Share

Chapter 2

Napakurap ako nang kurutin ni Andrea ang braso ko. "Bilisan mo, mommy! Ipapakilala kita sa bago kong friend!"

My eyes met his, and then he glanced towards my daughter. There, for a moment, a flicker of anguish crossed his face—A very deep feeling. 

"Hello, Mr. Handsome! Siya ang mommy na sinasabi ko sayo. Ang ganda niya, hindi ba? Please, say hi!" Andrea exclaimed.

Russell smiled, his large hand gently patting Andrea's head, an unexpected tenderness in the gesture. He looked at me. I recoiled, my body aching with the venomous feeling I had towards him.

Galit ako. Galit na galit ako sa kanya. Gusto ko siyang sampalin para mailabas ang galit ko, pero hindi sa harapan ng anak ko. Ayaw kong malaman ni Andrea na ang daddy ang totoo. Ayaw ko siya masaktan.

"Hi...." I heard, his tone was polite, but the tension crackled between us.

He crouched, meeting Andrea's eyes. Her smile widened, dimples showing, pure joy radiating from her. Her happiness made me uneasy.

I grabbed her arm, pulling her close. Tumingala siya at kumunot ang noo sa ginawa ko.

"Y-You... have a beautiful daughter,” he said, and his deep voice ran down my spine. He looked tired and rather sad, like a man who has to endure something dreadful which he dares not discuss.

'Stay calm,' I warned myself.

"Alam ko," tipid kong sagot, ayaw ko siya makausap.

He made a gesture as if he had more to add, but spoke only a loud, angered sigh. There was a weight in that breath, but the feeling was not given any attention.

"Mommy, siya ang sinabi ko sayo. Bagay na bagay kayo—"

"Andrea!" suway ko sa anak ko at hindi pinatapos ang sasabihin niya. Napayuko si Andrea at bumakas ang lungkot sa mga mata, kaya inagapan ko. "Ano ka ba... nakakahiya kay... kay Mr. Handsome ang mga sinasabi mo."

"No... it's okay," bulalas ni Russell, ang mga mata ay nakatitig kay Andrea na parang bang pinag-aaralan ang bawat detalye.

"I told you, mommy, he's nice!" Hagikhik ni Andrea at bumalik ang sigla sa mga mata. "Mr. Handsome, will you marry my mommy?"

My heart lost its beat. Something like a painful knot twisted in my belly, the heavy feelings of the pain and heartache I bore. Andrea had not meant any harm, that was a simple question she had asked, yet it had made me feel something that I never wanted to feel again. But I tried to remain calm and composed to go through this quite unforeseen situation.

Kung alam lang ni Andrea na siya ang totoong daddy niya at ang dati kong asawa... pati na rin ang mga ginawa ng daddy niya ay hindi niya gugustuhin pa na maging ama ito.

Russell blinked, then let out a gentle laugh while running his fingers through her hair. “Kasal na ako, Didi... I can’t marry your mom.” My fists clenched. I glared at him as he added, now looking at me, "But I can be your mom's friend if you want."

"Hindi," mabilis kong tutol, marahas iyon. "Hindi ko kailangan ng kaibigan," I continued, letting him see the fire in my eyes. Even Andrea noticed my rage. His mouth tightened, hesitating to speak. I grabbed Andrea's arm, pulling her away without looking back. 

From the corner of my eye, I saw Andrea turn, confused but silent.

Dalawang araw ang nakalipas pero hindi pa rin ako mapakali sa biglaang pagkikita namin ni Russell. Hindi ako handa na makita siya ulit. Nang iwan ko siya noon ay hindi ko na isip pa na magkikita kami. Wala akong balak magpakita muli. At sa tinagal-tagal ng panahon, bakit ngayon pa? Ngayon pa na tahimik na ang buhay namin...

"Talaga, mommy? Pwede na tayo umuwi?" nagtatatalon sa tuwang tanong ni Andrea.

Nakangiti akong tumango. "Oo, anak. Makakauwi na tayo sa bahay."

At dahil napurnada ang pera na dapat ibibigay sa akin ng lalaking dapat ka-one night stand ko ay kinailangan ko pa hintayin ang sahod ni Kenny, para makahiram ng pera pandagdag sa hospital bills ni Andrea. Mabuti na lang din at may nagbayad sa kanya ng utang kaya napahiram niya ako.

“Diyan ka lang, huwag kang aalis! Pupunta lang si mommy sa payment section,” utos ko sa kanya. Hindi ko maatim na iwan ulit si Andrea, natatakot na maulit ang nangyari kahapon.

Hindi maganda na magkita ulit sila ni Russell. Alam kong alam ni Russell na si Andrea ang anak namin at tiyak akong babalikan niya kami at magpapakita ulit sa amin. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba o sadyang hinanap niya kami. Pero isa lang ang tiyak ko. Walang siyang maidudulot na maganda kay Andrea.

Habang nakapila ako sa payment counter at hinihintay na ako na ang magbabayad ay palinga-linga ako kung saan si Andrea. Ayaw ko siya malingat sa paningin ko.

"Andrea Rodriguez... Ma'am, fully paid na po ang lahat ng bills sa ospital. Pwede na ninyong iuwi ang inyong anak,” sabi ng staff.

"A-Ano...?" Napakunot-noo ako sa gulat. Paano nangyari iyon? Wala pa akong binabayaran. "Ms. wala pa akong binabayad, baka nagkamali lang kayo? Pwede paki-check ulit?"

"Ma'am, tama po ang nasa record... fully paid na ang pasenyete kagabi pa."

“Sino ang nagbayad? Pwede ko bang makita ang ID niya?” tanong ko at mas lumapit pa sa counter para makita.

“Pasensya na po, ma’am, ayaw ipasabi ng nagbayad. Pasensya !a,” sagot ng nurse, lalo pang pinalalim ang kunot sa aking noo. 

Wala na akong nagawa kundi ang umalis na sa pila dahil para pang nasa hulihan. Tulala ako habang naglalakad pabalik kung nasaan si Andrea at may kung ano ang tumatakbo sa isip ko.

Si Russell... Siguro ako na si Russell ang nagbayad ng hospital bills ni Andrea. Walang ibang gagawa non kundi siya lang...

"Uuwi na tayo, mommy?" tanong ulit ni Andrea, tipid na tango lang ang isinagot ko.

Bumalik kami sa hospital room ni Andrea at nagsimulang ihanda ang mga gamit niya. 

“Andrea...” nanginginig ang boses ko. Tiningnan ko siya, nakakunot ang noo; bumaling siya sa akin, unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha nang makita ang ekspresyon ko. “Huwag na huwag kang makikipag-usap sa mga hindi mo kilala,” mahigpit kong sabi, at hindi ko namalayang madiin kong hinawakan ang balikat niya. Nanlaki ang mata ni Nana, nanginginig ang kanyang labi, at tila namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Itinaas ko ang daliri ko sa mukha niya, nakakunot ang noo.

Ito ang unang beses na naging ganito ako kahigpit sa kanya. Bahagyang nanginig si Andrea, hudyat na nauunawaan niya ang sinabi ko, at may halong takot.

Nang makauwi kami sa bahay ay tahimik pa rin lang ako, hindi masyado nagsasalita at napansin iyon ng anak ko.

Andrea seemed to realize something. The innocent question from her had caught me off guard. "Mommy, are you alright?"

"Oo naman, anak..." pangsisinungaling ko, per ang totoo ay hindi talaga ako mapakali.

"Was there some trouble between you and Mr. Handsome? Do you know him?” she inquired while placing her small hand on mine and holding it gently as if seeking consolation.

Mabilis akong umiling at umiwas ng tingin sa janya. "W-Wala... Ano ba namang tanong yan, anak. Ngayon ko nga lang nakilala yang... Mr. Handsome na yan," I answered, frowning and my voice barely steady.

"But... mommy, I noticed your interactions with him. Your eyes showed deep anger... Hatred," she said, hitting the mark perfectly, causing my body to freeze momentarily. Minsan ay hindi ko talaga nagugustuhan ang pagiging matalino at mapagmasid niya. Lahat na lang ay napapansin niya. Wala kang pwedeng itago.

"Andrea, hindi ba't sinabi ko na sayo na wala. Bakit naman ako magagalit sa kanya?" medyo inis ko na rin na sabi, mataas ang boses.

Andrea looked like she wanted to say something else, but I quickly interjected.

"Gabi na. Bawal sayo ang magpuyat, matulog ka na. Pumunta ka roon sa banyo at maghilamos ng mukha mo."

My daughter Nknew that when I was firm, it meant no arguments. Kaya naman mabilis siyang umalis sa kama at naglakad papunta sa banyo.

Pagkatapos niya maghilamos ay ipinagtimpla ko siya ng gatas, at pinatulog na. She was already sleeping soundly in my embrace. I released her and sat up, feeling an unease settle in my chest. 

My gaze was heavy with sorrow and apprehension. The sudden reappearance of that man, his presence lurking in the shadows of this city, sent a shiver of fear down my spine.

Kung sinadya niya nga na pumunta rito... Bakit? Kukunin niya ba si Andrea sa akin?

I clutched my daughter's hand, the intensity of my grip creasing her forehead. Recognizing the tremble in my own hands, I softened my hold. 

The weight of my fear grew, suffocating me in its grip.

Kung iyon nga ang pakay niya rito ay magkakamatayan muna kami, bago niya makuha si Andrea. Hindi niya kami pinahalagahan noon kaya wala siyang karapatan sa anak ko ngayon.

Nakuha ko nang lumayo sa kanya noon at hindi ako magdadalawang-isip na lumayo ulit sa oras na malaman ko na may balak siyang kunin sa akin ang anak ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status