VERONICA POVMadaling araw pa lang ay pareho na kaming gising ni Manang Espe. Isasama niya daw ako para mamili ng seafoods sa fish market. Iyun daw kasi ang nangunguna na gusto kainin ng mga anak ni Madam Carissa kaya naman agad akong naligo at isinuot na ang bigay nitong uniform.Natuwa naman ako s
"Talaga? Hindi ko yata alam iyan ah?" sagot naman ni Manang."Hindi mo talaga alam kasi nandito ka lang naman sa loob. Ako kaya ang kasama nila Sir sa resort at iyun ang naririnig ko sa usapan nila." sagot naman ni Mang Gerry. Hindi ko alam na madaldal pala ito. Tahimik lang kasi ito kanina."Ayy ku
"Good Morning Madam, Sir." halos sabay naming wika. Nakangiti namang tumango si Madam Carissa at isa-isa namang tiningnan ni Sir Gabriel ang mga nakahain sa lamesa. Ipinaghila pa nito ang asawa ng upuan at inalalayan pang maupo. Ganito ba ang mga mayayaman? Sila Nanay at Tatay kasi hindi ganito ka-s
VERONICA POVHabang nakatitig sa magandang mukha ni Mam Arabella ay biglang dagsa ng reyalisasyon sa isip ko. HIndi ako maaring magkamali. Ito ang babae na laging ikinikwento sa akin ni Nanay. Ang babaeng minsan niyang naging kaibigan ng mapadpad ito sa Isla noon. Ang babaeng ilang araw lang daw niy
"Si Mommy ang kausap ko Rafael dahil wala ka pang malay noong mga panahon na iyun. Nasa tummy ka pa lang ni Mommy noong time na iyun." sagot ni Mam Arabella. Nanahimik naman ang masungit kong amo. Pero ramdam ko ang talim ng pagkakatitig nito sa akin. "So anong meron sa Island na iyun? At bakit haw
"Hindi...pumasok ka muna sa kwarto at magrelax. Maaga tayong nagising kanina at alam kong pagod ka na. Marami namang ibang kasambahay dito. Ako ang mayordoma at ako ang magdedesisyon sa lahat ng bagay." sagot nito. Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lang at dahan-dahan na naglakad papuntang k
RAFAEL POV"Hindi ka ba sasama anak?" seryosong tanong ni Mommy. Nakabihis na ang lahat. Lahat ay excited na para sa pamamasyal. Agad kong umiling at sumandal pa sa upuan. Parang bigla akong napagod sa dami ng pinag-usapan namin kanina. Tungkol iyun sa posible kong maging responsibilidad kung tuluya
"Ayos lang Mom. Na-miss ko din naman ang ganitong lakad ng Pamilya.' Sagot ko. "Sabagay! Noong teenager ka pa sumasama ka naman palagi sa mga ganitong lakad. Nagbago lang ang lahat ng matuto ka ng magkagusto sa mga babae." bakas ang biro na wika na iyun ni Daddy. Hindi ko naman mapigilan ang matawa