HINDI ALAM NI Khaira kung paano siya nakarating sa silid na tinutuluyan ni Amah. Matapos siyang nakawan ng halik ng asawa ay tila pati sarili niya ay nawala na rin. "Mommy!" Agad na tumakbo si Nyra palapit sa kanya pagkapasok niya at yumakap sa kanyang mga binti. "Mommy, Amah said daddy will stay here." Napatitig siya sa mukha ng anak. Her father was right. Alam niyang naging masaya naman ang anak sa piling niya. Pero hindi niya itatanggi na mas nagkaroon ng ningning ang mga mata nito. At nararamdaman niya ang walang pagsidlan na kaligayahan ng anak.Dumuko siya upang pagpantayin ang mukha nila. "Yes, baby. Are you happy?" Sunod-sunod ang pagtango na ginawa ng anak. "Super duper happy, mommy. Thank you for making my dream come true." Iniyakap nito ang mga kamay sa kanyang leeg kaya naman tuluyan na niya itong binuhat at pinugpog ng halik ang mukha. "Stop, mommy. S-stop na," wika nito sa pagitan ng pagtawa dahil sinimula na rin niyang kilitiin ito. Isang matunog na halik ang igi awad
"MOMMY, wake up!" Inaantok pang iminulat ni Khaira ang mga mata. Ang aga-aga pero ginigising na siya ng anak. Humikab pa siya bago tuluyan ibinuka ang mga mata at sinalubong nang nakangiting mukha ng anak. At nahawa siya sa magandang ngiti nito."What is it, baby? What time is it?" Nilingon niya ang orasan na nasa bedside table. "Baby, it's still early. What do you want?" It's four in the morning. "Bigla siyang nag-alala kaya naman bumangon siya sa pagkakahiga. She started checking her son's forehead, then his body. Normal naman ang anak, wala itong sakit o kahit sugat. Narinig niya ang paghagikhik ng anak kaya naman humalukipkip siya saka tiningnan ito. "Why are you laughing?"Natatawa pa rin itong sumagot, "You look so worried, mom. I'm good and stronger." Ipinakita pa nito ang maliit na braso na parang may muscle na.Nailing na lang si Khaira. "Then, why are you waking me up? Ang aga-aga pa and it's saturday. Let's go back to sleep." Akmang hihiga siya muli nang pigilan siya ng ana
HALOS ISUBSOB ni Khaira ang mukha habang naglalakad patungo sa kanilang floating cottage na nasa dulong bahagi sa gawing kanluran. Sobrang nakakahiya ang ginawa ni Peter. Halikan ba naman siya sa harap nang maraming tao at mga empleyado pa nila halos. Hindi sa ikinakahiya niya ang asawa pero may parte kasi ng puso niya ang natatakot. Paano kung bigla na naman siya nito palayuin? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa kanya? Before she didn't care about people's opinions. Pero nang isilang niya si Nyra mas naging maingat siya. Dahil alam niyang hindi lang siya ang pwedeng maapektuhan kundi pati ang anak. "Qīzi, hurry up. Why are you walking like a turtle?" Napaismid siya sa hangin sa sinabi ng aroganteng asawa. Nang tingnan niya ito ay nakaakyat na nga sa may floating cottage. Mukhang pinapasok na nito ang kanilang anak. 'Bakit hindi pa siya pumasok?" tanong niya sa isip."Ako ang aalalay sa asawa ko," rinig niyang sabi nito kay Jommel na isa sa mga nag-a-assist para sa mga floating
PAPALAPIT si Cyrius kina Khaira, sakay ng isang speedboat. Malawak ang pagkakangiti nito na para bang nanalo sa lotto. Nang huminto ito sa tapat nila ay walang kahirap-hirap na nakalipat si Cyrius sa kanilang floating cottage. "Papa Cy!" Sa isang iglap ay buhat-buhat na nga ni Cyrius si Nyra. Muntikan pa mahulog ang mga ito, mabuti na lang at nakabalanse si Cy. Napalingon si Khaira kay Peter nang marahas itong bumuga ng hangin. At hindi niya napigilan matawa nang makita ang disgusto sa mukha ng asawa. "Hey, hon—""Call her Khaira and not any endearment!" mahina pero madiin na babala ni Peter na ikinaputol nang sasabihin pa ni Cyrius. "Daddy, are you mad?" Inosenteng tanong ng anak nila. Nakatitig ito kay Peter kaya naman biglang nagbago ang ekspresyon ng asawa. Mula sa disgusto ay naging pormal—pero hindi pa rin masaya ang makikita sa mukha nito."I'm not, son. But, today is our first family bonding. Bakit may naligaw," parinig nito. "Why are you here? Hindi mo ba nakikita na may b
KANINA PA NAKAALIS si Cyrius sakay muli ng speedboat. Hindi pa rin bumabalik ang tibok ng puso ni Khaira sa normal mula nang sabihin ng asawa ang dahilan kung bakit ito nagagalit. He was jealous. Malinaw na malinaw niyang narinig 'yun. Does it mean she is important to him? "Mommy, let's swim." Nabalik sa sarili si Khaira nang marinig ang boses ng anak. Buhat-buhat ito ni Peter. Kaya pala malakas ang loob nito na komprontahin sila kanina dahil binilinan pala nito ang anak na manatili muna sa loob ng kubo. At nang makaalis si Cyrius ay roon lang nito binalikan ang anak. Hindi sila nakapag-usap tungkol sa sinabi nito bagkus ay iniwan siya nito. Khaira smiled at her son, avoiding Peter's gaze. "Enjoy swimming, baby. Wala akong dalang damit, bilisan n'yo na at tumataas na ang sikat ng araw." Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa bamboo chair at humakbang patungo sa loob ng kubo. She needs to breathe. Pakiramdam niya kasi ay mauubusan siya ng hangin lalo pa't nararamdaman niya ang matiim na
HANGGANG SA MAKARATING sa dalampasigan ay wala pang sinabi si Peter kay Khaira. Hindi rin kasi ito nilubayan ng kanilang anak. "Nyra, that's enough." Awat ni Khaira sa anak nang kulitin pa nito si Peter na mag-surfing daw. As if naman na papayagan niya. Hindi porket kasama na ang daddy nito ay pwede nang gawin ang anuman gustuhin. "But, Mommy, I want to try it," sagot ni Nyra na nakanguso pa. Hindi siya basta-basta makukuha sa drama nito. Delikado ang surfing at never niya na papayagan ang anak."Pagbigyan mo na, don't worry, I will assist him," sabad ni Peter na ikinatingin niya rito. Pinandilatan niya ito ng mga mata. Kasalukuyan na silang naglalakad pabalik sa resort. Buhat-buhat ni Peter si Nyra na para bang naging lumpo mula nang dumating ang daddy nito. Lagi na lang nagpapabuhat. "I said no. Delikado ang gusto niya at ikaw naman," huminto siya saka namaywang sa harapan ng dalawa, "don't spoil him. Okay lang sa ibang bagay pero sa mga delikadong activity, oh, please, Peter, shu
HINDI MAPUKNAT ang ngiti sa mga labi ni Peter habang patungo sa silid ni Amah. Matapos ang naging usapan nila ni Khaira ay nanatili pa sila sa Garden of hope, just talking anything under the sun. Nagpapalagayan ng loob para sa kanilang muling pagsubok na magsama. Maraming naikwento ang asawa tungkol sa mga pinagdaanan nito sa Australia. At kahit naiinis siyang marinig na sa mga panahon na 'yon ay si Cyrius ang kasama nito ay pinagtiisan na lang niya. Lalo pa ngayon na hindi naman niya pala ito karibal. "How stupid I am not to notice it," he murmured while still walking his way to Amah's room. Kumatok siya ng tatlong beses nang makarating siya sa tapat ng pintuan at nang marinig ang boses ni Amah na pinapapasok siya ay pinihit niya ang seradura. Peter saw Amah comfortably sitting on one of the single sofas. Lumapit siya rito para magbigay respeto. "Sit down, iho." Umupo si Peter katapat ni Amah matapos niya magmano at humalik sa pisngi nito."You wanted to talk to me, Amah?" tanong n
WALA SA SARILI si Khaira hanggang makapasok siya sa kanyang silid. Nanggaling kasi siya sa silid ni Amah dahil naroon ang anak. Susunduin niya sana ito para matulog na. Halos maghapon ang ginawa nilang pamamasyal. Pagdating ng hapon ay inaya siya ng kanyang mag-ama para mamasyal. Nakarating sila sa isang mall at halos gusto na niyang hilahin ang dalawa pauwi. Paano ba naman, lahat ng gustuhin ng anak ay binibili naman ni Peter. Napatingin siya sa pinto ng banyo nang marinig ang tinig ng asawa na parang…kumakanta? Magugunaw na ba talaga ang mundo? Kanina matapos nila makapag-usap nang masinsinan ay napagkasunduan nila na bigyan muli ng pagkakataon ang kanilang kasal. He didn't promise anything but she can feel his sincerity. Mabilis ang ginawang pagtalikod ni Khaira nang biglang bumukas ang pinto ng banyo dahilan para ma-out of balance siya at dumiretso bagsak sa sahig. Mabuti na lang at may carpet dahil kung hindi baka mas masakit ang nangyari sa kanya."Ahrg!" d***g niya habang buma
"WHERE ARE WE GOING, DADDY?" tanong ni Khairynn Mien kay Peter. Kasalukuyan nitong sinusuklay ang buhok ng kanilang anak. "Daddy, I'm done!" sigaw naman ni Nherynn Pete na nasa bungad ng pinto ng banyo habang nakasuot ng roba at nakapulupot pa ang tuwalya sa buhok nito."Just wait, Nherynn. Let me finish your sister," tugon naman ni Peter habang mas binilisan ang pagsusuklay kay Khairynn."Ouch! Daddy, be careful naman po," maarteng d***g ni Khairynn."Don't move kasi para matapos tayo—""Daddy! I'm so cold na po." Mariing napapikit si Peter kaya naman nailing na lang si Khaira na kanina pa nakasandal sa may hamba ng pinto ng kwarto ng kambal. Yes, she gave birth to twins. Both girls. Not identical pero may pagkakahawig naman. "You wish for it, remember?" Pukaw niya sa asawa na mabilis siyang nilingon. "Thank God you are here." Mabilis siyang niyakap nito na para bang hulog siya ng langit. "Comb Khairynn hair and I will attend to another little brat there," pagkasabi niyon ay ibinig
"Qīzi!" "I'm here, Zhāngfū!" sigaw niya upang marinig siya ng asawa. Kasalukuyan siyang nasa may pool at binabantayan si Nyra. Narito sila ngayon sa mansion. Napagpasyahan niya na rito na tumira dahil nga nandito ang trabaho ng asawa. Humanap sila ng mapagkakatiwalaan para sa resort. Siya pa rin naman ang namamahala rito pero idinadaan niya lang sa online or kung talaga mahalaga ay madali lang naman ang magbiyahe. Habang ang mga magulang naman ay nakakapasyal din naman sa resort. Gusto niyang isama rito pero tumanggi ang mga ito. Naramdaman niya ang paghalik ng asawa sa kanyang pisngi kaya nilingon niya ito dahilan para magtama ang kanilang mga labi. "Ang sarap," komento nito matapos maghiwalay ang kanilang mga labi."Iiihhhh. Daddy stop kissing Mommy," boses ni Nyra na nakatingin sa kanila. Natawa na lang siya sa nakasimangot nitong mukha. Ayaw na ayaw kasi nito na hinahalikan siya ni Peter. Baka raw kasi may germs ito at mapunta sa kapatid nito. She is now three months pregnant.
"SULIT NA SULIT, ah." Natawa si Peter sa sinabi ni Arsen. Matapos ang isang linggo pananatili sa isla ay napagdesisyunan na nilang umuwi. Ayaw niya pa sana pero nami-miss na raw ng asawa ang anak at maging siya rin naman. Tutal ay nagkaayos na sila kaya naman pumayag na rin siya na umuwi. "Siguro naman may magandang balita, sa ganda ng ngiti mo," patuloy nitong panunukso. Kakarating lang kasi nila at sinabi ng katulong na nasa resort daw ang mga ito. At nasalubong nga nila si Arsen."Mukhang pati rin naman ikaw, ah. Bakasyon mo?" Tinanggap niya ang man-hug nito. "Daddy! Mommy!" Malakas na sigaw ng anak ang nagpalingon sa kanya sa kinaroroonan nito. Nasa may dagat ito at ngayon ay nagmamadaling tumakbo palapit sa kanila. Tinapik niya ang braso ni Arsen. "Later, bro," paalam niya at sinundan na ang asawa na nauna nang naglakad sa kanya. Agad na yumakap si Nyra kay Khaira nang magtagpo ang dalawa. Sumilay tuloy ang ngiti sa kanyang mga labi. "Nyra!" tawag niya rito. Kumawala ito kay Kha
NAKANGITING pinagmamasdan ni Khaira ang natutulog na asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na pareho sila ng nararamdaman nito. Mabuti na lang ay talaga pinush niya na mapaamin ang asawa. Kung sakali hindi naman ito umamin o talagang walang nararamdaman para sa kanya ay handa niyang tanggapin. Pero…tama ang hinala niya at narinig na mahal siya nito. Matapos ang mapusok nilang halikan mag-asawa ay ipinaliwanag ni Peter ang tunay na nangyari sa England. Kung paano nito nahuli si Zena sa mga kalokohan nito. Hindi siya makapaniwala na pati ang heart attack ng daddy nito ay kasinungalingan din pala. Masyado nitong binilog ang isip ng asawa niya. Ang galing talaga nito magpanggap at nagawa pa pala nito na muntik pag-awayin sina Peter at Arsen. Mabuti na lang at sadyang matalino si Arsen o talagang plinano na nito ang bagay na 'yon. She was thankful to him for saving her husband from that bitch. Sorry for her words but she meant it. Masyado nang malaki ang atraso ni Zena sa kanila. At kung s
Seeing her crying made Peter's heart broke into pieces. Ito ang isang bagay na ayaw niyang makita. Ang masaktan ang babaeng pinakamamahal. Naging tanga siya at naging manhid. Pero natuto na siya at umaasa na hindi pa huli ang lahat para sa kanila. "Who is Zena to you, Peter?" muling tanong ni Khaira. He closed his eyes to stop his tears from falling. Kalalaki niyang tao pero heto siya at umiiyak. Pero wala siyang pakialam do'n ang mahalaga sa kanya ngayon ay magkaayos sila ng asawa. Magkalinawan. Muli niyang iminulat ang mga mata at diretsong tumingin sa asawa na nanatiling nakatayo sa harapan niya at basa ng luha ang mga mata nito. Nag-aalala siya dahil buntis ang asawa at ayaw niyang may mangyaring masama rito…pero alam niya na desidido na rin ang asawa na ayusin o alamin kung ano nga ba ang totoong lugar nito sa buhay niya. "Qīzi…tulad ng unang sinabi ko sa 'yo. Zena is just a childhood friend. Malapit na kaibigan, itinuturing kong nakababatang kapatid na babae. Tanging 'yon laman
UMAWANG ang bibig ni Khaira sa sinabi ng asawa. He can really remember her. Akala niya ay hindi na siya nito naaalala. Kung gano'n totoo ang narinig niya nang gabi na 'yon. Mabilis niyang iniwas ang tingin dito. Hindi niya makaya ang ibinibigay nitong titig sa kanya. "Qīzi," tawag nito. "Akala ko hindi na kita ulit makikita. Pero nagkita tayo sa 26th birthday ko. Ang laki nang ipinagbago mo. You grew up into a fine lady. Pero hindi ako pwede magkamali na ikaw ang nakita ko." Kumunot ang noo niya dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. "I want to talk to you but I heard you introducing Cyrius as your boyfriend…kaya nagdesisyon ako na huwag ka na lang lapitan. Saka hindi rin naman ako sigurado na ikaw nga si butterfly ko. But I did investigate you and I find out that it was really you. I'm happy but at the same time confused. Masaya ka na sa buhay mo at ayoko magulo ka. I let you be." "Then?" She asked unconsciously. Hindi niya alam ang bagay na 'yon. At kung nagkita man sila
MASAYANG KUMAKAIN SI Khaira sa may tent na ginawa ni Peter. Sinabi niya kasi rito na gusto niya sa may dalampasigan kainin ang mga pagkain na pinabili niya. At himala na wala siyang narinig na reklamo bagkus ay nakita niya nga ito na may ginagawang tent."Gusto mo?" tanong niya sa asawa na nakatingin sa kanya habang kinakain niya ang halo-halo na talaga namang sobrang sarap. Muli siyang sumandok sa kutsara at iniumang sa bibig ng asawa. "Tikman mo, super duper sarap." Pero nang akmang isusubo na ng asawa ay mabilis niyang sinubo kaya naman kitang-kita niya ang pag-isang linya ng mga kilay ng asawa na ikinakibit-balikat niya lang."Qizi, are you sure you can eat all of this? Baka sumakit ang tiyan mo dahil halo-halo na ang kinain mo," sabi ni Peter na mas problemado pa sa kanya kung paano niya uubusin ang mga pagkain."Halo-halo naman talaga ang kinakain ko," pamimilosopo niya pa rito saka kumuha naman ng isang turon at isinawsaw sa halo-halo na nilagyan niya ng ice cream. Napangiwi si
MATAPOS MALIGO ay hindi na naabutan ni Khaira si Peter sa may balcony at malinis na rin 'yon. Pinatuyo niya ang buhok habang nakaharap sa salamin. Tipid siyang napangiti nang makita ang itsura. She knows that she's still pretty. Dahil hindi naman niya pinababayaan ang sarili. Pero hindi niya maikakaila na may kulang…kulang ang ningning sa kanyang mga mata at alam niya kung bakit. Dumako ang tingin niya sa kanyang tiyan. May bagong anghel na darating at ayaw niya na lumabas ito na hindi pa sila nakakapag-usap ng asawa ng maayos. Alam niya ang ginagawa ng asawa pero hindi 'yon ang kailangan niya. She wanted to hear those words again that he said when they were in the hospital. Mahirap ba talagang sabihin 'yon? If he really loves her, what's taking him so long to tell her? Action speaks louder than words? Tsk! She needs words to justify the action. Ano ba naman ang ilang letra at kataga? Matapos siyang makapag-ayos ay nagpasya siyang lumabas ng silid. Gusto niya pumunta sa may dalampasi
DAHAN-DAHAN nagmulat ng mga mata si Khaira para lamang biglang mapabangon dahil hindi pamilyar ang kanyang kinamulatan na silid. Mabilis na lumibot ang kanyang mga mata habang ang kanyang dibdib ay nagsisimula nang kumabog nang mabilis. "Where am I?" tanong niya sa sarili na bakas ang pagkabahala sa maamo niyang mukha. Bago pa siya makabangon nang tuluyan ay ang pagbukas ng pinto. Agad dumako roon ang kanyang tingin. Gano'n na lang ang gulat niya nang makita ang asawa."You are awake. Good morning, Qizi," nakangiting bati nito habang may hawak-hawak na tray. Nasundan niya ito ng tingin hanggang sa magtungo ito na sa tingin niya ay balcony ng silid. With a disbelief expression she left the bed…pero napatingin siya sa kanyang katawan nang makita na isang malaking t-shirt na ang suot niya. Naalala niya na hindi 'yon ang suot niya ng matulog siya. Kunot ang noo na sinundan niya ang asawa. Naabutan niya ito na bakas ang kasiyahan habang inaayos ang lamesa."Where are we?" Kunot ang noo ta