ako, alam ko. Alam ko kung bakit itinikom ko ang bibig ko kay Zeym. Alam mo kung bakit Elizabeth? Dahil may nararamdaman ako sa ‘yo. Dahil gusto kita kaya kahit gusto kong sabihin kay Zeym na ang anak na hinahanap niya ay narito lang sa Pinas, hindi ko magawa dahil ayaw kitang masaktan.”

Mariin akong napapikit bago nagpatuloy maglakad.

Sumakay ako sa sasakyan ni kuya Lando.

Tumingin si kuya sa akin mula sa salamin at napabuntong hininga.

“Let’s go, ihahatid ni Henry ang pinamili mo sa bahay niyo.”

Tumango lang ako.

“Mama,” napatingin ako sa anak ko.

“Uuwi kaya si papa mamaya? Hindi ba Saturday ngayon?”

“Baka busy pa si papa sa work, anak,”

“Pero mama, papa promised me uuwi siya,”

“Let’s wait nalang anak but don’t assume okay? Baka kasi may work pa si papa at hindi siya makakauwi.” Humaba ang nguso niya at tumango.

“Okay mama. Can I sleep in your lap?”

“Sure, halika, higa ka sa lap ni mama,”

Agad siyang humiga at nakapatong ang ulo sa kandungan ko. Mabilis na nakatulog si Kua na ikinangiti ko lang.

Magkakamatayan man pero hindi ko ibibigay ang anak ko kay Zeym. Akin ang anak ko.

“Nag-away kayo ni Henry?” napatigin ako kay kuya Lando at umiling.

“Nagkasagutan lang po kuya,”

“I see. My sister is helping you simply because you’re her cousin. Mas matimbang ka kesa kay Zeym. Galit siya kay Sico but ayaw niyang makigulo sa inyong tatlo and as her kuya, bilang kuya mo, the best thing I can do is to not involve myself sa gulo niyo ni Sico.”

“Naiintindihan ko po. Sana maintindihan niyo ako. Hindi naman ako manggugulo kay Sico at Zeym. They can have their happy ending, basta huwag lang nila kunin sa akin ang anak ko.”

Nagsimula na namang tumulo ang luha sa mata ko.

“Pero may karapatan si Zeym sa bata,” ani ni kuya Lando. Umiling ako. Ipagdadamot ko ang anak ko.

“Hindi kuya. Galing sa matres ko si Kua. Ako ang nagluwal sa kaniya.”

“Nasa kasunduan niyo bilang surrogate mother na matapos mong ipanganak ang bata, ibibigay mo sa kaniya ang anak niya.”

“Kuya, hindi.. Anak ko si Kua. Wala akong pakialam sa kasunduan, ako ang ina ng anak ko.” Anak ko nalang ang meron ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status