Mainam na pinagmamasdan lamang ni Athena ang malaking larawan ng kanyang ama na nasa harapan niya. Hindi niya alam kung ilang oras na ba siyang nakatitig dito dahil para sa kanya ay tila hindi na umuusad ang bawat oras sa kanya mula nang iwanan siya nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lubusang makapaniwala at paulit-ulit niyang hinihiling sa Diyos na sana ay isang masamang panaginip na lamang ang lahat ng ito.
Maagang namatay ang ina ni Athena dahil sa isang malubhang karamdaman. At sa paglipas ng sampung taon ay muling nakahanap ng bagong pag-ibig ang kanyang ama, sa katauhan ni Rowena.Pinakasalan ng kanyang ama si Rowena at mainit niya namang tinanggap ang babae, maging ang anak nito na si Tierney. Minahal niya ang madrasta at ang anak nito. Itinuring niyang parang tunay na ina si Rowena at parang tunay na kapatid si Tierney. Ngunit sa loob ng anim na taon, ay ramdam niya na hindi siya lubusang tanggap ng dalawa. Na para bang ang kanyang ama lamang ang minahal ng mga ito at hindi siya.“Athena, kumain ka na muna. Kahapon ka pa hindi kumakain ng kahit na ano. Baka magkasakit ka naman niyan sa ginagawa mo,” saad ni Morgan sa kanyang tabi pagkalapit nito sa kanya. May dala itong isang tray na may mga lamang pagkain at tubig.“Hindi ako nagugutom,” walang buhay na tugon niya sa kaibigan habang hindi niya inaalis ang mga tingin sa larawan ng yumaong ama.“Athena naman. Huwag mo namang parusahan ang sarili mo. Kumain ka at uminom. Manghihina at magkakasakit ka niyan sa ginagawa mo eh," pagalit sa kanya ng kanyang kaibigan.“Morgan, wala akong gana. Hindi talaga ako nagugutom—”“Athena, please!” putol sa kanya ni Morgan dahilan upang mapatitig na lamang siya rito. “Hindi matutuwa ang daddy mo sa ginagawa mong iyan.”Umawang ang labi niya kasabay ng mabilis na pagpatak ng isang butil ng luha mula sa kanyang mata. "Pero iniwan na niya ako, Morgan. Iniwan na ako ng daddy ko,” malungkot at nagdadalamhating sabi niya.“Athena…”“Siya na lang ang mayroon ako. Pero iniwan niya lang din ako.”“Athena, walang may gusto sa nangyari. Sigurado akong hindi gusto ng daddy mo ang iwan ka. Sigurado akong sinubukan niya ring lumaban para sa iyo, dahil mahal ka niya,” marahang sabi ni Morgan sa kanya habang nangingilid na rin ang mga luha nito.“Pero, Morgan… wala na siya. Ano na ang gagawin ko ngayon? Paano na ako ngayong mag-isa?” lumuluhang usal niya.“Athena, hindi ka mag-isa. Nandito pa ako—”“Oo nga naman, Athena. Nandito pa kami.” Kapwa napalingon sina Athena at Morgan mula sa nagmamay-ari ng boses na iyon.Umawang ang mga labi ni Athena nang makita ang kanyang madrasta kasama ang ilang mga taong malalapit sa kanyang ama na nakikiramay ngayon sa pagkawala nito. Lumapit at naupo sa tabi niya si Rowena saka nito marahang inabot at hinawakan ang kamay niya. “Kahit na wala na ang daddy mo, hinding-hindi kita pababayaan dahil anak kita. At mahal kita,” naluluhang sabi nito sa kanya.Sa pagkakaalala niya ay ito ang pinakaunang beses na sinabihan siya nito na mahal siya nito. Kaya naman labis iyong ikinatuwa ng puso niya.“M-Mommy…” usal niya kasabay ng muling paglandas ng mga luha niya. Marahan naman iyong pinahid ng kanyang madrasta saka siya nito niyakap.“Mula ngayon, ako na ang bahala sa iyo. Hindi kita pababayaan, anak,” sabi pa nito sa kanya habang pinagmamasdan sila ng lahat ng taong nakikiramay ngayon sa kanila.Dalawang gabi na ang lumipas mula nang pumanaw ang ama ni Athena. At kung siya lamang ang masusunod ay gusto sana niyang manatili pa ng ilang gabi ang mga labi nito sa kanila. Ngunit napagdesisyunan na ng kanyang madrasta na bukas na bukas rin ay ihahatid na ang mga labi ng kanyang ama sa huli nitong hantungan. Marami raw kasing iniwang trabaho at responsibilidad ang kanyang ama na kailangan nitong punan at asikasuhin sa lalong madaling panahon. Kaya labag man sa loob niya ay wala na siyang nagawa pa para tutulan ang kagustuhan nito. Isa pa ay mas pinakikinggan kasi ito ng mga tao sapagkat ito ang asawa ng kanyang ama.Nang gabing iyon ay dumagsa pa ang maraming bisita sa kanila. Mga kaibigan at kakilala ng kanyang ama. Naroroon din ang ilang mga negosyanteng kasosyo nito sa negosyo ng pamilya nila.Ang ama ni Athena ang founder ng isang sikat na gallery sa bansa. Ang Picture Perfect Gallery na itinayo ng kanyang ama para sa kanila ng kanyang yumaong ina. Isang kilalang painter kasi ang kanyang ina, kung saan ay namana niya mula rito ang hilig at husay sa pagpipinta. Ngunit nang dumating sa buhay nila ang kanyang madrasta at ang anak nito ay hindi na niya iyon napagtuunan pa ng pansin. Sapagkat ang kanyang madrasta na kasi ang tumulong sa kanyang ama sa pamamahala nito. Habang siya ay naging abala na lamang sa ibang bagay at sumubok na magtrabaho sa iba. Hanggang sa nakilala na nga niya si Egon, ang lalaking kanyang unang inibig at pinagkatiwalaan. Na sa huli ay niloko at sinakan lamang siya.Uminit ang magkabilang sulok ng mga mata ni Athena habang hindi niya maiwasang hindi maalala ang panlolokong ginawa sa kanya ni Egon at ni Tierney. Hindi pa nga siya nakakabangon sa sakit na ibinigay sa kanya ng mga ito, ay sumunod naman ang pighati na dulot ng pagkawala ng kanyang ama.“Ma’am Athena, ito po ang pagkain. Kumain na po muna kayo sabi ni Ma’am Morgan,” sabi at lapit sa kanya ni Manang Lucia sa veranda. Nilingon niya ito at nakita niya ang pagkaing dala nito para sa kanya. Ngumiti ang babae sa kanya. “Abala pa kasi si Ma’am Morgan sa pagtulong at pag-aasikaso sa ibang bisita,” dagdag pa nito sa kanya.Akmang magsasalita pa lamang sana siya rito nang bigla namang dumating ang dalawang taong ni minsan ay hindi na niya pinangarap na makita pang muli.“Oo nga naman, Athena. Kumain ka para magkaroon ka ng lakas na humarap sa mga bisita natin,” sabi ni Tierney sa kanya na para bang walang gulong nangyari sa pagitan nila noong isang gabi.Kasama ng babae ang kanyang dating nobyo na inagaw nito sa kanya. Si Egon.“I-Ikaw?” naiusal na lamang niya habang unti-unting nabubuhay ang galit sa loob niya.Lumapit si Tierney sa kanya saka ito nakipagbeso. Nag-igting naman ang kanyang mga panga dahil sa pagpipigil niya ng kanyang sarili sa galit na nararamdaman niya. Ang kapal ng mukha ng dalawang ito na magpakita sa kanya ngayong gabi, sa burol pa mismo ng yumao niyang ama.Matapos makipagbeso ni Tierney sa kanya ay hinarap siya nito. “Alam kong mahirap ang pinagdadaanan ng pamilya natin ngayon sa biglaang pagkawala ni daddy. But you need to be strong, Athena. We need to be strong. And we need each other sa panahong ito,” saad nito sa kanya na mas lalo lamang dumagdag sa matinding galit niya para dito.“Shut up, Tierney. Tigilan mo ako, pwede?” nanggigigil na sabi niya rito. “At talagang nagpunta pa kayong dalawa rito, huh? Wala na ba kayong natitirang kahihiyan kahit na kaunti?”Mapang-asar naman siyang tiningnan lamang ni Tierney. “Huwag ka naman masyadong masungit sa amin, Athena. Baka nakakalimutan mong napakaraming tao ngayon dito kaya iwasan mo sanang gumawa ng eksena,” mahinang sabi at pagbabanta ni Tierney sa kanya.“Umalis ka rito. Umalis kayo rito,” matigas na sabi naman niya sa mga ito. Dahil doon ay hindi maiwasang hindi mapatingin ang ibang tao sa kanila.Tumikhim si Egon saka ito mabilis na lumapit sa kanya. “Babe—”“Lumayo ka sa akin!” mabilis na putol niya sa lalaki kasabay ng pag-iwas niya rito. Dahil doon ay tuluyan na nga nilang naagaw ang atensyon ng mga tao.“Anong nangyayari dito?” lapit sa kanila ni Rowena habang nakatingin na sa kanila ang mga tao.“Mommy!” lumapit naman si Tierney sa ina nito. “Sinabay ko na po sa pagpunta rito si Egon. Hindi po kasi sila okay ngayon ni Athena and unstable pa rin naman ang emosyon niya dahil sa nangyari kay daddy kaya ganito.”Napasinghap naman si Athena sa mga sinabi ni Tierney sa ina nito.“Ganoon ba?” Binalingan siya ng tingin ni Rowena. “Athena, anak. Ang mabuti pa ay mag-usap na muna kayo ng nobyo mo. Sige na,” sabi nito sa kanya saka ibinalik ang tingin kay Tierney. “At ikaw naman, halika at ipapakilala kita sa ibang kaibigan ng daddy mo.” Paalis na sana ang mag-ina sa harapan niya nang bigla siyang magsalita sa mga ito.“Hindi niyo po ba muna tatanungin kung ano ang dahilan ng pag-aaway namin ni Egon?” tanong niya kay Rowena na ikinatigil ng mga ito saka siya marahang hinarap.“Huh? Pero hindi ba at mas maganda kung personal ninyong pag-uusapan ang problema ninyong dalawa?”“Problema po naming tatlo, mommy,” pagtatama niya sa sinabi ng kanyang madrasta.“Ano?”Muli siyang mabilis na nilapitan ni Egon and this time ay hinawakan na siya nito sa palapulsuhan niya. “Mag-uusap lang po muna kami. Pasensya na po!” mabilis na sabi ni Egon at bago pa siya makapalag ay mabilis na siyang nahila ng lalaki palabas at palayo sa lugar na iyon.“Bitiwan mo ako!” sigaw at piglas ni Athena kay Egon pagkalayo nila. "Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa akin pagkatapos ng ginawa mo.”“Athena, tumigil ka na, pwede? Hindi ba pwedeng hayaan mo na munang magkaroon ng tahimik na lamay ang burol ng ama mo?”Malakas niyang sinampal si Egon kasabay ng paglandas ng luha mula sa mga mata niya. “Wala kang karapatan na diktahan ako sa kung ano ang dapat kong gawin,” galit na sabi niya rito. “And please lang, Egon! Ikaw ang rumespeto sa lamay ng ama ko. Umalis ka rito dahil hindi ka kailangan dito.”“I’m sorry, Athena. Alam kong nasaktan kita pero nagawa ko lang naman iyon dahil hindi mo ako pinagbibigyan sa gusto ko.”Napasinghap siya sa narinig mula sa lalaki. “Ano? Naririnig mo ba ‘yang sinasabi mo?”“Athena, lalaki ako. At may pangangailangan ako na kahit kailan ay hindi mo naman ibinigay sa akin.”“Kaya sa iba mo kinuha ‘yong pangangailangan mong ‘yon? Huh? Kasi ano? Libreng binibigay sa iyo ng kapatid ko? Kaya ba ganoon na lang kadali para sa iyo na kalimutan ang anniversary date natin? Kasi pasasayahin at pauungulin ka sa sarap ng kapatid ko? Huh?!” galit at lumuluhang sunod-sunod na tanong niya sa lalaki.“Athena…” usal ni Egon sa pangalan niya kasabay ng paglapit nito sa kanya. Pero mabilis siyang umiwas dito.“Napakababoy mo, Egon. Minahal kita ng sobra pero ginago mo lang ako.”“Athena kung mahal mo talaga ako, pagbibigyan mo ako—”“No, Egon! Hindi ganoon ‘yon! Mahal kita. Alam mo ‘yan. Araw-araw kong ipinaparamdam sa iyo kung gaano kita kamahal. At ‘yong pagkukulang ko na sinasabi mo? Egon, sex lang ‘yon! Kayang-kaya kong ibigay sa iyo ‘yon dahil mahal kita! Pero ikaw? Kung mahal mo talaga ako irerespeto mo ako. Hihintayin mo ako. At hinding-hindi mo ako sasaktan.”“Athena, hindi pa naman huli ang lahat sa atin, ‘di ba?” pagkuwan ay biglang sabi nito sa kanya. “Patawarin mo ako. At hayaan mo akong damayan at samahan ka magmula ngayon.” Lumapit si Egon sa kanya sabay hawak nito sa kamay niya. Pero lumayo siya rito at pilit na kumawala.“Bitiwan mo ako, Egon!” sigaw niya hanggang sa tumama ang likod niya sa kung sinong tao na nasa likuran niya.Nag-angat siya ng tingin at nagulat siya nang makita ang isang pamilyar na lalaki. Maging si Egon ay nagulat din sa pagdating nito.“M-Mr. Cervantes?” gulat na usal ni Egon sa lalaking nasa harapan nila.“M-Mr. Cervantes, ano pong ginagawa niyo rito?” gulat na tanong ni Egon sa lalaking nasa harapan nila.Natatandaan ni Athena kung sino ang lalaki. Ito ang lalaking nabangga niya noong isang gabing nagtungo siya sa kompanyang pinagtatrabahuhan ni Egon upang hanapin ito roon. Ito ang lalaking natapunan ng iced coffee sa damit nang dahil sa kanya.Napansin ni Athena na hindi nag-iisa ang lalaki sapagkat sa likuran nito ay may dalawang lalaki pa na tila alalay nito.Hindi sumagot ang lalaki sa tanong ni Egon at sa halip ay dumapo lamang ang mga tingin nito sa kanya. “Ms. Athena Ferrer?” tanong nito sa kanya.“Yes? Ako nga.”Magsasalita pa lamang sana ulit ang lalaki nang bigla namang dumating ang kanyang madrasta, kasama ang ilang mga negosyanteng katrabaho ng kanyang yumaong ama.“Mr. Euwenn Cervantes! Narito ka na pala,” masayang bati ng kanyang madrasta sa lalaki. May pagtatanong naman itong binalingan ng tingin ng lalaki. “Ako si Mrs. Ferrer. Asawa ng yumaong si Oliver Ferrer,”
Paulit-ulit na sinusubukang tawagan ni Athena ang kanyang nobyo sa cellphone nito ngunit hindi niya ito ma-contact. Ilang minuto na siyang nakatayo sa labas ng pinagtatrabahuhang automobile shop at patuloy na kino-contact ang nobyo nito. May usapan kasi silang dalawa na susunduin siya ngayon ng lalaki pagkatapos niya sa kanyang trabaho, at pagkatapos ay sabay na magdi-dinner, dahil ikalawang anibersayo na nila bilang magkarelasyon.“Oh, Athena, nandito ka pa pala. Akala ko nakauwi ka na,” maya-maya pa ay lapit ni Morgan kay Athena saka ito bahagyang nagpalinga-linga sa paligid. “Nasaan na si Egon?” tanong pa nito kay Athena. Matalik na magkaibigan sina Athena at Morgan na parehong nagtatrabaho sa isang automobile shop.“Huh? Uhm… wala pa nga siya eh,” marahang tugon naman ni Athena kay Morgan kasabay ng dismayadong pagsuko niya sa pagtawag sa nobyo sa telepono nito.“Huh? Eh nasaan na raw siya?”“Iyon na nga eh. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi kasi siya sumasagot kaya… hi
“M-Mr. Cervantes, ano pong ginagawa niyo rito?” gulat na tanong ni Egon sa lalaking nasa harapan nila.Natatandaan ni Athena kung sino ang lalaki. Ito ang lalaking nabangga niya noong isang gabing nagtungo siya sa kompanyang pinagtatrabahuhan ni Egon upang hanapin ito roon. Ito ang lalaking natapunan ng iced coffee sa damit nang dahil sa kanya.Napansin ni Athena na hindi nag-iisa ang lalaki sapagkat sa likuran nito ay may dalawang lalaki pa na tila alalay nito.Hindi sumagot ang lalaki sa tanong ni Egon at sa halip ay dumapo lamang ang mga tingin nito sa kanya. “Ms. Athena Ferrer?” tanong nito sa kanya.“Yes? Ako nga.”Magsasalita pa lamang sana ulit ang lalaki nang bigla namang dumating ang kanyang madrasta, kasama ang ilang mga negosyanteng katrabaho ng kanyang yumaong ama.“Mr. Euwenn Cervantes! Narito ka na pala,” masayang bati ng kanyang madrasta sa lalaki. May pagtatanong naman itong binalingan ng tingin ng lalaki. “Ako si Mrs. Ferrer. Asawa ng yumaong si Oliver Ferrer,”
Mainam na pinagmamasdan lamang ni Athena ang malaking larawan ng kanyang ama na nasa harapan niya. Hindi niya alam kung ilang oras na ba siyang nakatitig dito dahil para sa kanya ay tila hindi na umuusad ang bawat oras sa kanya mula nang iwanan siya nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lubusang makapaniwala at paulit-ulit niyang hinihiling sa Diyos na sana ay isang masamang panaginip na lamang ang lahat ng ito.Maagang namatay ang ina ni Athena dahil sa isang malubhang karamdaman. At sa paglipas ng sampung taon ay muling nakahanap ng bagong pag-ibig ang kanyang ama, sa katauhan ni Rowena.Pinakasalan ng kanyang ama si Rowena at mainit niya namang tinanggap ang babae, maging ang anak nito na si Tierney. Minahal niya ang madrasta at ang anak nito. Itinuring niyang parang tunay na ina si Rowena at parang tunay na kapatid si Tierney. Ngunit sa loob ng anim na taon, ay ramdam niya na hindi siya lubusang tanggap ng dalawa. Na para bang ang kanyang ama lamang ang minahal ng mga ito a
Paulit-ulit na sinusubukang tawagan ni Athena ang kanyang nobyo sa cellphone nito ngunit hindi niya ito ma-contact. Ilang minuto na siyang nakatayo sa labas ng pinagtatrabahuhang automobile shop at patuloy na kino-contact ang nobyo nito. May usapan kasi silang dalawa na susunduin siya ngayon ng lalaki pagkatapos niya sa kanyang trabaho, at pagkatapos ay sabay na magdi-dinner, dahil ikalawang anibersayo na nila bilang magkarelasyon.“Oh, Athena, nandito ka pa pala. Akala ko nakauwi ka na,” maya-maya pa ay lapit ni Morgan kay Athena saka ito bahagyang nagpalinga-linga sa paligid. “Nasaan na si Egon?” tanong pa nito kay Athena. Matalik na magkaibigan sina Athena at Morgan na parehong nagtatrabaho sa isang automobile shop.“Huh? Uhm… wala pa nga siya eh,” marahang tugon naman ni Athena kay Morgan kasabay ng dismayadong pagsuko niya sa pagtawag sa nobyo sa telepono nito.“Huh? Eh nasaan na raw siya?”“Iyon na nga eh. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi kasi siya sumasagot kaya… hi