Share

Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)
Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)
Author: KheiceeBlueWrites

Prologue:

last update Last Updated: 2024-02-28 22:07:15

Paulit-ulit na sinusubukang tawagan ni Athena ang kanyang nobyo sa cellphone nito ngunit hindi niya ito ma-contact. Ilang minuto na siyang nakatayo sa labas ng pinagtatrabahuhang automobile shop at patuloy na kino-contact ang nobyo nito. May usapan kasi silang dalawa na susunduin siya ngayon ng lalaki pagkatapos niya sa kanyang trabaho, at pagkatapos ay sabay na magdi-dinner, dahil ikalawang anibersayo na nila bilang magkarelasyon.

“Oh, Athena, nandito ka pa pala. Akala ko nakauwi ka na,” maya-maya pa ay lapit ni Morgan kay Athena saka ito bahagyang nagpalinga-linga sa paligid. “Nasaan na si Egon?” tanong pa nito kay Athena. Matalik na magkaibigan sina Athena at Morgan na parehong nagtatrabaho sa isang automobile shop.

“Huh? Uhm… wala pa nga siya eh,” marahang tugon naman ni Athena kay Morgan kasabay ng dismayadong pagsuko niya sa pagtawag sa nobyo sa telepono nito.

“Huh? Eh nasaan na raw siya?”

“Iyon na nga eh. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi kasi siya sumasagot kaya… hindi ko alam kung nasaan na siya.”

“Ganoon ba? Gusto mo sumabay ka na lang sa akin pauwi? Tapos message mo na lang si Egon na ako na lang ang maghahatid sa iyo pauwi,” alok ni Morgan kay Athena.

“Naku, hindi na. Hihintayin ko na lang siya rito. Isa pa eh may lakad din kasi kami,” saad ni Athena kasabay ng marahang pagngiti niya na para bang kinikilig.

“Oh, oo nga pala!” ani Morgan kasabay ng marahang pagtapik nito sa sariling noo. “May dinner date nga pala kayong dalawa dahil 2nd anniversary niyo ngayon.”

Nakagat ni Athena ang ibabang labi niya dahil sa kilig sa tuwing naiisip niyang 2nd anniversary nila ng kanyang nobyo ngayon. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na tumagal ng ganito ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.

“Oo, 2nd anniversary na namin ngayon,” nangingiting usal niya.

“Kaya lang ay nasaan na siya?” pagkuwan ay tanong ni Morgan sa kanya.

“Huh?

“Bakit wala pa siya? Hindi ba dapat ay nandito na siya?”

Ang ngiti sa mga labi niya ay unti-unting naglaho dahil sa mga kaisipang naglalaro sa kanyang isip. Nasaan na nga ba ang kanyang nobyo at bakit wala pa ito? Busy pa ba ito sa trabaho o ‘di kaya’y may nangyari kaya rito?

Muli niyang sinubukang tawagan ang cellphone ng kanyang nobyo at nang hindi pa rin ito sumagot sa tawag niya, ay nagpasya na siyang puntahan ito.

“I have to go, maiwan na kita, Morgan,” mabilis na sabi at paalam niya sa kaibigan.

“Huh? Bakit? Saan ka pupunta? Sumagot na ba siya sa tawag mo? Nakausap mo na ba?” sunod-sunod na tanong naman ni Morgan sa kanya, na hindi na niya binigyan ng pansin pa at sa halip ay dere-deretsyo na siyang pumara ng jeep at sumakay roon, patungo sa kanyang nobyo.

Labis na ang pag-aalalang nararamdaman niya kung kaya’t walang pagdadalawang isip na siyang nagtungo sa kompanyang pinagtatrabahuhan nito. Ang Xone Design Solutions, kung saan ay halos tatlong taon na itong nagtatrabaho roon bilang isang sales manager.

Naisip niyang baka naharang na naman ito sa trabaho dahil sa dami ng palaging ipinapagawa ng boss nito sa kanyang nobyo. Madalas kasing late nang nakakauwi ang kanyang nobyo dahil sa dami ng ipinapagawang trabaho rito ng boss nito.

Hindi naman niya maiwasang hindi mamangha sa laki at ganda ng building ng Xone Design Solutions. Hindi naman ito ang unang beses na makarating siya roon pero palagi siyang namamangha sa tuwing pumupunta siya roon.

Agad siyang lumapit sa receptionist upang itanong kung nasa loob pa ba si Egon. Pero ayon sa babae ay kanina pa raw nakapag-out ang lalaki. Agad tuloy rumehistro sa mukha niya ang labis na pag-aalala at pag-aalinlangan. Kung ganoon ay nasaan na nga ba si Egon?

Maungkot siyang naglakad palabas ng building habang muli niyang sinusubukang tawagan si Egon sa cellphone nito. Ngunit sa pagkakataon na iyon ay naka-off na ang cellphone nito at hindi na niya ito ma-contact.

“Nasaan na ba siya?” alalang tanong niya sa sarili hanggang sa may mabangga siya dahil sa hindi niya pagtingin sa daan. "Naku po, sorry po, sir! Hindi ko po sinasadya!” natatarantang saad niya dahil natapon sa damit ng lalaki ang hawak nitong iced coffee.

Agad niyang kinuha ang panyo niya sa bulsa niya saka niya pinunasan ang damit ng lalaki hanggang sa mapaangat siya ng tingin dito

“You?” Natigilan siya nang marinig ang malalim na tinig ng lalaki habang salubong ang mga kilay nito na nakatitig sa kanya.

“H-Huh?” Bigla siyang nautal sa hindi niya malaman na dahilan. Sa isang iglap kasi ay tila nataranta rin ang puso niya dahil sa napakagwapong lalaking nasa harapan niya ngayon.

Nakita niya ang paggalaw ng lalamunan ng lalaki saka ito bahagyang lumayo sa kanya. “Uhm, it’s okay,” saad nito sa kanya.

“S-Sorry po talaga. Hindi ko po sinasadya,” muli niyang paghingi ng paumanhin dito.

“No worries, it’s okay,” malamig na sagot ng lalaki sa kanya saka ito tuluyang naglakad palayo sa kanya.

Sandaling naokupa ng lalaking iyon ang isipan niya, pero agad din siyang nagbalik sa kanyang sarili nang maalala niya ang kanyang nobyong hindi niya makita at ma-contact.

Sa huli ay napagpasyahan na lamang niyang puntahan ito sa condo unit nito. Pasado alas dyis na ng gabi nang makarating siya roon. Nakaramdam na rin siya ng gutom at pagod dahil sa maghapon na pagtatrabaho at ngayon naman ay sa paghahanap at pag-aalala sa kanyang nobyo.

Pagkarating ni Athena sa tapat ng condo unit ni Egon ay natigilan siya nang makitang hindi naka-lock iyon. Kaya naman marahan na niya iyong binuksan hanggang sa tuluyan siyang makapasok sa loob. Magsasalita sana siya upang tawagin ang pangalan ng nobyo nang makita naman niya ang sapatos nito roon, katabi ang isang pares ng sandals ng babae.

Umawang ang mga labi niya sa nakita. Narito si Egon at mukhang… hindi ito nag-iisa dahil may kasama ngayon ito roon. Ngunit sino? Sino ang babaeng nagmamay-ari ng mga sandals na ito?

Hirap siyang napalunok habang nagsimula nang kumabog ang kanyang dibdb dahil sa kung ano-anong mga bagay na pumapasok at naglalaro ngayon sa isipan niya. Sa huli ay tahimik siyang nagpatuloy sa pagpasok sa loob hanggang sa makita niya ang ilang mga damit na nagkalat sa sahig. Isang pink na blazer ng babae at ang polo ng kanyang nobyo. Mayroon ding hubad na medyas, belt, at skirt. Doon na nagsimulang manlabo ang mga paningin niya. Uminit ang magkabilang sulok ng kanyang mga mata dahil sa mga luhang namumuo at gustong lumabas mula sa kanya. Ayaw sana niyang tanggapin ang kung ano mang naglalaro ngayon sa isipan niya. Ngunit ilang sandali lang nang makarinig naman siya ng mga maliliit na ingay mula sa silid ni Egon.

Marahan siyang humakbang palapit doon. Nakabukas ang pintuan nito kung kaya’t nasilip niya ang nasa loob. Halos madurog ang puso niya sa kanyang nasaksihan. Tila ba sandaling huminto sa pagtibok ang puso niya at para bang gumuho ang mundo niya sa lahat g nakikita niya ngayon.

Si Egon, ang kanyang nobyo, ay nakikipagtalik ngayon sa ibang babae. Natutop niya ang kanyang mga labi kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha. Pinagtataksilan siya ng kanyang nobyo sa mismong araw ng kanilang anibersaryo.

“Oh, fuck! Sige pa. Ahh!” nakapikit na ungol ni Egon na tila sarap na sarap ito sa babaeng nasa ibabaw nito at patuloy sa pagtaas at pagbaba ng sarili.

“Oh, shit! Ahh!” ungol naman ng babae.

Nang mga sandaling iyon ay para bang napako ang mga paa ni Athena sa kanyang kinatatayuan. Gusto na niyang kumilos paalis sa lugar na iyon pero hindi niya magawang igalaw ang sarili. Sa isang iglap ay tila tinakasan na siya ng lakas at binalutan ng kahinaan.

Hanggang sa magmulat ng mga mata si Egon at nasalo niya ang mga tingin nito. Kaagad na natigagal ang lalaki nang makita siya nito at mabilis na pinahinto ang babaeng nasa ibabaw nito.

Sunod-sunod na napalunok si Egon habang kabadong nakatitig sa kanya. “B-Babe…” marahang usal ni Egon sa kanya.

Mabilis namang lumingon sa kanya ang babaeng kasiping ni Egon at nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makita kung sino ito.

“A-Athena…” gulat na tawag sa kanya ng babae.

“I-Ikaw?” mapait at lumuluhang sabi niya sa babae. Hindi siya makapaniwala na ang babaeng kasiping ngayon ng nobyo niya ay walang iba kung ‘di ang stepsister niya na tinuring niyang para na niyang tunay na kapatid. “T-Tierney?”

“Shit!” mura ni Tierney sabay alis nito sa ibabaw ni Egon. Mabilis nitong hinila ang comforter ng kama upang mabalutan nito ang hubad na katawan.

Agad namang dinampot ni Egon ang boxers nito at mabilis iyong sinuot saka ito bahagyang humakbang palapit sa kanya.

“Huwag kang lalapit! Diyan ka lang!” mabilis na sabi niya sa lalaki habang patuloy sa paglalandas ang kanyang mga luha.

"B-Babe..."

“Kaya pala hindi kita ma-contact. Kaya pala hindi mo ko sinundo sa trabaho ko. Kaya pala nakalimutan mo na kung anong mayroon ngayon. Dahil busy ka sa pakikipagtalik sa iba!” umiiyak at galit na sabi niya rito.

“I’m sorry,” saad nito sa kanya.

“Sorry? Hayop ka. Mga hayop kayo! Mga baboy! At talagang si Tierney pa? Ha?”

“Athena—”

“Isa ka pa!” mabilis na putol niya sa kanyang kapatid. “Anong klase kang kapatid? Tierney, boyfriend ko ‘yan!” mapait at nasasaktang sabi niya sa babae habang walang tigil sa pagtulo ang kanyang mga luha.

“Yes, boyfriend mo siya. Pero hindi ka naman niya mahal,” sagot sa kanya ni Tierney.

“Ano?”

“Hindi porke’t boyfriend mo si Egon, ay sa iyo na siya. Athena, wake up! Napaka-boring mo kayang tao. Sa tingin mo kaya ka talagang tagalan ni Egon? Umabot lang kayo ng dalawang taon… dahil nandito ako.” Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ni Tierney sa kanya.

“Anong sabi mo? So… ibig sabihin matagal niyo na pala akong niloloko? Ha? Matagal niyo na akong ginagago?!”

Sa halip na sagutin siya ay nginisian lamang siya ni Tierney. Dahilan upang halos kumulo sa galit ang dugo niya.

“Athena—” usal at lapit ni Egon sa kanya. Pero agad niya itong sinugod at pinaghahampas.

“Hayop ka! Mga hayop kayo! Mga baboy!” iyak niya habang pinaghahampas niya ang lalaki.

“Athena, tama na,” ani Egon habang sinasangga ang bawat hampas at galit niya.

Hanggang sa nalapitan niya rin si Tierney at wala siyang sinayang na pagkakataon dahil mabilis niyang hinila ang buhok nito.

“Aray ko! You, bitch!” galit na sigaw ni Tierney sa kanya saka siya nito ginantihan ng sabunot.

Ngunit hindi siya nagpatalo at sinampal niya ng malakas ang babae, dahilan upang halos mabingi ito at matigilan.

“Athena, huwag mo siyang saktan!” galit na sigaw ni Egon sa kanya sabay tulak sa kanya. Napaupo siya sa sahig at tumama ang puwitan niya. Hindi na niya nagawang iinda ang sakit sapagkat wala pa ring tatalo sa sakit na nararamdaman ng puso niya ngayon.

Umiiyak siyang tumayo saka niya galit na pinahid ang kanyang mga luha. “Huwag ko siyang saktan? Egon, ako ‘yong sinasaktan niyo ngayon!”

“Umalis ka na,” seryosong sabi ni Egon sa kanya.

"Ano?"

"Umalis ka na at huwag ka nang manggulo pa sa amin."

"Ako pa ngayon 'yong nangugulo rito?” mapait na tanong niya sa lalaki. “Egon, bakit? Paano mo ito nagagawa sa akin? Minahal naman kita, ‘di ba? Nagkulang ba ako sa iyo? Egon, ginawa at binigay ko naman sa iyo ang lahat, ‘di ba?”

Pumalatak si Tierney sa sinabi niya. “Kung ginawa at binigay mo sa kanya ang lahat, hindi siya maghahanap ng iba.”

“Tumahimik ka! Bitch!” galit na balin niya sa babae.

“Bakit, Athena? Nagawa mo na bang pagbigyan si Egon sa kama? Ha? Nagawa mo na ba siyang paungulin sa sarap? ‘Di ba hindi pa naman?”

“Bakit, Tierney? Iyon na ba ngayon ang sukatan ng pagmamahal? Sa tingin mo ba mas mahal ka niya kaysa sa akin dahil lang sa bumukaka ka sa harapan niya at umungol na parang baliw na babae?”

Tila nainsulto ng sobra si Tierney sa sinabi niya kung kaya’t mabilis itong lumapit sa kanya at malakas siyang sinampal.

“Tierney, tama na,” marahang saway ni Egon sa babae.

“Ang sabihin mo, wala ka lang kwenta. Wala ka na ngang kwentang anak, wala ka pang kwentang girlfriend. Kaya bagay lang sa iyo na ipagpalit ka,” saad ni Tierney sa kanya.

Naalala niya ang kanyang ama na mas pinapaboran palagi ang babae mula nang dumating ito sa buhay nila.

“Athena, umalis ka na,” ulit na sabi ni Egon sa kanya.

Pakiramdam niya ay unti-unting hinihiwa ang puso niya sa sobrang sakit dahil sa pagtataksil sa kanya ng lalaking pinakamamahal niya at ng stepsister niya.

Patuloy sa paglalandas ang mga luha niya nang tuluyan na siyang tumalikod sa mga ito at nagsimulang humakbang palayo. Hindi niya alam kung ano ba ang nagawa niyang kasalanan sa mga ito para saktan siya ng mga ito ng ganito. Sa huli ay mapait niyang pinahid ang kanyang mga luha at tuluyang umalis sa lugar na iyon.

Pagkalabas niya ng condominium building ay natigilan siya sa paglalakad. Para siyang lutang at hindi niya alam kung saan siya tutungo ngayon o kung ano ang dapat na gawin niya. Hanggang sa mag-ingay ang cellphone niya dahil sa incoming call mula sa kanilang kasambahay na si Manang Lucia. Ayaw niya sana iyong sagutin pero natigilan siya nang makitang ilang beses pala siyang sinubukang tawagan ng kanyang ama kanina.

“Hello—”

“Ay, Diyos ko! Salamat sa Diyos at sinagot niyo rin po ang tawag!”

“Manang Lucia, bakit po—”

“Ma’am Athena, ang daddy niyo po.”

“Huh? Bakit? Anong nangyari kay Daddy?”

“Sinugod po namin siya sa hospital, ma’am, pero…” Nakarinig siya ng mga hikbi mula sa kabilang linya.

“Hello? Manang Lucia? Bakit po? Anong nangyari kay Daddy? Nasaang hospital po kayo?” sunod-sunod na tanong niya rito.

“Ma’am Athena… wala na po si sir. Wala na po ang daddy ninyo,” umiiyak na pahayag ng yaya nila sa kanya.

Related chapters

  • Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)   Chapter 1:

    Mainam na pinagmamasdan lamang ni Athena ang malaking larawan ng kanyang ama na nasa harapan niya. Hindi niya alam kung ilang oras na ba siyang nakatitig dito dahil para sa kanya ay tila hindi na umuusad ang bawat oras sa kanya mula nang iwanan siya nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lubusang makapaniwala at paulit-ulit niyang hinihiling sa Diyos na sana ay isang masamang panaginip na lamang ang lahat ng ito.Maagang namatay ang ina ni Athena dahil sa isang malubhang karamdaman. At sa paglipas ng sampung taon ay muling nakahanap ng bagong pag-ibig ang kanyang ama, sa katauhan ni Rowena.Pinakasalan ng kanyang ama si Rowena at mainit niya namang tinanggap ang babae, maging ang anak nito na si Tierney. Minahal niya ang madrasta at ang anak nito. Itinuring niyang parang tunay na ina si Rowena at parang tunay na kapatid si Tierney. Ngunit sa loob ng anim na taon, ay ramdam niya na hindi siya lubusang tanggap ng dalawa. Na para bang ang kanyang ama lamang ang minahal ng mga ito a

    Last Updated : 2024-02-28
  • Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)   Chapter 2:

    “M-Mr. Cervantes, ano pong ginagawa niyo rito?” gulat na tanong ni Egon sa lalaking nasa harapan nila.Natatandaan ni Athena kung sino ang lalaki. Ito ang lalaking nabangga niya noong isang gabing nagtungo siya sa kompanyang pinagtatrabahuhan ni Egon upang hanapin ito roon. Ito ang lalaking natapunan ng iced coffee sa damit nang dahil sa kanya.Napansin ni Athena na hindi nag-iisa ang lalaki sapagkat sa likuran nito ay may dalawang lalaki pa na tila alalay nito.Hindi sumagot ang lalaki sa tanong ni Egon at sa halip ay dumapo lamang ang mga tingin nito sa kanya. “Ms. Athena Ferrer?” tanong nito sa kanya.“Yes? Ako nga.”Magsasalita pa lamang sana ulit ang lalaki nang bigla namang dumating ang kanyang madrasta, kasama ang ilang mga negosyanteng katrabaho ng kanyang yumaong ama.“Mr. Euwenn Cervantes! Narito ka na pala,” masayang bati ng kanyang madrasta sa lalaki. May pagtatanong naman itong binalingan ng tingin ng lalaki. “Ako si Mrs. Ferrer. Asawa ng yumaong si Oliver Ferrer,”

    Last Updated : 2024-02-28

Latest chapter

  • Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)   Chapter 2:

    “M-Mr. Cervantes, ano pong ginagawa niyo rito?” gulat na tanong ni Egon sa lalaking nasa harapan nila.Natatandaan ni Athena kung sino ang lalaki. Ito ang lalaking nabangga niya noong isang gabing nagtungo siya sa kompanyang pinagtatrabahuhan ni Egon upang hanapin ito roon. Ito ang lalaking natapunan ng iced coffee sa damit nang dahil sa kanya.Napansin ni Athena na hindi nag-iisa ang lalaki sapagkat sa likuran nito ay may dalawang lalaki pa na tila alalay nito.Hindi sumagot ang lalaki sa tanong ni Egon at sa halip ay dumapo lamang ang mga tingin nito sa kanya. “Ms. Athena Ferrer?” tanong nito sa kanya.“Yes? Ako nga.”Magsasalita pa lamang sana ulit ang lalaki nang bigla namang dumating ang kanyang madrasta, kasama ang ilang mga negosyanteng katrabaho ng kanyang yumaong ama.“Mr. Euwenn Cervantes! Narito ka na pala,” masayang bati ng kanyang madrasta sa lalaki. May pagtatanong naman itong binalingan ng tingin ng lalaki. “Ako si Mrs. Ferrer. Asawa ng yumaong si Oliver Ferrer,”

  • Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)   Chapter 1:

    Mainam na pinagmamasdan lamang ni Athena ang malaking larawan ng kanyang ama na nasa harapan niya. Hindi niya alam kung ilang oras na ba siyang nakatitig dito dahil para sa kanya ay tila hindi na umuusad ang bawat oras sa kanya mula nang iwanan siya nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lubusang makapaniwala at paulit-ulit niyang hinihiling sa Diyos na sana ay isang masamang panaginip na lamang ang lahat ng ito.Maagang namatay ang ina ni Athena dahil sa isang malubhang karamdaman. At sa paglipas ng sampung taon ay muling nakahanap ng bagong pag-ibig ang kanyang ama, sa katauhan ni Rowena.Pinakasalan ng kanyang ama si Rowena at mainit niya namang tinanggap ang babae, maging ang anak nito na si Tierney. Minahal niya ang madrasta at ang anak nito. Itinuring niyang parang tunay na ina si Rowena at parang tunay na kapatid si Tierney. Ngunit sa loob ng anim na taon, ay ramdam niya na hindi siya lubusang tanggap ng dalawa. Na para bang ang kanyang ama lamang ang minahal ng mga ito a

  • Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)   Prologue:

    Paulit-ulit na sinusubukang tawagan ni Athena ang kanyang nobyo sa cellphone nito ngunit hindi niya ito ma-contact. Ilang minuto na siyang nakatayo sa labas ng pinagtatrabahuhang automobile shop at patuloy na kino-contact ang nobyo nito. May usapan kasi silang dalawa na susunduin siya ngayon ng lalaki pagkatapos niya sa kanyang trabaho, at pagkatapos ay sabay na magdi-dinner, dahil ikalawang anibersayo na nila bilang magkarelasyon.“Oh, Athena, nandito ka pa pala. Akala ko nakauwi ka na,” maya-maya pa ay lapit ni Morgan kay Athena saka ito bahagyang nagpalinga-linga sa paligid. “Nasaan na si Egon?” tanong pa nito kay Athena. Matalik na magkaibigan sina Athena at Morgan na parehong nagtatrabaho sa isang automobile shop.“Huh? Uhm… wala pa nga siya eh,” marahang tugon naman ni Athena kay Morgan kasabay ng dismayadong pagsuko niya sa pagtawag sa nobyo sa telepono nito.“Huh? Eh nasaan na raw siya?”“Iyon na nga eh. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi kasi siya sumasagot kaya… hi

DMCA.com Protection Status