Lumilipad ang isipan ko habang nagtatrabaho sa site pero pinilit kong mag-concentrate at mag-focus doon. Hindi ako pwedeng magpa-distract sa mga nangyari sa akin kagabi. Itinuon ko ang buong atensyon ko sa pag-design at pag-construct doon. Nagsukat din ako ng lupa at nag-check sa building kung saan may naitayo na roon. May mga engineer naman akong mga kasama at nag-uusap lang kami sa mga bagay na babaguhin at iibahin."Ayos na 'to, Engineer Nueda. Tawagan niyo na lang ako ulit kapag may problema sa mga gagawin niyo para magawan natin kaagad ng paraan," sabi ko kay Engineer. "Sure, Architect. Tingin ko ay wala naman ng magiging problema dahil na-discuss na nang mas maayos ang whole design," sagot naman nito sa akin."Yeah, I know and I apologize for that. Mahirap talagang mag-meeting through online," sabi ko naman.Ilang beses na kasi na-postponed ang pagdalaw ko rito para sa meeting namin dahil abala rin ako sa iba kong trabaho. Nagsunod-sunod din kasi ang mga projects ko at si Dad
Hindi ko masyadong pinansin ang mga sinasabi sa akin ni Mommy tungkol sa nakatatandang kapatid nila Liam at Lucas.Lumipas pa ang ilang mga araw hanggang sa dumating na nga ang pinakahihintay na araw nila Mommy and Daddy."Are you guys ready?" tanong sa amin ni Mommy.Kakatapos lang akong ayusan at suot ko na ang kulay silver na dress ko at hanggang tuhod ko lang 'yon. Ako ang unang inayusan kaya naman nang matapos sila ay nag-retouch pa ako. Tinawagan ko na rin si Stella kaya lang ay hindi raw siya makakapunta at ganoon din naman si Marcus.Maaga kaming natapos mag-ayos sa bahay dahil maaga rin daw kaming pupunta sa venue. May picture taking daw muna kasi roon at may media rin.Nang makarating kami sa venue ay nakita ko kaagad kung gaano na-organize ang buong reception. Sobrang laki at bongga ang mga design doon, talagang pinaghandaan 'yon nila Mommy at Daddy. Sila Ate naman ay kararating lang kaya nang matapos akong picture-an doon ay agad kong binuhat si Ashton."I missed you!" tuw
"How are you, Architect? Nag-alala ako sa'yo kanina," tanong sa akin ng medyo matandang babae na kaibigan ni Mommy."I'm alright, Ma'am. Pagod lang siguro from yesterday's work," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat."Naku! You should get some rest sometimes. 'Wag puro trabaho, magpahinga ka rin. Health is more important," paalala nito sa akin."Ewan ko ba naman sa anak kong 'yan. Masyadong masipag at kahit weekends ay imbis na magpahinga na lang, nagtatrabaho pa!" gatong naman ni Mommy roon.Natawa na lang ako at napailing dahil ako na ang naging topic nila. Nang makaluwag-luwag ako ay nagpaalam ako na pupuntahan ko ang ibang mga katrabaho at kaibigan ko na dumalo roon.Nakita ko sila Wendy kanina kaya lang ay sa sobrang daming tao roon ay nawala na sila sa paningin ko. Ang mga kakilala kong engineer at architect na nakita ko roon ay inisa-isa kong kumustahin kaya lang ako ang kinakumusta nila dahil nakita raw nila ang nangyari sa akin kanina.May hawak akong wine habang nakiki
"Hey," tawag niya sa akin.Nang maramdaman kong mas papalapit siya sa akin ay mas lumayo naman ako sa kaniya. Nahihiya ako ngayon dahil tuluyan kong hindi napigil ang mga luha na lumabas sa mga mata ko. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko at kahit na ano'ng pilit kong pakalmahin ang sarili ko roon ay hindi ko na magawa pa."Are you crying?" tanong niya, na para bang hindi nakikita ang paghikbi ko."L-Leave me alone. P-Please!" paki-usap kong muli sa kaniya.Tuluyan na ngang nabasag ang boses ko roon kaya naman halos mapapikit ako ng mariin."Why are you crying?" tanong niya at bakas doon ang pag-alala.Nang makahugot ako ng lakas ng loob ay umayos ako ng tayo at agad na pinalis ang mga luha ko. Humugot ako ng malalim na hininga pagkatapos ay naglakad palapit sa isang bench para roon maupo. Medyo kalmado na rin ako at hindi na masyadong marami ang luha na lumalabas sa mga mata ko. "I'm gonna ask you one more question. Why are you crying?" pag-uulit niya sa tanong niya kan
Ganoon lang nangyari sa buong party. Nag-inom lang kami roon kasama ang mga dating kaibigan. Sumama rin ang grupo ni Marcus sa amin dahil magkakaibigan naman kaming lahat doon. Kahit nagkakasiyahan kami roon ay limitado pa rin ang pag-inom ko. Pakiramdam ko kasi ay may mangyayari na namang hindi maganda kapag nagpakalasing ako sa gabing 'yon. "Shot mo," sabi sa akin ni Marcus. Napatingin naman ako sa hawak niyang baso na may laman na alak. Hard drinks na ang iniinom nila ngayon at nasa isang lamesa lang kaming lahat. Napailing naman ako at inilayo ang kamay niya sa harap ko. "Wow. Tumatanggi ka na ngayon?" tanong niya pagkatapos ay natawa. "Mukhang nagbago na nga talaga siya," sabi naman ni Liam na nasa tabi ko rin. Nakagitna ako sa kanilang dalawa ni Marcus ngayon at abala ang mga kaibigan namin sa pagkukwentuhan. Halos kompleto nga sana kami roon kaya lang ay wala kasi si Stella at Caroline. "Yeah. Baka pinagbawalan ng boyfriend niya na 'wag uminom ng marami ngayong gabi," sag
Hindi ko pinansin ang sinabi sa akin ni Cristiano at umalis na lang din ako roon para makapunta sa sasakyan ko. Nahanap ko naman na ang susi ko kaya dumiretsyo ako sa kotse ko nang makita ko ito roon na naka-park. Hindi na ako nagpaalam pa kila Mommy at Daddy dahil tulad nga ng sabi ni Mr. Reyes ay sandali lang naman daw 'yon. Kung sakali rin na hanapin nila ako ay may isa namang nakakaalam at si Cristiano 'yon.Nag-drive lang ako papunta sa Hotel kung nasaan si Mr. Reyes, hindi kalayuan sa Hotel kung nasaan din kami. Ilang minuto rin naman ang lumipas hanggang sa nakarating ako roon."To Mr. Reyes," sabi ko sa receptionist nang dumating ako sa hotel.Nag-text na ako kay Mr. Reyes na nakarating na ako roon at lumipas na ang ilang minuto na paghihintay ko sa kaniya sa lobby kaya naman nagtanong na ako sa receptionist para tawagan ang room ni Mr. Reyes. Baka kasi nakatulog na siya sa paghihintay sa akin."Ma'am, Mr. Reyes asked me if you can go to his room because his foots hurts. He sa
"Lily!"Parang kulog ang boses na umalingaw-ngaw sa loob ng hotel room ni Mr. Reyes doon. Gulat pa ako lalo na nang bumukas ang pintuan. Galing sa pag-inda ko sa sakit na natamo ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang pumasok doon.Tuluyan itong nakapasok doon at mabilis na naglakad palapit sa amin. Isang kurap ko lang ay tumilapon na si Mr. Reyes dahilan nang mas lalong paglaki ng mga mata ko. Wala pang ilang segundo ang lumipas ay nakahandusay na si Mr. Reyes at may bakas na rin ng dugo sa mukha niya.Nang tuluyan akong nakahugot muli ng lakas ay napatayo ako."Cristiano!" sigaw ko at agad na lumapit sa kaniya.Hindi niya tinigilan na suntukin si Mr. Reyes sa mukha kaya naman labis na lang ang takot at pag-aalala ko dahil baka kung ano pa ang magawa ni Cristiano kay Mr. Reyes."Stop!" pigil ko sa kaniya.Hinawakan ko ang braso ni Cristiano para patigilin siya at buong pwersa ko siyang inilayo roon. Mabilis ang paghinga niya at kita ko 'yon sa pagtaas at baba ng dibdi
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa gabing 'yon. Ang tanging naaalala ko lang ay nakatulog ako sa sofa habang binabantayan ako ng mga kaibigan ko. Pagkagising ko naman ay nasa kama na ako sa kwarto ko. Napalitan na rin ako ng damit at hula ko ay si Ate Sabrina ang gumawa no'n para sa akin.Gumalaw ako sa kama para makabangon na pero napadaing ako nang maramdaman ang sakit sa katawan. Pakiramdam ko ay para akong nabugbog at hindi naman 'yon nalalayo sa nangyari sa akin kagabi dahil sa ginawa ni Mr. Reyes. Wala na akong takot na nararamdaman ngayon pero hindi pa ako sigurado kung tuluyan na nga bang nawala ang trauma sa akin.Pinilit kong bumangon sa kama ko at naligo ako kaagad. Nagbabad ako sa paliligo habang inaalala ang mga nangyari kagabi. Kung hindi dumating si Cristiano kagabi at kung hindi ko naagaw ang key card kay Mr. Reyes para mabuksan ang pintuan kagabi ay baka mas malala nga ang nangyari sa akin.Wala akong kaalam-alam na mangyayari sa akin 'yon dahil sobrang laki ng
Sa mga sandaling oras na naghihintay ako sa pagdating ni Cristiano ay siyang paglaban ko naman sa antok at pagod ko. Wala pa akong halos pahinga dahil iyon din ang araw na pag-uwi ko mula sa America. Mas nananaig naman ang kaba at takot ko kaya kahit na ano'ng bigat ng talukap ng mga mata ko ay hindi ko 'yon maipikit. Mahigit kalahating oras na ang lumipas at sigurado akong malapit na si Cristiano. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at muling sumilip sa bintana. Hindi pa rin umaalis ang mga lalaking nakabantay roon kaya naman napabuntong hininga na lang ako. Hindi ba sila napapagod or inaantok man lang? Napailing na lang ako roon at napairap. Sana lang ay sapat ang mga dinalang tauhan ni Cristiano dahil masyadong marami ang mga tauhan ni Mike. Ilang sandali pa akong nakatayo roon nang maramdaman kong nag-vibrate ang watch na nasa bulsa ko kaya naman dali-dali kong kinuha 'yon para tignan. Tumatawag doon si Cristiano kaya hindi ko na pinatagal pang sagutin 'yon dahil sa kaba na kanina ko p
"Matagal naman na tayong hiwalay simula nang mawala ang baby natin. So, bakit ayaw mo pa akong pakawalan?" tanong ko sa kaniya.May bahid ng luha sa gilid ng mga mata ko pero agad kong itiningin 'yon sa itaas para hindi magtuloy ang pagluha. Sinabi ko sa sarili ko na hiindi na ako iiyak muli sa harapan niya."I-I don't want us to separate. Patawarin mo na ako, Lily. Tatanggapin ko ang lahat 'wag mo lang akong hiwalayan," sagot niya sa akin at mas lalong humigpit ang yakap niya.Napahawaj ako sa braso niya para ilayo siya sa pagkakayakap sa akin pero masyado siyang malakas kaysa sa akin. "Bitiwan mo na ako," sabi ko sa kaniya.Naramdaman ko naman ang paghugot nang malalim niyang hininga bago ako tuluyang hiniwalayan sa pagkakayakap pero nanlaki ang mga mata ko sa sumunod niyang ginawa."W-What are you doing?" nauutal kong tanong sa kaniya.Napatingin ako sa paligid namin at laking pasasalamat ko dahil walang tao roon. Lumuhod siya at humawak sa kamay ko."Don't leave me. Please," his v
[After Flashback: Continuation of chapter 8] *** "I-I'm so sorry to hear that, Lily. Kung alam ko lang na gano'n ang pinagdaanan mo," sabi sa akin ni Liam. Pinalis ko ang mga luha ko at agad na ininom ang alak na nasa harapan ko. Hindi ko akalain na sa ilang taon ang lumipas ay muli akong mapapaiyak. That was very diffucult for me to move on. Matapos kong magpatulong kay Ate na dalhin ako sa ibang bansa na walang makakaalam ay nagsimula akong kalimutan ang lahat ng mga nangyari pero hindi ko pa rin maiwasan na maalala 'yon minsan. "Mali ang ginawa sa'yo ni Kuya pero napatawad mo na ba siya? Are you ready to face him again?" tanong sa akin ni Liam. Natawa ako at napailing dahil kaya ko naman na talagang humarap kay Cristiano. May kaonting takot lang talaga akong nararamdaman dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon naming dalawa kapag nagkita kaming muli. Basta ang tanging gusto ko lang ngayon ay ma-annul ang kasal naming dalawa kaya naman hindi ko maiwasang magalit sa t
Walang kahit na sino ang makakapagsabi kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Nawalan lang naman ako ng anak at dahil 'yon sa pananakit sa akin ni Cristiano. Sinisisi ko ang sarili ko dahil kung hindi ako lumaban sa kaniya ay sana hindi iyon nangyari. Kung nag-stay na lang sana ako sa kwartong 'yon at indahin ang pananakit niya sa akin.Tulala lang ako habang naka-upo sa hospital bed. Kanina pa ako iyak nang iyak doon at paminsan-minsan ay hihinto ako kapag napagod. Hindi ko matanggap ang nangyari. Hindi ko matanggap na sa isang iglap ay nawala ang hinihintay kong anak. Hindi ko man lang siya nahawakan, nakita, at kahit kailan hindi ko na siya makikitang lalaki pa kasama ako."Eat this so you can get some strength. Tinawagan ko na si Sabrina," sabi ni Cristiano.Hindi siya umalis sa tabi ko kanina pa kahit na nakailang beses na akong pagtaboy sa kaniya. Mas lalo akong naiyak dahil naalala ko ang mga magulang at kapatid namin na sabik na sabik sa pagdating ng magiging anak ko p
"Bakit sa akin mo ibinabalik ang mga salitang dapat sa'yo? You're the who's cheating here at hindi ako!" dagdag na sabi ko sa kaniya.Siya naman talaga ang nanloloko sa aming dalawa at hindi ako. Binalikan niya ang ex niya kinikita niya ito ng patago. Niloloko nila kami ng asawa ni Francine."So, bumabawi ka nga? You're doing this to shame me?! Ang kapal ng mukha mo! Pinakasalan lang kita dahil nabigla ako at dahil sa batang dinadala mo! I agree to marry a girl but nothing like you!" patuloy niya.Pinalis ko ang mga luha ko at umiling sa mga sinasabi niya. Kahit isa ay walang katotohanan doon dahil ang pagloloko ay ang bagay hinding-hindi ko kayang gawin dahil alam ko ang pakiramdam no'n. "Hindi ako bumabawi. Hindi kita niloloko-""Stop lying!" sigaw niya dahilan nang pagkahinto ko sa pagsasalita."Alam mong gusto ka ni Liam kaya ka sumasama sa kaniya! Sana pala sa kaniya ka na lang nagpakasal! Nagpakipot ka pa no'ng una pero gusto mo rin pala!" sunod-sunod niyang sabi sa akin.Halos
"I'm his brother. Ako na ang bahala magpaliwanag sa kaniya," sabi ni Liam sa bodyguard ko. Napailing naman ako dahil baka magalit lalo sa akin si Cristiano pero ayaw ko namang makulong dito sa loob ng bahay lalo na at karapatan kong lumabas. "Mapapagalitan po ako, Sir. Baka mawalan pa ako ng trabaho," sagot nito kay Liam. "Ako ang bahala sa'yo. Tatawagan ko rin si Cristiano para sabihin na ako ang kasama ng asawa niya. May tiwala siya sa akin," patuloy na pagpupumilit ni Liam. Ilang minuto rin kaming nakipag-usap sa bodyguard ko hanggang sa nakumbinsi namin ito at nakalabas nga ako. "Bakit ayaw kang palabasin ng bahay ni Cristiano?" tanong sa akin ni Liam. Hindi naman ako nakapagsalita kaagad dahil kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong paalisin. Nag-isip na lang tuloy ako ng ibang dahilan para masagot ko ang tanong ni Liam. "Ah, he just want me to rest. Ayaw niya munang umalis-alis ako para raw hindi ako mapagod," palusot na sabi ko. "Don't worry. Ako na ang ba
Gano'n ang mga naging trato sa akin ni Cristiano sa mga sumunod na araw pa at alam ko ang dahilan. Ayaw na niya sa akin dahil nasa iba na muli ang atensyon niya at ramdam niyang mahal na siya ulit ni Francine."What happened to your right hand?" tanong sa akin ni Stella.Nasa condo ako ngayon at dinalaw na naman ako ni Stella. Napatingin naman ako sa kamay kong may kaonting lapnos dahil sa pagkakapaso kanina."Ah, wala. Naaksidenteng naidikit ko lang 'yan kanina habang nagluluto ako," sabi ko sa kaniya.Aksidente naman talaga ang nangyari kanina dahil nagtalo kaming dalawa ni Cristiano. Muntikan ko na naman kasing masunog ang niluluto ko kanina at inagaw niya 'yon sa akin pero nagpumilit ako na ako na lang ang magluto. Sa pagiging makulit ko kanina ay napagalit ko siya nang sobra dahilan nang pagdadabog niya kaya tumama sa akin ang mainit na kawali."My gosh! Tigilan mo na nga kasi ang kakaluto. Cooking is not for you kahit na ano'ng gawin. Sabihin mo kay Cristiano ay ikuha ka ng cook
"May asawa na kayong parehas, Francine. Why don't you focus on yuour husband and build your own family? Bakit sa akin pa ang gusto mong sirain?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya nakapagsalita at napayuko lang habang umiiyak. Mabilis akong maawa kapag nakakakita ako ng mga taong umiiyak sa harapan ko pero hindi niya deserve ng awa ko. "Lily, please. Sinubukan ko naman lumayo at kalimutan siya e. Sinubukan ko lahat ng makakaya ko para lang 'wag na ulit magpakita sa kaniya pero tadhana ang nagdadala sa amin sa isa't-isa," sunod-sunod niyang sabi. Napailing naman ako at napasinghap. Masakit para sa akin ito dahil dalawa kaming nasasaktan dahil sa isang lalaki at alam kong isa sa amin ang uuwi ng panalo at isa ang uuwi na talunan. "I don't care about your feelings, Francine. That's not valid to ruin a family! And I'll do my best to save my family, so I'm here to warn you. Stay away from my husband," sunod-sunod ko ring sagot sa kaniya. Alam kong wala akong laban dahil siya naman talaga
"You're leaving?"Napahinto si Cristiano sa paglalakad nang tuluyan siyang makababa sa hagdan. Ten pm na at nakita kong bihis na bihis siya. Madilim na sa sala kaya hindi aakalain na may tao roon. Nakahiga na kami kanina pa sa kwarto para matulog at magpahinga pero naramdaman kong bumangon siya kaya naman inunahan ko na siya rito sa baba dahil kutob kong aalis siya. Tama naman ang kutob ko dahil nasa harapan ko siya ngayon.Simula nang bumalik siya galing sa ibang bansa ay may nag-iba sa kaniya. Naging cold ang tungo niya sa akin sa tuwing maglalambing ako sa kaniya. Kaya naman sa tuwing naiisip ko na si Francine ang dahilan no'n ay hindi ko maiwasang hindi masaktan."What are you doing here?" tanong naman sa akin pabalik ni Cristiano.Tanging kaonting ilaw lang ang naroon at kita ko ang tingin niya sa akin."Uminom lang ako ng tubig," palusot na sabi ko naman sa kaniya."Gabi na ah? Aalis ka pa?" tanong ko kaagad sa kaniya."Andrew called me. Nasa bar sila with our friends, at pinapa