JENNIFER POV (MIA) "ANO ba ang nangyari sa kanya? Bakit siya nahimatay?" unang katagang sumalubong sa pandinig ko nang muli akong bumalik sa ulirat. Nag-aalalang boses ni Luis na tinatanong niya si Doctora Amery tungkol sa nangyari sa akin. "She's pregnant Kuya!" narinig kong sagot naman ni Ate Amery kay Luis. Gulat naman ako sa narinig. Pregnant? Buntis daw ako? Ilang buwan? Paanong nabuntis ako gayung hindi naman kami nagtatabi sa higaan ni Luis at sa sitwasyon ng kalusugan ni Luis, imposbleng mabubuntis niya ako. May nangyayari ba sa amin ni Luis bago ako naaksidente? Pero paano? Ah ewan. SAbagay, mahalaga pa bang alamin ko iyun? Mag-asawa kami at kung may nangyayari man sa amin bago ng aksidente normal lang talaga na mabubuntis ako. "Pregnant? Buntis si Mia? Are you sure?" narinig kong tanong ng gulat na boses ni Luis. "Yes Kuya! She's pregnant!" pagkumpirma naman kaagad ni Ate Amery! Ramdam ko sa boses niya nag tuwa kaya naman hindi ko na din mapigilan ang mapangi
JENNIFER POV (MIA) Sobrang nag-enjoy ako sa pagsa-shopping naming dalawa ni Amery. Lahat ng gusto ko ay ni-add to cart ko na ayun na din sa kagustuhan nito. Ang ganda naman dito Ate Amery!" nakangiti ko pang paulit-ulit na bigkas. Basta, sa sobrang ganda ng mall na ito, ganado akong naglakad kahit na malaki na ang tiyan ko. Ewan ko ba, parang sanay na sanay akong gawin ito dati. Kusang humahakbang ang mga paa ko sa boutique na may mga paninda na gustong gusto kong bilihin. Napansin ko din kung paano ako titigan ng ilan sa mga staff! Feeling ko tuloy, kilala nila ako or baka naman regular costumer nila ako dito dati? "Mam Jen? Kumusta po? Ang tagal niyo pong hindi nakabalik dito ah?" abala ako sa kakapili ng mga items na nasa harapan ko nang bigla akong lapitan ng isa sa mga sales lady. Nagpalinga-linga pa nga ako sa isiping baka hindi ako ang kinakausap niya pero nang mapagtanto ko na ako nga, nakangiti kong itinuro ang sarili ko. "Sorry, ako ba ang kinakausap mo?" nakangit
ELIJAH VILARAMA VALDEZ POV KASALUKUYAN akong abala sa mga pinipirmahan kong mga papeles nang bigla akong natigilan. Muli na namang sinalakay ng lungkot ang puso ko nang maalala ko si Jennifer. Hangang ngayun hindi pa rin matangap ng puso at isipan ko na wala na siya. Imposible! Feeling ko talaga buhay pa siya at galit lang siya sa akin kaya ayaw niyang magpakita. Hindi maganda ang huling kumprontasyon sa pagitan naming dalawa bago kami bumyahe para ibigay ang ransom sa mga kidnappers. Kahit na may narecover na sunog na mga bangkay hindi pa rin kayang tangapin ng puso at isipan ko na kasama siya doon. Wala sa sariling binuksan ko ang drawer ng mesa ko! MUla sa loob, may kinuha akong kapirasong papel at binasa iyun kasabay ng pagpatak ng luha mula sa aking mga mata. Ito iyung sulat na nakuha ko sa isa sa mga paboritong bag ni Jennifer. Nakasaad dito ang mga nangyari noong araw na iyun na pinagbintangan ko siya na may lalaki siya. Wala siyang kasalanan. Talagang sarado ang
ELIJAH VILLARAMA VALDEZ POV '"TINATANONG KITA ETHEL, saan mo nakuha ng imporamasyon na may lalaki ang asawa ko?" nanlilisik ang mga matang tanong ko sa kanya! Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya habang kitang kita ko naman sa mga mata nito ang takot habang napapaatras sa tuwing nilalapitan ko siya. "Elijah, ano ba? Huwag--huwag mo naman akong takutin ng ganiyan oh! Hi-hindi ka dapat magalit sa akin ng ganiyan dahil lang sa---" "May alam ka ba sa mga nangyari kay Jennifer? May ginawa ka bang mga bagay-bagay na dapat kong malaman?" seryosong tanong ko. Napansin kong halos magkulay papel na ito dahil sa matinding nerbiyos. "Wala! Wala akong ginawa at lalong wala akong alam! Kung a-ayaw mong maniwala, bahala ka!" halos maiyak na sagot nito at halos patakbong lumabas ng opisina! Naiwan naman akong punong puno ng galit sa puso ko Oras na malaman ko na isa si Ethel sa dahilan kaya napahamak si Jennifer ay hindi ako mangingimi na singilin siya sa mga pagkakamali niya. HIndi
ELIJAH VILLARAMA VALDEZ POV "A-anong sabi mo? Si Jennifer----" mahinang tanong ko kay Elias mula sa kabilang linya. "Sabi ko na nga ba magugulat ka eh! Kahit ako nagulat din kanina noong nakita ko siya!" kaagad din nitong sagot sa akin. Pakiramdam ko ng mga sandaling ito, nakalutang ako sa alapaap. Hindi ko maramdaman ang sarili ko habang tulala akong nakatitig sa kawalan. Ni hindi ko na nga namalayan pa na tumutulo na pala ang luha mula sa aking mga mata. "Totoo ba? Hindi mo ba ako niluluko?" mahinang tanong ko kay Elias. "Sa palagay mo, pwede ko bang gawing biro ang lahat na ito? Pumunta ka kaagad dito kung gusto mo siyang makita!" seryosong sagot naman nito sa akin. "Paanong nandiyan siya sa hospital? Kumusta siya? Kumusata ang asawa ko?" emosyonal na tanong ko kay Elias! Wala na akong pakialam pa kung makita man ako ng mga empleyado ko sa hindi kanais-nais na sitwasyon. Wala na din akong pakialam pa na may ibang taong nakakita na lumuluha ako. "She's okay maliban lan
ELIJAH VILLARAMA VALDEZ POV ''MAY amnesia si Jennifer at gusto siyang angkinin ng Kuya mo na asawa niya? Nahihibang na ba iyang kapatid mo?" nanlilisik ang mga matang tanong ko sa babaeng kasama ng kakambal kong si Elias. Ni hindi ko na nga makontrol ang lakas ng boses ko. Pumuno iyun sa bawat sulok ng kwarto kaya naman mabilis na napalapit sa akin ang kakambal kong si Elias para pakalmahin ako. "Ssshh Bro! Ano ka ba? Baka magising si Jen at kung ano ang isipin niya sa atin. Huwag mong kalimutan na may amnesia siya at baka matakot siya sa iyo kapag makita ka niya sa ganiyang sitwasyon..'" kaagad nitong saway sa akin. Tinapik pa ako sa balikat kaya wala sa sariling napabaling ako ng tingin kay Jennifer at laking pasalamat ko dahil mukhang hindi naman siya nagising sa lakas ng boses ko kanina. Kay hirap palang kontrolin ang sariling emosyon kapag malaman mong may ibang lalaking gustong agawin ang asawa mo. HIndi kayang tangapin ng kalooban ko at parang gusto kong pumatay ng tao
ELIJAH VILLARAMA VALDEZ POV kahit na alam kong nananaginip lang si Jennifer, hindi ko maiwasan na makaramdam ng tuwa nang marinig ko mula sa labi niya ang pangalan ko. May amnesia man siya pero alam ko sa sarili ko na ako pa rin ang laman ng puso niya. "Jen, Sweetie, gising ka na muna!" mahina kong tawag sa panalan nito! Tahimik namang nakamasid lang sila Elias at Amery sa amin. Laking pasalamat ko nang mapansin ko na dahan-dahan na nagmulat ng kanyang mga mata si Jennifer. Napansin ko pa nga ang nagtatakang pagtitig nito sa akin bago dahan-dahan na bumangon "Sino ka? Nasaan ako?" tanong niya sa akin. Pakiramdam ko, bigla akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa narinig ko sa kanya. Masakit palang makita na hindi niya ako kilala? Nakikita ko sa mga mata niya na para bang isa akong istranghero sa paningin niya. Oo, tinatawag niya ang pangalan ko sa panaginip niya pero ngayung gising na siya, hindi niya na ako maalala. "Jen, kumusta ka? Nahimatay ka kanina kaya dina
JENNIFER POV Nagising ako na hinahabol daw ako ng isang lalaking hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha at nang imulat ko ang aking mga mata laking gulat ko dahil ibang mukha na naman ang una kong nasilayan Mukha ng isang lalaki na familiar sa akin pero hindi ko maalala kung saan at kung paano ko siya nakilala. Lalo akong naguluhan nang magpakilala din ito sa akin na siya daw ang asawa ko na labis kong ipinagtaka. Ang alam ko kasi si Luis ang asawa ko pero bakit may iba pang nagki-claim na siya daw ang asawa ko? Sino ba talaga ang nagsasabi sa kanila ng totoo? Pero noong nagpaliwanag sa akin si Ate Amery na Jennifer daw ang pangalan ko at hindi Mia medyo naliwanagan naman ako. Pero hindi ibig sabihin na hundred percent akong maniniwala. Oo, nagpaliwanag na silang lahat sa akin kung sino ba talaga ako pero gusto ko nang makasiguro ngayun. Baka magising na lang ako kinabukasan na iba na naman ang nagpapakilalang asawa sa akin. Sobrang gulong gulo na kaya ang utak kong p
AMERY HEART POV GAMIT ang sarili kong sasakyan, tahimik kong sinundan si Elias. Sa Valdez Medical Center kami nakarating. Kung ganoon, nandito si Rebecca. Siya ang dahilan kaya nagmamadali kanina si Elias na umalis na bahay. Tahimik lang akong nakasunod kay Elias hangang sa pumasok siya sa isang pribadong kwarto. Alam ko na...gets ko na, si Rebecca ang nasa loob noon Sa nagmamdaling kilos ni Elias, alam kong concern siya sa babaeng iyun. Alam kong nag-aalala din siya sa kalagayan nito "Pagkadating ko sa pintuan ng nasabing kwarto, sumilip ako gamit ang maliit na salamin ng pintuan. Parang may libo-libong karayom ang biglang tumusok sa puso ko nang sumalubong sa paningin ko na nakayakap na si Rebecca kay Elias. "Amery, tanga ka ba? Alam mo naman na masyado nang masakit pero bakit kailangan mo pa siyang sundan?" mahina kong bulong sa sarili ko. Pagkatapos noon, napaatras pa ako ng makailang ulit bago ako tuluyang naglakad paalis. HIndi ko pala kaya! Mas masakit pala kung h
AMERY HEART POV HINDI ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay ni Elias pero pagpasok ko pa lang ng gate, kaagad na siyang sumalubong sa akin. Kung hindi lang ako nahihiya kina Jennifer at Charlotte ayaw ko pa sanang umuwi eh. Ayaw ko pa sanang bumalik sa bahay na ito. Sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari kanina, hindi maipaliwanag na sakit ng kalooban ang nararamdaman ng puso ko. Nakakabaliw ang sobrang sakit. Hindi ko na naman alam kung paano mag-umpisa ulit. "Amery, God! Mabuti naman at umuwi ka na! Alam mo bang kanina pa ako nag-aalala sa iyo?" narinig kong sambit ni Elias. Napatigil naman ako sa paghakbang at seryosong napatitig sa kanya. "Nag-alala? Talaga bang nag-aalala ka sa akin? Talaga bang naisip mo kung ano ang mararamdaman ko kapag malaman ko ang tungkol sa pagdadalang tao ni Rebecca?" seryosong tanong ko. "I love you! Mahal na mahal kita kaya mas pinili ko na lang na ilihim na muna sa iyo ang lahat-lahat. Alam ko din kasi na masasaktan ka eh. I am sorry, A
AMERY HEART POV "I am sorry, wala akong balak na guluhin ang kasal niyong ito." umiiyak na muling sambit ni Rebecca. Pigil ko ang sarili ko. Wala daw siyang balak na guluhin ang kasal namin? Pero ano itong ginawa niya? Ang daming mga araw na pwede siyang lumutang pero bakit ngayun pa? Bakit? Kung hindi lang siya buntis baka kanina ko pa siya tiniris. Kung hindi lang siya buntis baka kanina ko pa siya sinugod. Lahat ng galak sa puso ko na naramdaman kani-kanina lang ay biglang naglaho. Hindi maipaliwanag na pighati ang kaagad na pumalit habang dahan-dahan akong napaatras. Wala na dapat pang pag-usapan. Niluko na naman ako ni Elias. Nabuntis niya si Rebecca at hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang patawarin "Elias, ano ito? Ano ang ibig sabhin nito?" narinig kong sambit ni Mommy MIracle. Ramdam ko sa boses niya ang matinding pagkasimaya kaya naman hindi ko na napigilan pa ang muling mapahagulhol ng iyak Dahan-dahan akong umatras palayo kay Elias. Hindi ko alam kung ano an
AMERY HEART POV THIS IS IT! Ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Elias! Ang araw ng aming kasal. Walang pagsidlan ang tuwa na nararamdaman ng puso ko. Feeling ko din, ako na yata ang pinagka-maswerteng babae sa balat ng lupa. Feelig ko, nakalutang ako sa alapaap Sa wakas, ibinigay din ng Diyos ang matagal ko nang inaasam. May mga pagsubok kaming pinagdaanan at laking pasalamat ko dahil nalagpasan namin iyun. HIndi din talaga ako nagsisisi na binigyan ko siya ng second chance. Aware ako na walang perpektong relasyon pero pipilitin kong maging perpektong maybahay ni Elias. Mahal ko siya! Mahal na mahal ko siya at handa akong alagaan siya habambuhay. Nag-umpisa ng umalingangaw sa buong simbahan ang kantang napili naming kantahin ng singer na na hire namin habang naglalakad ako sa gitna ng aisle. Kumpleto ang Villarama Clan. May mga bisita din na dumating na hindi ko kilala. Ang alam ko ay mga business partners. Mga Ninong at Ninang na mula sa mataas na lipunan. Hab
AMERY HEART POV NAGING mapusok ang halik na pinagsaluhan naming dalawa ni Elias. Ramdam ko sa kanyang kilos ang matinding pananabik. Nag-uumpisa na ding maglumikot ang kanyang palad sa buo kong katawan."Ahhh, Elias." mahinang anas ko. Nagdedeliryo na kaagad ang pakikramdam ko. Sobrang init ng nararamdaman ko umpisa pa lang. Biglang dagsa ng matinding pagnanasa sa buo kong katawan. Lalo na nang makarating ang kanyang palad sa aking dibdib Para akong nawala sa hwesyo sa kakaibang sensasyong aking nararamdaman. Mas lalong naging mainit ang halik na pinagsaluhan naming dalawa."Sure ka na ba dito, Sweetheart?" mahinang bulong sa akin ni Elias nang pakawalan niya ang labi ko.. Nakangiti akong tumango"Yes...sure na sure na ako. I-advance na natin ang honeymoon natin." nakangiti kong sambit. Matiim niya akong tinitigan sa mga mata bago niya ulit inangkin ang labi koMuli naming pinagsaluhan ang mainit na halikan. Pareho kaming sabik sa isat isa kaya ilang saglit lang naramdaman ko na la
AMERY HEART POV "Elias, may problema ba?" nagtatakang tanong ko kay Elias habang magkaharap kami dito sa dining area. Kitang kita ko kasi sa mukha niya na para bang may malaki siyang problema. Nag-uusap kami tapos bigla na lang siyang napatulala. Hinintay ko siya kanina sa mall pero hindi siya nakarating. May biglaan daw kasi siyang meeting at naiiintindihan ko naman iyun. Alam ko din namang busy siya eh at hangat maari ayaw kong makaapekto pagdating sa trabaho niya dahil alam ko namang hindi birong responsibilidad ang nakaatang sa balikat niya. "Ayos lang ako, Sweetheart! Masyado lang talaga akong napagod kanina sa trabaho. Pasensya ka na kung hindi na ako nakarating kanina sa mall ah? Bawi na lang ako next time." may pilit na ngiti sa labi na bigkas niya. "Ayos lang iyun. Huwag mo nang isipin ang tungkol sa bagay na iyun. Marami pa namang next time eh." seryosong sagot ko sa kanya. Pagkatapos noon, kusa ko nang nilagyan ng pagkain ang pingan niya. "Kain ka na para makap
AMERY HEART POV "I am so happy for you, Amery. Imagine, ilang araw na lang at ikakasal na kayong dalawa ng pinsan naming si Elias. Tingnan mo nga naman, ang bilis ng panahon noh!" nakangiting wika ni Charlotte sa akin. Kasama sila Jennifer, Jeann at Rebecca nandito kami sa isang coffee shop at masayang nag-uusap. Balak naming magshopping kaya lang, nauwi ang lahat sa pag-upo dito sa loob ng coffee shop habang hindi matapos-tapos ang pag-chika. Ngayun ko lang din lubos na na-feel na kay sarap palang maging fiancee at future wife ni Elias. Imagine, lahat ng mga pinsan niya kasundo ko. Tapos hindi din nagkakalayo ang edad namin kaya naman nagkaroon ako ng hindi lang mga kaibigan kundi best friends na din. "Masayang masaya din ako lalo na at hindi ko akalain na may chance pa palang magbago ang isang babaero na si Elias." nakangiting sagot ko naman sa kanila. "Well, halos lahat ng mga lalaki, babaero. Naku, mas worst pa ang pinagdaanan ko sa pinagdaanan mo bago naging maayos ang pa
ELIAS POV 'HINDI KITA PIPILITIN na panagautan ako pero sana kilalanin mo ang anak natin. Huwag ka naman sanang maging unfair sa kanya, Elias. Sana mahalin mo din siya kagaya ng pagmamahal mo sa anak niyong dalawa ni Amery." seryosong wika ni Rebecca. Hindi ako nakaimik. Kung anak ko nga ang nasa sinapupunan niya, gaano ba ako kawalang kwentang ama para itakwil siya. "After kong manganak, balak kong tuluyang ipaubaya sa iyo ang kustudiya ng bata. Alam ko kasing mabibigyan mo siya ng magandang kinabukasan. Alam kong mas mapabuti siya sa iyo kumpara sa akin. I am sorry Elias! Patawarin mo ako kung bakit ngayun ko lang ito sinabi sa iyo. Patawarin mo ako sa panibagong problema na hatid ko sa iyo." muli niyang bikgas "It's okay, Rebecca. Nandiyan na iyan at kung talagang anak ko iyan, ibibigay ko ang nararapat para sa kanya!" seryosong sagot ko. Isang masayang ngiti ang kaagad na gumuhit sa labi ni Rebecca nang sabihin ko iyun. "Thank you! Thank you Elias! Don't worry, last na it
ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV "Elias, dumaan lang pala ako para magpaalam sa iyo. Magkikita kami nila Jeann at Charlotte kasama na din si Vernonica sa Mall." nakangiting wika niya pagkatapos kong pakawalan ang labi niya. Mula sa pagkakaupo mula sa swivel chair mabilis siyang tumayo at dinampot ang paper bag na dala nya. "Dinalhan na din kita ng food para sa lunch mo.Ako ang nagluto niyan. Hope you like it! Gustuhin ko mang mag stay hangang lunch kaya lang nandoon na daw si Jeann eh." muli niyang sambit. "Okay lang. Enjoy your pasyal, Sweetheart. Kapag matapos ako ng mas maaga, susundan di naman kita kaagad. Mag-enjoy ka lang.." nakangiti kong sagot. Isang masayang ngiti ang kaagad na gumuhit sa labi niya bago siya naglakad patungo sa pintuan ng aking opisina "Okay, see you later, Elias. Tatawagan kita kapag nasa mall na ako." nakangiti niyang sambit bago niya ako tuluyang iniwan dito sa ospisina. Pagkaalis ni Amery, punong puno ang puso ko ng tuwa at muli kong itinoon ang buo ko