Dali-dali akong lumabas ng elevator nang tuluyan itong huminto sa floor kung saan ang room ko. Mabilis ang tibok ng puso ko at alam kong dahil sa galit iyon. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya dahil pakiramdam ko ay ganoong klaseng babae na lang ang tingin niya sa akin kagaya ng mga babaeng naikama na niya. Yes, I admitted that it was amazing night, pero hindi ko na gustong mangyari ulit 'yon! Kaya ano ang karapatan niyang sabihin sa akin na pwede naming ituloy ulit ang nagawa namin. Sino ba siya sa tingin niya? Ano ba ang akala niya sa sarili niya? Hahabulin-habulin ko siya dahil sa nangyari sa aming dalawa? No way! At hinding-hindi mangyayari 'yon. "Hey!" tawag niyang muli.Binilisan ko ang lakad ko dahil hindi ko inaasahan na hanggang doon ay susundan niya ako."Lily, sandali lang. I'm just joking, okay?" sabi niya habang nakasunod sa akin.Sa inis ko ay padabog akong humarap sa kaniya at kaagad din naman siyang napahinto at halatang gulat sa inasta ko."I don't care if you were
Lumilipad ang isipan ko habang nagtatrabaho sa site pero pinilit kong mag-concentrate at mag-focus doon. Hindi ako pwedeng magpa-distract sa mga nangyari sa akin kagabi. Itinuon ko ang buong atensyon ko sa pag-design at pag-construct doon. Nagsukat din ako ng lupa at nag-check sa building kung saan may naitayo na roon. May mga engineer naman akong mga kasama at nag-uusap lang kami sa mga bagay na babaguhin at iibahin."Ayos na 'to, Engineer Nueda. Tawagan niyo na lang ako ulit kapag may problema sa mga gagawin niyo para magawan natin kaagad ng paraan," sabi ko kay Engineer. "Sure, Architect. Tingin ko ay wala naman ng magiging problema dahil na-discuss na nang mas maayos ang whole design," sagot naman nito sa akin."Yeah, I know and I apologize for that. Mahirap talagang mag-meeting through online," sabi ko naman.Ilang beses na kasi na-postponed ang pagdalaw ko rito para sa meeting namin dahil abala rin ako sa iba kong trabaho. Nagsunod-sunod din kasi ang mga projects ko at si Dad
Hindi ko masyadong pinansin ang mga sinasabi sa akin ni Mommy tungkol sa nakatatandang kapatid nila Liam at Lucas.Lumipas pa ang ilang mga araw hanggang sa dumating na nga ang pinakahihintay na araw nila Mommy and Daddy."Are you guys ready?" tanong sa amin ni Mommy.Kakatapos lang akong ayusan at suot ko na ang kulay silver na dress ko at hanggang tuhod ko lang 'yon. Ako ang unang inayusan kaya naman nang matapos sila ay nag-retouch pa ako. Tinawagan ko na rin si Stella kaya lang ay hindi raw siya makakapunta at ganoon din naman si Marcus.Maaga kaming natapos mag-ayos sa bahay dahil maaga rin daw kaming pupunta sa venue. May picture taking daw muna kasi roon at may media rin.Nang makarating kami sa venue ay nakita ko kaagad kung gaano na-organize ang buong reception. Sobrang laki at bongga ang mga design doon, talagang pinaghandaan 'yon nila Mommy at Daddy. Sila Ate naman ay kararating lang kaya nang matapos akong picture-an doon ay agad kong binuhat si Ashton."I missed you!" tuw
"How are you, Architect? Nag-alala ako sa'yo kanina," tanong sa akin ng medyo matandang babae na kaibigan ni Mommy."I'm alright, Ma'am. Pagod lang siguro from yesterday's work," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat."Naku! You should get some rest sometimes. 'Wag puro trabaho, magpahinga ka rin. Health is more important," paalala nito sa akin."Ewan ko ba naman sa anak kong 'yan. Masyadong masipag at kahit weekends ay imbis na magpahinga na lang, nagtatrabaho pa!" gatong naman ni Mommy roon.Natawa na lang ako at napailing dahil ako na ang naging topic nila. Nang makaluwag-luwag ako ay nagpaalam ako na pupuntahan ko ang ibang mga katrabaho at kaibigan ko na dumalo roon.Nakita ko sila Wendy kanina kaya lang ay sa sobrang daming tao roon ay nawala na sila sa paningin ko. Ang mga kakilala kong engineer at architect na nakita ko roon ay inisa-isa kong kumustahin kaya lang ako ang kinakumusta nila dahil nakita raw nila ang nangyari sa akin kanina.May hawak akong wine habang nakiki
"Hey," tawag niya sa akin.Nang maramdaman kong mas papalapit siya sa akin ay mas lumayo naman ako sa kaniya. Nahihiya ako ngayon dahil tuluyan kong hindi napigil ang mga luha na lumabas sa mga mata ko. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko at kahit na ano'ng pilit kong pakalmahin ang sarili ko roon ay hindi ko na magawa pa."Are you crying?" tanong niya, na para bang hindi nakikita ang paghikbi ko."L-Leave me alone. P-Please!" paki-usap kong muli sa kaniya.Tuluyan na ngang nabasag ang boses ko roon kaya naman halos mapapikit ako ng mariin."Why are you crying?" tanong niya at bakas doon ang pag-alala.Nang makahugot ako ng lakas ng loob ay umayos ako ng tayo at agad na pinalis ang mga luha ko. Humugot ako ng malalim na hininga pagkatapos ay naglakad palapit sa isang bench para roon maupo. Medyo kalmado na rin ako at hindi na masyadong marami ang luha na lumalabas sa mga mata ko. "I'm gonna ask you one more question. Why are you crying?" pag-uulit niya sa tanong niya kan
Ganoon lang nangyari sa buong party. Nag-inom lang kami roon kasama ang mga dating kaibigan. Sumama rin ang grupo ni Marcus sa amin dahil magkakaibigan naman kaming lahat doon. Kahit nagkakasiyahan kami roon ay limitado pa rin ang pag-inom ko. Pakiramdam ko kasi ay may mangyayari na namang hindi maganda kapag nagpakalasing ako sa gabing 'yon. "Shot mo," sabi sa akin ni Marcus. Napatingin naman ako sa hawak niyang baso na may laman na alak. Hard drinks na ang iniinom nila ngayon at nasa isang lamesa lang kaming lahat. Napailing naman ako at inilayo ang kamay niya sa harap ko. "Wow. Tumatanggi ka na ngayon?" tanong niya pagkatapos ay natawa. "Mukhang nagbago na nga talaga siya," sabi naman ni Liam na nasa tabi ko rin. Nakagitna ako sa kanilang dalawa ni Marcus ngayon at abala ang mga kaibigan namin sa pagkukwentuhan. Halos kompleto nga sana kami roon kaya lang ay wala kasi si Stella at Caroline. "Yeah. Baka pinagbawalan ng boyfriend niya na 'wag uminom ng marami ngayong gabi," sag
Hindi ko pinansin ang sinabi sa akin ni Cristiano at umalis na lang din ako roon para makapunta sa sasakyan ko. Nahanap ko naman na ang susi ko kaya dumiretsyo ako sa kotse ko nang makita ko ito roon na naka-park. Hindi na ako nagpaalam pa kila Mommy at Daddy dahil tulad nga ng sabi ni Mr. Reyes ay sandali lang naman daw 'yon. Kung sakali rin na hanapin nila ako ay may isa namang nakakaalam at si Cristiano 'yon.Nag-drive lang ako papunta sa Hotel kung nasaan si Mr. Reyes, hindi kalayuan sa Hotel kung nasaan din kami. Ilang minuto rin naman ang lumipas hanggang sa nakarating ako roon."To Mr. Reyes," sabi ko sa receptionist nang dumating ako sa hotel.Nag-text na ako kay Mr. Reyes na nakarating na ako roon at lumipas na ang ilang minuto na paghihintay ko sa kaniya sa lobby kaya naman nagtanong na ako sa receptionist para tawagan ang room ni Mr. Reyes. Baka kasi nakatulog na siya sa paghihintay sa akin."Ma'am, Mr. Reyes asked me if you can go to his room because his foots hurts. He sa
"Lily!"Parang kulog ang boses na umalingaw-ngaw sa loob ng hotel room ni Mr. Reyes doon. Gulat pa ako lalo na nang bumukas ang pintuan. Galing sa pag-inda ko sa sakit na natamo ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang pumasok doon.Tuluyan itong nakapasok doon at mabilis na naglakad palapit sa amin. Isang kurap ko lang ay tumilapon na si Mr. Reyes dahilan nang mas lalong paglaki ng mga mata ko. Wala pang ilang segundo ang lumipas ay nakahandusay na si Mr. Reyes at may bakas na rin ng dugo sa mukha niya.Nang tuluyan akong nakahugot muli ng lakas ay napatayo ako."Cristiano!" sigaw ko at agad na lumapit sa kaniya.Hindi niya tinigilan na suntukin si Mr. Reyes sa mukha kaya naman labis na lang ang takot at pag-aalala ko dahil baka kung ano pa ang magawa ni Cristiano kay Mr. Reyes."Stop!" pigil ko sa kaniya.Hinawakan ko ang braso ni Cristiano para patigilin siya at buong pwersa ko siyang inilayo roon. Mabilis ang paghinga niya at kita ko 'yon sa pagtaas at baba ng dibdi