Pagdating ni Choleen sa Siera Grande nagmadali siyang nagtungo sa kubo nila at inimpake lahat ng gamit niya. Halos magkada-ugaga siya sa paglalagay ng mga damit niya sa bag para hindi siya maabutan ng amo.
Hindi niya kayang tagalan ang isang taong puro yabang. 'Ano akala niya sa'kin bobo, para insultuhin ng gan'on alam ko naman na katulong lang ako pero tao rin naman ako. Wala siyang karapatan para pagsalitaan ako ng gan'on porque amo siya. Pwes! manigas siya bahala na kung pagalitan ako ni Tiyang sa gagawin ko. Uuwi na ako sa amin' Wika niya sa sarili. Muntik pa siyang madapa dahil halos takbuhin na niya mula sa kubo hanggang sa gate ng Siera Grande. Nagtataka tuloy ang ibang mga trabahante roon kung bakit siya nagmamadaling umalis, para bang may ginawa siyang kasalanan at tumatakas para hindi mahuli. Habang nag-aabang siya ng masasakyan ay natanaw niya mula sa hindi kalayuan na papalapit na ang sasakyan ni Archer kaya dali-dali siyang nagtago. Nang makapasok na ang kotse ng amo ay tumakbo na siya hanggang sa makarating siya sa sakayan ng tricycle. Samantala, pagdali ni Archer kaagad siyang dumiretso sa kubo. "Choleen!" "Choleen!, lumabas ka diyan." Sigaw niya pero walang Choleen na sumasagot. Kaya sinubukan niyang i-check ang mga kubo baka naroon lang si Choleen pero bigo siya. "Bakit ho Senyorito? sino ho hinahanap niyo? "Nakita niyo ba si Choleen?" tanong niya sa hardenero "Naku, ka-aalis lang ho, nagmamadali nga po iyon e dala-dala niya ho ang mga gamit niya." sagot nito sa kaniya. "Shit!, saan naman kaya nagpunta iyon hindi pa naman niya kabisado rito." Dahil sa pag-inis hindi niya mapigilang mag-alala sa dalaga. Ano na lang ang sasabihin sa kaniya ni Martha na pinabayaan niya ang pamangkin nito. Para na rin niyang sinabi na wala siyang utang na loob sa taong nag-alaga sa kaniya mula noong bata pa lang siya. Napahilot si Archer sa sentido niya habang binabaybay ang daan kung saan posibleng dumaan si Choleen. Halos kalahating oras na siyang bumabyahe pero ni anino ng dalaga ay wala siyang nakita. Kaya napagdesisyonan niyang dumiretso na sa Miera Grande dahil doon lang ang posibleng puntahan ni Choleen dahil naroon naman ang tiyahin nito. "Nay Martha!" umalingawngaw sa buong mansyon ang boses niya. "Nay Martha!," "Senyorito, bakit po?" dali-daling lumabas si Aling Martha mula sa kusina. "Nay, umuwi po ba si Choleen dito?" "Aba'y hindi, bakit? Wala ba roon sa Siera? Teka may nangyare po ba Senyorito?" Puno ng pag-aalala ang boses ni Aling Martha. Kilala niya ang pamangkin. Kung noon ngang nasa bahay lang ito ay madalas ng tumatakas para sumama sa barkada. Iniisip na agad ni Aling Martha na marahil ay tumakas na naman ang pamangkin kaya ito hinanap sa kaniya ni Archer. "Sinama ko po kasi siya kagabi sa isang party ng mga kaibigan kong business owners din. Kaso naiwan ko siya dahil kinausap ko muna ang uncle ni Steff, napasarap ang usap namin napainom na rin kaya nalasing ako sa kotse na ako nakatulog. Habang si Choleen naiwan sa Vip room. Napagsalitaan ng hindi maganda kasi sinabihan ko na siya bago paman kami pumunta sa party na kahit anong mangyare ay huwag siyang lalayo sa tabi ko. Hindi pala siya sumunod sa'kin kaya naiwan ko siya. Nainis rin yata siya kaya sinagot-sagot niya ako nauna nga siyang umalis at hindi na sumabay sa'kin. Pero pagdating ko sa Siera ay wala na siya roon pati mga gamit niya kaya iniisip kong baka dumiretso dito." paliwanag niya kay Aling Martha. Ayaw niyang mag-alala lalo ang matanda kaya sinabi na niya lahat kung ano ang nangyare. "Nasaan na kaya ang batang iyon? Hindi na talaga nagtino kahit kailan sakit talaga siya sa ulo."inis na wika ni Aling Martha. "Ang mabuti pa Nay, umuwi na muna kayo subukan niyong tingnan baka doon umuwi si Choleen. Balitaan niyo na lang po ako. Kailan ko muna bumalik sa Siera darating mamaya ang mga investors ko hindi pwedeng wala ako roon." "Sige po Senyorito, ako na po ang bahala. Pasensya na rin po sa inasal ng pamangkin ko." "Huwag niyo na isipin iyon Nay ang mahalaga sa ngayon mahanap natin si Choleen." Kahit sabihin ng iba na masungit si Archer pero ang hindi alam ng iba ay may malambot din naman siyang puso. Napalaki siya ni Aling Martha ng may malawak na pang-unawa. Iyon nga lang mukhang hindi niya iyon naituro kay Choleen kasi kahit anong gawin ni Aling Martha hindi talaga maalis kay Choleen ang pagiging pasaway.Pasado alas syete na nang gabi pero nasa daan pa rin si Choleen, bus lang ang sinakyan niya naghintay pa kasi siya ng halos dalawang oras bago makasakay. Last trip na rin iyon dahil hanggang alas syete lang ang huling byahe patungong Bario del Rosario. Hindi na siya bumalik sa Miera Grande dahil alam niyang mahahanap rin siya ni Archer doon. Nasisiguro niyang sa mga oras na ito alam na rin ng tiyahin niya ang ginawa niyang paglalayas.Saka na lang siya magpapaliwanag ang mahalaga sa kaniya ngayon ay ang makarating sa bahay nila.Wala na siyang pakialam kung mawalan man siya ng trabaho maghahanap na lang siya ng iba kung gusto talaga ng tiyahin niya na mag-trabaho siya. Basta huwag lang siyang pabalikin sa mansiyon o kahit saan na kasama si Archer.Alas nwebe na siya nakarating sa bahay nila, napansin niyang bukas na ang ilaw sa bahay nila. Huminga muna siya ng malalim saka binuksan ang pinto. Sumalubong sa kaniya ang hindi maipintang mukha ng tiyahin."Ano na naman ba itong ginawa mo
Napahilot na lang sa kaniyang sintido si Archer matapos makatanggap ng tawag mula kay Aling Martha na nasa bahay nila si Choleen at nakauwi naman raw ito ng ligtas. Isasama nito ang dalaga pabalik ng mansyon. Kung hindi lang dahil kay Aling Martha ay wala na talaga siyangh balak pabalikin si Choleen sa mansyon. Pero sa kabilang banda ayaw rin niya tanggalin ito, hindi niya alam kung bakit. Siguro ay naaawa siya dahil ayon kay Aling Martha, sakit sa ulo ang pamangkin. Kaya niya ito pinilit na ipasok sa mansyon para matuto ng gawaing bahay at para ilayo sa impluwensya ng barkada na walang ibang ginawa kun'di ang gumawa ng gulo. Huling nalaman ni Aling Martha ay sumali ito sa riot sa perya sa kabilang bayan.Naiintindihan niya si Aling Martha dahil ito ang nagpalaki sa kaniya, gusto lang nito tulungan ang pamangkin. Kaya kahit labag sa loob niya mas naaawa naman siya kay Aling Martha kung mapapabayaan nito ang pamangkin. Ulila na kasi ito sa magulang, isa rin sa dahilan ni Archer ay an
( Flashback 3 years ago )Pahiga na si Choleen nang tumunog ang cellphone niya. Nakatanggap siya ng text sa isang kaibigan na si Thalia."Hoy! Gaga nasa'n kana? akala ko ba gagawa ka muna ng assignment bakit hindi kana nagre-reply sa mga text namin. Kanina pa kami dito sa bar."Napatampal si Choleen sa noo niya nang makalimutan niya na schedule pala nila sa bar ngayon.Estudyate sa araw, entertainer sa gabi. Ito ang trabaho niya na lingid sa kaalaman ng mga magulang niya. Wala naman talaga sa plano niya ang pasukin ang ga'ong trabaho. Ayaw niya lang maging pabigat sa mga magulang niya. Nahihiya naman siya humingi ng pera para ipambili ng luho na gusto niya dahil alam niyang sapat lang ang kinikita nito sakto lang sa pang-araw-araw nila at sa pang-tuition niya. Nag-iisang anak lang kasi siya kaya kahit mahirapan ang magulang niya ay ginagawa nito ang lahat matustusan lang ang pag-aaral niya."Shit! sorry nakalimutan ko, nawala talaga sa isip ko schedule ngayon ang dami ko kasing scho
( Flashback 3 years ago )Abala si Choleen sa pag-aayos sa sarili niya matapos ang last set nila. Nang biglang pumasok ang Boss nila."Girls, girls, listen may napili na ang mga vvip."Kinabhan bigla si Choleen ng marinig iyon, nae-excite din siya kasi kung sakaling mapili siya ay ito ang unang beses na magkakaroon siya ng vvip customer."Tatlo ang vvip na nasa vip room that means tatlo sainyo ang mapipili. For vip room 1, Denisse. For room vip 2, Thalia. And last but not the least for room vip 3, Choleen."Gulat niyang nilingon ang boss niya nang banggitin nito ang pangalan niya."Oh my god! teh napili tayo narinig mo iyon?" nagtitili na baling sa kaniya ni Thalia."Narinig ko ano ba! nagugusot na suot ko.""Sorry naman sobrang saya lang e 'to naman ang kj.""Tama na iyan, puntahan niyo na mga customer niyo, basta galingan niyo, chance niyo na'to.""Yes boss." Tinapos muna niya ang pag-aayos para hindi naman siya mapahiya sa customer. Syempre ibang ayos ang gagawin niya vvip custome
( Flashback 3 years ago )Nagising si Choleen na sobrang bigat ng katawan niya nang tingnan niya ang oras pasado alas dose na ng tanghali. Kahit pagod at antok pa ay kailangan niyang bumangon dahil may pasok pa siya at kailangan niya pa mag-review para sa darating na exam nila sa susunod na araw.Paglabas niya ng kwarto ay wala na ang magulang niya, maaga kasi umaalis mga magulang niya para magtungo sa palengke. May pwesto sila doon maayos naman ang kinikita ng mga magulang niya pero gusto niya na kasi huminto na ang mga ito sa paghahanap buhay at siya nalang ang bahala kaya kahit alam niyang madumi ang trabahong pinasukan niya pero ito lang ang alam niyang madali siyang kikita at makakaipon.Tinamad na siyang magluto pumunta nalang siya sa bahay ng Tiyang Martha niya."Ikaw talagang bata ka mahaba pa naman oras mo bakit hindi ka nagluto r'on? wala bang iniwan sa'yong pagkain ang mga magulang mo?""Pupunta ba ako rito Tyang kung meron, Saka mas gusto ko luto niyo.""Ay sus nangbola k
( Flashback 3 years ago )Nasa kalagitnaan ng exam si Choleen nang biglang sumugod sa eskwelahan nila ang pinsan niyang si Karen. Hingal na hingal ito kaya nagulat siya."Excuse me po, maaari po bang ma-excuse si Choleen emergency lang po." paalam ng pinsan niya sa guro nila.Kaagad naman siyang tumayo at nilapitan ang pinsan."Karen? Anong nangyare? Bakit ka nandito?" sunod-sunod niyang tanong ."Choleen, sila tita sinugod sa hospital. Halika na, kailangan ka nila ngayon." "Ma'm sorry po kailangan ko na pong umalis nasa hospital po mga magulang ko." hindi na niya hinintay na sumagot ang guro niya at patakbong lumabas sa room nila.Hindi masabi ng pinsan niya ang totoong nangyare, inutusan lang kasi ito ng Tyang Martha niya na sunduin siya.Hindi malaman ni Choleen anong mararamdaman niya sa mga oras na iyon. Kinakabahan na natatakot, pinilit niya ang sarili na huwag umiyak panay dasal lang siya habang nasa byahe sila papuntang hospital."Karen ano ba talaga ang nangyare? Sabihin mo
( Flashback 3 years ago )Matapos ang libing ng mga magulang ni Choleen, saka pinagtapad ni Aling Martha sa kaniya ang tungkol sa batang nawala sa sinapupunan niya.Tulalang nakaupo si Choleen sa labas ng bahay nila. Kaagad siyang nilapitan ni Aling Martha. "Pwede ba kitang maka-usap?""Sige po, tungko po saan Tyang?""Gusto ko lang itanong kung nagkaroon ka ba ng nobyo?"Kunot-noo niyang nilingon ang Tyahin."Bakit niyo po natanong tyang, tungkol saan po ba ito?"Huminga muna ng malalim si Aling Martha saka deretsong nakatingin sa mata ni Choleen."Alam mo bang nakunan ka? n'ong araw na nalaman mong nawala ang magulang mo. Matapos ko sabihin sa'yo na wala na ang mga magulang mo nahimatay ka. Nagulat kami kung bakit ka dinugo, at sinabi ng doctor na nakunan ka, isang buwan pa lang ang pinagbubuntis mo ng mga panahon na iyon."Napatakip si Choleen sa bibig niya sa sinabi ng tyahin niya.Hindi niya alam paano sasabihin sa tyahin niya na isa siyang entertainer sa bar, at nagbebenta ng l
( Flashback 3 years ago )Mula ng ipagtapad ni Aling Martha ang tungkol sa batang pinagbubuntis ni Choleen na nawala at sa rebelasyon nitong pagbebenta ng laman sa mga dayuhan at vip customer sa isang bar ay hindi na naging madali para kay Aling Martha ang responsibilidad na naiwan ng magulang ng pamangkin niya sa kaniya.Halos minu-minuto niya itong kinakamusta. Hindi na kasi pu-puwedeng humiling pa siya ng extension sa kaniyang pagle-leave sa trabaho dahil naubos na ang ipon niya at kailangan niya ulit pag-ipunan ang pang-enrollment ni Choleen para sa susunod na pasukan. Nangako siya sa puntod ng mga magulang nito na itutuloy ni Choleen ang kaniyang koleheyo at h'wag ng isipin ang bayarin dahil siya na ang bahala roon.Sa unang tatlong buwan ay maayos ang naging kalagayan ni Choleen dahil tuwing sabado at linggo naman si Aling Martha kung umuwi sa kanila. Pinapasuyo niya rin sa ibang mga kapatid niya na tingnan at dalawin si Choleen. Doon niya na kasi sa bahay niya nakatira ang pama
Kaagad na pumwesto si Choleen sa gilid katabi ng upuan ni Maggie. Kapag tinawag na ang pangalan ni Maggie saka lang ito aakyat sa mini stage na ginawa ng agency para sa mga guest speaker. In behalf of Archer ay si Maggie ang mag-oorient sa mga maa-assign sa Siera Grande Hotel.Gaya ng sabi ni Maggie ay kailangan makinig ni Choleen para may idea siya kapag nag-open na ang Hotel. In less than two months ay mag-oopen na ang hotel officially. Kaya minadali nila ang paghi-hire ng mga trabahante para mapaghandaan ang nalalapit na re-opening ng Hotel. Sakto din na uuwi ang mga magulang ni Archer pati iba niyang mga kapatid. Isasabay sa opening ng Hotel ang kaawaran ng namayapa nilang kapatid na si Siera. "Maggie, kailangan ba talaga akong sumali dito pwede mo naman bigay nalang sa'kin mamaya 'yang papel para basahin ko nalang.""Bakit ba? diyan ka lang ah! binilan ka sa'kin ni Sir, saka kahit basahin mo itong nasa papel hindi mo pa rin maiintindihan kasi kailangan ko pa itong e-explain isa-
Ayaw naman talaga sumama ni Choleen mas gusto pa niya maglinis na lamang ng kubo kaysa makasama ang amo niya lalo na si Maggie na panay pang-aasar lang ginagawa sa kaniya. Kaso hindi naman siyang pwedeng humindi sino ba siya para hindian ang amo niya. "Choleen oh, chips baka mapanis 'yang laway mo diyan ang tahimik mo kasi." ani Maggie sabay abot sa kaniya ng pagkain.Kinuha nalang niya ito at di na nagsalita ba baka kapag nagsalita siya ay abutin na naman sila ng syam-syam bago matapos mag-usap. "Ah, sir tapos na po ang hiring para sa mga magiging staff at maids niyo sa hotel. Kailangan nalang po ng orientation para makakuha na sila ng requirements. Required po sa agency na makipag-usap kayo sa mga bagong hire. Para makilala din nila kayo pero if ayaw niyo naman humarap sa kanila, pwede naman po ako nalang ang kakausap kung okay lang sa inyo?" narinig niyang sabi ni Maggie kay Archer.Nakikinig lang siya sa pag-uusap ng dalawa habang ngumunguya ng chips na binigay ni Maggie."Ikaw
Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Choleen, binabangungot na naman siya. Hindi niya talaga malaman kung bakit may mga napapaginipan siyang mga kakaiba, na para bang nangyare na sa kaniya noon. Pero hindi niya talaga maintindihan. May napapaginipan siyang nag-sasayaw siya sa maraming tao nang nakahubad, salawal lang ang nakatakip sa katawan. Mayroon ding nakikipag-talik siya sa isang lalaki na hindi niya maaninag ang mukha. Pilit niyang inaalala kung nangyare ba talaga iyon, ginawa niya ba talaga iyon. Ang huli niya lang natatandaan ay nasa hospital siya, nagising nalang siya isang araw na madami ng nakakabit na mga aparato sa katawan niya. Ang kwento ng Tiyang Martha niya ay hindi niya matanggap ang nangyare sa mga magulang niya kaya pinagtangkaan din niyang tapusin na lang ang buhay niya at sumunod sa mga magulang. Sinabi rin sa kaniya na nagkaroon siya ng PSTD kaya kailangan niyang ituloy ang pagpapagamot. Nag-overdose siya ng mga gamot kaya nahospital siya. Hanggang doon lan
"Sir ang kulet ng bago niyong katulong ah, infairness bet ko siya ang bait." narinig niyang sabi ni Maggie nang bubuksan na sana niya ang pinto. "Oh! bakit sumama bigla ang mukha niyo?" muling nagsalita si MaggieNagdesisyon siyang pakinggan ang pinag-uusapan ng amo niya at ni Maggie baka mamaya ay may masamang sabihin ang amo niya laban sa kaniya."Huwag ka muna mamangha sa ugali niya hindi mo pa siya kilala, ilang minuto mo pa lang siyang nakakausap. Baka sa susunod na araw kainin mo iyang sinabi mo."Gusto ng suntukin ni Choleen ang pinto dahil sa sinabi ng amo niya. Tama nga ang hinala niya wala talagang magandang sasabihin ang amo niya patungkol sa kaniya. 'Masyado kang judgemental Senyorito, tingnan lang natin kung kaninong salita ang kakainin mo.'Habang nakikinig sa dalawa. Minumura naman niya ang amo sa isip niya. Sinarili nalang muna niya ang inis niya, nakakahiya sa bisita kung papatulan niya ang amo niya. Ayaw ng isipin ni Maggie ng tama ang mga sinasabi ni Archer pa
"Hi? Ikaw ba si Choleen?" napalingon siya nang may biglang magsalita."Ha? ah oo ako nga? Ano po kailangan nila?""I'm Maggie, secretary ni Sir Archer, ang sabi kasi ni sir ito raw ang magiging kwarto ko habang nandito ako pansamantala."Tinitigan niya ang babaeng kausap, sinuri niyang maigi ang kabuuan nito. Sinigurado niyang secretary ba talaga ito ng amo niya. Mahirap na baka nagpapanggap lang ito at baka isa ito sa mga babae ng amo niya."Ikaw talaga ang secretary ni Senyorito? Hindi ka niya babae o jowa?"Kumunot ang noo niya ng bigla itong tumawa ng malakas. Hindi niya inaasahan iyon kaya gan'on nalang ang gulat niya."Sorry hindi ko sinasadyang tumawa. Alam mo expected ko na talaga 'to! hindi na bago sa'kin ang ganiyang tanong."Napangiwi na lang siya sa naging sagot ng babae sa kaniya."Feeling ko magkakasundo tayo Choleen ang kulit ng tanong mo ah! ang witty mo d'on.""Ewan ko sa'yo, oh siya pumasok kana. Mabuti na lang at tapos na akong maglinis. Ayos ang dating mo saktong
( Present Time )Nagising si Choleen sa lakas ng pagkatok sa pinto ng kwarto niya. Pumipikit pa ang mga mata niya habang dahan-dahang bumabangon. Nang tingnan niya ang oras mag-aalas singko pa lang ng umaga.Antok na antok pa siya ng buksan niya ang pinto. Tumambad sa harap niya si Archer na nangangamoy alak at lasing na lasing."Senyorito, naka-inom po ba kayo? amoy alak kayo?""Malamang, stupid! may amoy alak ba na hindi uminom?!" Huminga ng malalim si Choleen, ayaw niya makipagtalo sa amo. "Ano po ang kailangan niyo?""Ipagluto mo ako ng sabaw, saka pakikuha ako ng damit.""Sige po, magbibihis lang po muna ako." Nakapangtulog pa kasi siya at ayaw niyang lumabas ng naka-gan'on. Masyadong manipis ang suot niyang damit mabuti at madilim hindi kita ng amo niya ang kabuuan niya wala pa naman siyang suot na bra."Huwag kana magbihis dalawa lang naman tayong nandito.""Kahit na po, saglit lang po ito."Kaagad siyang tumakbo papuntang banyo. Iniwan niya si Archer na naka-sandal sa pinto
( Flashback 3 years ago )Mula ng ipagtapad ni Aling Martha ang tungkol sa batang pinagbubuntis ni Choleen na nawala at sa rebelasyon nitong pagbebenta ng laman sa mga dayuhan at vip customer sa isang bar ay hindi na naging madali para kay Aling Martha ang responsibilidad na naiwan ng magulang ng pamangkin niya sa kaniya.Halos minu-minuto niya itong kinakamusta. Hindi na kasi pu-puwedeng humiling pa siya ng extension sa kaniyang pagle-leave sa trabaho dahil naubos na ang ipon niya at kailangan niya ulit pag-ipunan ang pang-enrollment ni Choleen para sa susunod na pasukan. Nangako siya sa puntod ng mga magulang nito na itutuloy ni Choleen ang kaniyang koleheyo at h'wag ng isipin ang bayarin dahil siya na ang bahala roon.Sa unang tatlong buwan ay maayos ang naging kalagayan ni Choleen dahil tuwing sabado at linggo naman si Aling Martha kung umuwi sa kanila. Pinapasuyo niya rin sa ibang mga kapatid niya na tingnan at dalawin si Choleen. Doon niya na kasi sa bahay niya nakatira ang pama
( Flashback 3 years ago )Matapos ang libing ng mga magulang ni Choleen, saka pinagtapad ni Aling Martha sa kaniya ang tungkol sa batang nawala sa sinapupunan niya.Tulalang nakaupo si Choleen sa labas ng bahay nila. Kaagad siyang nilapitan ni Aling Martha. "Pwede ba kitang maka-usap?""Sige po, tungko po saan Tyang?""Gusto ko lang itanong kung nagkaroon ka ba ng nobyo?"Kunot-noo niyang nilingon ang Tyahin."Bakit niyo po natanong tyang, tungkol saan po ba ito?"Huminga muna ng malalim si Aling Martha saka deretsong nakatingin sa mata ni Choleen."Alam mo bang nakunan ka? n'ong araw na nalaman mong nawala ang magulang mo. Matapos ko sabihin sa'yo na wala na ang mga magulang mo nahimatay ka. Nagulat kami kung bakit ka dinugo, at sinabi ng doctor na nakunan ka, isang buwan pa lang ang pinagbubuntis mo ng mga panahon na iyon."Napatakip si Choleen sa bibig niya sa sinabi ng tyahin niya.Hindi niya alam paano sasabihin sa tyahin niya na isa siyang entertainer sa bar, at nagbebenta ng l
( Flashback 3 years ago )Nasa kalagitnaan ng exam si Choleen nang biglang sumugod sa eskwelahan nila ang pinsan niyang si Karen. Hingal na hingal ito kaya nagulat siya."Excuse me po, maaari po bang ma-excuse si Choleen emergency lang po." paalam ng pinsan niya sa guro nila.Kaagad naman siyang tumayo at nilapitan ang pinsan."Karen? Anong nangyare? Bakit ka nandito?" sunod-sunod niyang tanong ."Choleen, sila tita sinugod sa hospital. Halika na, kailangan ka nila ngayon." "Ma'm sorry po kailangan ko na pong umalis nasa hospital po mga magulang ko." hindi na niya hinintay na sumagot ang guro niya at patakbong lumabas sa room nila.Hindi masabi ng pinsan niya ang totoong nangyare, inutusan lang kasi ito ng Tyang Martha niya na sunduin siya.Hindi malaman ni Choleen anong mararamdaman niya sa mga oras na iyon. Kinakabahan na natatakot, pinilit niya ang sarili na huwag umiyak panay dasal lang siya habang nasa byahe sila papuntang hospital."Karen ano ba talaga ang nangyare? Sabihin mo