Share

Chapter 2:

last update Last Updated: 2024-02-28 22:08:58

“M-Mr. Cervantes, ano pong ginagawa niyo rito?” gulat na tanong ni Egon sa lalaking nasa harapan nila.

Natatandaan ni Athena kung sino ang lalaki. Ito ang lalaking nabangga niya noong isang gabing nagtungo siya sa kompanyang pinagtatrabahuhan ni Egon upang hanapin ito roon. Ito ang lalaking natapunan ng iced coffee sa damit nang dahil sa kanya.

Napansin ni Athena na hindi nag-iisa ang lalaki sapagkat sa likuran nito ay may dalawang lalaki pa na tila alalay nito.

Hindi sumagot ang lalaki sa tanong ni Egon at sa halip ay dumapo lamang ang mga tingin nito sa kanya. “Ms. Athena Ferrer?” tanong nito sa kanya.

“Yes? Ako nga.”

Magsasalita pa lamang sana ulit ang lalaki nang bigla namang dumating ang kanyang madrasta, kasama ang ilang mga negosyanteng katrabaho ng kanyang yumaong ama.

“Mr. Euwenn Cervantes! Narito ka na pala,” masayang bati ng kanyang madrasta sa lalaki. May pagtatanong naman itong binalingan ng tingin ng lalaki. “Ako si Mrs. Ferrer. Asawa ng yumaong si Oliver Ferrer,” pagpapakilala pa ng kanyang madrasta sa lalaki.

“Oh, Mrs. Ferrer,” usal ng lalaki saka ito nakipagkamay sa kanyang madrasta. “Nakikiramay po ako sa nangyari kay Mr. Ferrer.”

“Salamat, Mr. Cervantes. At sobrang ikinatutuwa po ng aming pamilya ang pagdalaw ninyo ngayong gabi rito.” Marahang tumango at ngumiti lang naman ang lalaki saka muli siyang binalingan ng tingin. Napansin iyon ng kanyang madrasta kaya agad itong muling nagsalita. “Mr. Cervantes ito nga pala ang aking anak, si Tierney,” pagpapakilala pa ng kanyang madrasta sa stepsister niya. Hindi niya namalayan na dumating din pala roon si Tierney.

Ngunit sandali lamang itong tiningnan ng lalaki at muli ulit ibinalin ang tingin sa kanya na siyang nagpagalaw sa puso niya sa hindi niya malaman na dahilan.

“And she is… Athena Ferrer, right?” wika nito habang nakatingin lamang sa kanya.

“O-Oo, siya nga,” sagot ng kanyang madrasta.

Ngumiti ang lalaki sa kanya saka ito naglahad ng kamay sa kanyang harapan, na bahagyang ikinagulat niya at may pagtataka niyang tiningnan. “I am pleased to meet you. Maraming naikuwento sa akin ang iyong ama tungkol sa iyo.”

“H-Huh?” Sandali siyang natigilan ngunit agad niyang tinanggap ang pakikipagkamay ng lalaki sa kanya.

“Mr. Cervantes, ang mabuti pa ay pumasok ka na muna sa loob upang masilip mo rin ang labi ng aking asawa,” singit ng kanyang madrasta, dahilan upang mabilis siyang mapabitaw sa kamay ng lalaki.

“Sure, Mrs. Ferrer,” sagot ng lalaki at sa huli ay tuluyan na nga itong tumalikod sa kanya at naglakad papasok sa loob kasama ng kanyang madrasta at ng kanyang stepsister.

“Athena! Athena, okay ka lang?” maya-maya ay biglang lapit ni Morgan sa kanya.

“Morgan…”

Bumalin ng tingin si Morgan kay Egon. “Egon, anong ginagawa mo rito?”

“Morgan, hayaan mo muna kaming makapag-usap ni Athena—”

“Wala na tayong pag-uusapan pa, Egon,” putol niya sa sinasabi nito sa kanyang kaibigan.

“Athena… hindi ba at sinusubukan nating ayusin ang sa atin—”

“Wala tayong aayusin dahil wala na tayo,” muling putol niya rito.

“Ano?”

“Egon, malinaw naman na ang sinabi ni Athena. Wala na kayo kaya tigilan mo na siya. At kung pwede sana, umalis ka na rin dito. Mahiya ka naman sana kahit na kaunti sa lamay ng ama niya,” sabi ni Morgan sa lalaki.

“Morgan, huwag kang makialam dito. Hayaan mo kaming mag-usap na dalawa—”

“Makikialam ako sa ayaw o sa gusto mo. Dahil hindi na ako papayag na utuin at lokohin mo pang muli ang kaibigan ko,” putol ni Morgan kay Egon saka siya nito hinawakan sa kamay. “Halika na, Athena,” yaya pa nito sa kanya saka siya nito hinila papasok sa loob at tuluyang iniwanan si Egon.

“Thank you, Morgan,” marahang sabi ni Athena sa kaibigan habang kapwa silang naglalakad. “Pilit ko lang ipinapakita kanina na kaya ko pero sa totoo lang, nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko si Egon at si Tierney.” Huminto sa paglalakad si Morgan saka ito humarap kay Athena.

“Nahuli pa nga ako ng dating eh. Sorry kung kinailangan mo pang masaktan ulit nang dahil sa kanila.” Batid ni Morgan ang ginawang kasalanan at panloloko nina Egon at Tierney kay Athena. Sinabi iyong lahat ni Athena kay Morgan dahil wala na siyang ibang mapagkakatiwalaan pa kung 'di ito na lamang. "Alam na ba ni Tita Rowena ang ginawa ni Tierney sa iyo? Sinabi mo na ba sa kanya ang kalokohang ginawa ng anak niya?” tanong pa ni Morgan sa kanya.

“Wala pa siyang alam,” simpleng tugon niya sa kaibigan.

“Kung sa bagay, mas mabuting hayaan muna nating maiibing ang daddy mo. Saka mo na harapin ang kapatid mo.”

“Pero… parang hindi ko na kayang harapin pa siya.”

“Pero ano nang gagawin mo kung sa iisang bahay lang naman kayo umuuwi?”

“Hindi ko alam, Morgan. Ayaw ko namang umalis sa bahay dahil… naroon ang lahat ng alaala sa akin ng aking mga magulang.”

“Aba’y oo naman! Bakit ka aalis sa inyo? Bahay iyon ng iyong mga magulang. Kaya hindi ka pwedeng umalis doon.”

“Pero hindi ko kayang makita si Tierney araw-araw. Kumukulo ang dugo ko sa kanya at bumabalik sa isipan ko kung paano nila ako niloko ni Egon,” saad niya kay Morgan.

Humigit ng malalim na paghinga si Morgan. “Kung bakit naman kasi nagkaroon ka ng impaktang stepsister."

"Hindi ko rin alam, Morgan. Wala naman akong ginawang masama sa kanya mula noon. Minahal at itinuring ko naman siyang para kong tunay na kapatid. Pero sa kabila no’n ay nagawa pa rin niya sa akin ito.”

Natigilan silang dalawa sa pag-uusap nang makita nila ang paglabas ni Mr. Cervantes at ang mga alalay nito. Sinamahan ito ng kanyang madrasta at ni Tierney na hindi niya malaman kung bakit ngiting-ngiti ngayon sa lalaki.

“Maraming salamat muli sa inyong pakikiramay sa aming pamilya,” saad ng kanyang madrasta sa lalaki.

“Wala po iyon,” simpleng sagot naman ng lalaki rito.

“Alam kong malaking panghihinayang din para sa iyo ang pagkawala ng aking asawa katulad ng iba niyang mga kasosyo sa negosyo. Ngunit inaasahan ko pa rin ang pagtutuloy ninyo sa nauna ninyong plano para sa aming gallery."

"Pag-iisipan ko ang bagay na iyan."

"Maraming salamat muli, Mr. Cervantes.”

Pagkatapos no’n ay tuluyan na ngang umalis ang lalaki na sa tingin niya ay nakilala ng kanyang ama dahil sa negosyo at sa gallery.

Lumipas ang buong magdamag hanggang sa dumating na nga ang araw na kinakailangan nang ihatid sa huling hantungan ang mga labi ng ama ni Athena. Mugto na ang kanyang mga mata dahil sa walang tigil na pagluha, habang si Rowena at ang kanyang kapatid ay nakapusturang-pustura pa.

Hindi pa rin lubusang matanggap ni Athena na wala na ang kanyang ama. Masyado siyang nabigla sa biglaang pagpanaw nito dahil hindi naman niya alam na may iniinda na pala itong sakit. Ang buong akala niya ay malusog ito kung kaya’t nakakagulat na malamang may malubha na pala itong karamdaman, na siyang tuluyang kumitil sa buhay nito.

Maraming tao ang nakipaglibing sa kanila ngunit sa huli, ay siya na lamang ang mag-isang natira at nanatili sa puntod nito. Umuwi na ang lahat ng tao maging ang kanyang madrasta.

Lubusan siyang nagdalamhati ng gabing iyon at doon sa puntod ng kanyang ama siya nagpalipas ng buong magdamag.

Kinabukasan, nanghihina at pagod siyang umuwi ng kanilang bahay. Pero laking gulat niya nang tila may makita siyang ibang mga tao sa loob ng kanilang bahay na siyang abalang kausap ng kanyang madrasta.

Hanggang sa makita niya si Manang Lucia na papalabas habang may mga dalang gamit at bagahe.

“Ma’am Athena, nakauwi na po pala kayo. Kumain na po ba kayo?” salubong na tanong sa kanya ni Manang Lucia.

“Aalis po kayo? Bakit ang dami niyo pong dalang mga gamit? Saan po kayo pupunta?' sunod-sunod na ganting tanong niya sa ginang.

Sandaling natigilan ang ginang na tila hindi malaman ang isasagot sa mga tanong niya. “Uhm… hindi niyo pa po ba alam?”

“Ang alin?” kunot ang noong tanong niya rito.

“Huling araw ko na po ngayon dito, Ma’am Athena.”

“Ano?” gulat na tanong niya. “Bakit? Bakit ka aalis? Sinong nagpapaalis sa iyo?”

“Nariyan ka na pala,” biglang lapit naman sa kanila ng kanyang madrasta.

“Mommy, kayo po ba ang nagpapaalis kay Manang Lucia?” tanong niya sa madrasta.

“Oo. Ako nga. At hindi lang siya ang aalis, dahil pati ikaw,” sagot sa kanya nito na siyang tila parang nagpabingi sa kanya.

“A-Ano? Ano pong ibig ninyong sabihin?”

“Athena, napakarami at napakalalaking utang ang iniwan sa atin ng ama mo. At wala na akong ibang choice kung ‘di ang ibenta ang bahay na ito.”

Umawang ang mga labi niya sa gulat at sa hindi niya matanggap na sinabi nito sa kanya, “A-Ano? Ibinenta po ninyo ang bahay? Pero hindi niyo po pwedeng gawin iyon!”

“Nagawa ko na, Athena. Kaya sa ayaw o sa gusto mo, kailangan mo na ring umalis dito. Huwag kang mag-alala dahil bago mag-impake ng gamit si Manang Lucia ay naayos na niya ang mga gamit mo sa kwarto mo.”

“No, mommy! Hindi niyo po pwedeng ibenta ang bahay na ito. Hindi po ako papayag!”

“Athena, wala akong ibang choice. Kasalanan ito ng ama mo—”

“No! Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. Hindi iyon magagawa ni daddy sa atin. Bakit naman siya magkakaroon ng maraming utang?”

“Aba’y hindi ko alam! Tingin mo masaya ako na kinakailangan kong gawin ito? Athena, baon sa utang ang ama mo. At kung hindi ko babayaran ang lahat ng utang niya ay tayo ang babalikan ng mga iyon!”

“Pero, mommy, huwag naman po ang bahay na ito. Pakiusap!” Nagsimulang tumulo ang mga luha niya. Hindi pwedeng mawala sa kanya ang bahay nila. Dahil ito na lamang ang natitirang alaala sa kanya ng kanyang mga magulang. “Magtatrabaho po ako ng mas mabuti. Ako po ang magbabayad ng mga utang ni daddy. Huwag niyo lang po alisin sa akin ang bahay na ito. Ito na lang ang natirang alaala sa akin ng aking mga magulang!” pagsusumamo niya sa kanyang madrasta.

“I’m sorry, Athena, pero wala ka nang magagawa pa kung ‘di ang umalis na rin sa bahay na ito,” malamig na sagot naman sa kanya ni Rowena.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gellie Macalinao
next chapter
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)   Prologue:

    Paulit-ulit na sinusubukang tawagan ni Athena ang kanyang nobyo sa cellphone nito ngunit hindi niya ito ma-contact. Ilang minuto na siyang nakatayo sa labas ng pinagtatrabahuhang automobile shop at patuloy na kino-contact ang nobyo nito. May usapan kasi silang dalawa na susunduin siya ngayon ng lalaki pagkatapos niya sa kanyang trabaho, at pagkatapos ay sabay na magdi-dinner, dahil ikalawang anibersayo na nila bilang magkarelasyon.“Oh, Athena, nandito ka pa pala. Akala ko nakauwi ka na,” maya-maya pa ay lapit ni Morgan kay Athena saka ito bahagyang nagpalinga-linga sa paligid. “Nasaan na si Egon?” tanong pa nito kay Athena. Matalik na magkaibigan sina Athena at Morgan na parehong nagtatrabaho sa isang automobile shop.“Huh? Uhm… wala pa nga siya eh,” marahang tugon naman ni Athena kay Morgan kasabay ng dismayadong pagsuko niya sa pagtawag sa nobyo sa telepono nito.“Huh? Eh nasaan na raw siya?”“Iyon na nga eh. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi kasi siya sumasagot kaya… hi

    Last Updated : 2024-02-28
  • Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)   Chapter 1:

    Mainam na pinagmamasdan lamang ni Athena ang malaking larawan ng kanyang ama na nasa harapan niya. Hindi niya alam kung ilang oras na ba siyang nakatitig dito dahil para sa kanya ay tila hindi na umuusad ang bawat oras sa kanya mula nang iwanan siya nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lubusang makapaniwala at paulit-ulit niyang hinihiling sa Diyos na sana ay isang masamang panaginip na lamang ang lahat ng ito.Maagang namatay ang ina ni Athena dahil sa isang malubhang karamdaman. At sa paglipas ng sampung taon ay muling nakahanap ng bagong pag-ibig ang kanyang ama, sa katauhan ni Rowena.Pinakasalan ng kanyang ama si Rowena at mainit niya namang tinanggap ang babae, maging ang anak nito na si Tierney. Minahal niya ang madrasta at ang anak nito. Itinuring niyang parang tunay na ina si Rowena at parang tunay na kapatid si Tierney. Ngunit sa loob ng anim na taon, ay ramdam niya na hindi siya lubusang tanggap ng dalawa. Na para bang ang kanyang ama lamang ang minahal ng mga ito a

    Last Updated : 2024-02-28

Latest chapter

  • Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)   Chapter 2:

    “M-Mr. Cervantes, ano pong ginagawa niyo rito?” gulat na tanong ni Egon sa lalaking nasa harapan nila.Natatandaan ni Athena kung sino ang lalaki. Ito ang lalaking nabangga niya noong isang gabing nagtungo siya sa kompanyang pinagtatrabahuhan ni Egon upang hanapin ito roon. Ito ang lalaking natapunan ng iced coffee sa damit nang dahil sa kanya.Napansin ni Athena na hindi nag-iisa ang lalaki sapagkat sa likuran nito ay may dalawang lalaki pa na tila alalay nito.Hindi sumagot ang lalaki sa tanong ni Egon at sa halip ay dumapo lamang ang mga tingin nito sa kanya. “Ms. Athena Ferrer?” tanong nito sa kanya.“Yes? Ako nga.”Magsasalita pa lamang sana ulit ang lalaki nang bigla namang dumating ang kanyang madrasta, kasama ang ilang mga negosyanteng katrabaho ng kanyang yumaong ama.“Mr. Euwenn Cervantes! Narito ka na pala,” masayang bati ng kanyang madrasta sa lalaki. May pagtatanong naman itong binalingan ng tingin ng lalaki. “Ako si Mrs. Ferrer. Asawa ng yumaong si Oliver Ferrer,”

  • Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)   Chapter 1:

    Mainam na pinagmamasdan lamang ni Athena ang malaking larawan ng kanyang ama na nasa harapan niya. Hindi niya alam kung ilang oras na ba siyang nakatitig dito dahil para sa kanya ay tila hindi na umuusad ang bawat oras sa kanya mula nang iwanan siya nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lubusang makapaniwala at paulit-ulit niyang hinihiling sa Diyos na sana ay isang masamang panaginip na lamang ang lahat ng ito.Maagang namatay ang ina ni Athena dahil sa isang malubhang karamdaman. At sa paglipas ng sampung taon ay muling nakahanap ng bagong pag-ibig ang kanyang ama, sa katauhan ni Rowena.Pinakasalan ng kanyang ama si Rowena at mainit niya namang tinanggap ang babae, maging ang anak nito na si Tierney. Minahal niya ang madrasta at ang anak nito. Itinuring niyang parang tunay na ina si Rowena at parang tunay na kapatid si Tierney. Ngunit sa loob ng anim na taon, ay ramdam niya na hindi siya lubusang tanggap ng dalawa. Na para bang ang kanyang ama lamang ang minahal ng mga ito a

  • Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)   Prologue:

    Paulit-ulit na sinusubukang tawagan ni Athena ang kanyang nobyo sa cellphone nito ngunit hindi niya ito ma-contact. Ilang minuto na siyang nakatayo sa labas ng pinagtatrabahuhang automobile shop at patuloy na kino-contact ang nobyo nito. May usapan kasi silang dalawa na susunduin siya ngayon ng lalaki pagkatapos niya sa kanyang trabaho, at pagkatapos ay sabay na magdi-dinner, dahil ikalawang anibersayo na nila bilang magkarelasyon.“Oh, Athena, nandito ka pa pala. Akala ko nakauwi ka na,” maya-maya pa ay lapit ni Morgan kay Athena saka ito bahagyang nagpalinga-linga sa paligid. “Nasaan na si Egon?” tanong pa nito kay Athena. Matalik na magkaibigan sina Athena at Morgan na parehong nagtatrabaho sa isang automobile shop.“Huh? Uhm… wala pa nga siya eh,” marahang tugon naman ni Athena kay Morgan kasabay ng dismayadong pagsuko niya sa pagtawag sa nobyo sa telepono nito.“Huh? Eh nasaan na raw siya?”“Iyon na nga eh. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi kasi siya sumasagot kaya… hi

DMCA.com Protection Status